Chapter 26: Annoying Morning
Stellar Academy
A School of Magic
By: JeRein_14
✴✴✴
Chapter 26: Annoying Morning
Alli's POV
Tulad ng inaasahan ko, pinahirapan nga ko ng devil na yun kahapon. Tsh. He kept attacking me with fireballs every chance he got. Ilang beses na kong kamuntik-muntikan matusta. Bwisit na lalaking yun! Urgh! Once i get the hang of my ability, i'll make sure to have my revenge! Lulunurin ko talaga siya sa kumukulong tubig! I'll make him pay for every burn and bruise he gave me!
Sunday na but that doesn't mean ligtas na ko. I still have to train with Zayne, yet again. Napapaisip na lang talaga ako. Sana pala hindi ko na lang tinanggap yung favor na yun. Edi sana hindi ako hinahabol ng mga violent fangirls niya at sana nakakapagpahinga pa ko kahit papano. That guy just keeps on pushing me past my limits! Hindi ko na alam kung part pa ba yun ng training o talagang may galit siya sakin.
Maaga ako nagising ngayon. Around 6:30 na. Nagbihis ako at nag-ayos ng kaunti. Now, i was wearing a white long sleeved sweater, denim fitted jeans and a black 'n white converse.
Maya-maya na lang ako mag-aalmusal. Siguro sa Cafeteria na lang. During weekends, 7 am ito nagbubukas. Maaga pa kaya napagdesisyunan kong maglibot-libot muna dito sa campus. I still haven't had the opportunity to do since ang daming nangyari simula nung dumating ako dito. Aish. Never did i had a peaceful time here in the Academy. Napaisip tuloy ako. Nakakamiss pala yung mga dull at boring moments nung nasa dati ko pa kong school. Yung aattend sa normal na klase, tatambay sa library at kakain sa labas kasama yung mga kaibigan ko. Speaking of which, never ko na ulit sila nakausap. It's not like they lost contact. Actually, it's the opposite. Nakakatanggap pa rin ako ng occasional na tawag, text at message mula sa kanila. Ako lang talaga tong hindi sumasagot. It's not like na ayoko. Trust me, gustong-gusto ko makipag-ayos. Ang tagal rin kasi ng pinagsamahan namin. Halos 3 years din. Ayoko lang kasi silang madamay pa sa gulong to. I don't want to involve them in this crazy world.
Napabuntong hininga na lang ako. Naupo ako sa isa sa mga bench dito sa garden. Since mainit ang sinag ng araw, i chose the bench that was just under a huge tree para maprotektahan ako ng shade nito mula sa init. Inilabas ko ang phone ko just to pass time. Kakaunti lang ang mga estudyanteng nakikita ko. Iilan nga lang ang nakasalubong ko. Bukod sa maaga pa, weekend rin ngayon kaya panigurado na nagse-sleep in pa ang karamihan. Ang sarap lang sa pakiramdam ang peace and quiet tulad nito. Sana ganito na lang palagi..
Nagpunta ako sa gallery ng phone ko and viewed some random pictures. Puro pictures ng crush kong anime characters at kpop artists ang nandito. May iilang selfies pero bilang mo sa daliri. Meron ding pictures ng aso namin and that's it. Hindi kasi talaga ako mahilig kumuha at mangolekta ng pictures. Sighing, i closed the app and went to facebook instead. Buti na lang may installed na wifi dito sa campus. In spite it being a magic school, hindi naman sila against sa modern technology. They are not forcing us to cut all ties with the mortal world.
Nagpatuloy lang ako sa pagscoscroll sa news feed nung mapansin kong may bago akong notifications. Hindi ako nag atubiling buksan ito.
Cassandra Ysabel Siria and 2 others have birthdays today. Send them good thoughts!
Birthday ni Cassy ngayon? I checked the date on my phone to confirm. Fuckaging tape! Oo nga! Urgh. Ang makakalimutin ko talaga! Paanong nawala sa isip ko?! Every year, the night before Cassy or Faye's birthday, pinipilit kong manatiling gising hanggang 12 am para lang mabati ko sila. It's like a yearly tradition. Ginagawa rin naman nila yun para sa akin. Sa dami ata ng nangyayari sakin, nawala na ito ng tuluyan sa isip ko.
I opened Cassy's facebook account. Nagscroll ako pababa para magbasa saglit ng mga birthday greetings. Despite it being just 8 am, madami-dami na rin ang bumati sa kanya. I clicked the message button and constructed a short message. Target kong gawing maikli pero meaningful. Maiba naman sa malanobelang mga messages ko every year. Sa kalagitnaan ng pagtatype, bigla akong natigilan. Nanigas ang katawan ko at nanlaki ang mga mata.
W-What was i about to do? I almost forgot.. Iniiwasan ko nga pala siya. Bakit ako magpapadala ng birthday message? Agad kong binura yung nakatype na message at pinatay ang phone ko. Grabe yung guilt at lungkot nararamdaman ko. It's been almost two months since i transferred here. Matagal-tagal na rin pala since huli ko silang nakausap. Paniguradong galit na sila sakin. Especially with what happened before i left. Sure akong alam na nila yung nangyari bago ako umalis. Siguro freak at weirdo na rin ang tingin na rin nila sakin.
"Bakit mo binura?"
"Ayy, Shitzu!" Bahagya akong napatalon sa kinauupuan ko nung biglang may bumulong sa may kaliwang tenga ko. Takte. Muntik pa ngang mahulog yung phone ko dahil sa gulat ko. Agad ko siyang nilingon. Simangot naman ang agad kong binungad sa taong to. Kaaga naman nitong mambwisit. Tch. Isabit ko kaya to patiwarik?
"The hell, Zayne? Bakit kailangan mong sumulpot na parang kabute at manggulat? And ever heard of privacy?" Tinaasan niya ko ng kilay. Wow. Siya pa ata ang balak magtaray. Tusukin ko ng karayom yang eyeballs mo eh, tutal mahilig ka rin naman mang-irap.
"Did you know it's rude to answer a question with another question?" He clicked his tongue in disapproval before jumping from the back of the bench to the front. Naupo siya sa tabi ko ng walang sabi-sabi. Inirapan ko na lang siya.
"You know what they say, a question leads to another question. So, don't question a question that was questioned to you to not raise anymore questions that should be questioned to." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Mukhang di niya ko naintindihan. Miski ako, di ko rin na-gets yung sinabi ko.
"What?" Pinukulan niya ko ng nagtatakang tingin habang nagkibit balikat na lang ako.
"Forget it. What are you even doing here at this hour? I didn't peg you as a morning person." Judgemental na kung judgemental pero yun talaga yung tingin ko sa kanya. Yung tipong masungit sa umaga at once in a blue moon lang kung bumangon ng maaga. It's not even 8 am.
"You don't really know me so don't act surprised." True. Di ko nga siya kilala. Ang tanging alam ko lang ata sa kanya ay ang pangalan niya, edad at ang pagiging descendant ni Mars. We're not close kaya hindi ako nageeffort magtanong tungkol sa buhay niya. He's doing the same. Ewan ko ba. Parang may invisible wall sa pagitan naming dalawa. Yung sobrang tayog at may electric fence pa sa tuktok. Sa totoo lang, ilang beses na kong nagtry na kausapin siya ng maayos. Yung normal na conversation na may matinong topic. Pero palagi na lang kami nauuwi sa bangayan. I don't know if it's because our personalities kept on clashing or he's not really even trying. Obvious naman na ayaw niyang makipaglapit o palagayan ng loob sakin. Hindi ako matiyagang tao na maghihintay sa kanya para mag open up. If he doesn't want to be friends, then be it.
"Tsh. Whatever. Mamaya pa ang training natin, di ba? So, please. Stop bothering me and give me this time to relax." Just to emphasize my point, naglabas ako ng ear phones at pinalsak ito sa magkabilang tenga ko. Matapos kong mamili ng tugtog sa phone ko, nagpatuloy ako sa pagscoscroll sa Facebook. Aasa na lang ako na mabobore ang lalaking to at aalis ng kusa. Tch. Sa panahon nga pala ngayon, nasasaktan na lang ang mga umaasa. Instead of leaving like i asked, Zayne removed my right earphone and placed it on his own ear. Aba't talaga naman!
"Just to be clear, ikaw yung nang-istorbo sakin. I was just peacefully sleeping on this tree when your arrival and presence woke me up. Ngayon, sira na yung morning nap ko dahil sayo." He pointed at the very tree na nasa likod lang ng bench. Kaya pala para siyang kabute na sumulpot kanina. He was just up sleeping at a branch.
"Oi! Kasalanan ko ba na dun ka natulog? Sino ka ba? Si tarzan? And didn't i told you to leave me alone?!" Inis kong sabi. Sapilitan ko rin tinanggal yung ear phones na nakapalsak sa tenga niya.
"Tch. Keep your voice down. Di ako bingi." He run a hand through his hair and stood up. Nung akala ko aalis na siya, he suddenly turned around and grabbed my wrist. Dahil sa gulat ko, di na ko nakapalag. Hinayaan ko na lang siya na hatakin ako. Teka...
"Hoy! Saan mo ko dadalhin?!" Nung nagbalik ako sa katinunan, nagsimula na kong manlaban. Pinilit kong bawiin yung kamay ko pero humigpit lang yung pagkakakapit niya. Aish. Ano nanaman ba ang trip ng lalaking to?
"Cafeteria." Ang tipid niyang sagot. Lalo ko lang ito ikinainis. Konti na lang, sasapakin ko na to!
"Ano naman gagawin natin dun?!"
"Magda-date" Ano daw?! Ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko. Binawi ko yung kamay ko sa kanya. Hindi niya siguro inaasahan yun dahil gulat siyang napalingon sakin.
"HOY, ZAYNE! ANONG DATE?! YOU THINK I'D DATE A PERVERTED DEVIL LIKE YOU?!" Sigaw ko. Aware din ako na sobrang pula na ng mukha ko. Buti na lang wala pang tao dito sa hallway kaya safe ako sa mga rumors. Zayne, on the other hand, he was looking at me like i grown two heads.
"..." For seconds, we didn't say anything. Nagsusukatan lang kami ng tingin. More like he was trying not to laugh while i was busy glaring at him. Ano bang nakakatawa?! Mukhang di na nakapagpigil ang isang to. He finally bursted out laughing. Tipong gusto na niyang gumulong sa sahig at halos maluha sa katatawa. Tch. Sana ikamatay niya to! Kapag ito naubusan ng hininga, hinding-hindi ko siya tutulungan!
"Ano ba kasing nakakatawa?!" My patience was running thin. Hindi pa ba to tapos? Kasi baka magdatingan na yung mga estudyante. Nakakahiya! Nung medyo huminahon na siya, he finally answered.
"You really thought I was serious-"
"Don't you dare say it!" Pagputol ko sa sasabihin niya. My face was probably red by now.
"We're just going to eat breakfast, stupid." Pagka-clarify niya. Napaiwas ma lang ako ng tingin nung nakita ko siyang ngumiti ng nakakaloko.
"Tch. Whatever. Tara na nga lang kasi" gusto ko ng matunaw sa kahihiyan! Ano ba kasi yung iniisip ko?! Nauna na lang akong maglakad since nabobother na talaga ako sa presence niya.
"Again. I'm sorry to say, Arissa. You're not really my type." Pahabol niyang sabi. Napatigil ako sa paglalakad at mabilis siyang nilingon. Nandun pa rin siya, nakatayo at nakapamulsa. Nakangisi rin siya. Aba't sumusobra na to! Psh! Humanda talaga tong devil na to sakin! Hahanap talaga ako ng paraan para gumanti sa kanya!
∞★♛★∞
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top