Chapter 2: The Letter
Stellar Academy
A School of Magic
By: JeRein_14
✴ ✴ ✴
Chapter 2: The Letter
Alli's POV
"Miss, may dumating pong sulat para sayo." Sabi ni Yaya pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ko. May dala rin siyang tray ng pagkain na hinala ko ay para sakin. Well, obviously. Alangan namang sa aso namin, di ba?
"Thank you, Yaya." Sabi ko sabay balik ang attensyon ko sa librong hawak ko. Monday ngayon. And like the past week, wala pa rin akong balak pumasok. Natatakot pa rin ako..
"Tawagan niyo na lang po ako kung may kailangan pa po kayo." Lumabas na siya matapos nun. Napabuntong hininga na lang ako habang tinitinggnan yung tray ng pagkain na iniwan niya. Sinigang, rice at apple juice. Paborito ko yun. Pero tulad nitong mga nakaraang araw, wala pa rin akong gana kumain.
It's been almost a week since nangyari yung sa school. Simula nun, hindi na muna ko pumasok. Natatakot pa ko. Ilang daang beses na kong nakatanggap ng tawag mula kina Cassy at Faye pero di ko sila sinasagot. Mahirap na. Baka madamay pa sila. Mabuti na ang wala silang alam. Though, imposibleng hindi nila alam ang nangyari. For sure, no. 1 topic ako sa school matapos ng nangyari.
Hindi ako takot sa sasabihin nila or na baka saktan nila ko. Ang kinakatakot ko ay yung makitang takot sila sakin. Yung tipong parang halimaw ako sa paninggin nila. I don't usually give a crap of whatever people say about me. Pero not in this case. Baka kasi paniwalaan ko sila. Na baka nga monster or witch ako.
I sighed in irritation. Ayoko nito! Feeling ko kasi hindi ko na kilala yung sarili ko! I just want to know what i'am or if i even belong in this world! Gusto ko makilala yung sarili ko!
Ganun na lang ang gulat ko nung nakita kong magbigay ng asul na liwanag yung sulat na nakapatong sa bedside table ko. Teka? Sulat? Yung letter na sinasabi ni Yaya kanina? Nanlaki yung mata ko nung makita kong maglow ito na mistulang may asul na aura. Ang sulat ay nakalagay sa kulay yellowish brown na sobre. May linings or outlines itong gold at yung seal niya ay isang bilog na may nakaemboss na 'SA' na eleganteng nakasulat. Sosyal naman ata nang sulat na to?
Nag-aalangan ko itong dinampot at sinuri. Walang nakalagay na address, date or sender. Basta nakasulat lang yung full name ko sa likod. Take note; kasama yung middle name. Nagtataka ko itong binuksan. Sa loob, may nakalagay na pinkish white na papel. Gosh! Ang bago!
Greetings, Ms. Arissa Llizaine Quartz
Congratulations for receiving a formal admission letter from the prestigous Stellar Academy! We are overjoyed to tell you that you're accepted. Your admission, tuition fee, books, school uniform, miscellanious fee, dormitory, and other school expenses are free! To claim this once in a lifetime opportunity, please come by our Academy at anytime your free.
Warning: Accept only if you're willing to put your life on the line.. Choose wisely..
We would be expecting you, Ms. Quartz..
With respect,
Mr. Orlando
What the?! Is this somekind of joke?! May nantritrip ba sakin?! Hindi to nakakatuwa! Put your life on the line? Ano? Isasaalang-alang ko yung buhay ko para lang sa libreng tuition? Teka nga.. anong meron sa school na to?!
"Alli!"
"Anak ka ng bakulaw na pinaglihi sa unggoy!" Gulat kong sigaw.
"Aray, nak. Sobra ka talaga sakin." Tamo tong ama ko. Andrama nanaman.. -_-#
"Bakit ba, Pa?" Bigla namang sumeryoso yung mukha niya. Wow, mood swings?
"Mag-impake ka na, Alli. Bukas na alis mo." Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Mag-impake? San punta namin? Sa mars?
"Magbabakasyon tayo? Biglaan ata?"
"Hindi."
"Eh? Saan tayo pupunta?"
"Hindi kami kasama, Alli. Ikaw lang.." huwaat?! Maglalayas ako?! Teka, baka naman pinapalayas na ko! Huhuhu
"B-Bakit po-"
"Next week na yung start mo sa bago mong school. Mag-impake ka na. Magdodorm ka dun."
"P-Po? Bago kong school?"
"Oo, Alli. Lilipat ka na sa Stellar Academy.."
Ano?!
~••~
It's only 4 in the morning pero ayos na ko at handa ng umalis. Don't get me wrong. I really have a bad feeling about that school pero wala akong magawa. Utos kasi nina Mama eh. Kelangan ko daw pumasok dun para matuto at dahil daw sa dun ako belong. Ang gulo at weird nila, swear!
Tinanong ko rin sila kung bakit ang aga namin umalis. Sabi nila malayo daw yung school na papasukan ko. Na halos 6 hours daw yung biyahe. Grabe naman. Anlayo ah!
"Tara na, Alli!" Seriously? Parang atat na atat ata akong palayasin ng mga magulang kong to. If i know, gusto lang nila magsolo.. -3-
Pumasok na ko ng kotse at nagpalsak ng headphones sa tenga ko. Mukha kasing mahaba-habang biyahe to eh. Knowing my parents, alam kong itotodo nila yung bukas ng aircon dito sa loob ng kotse. Ewan ko ba sa dalawang iyan. Hindi tinatalban ng lamig. That's why i came prepared. Nakasuot ako ng black leggings at oversized sweater. Siguro naman di na lalamigin. Hindi pa naman nakasilip si haring araw!
"Why don't you sleep first, Alli?" Rinig kong sabi ni Ma despite the blaring music on my headphones. Teka? Pano ko narinig yun?
"Seriously, Ma? Kakagising ko lang and what's worse, nakainom ako ng coffee. You know that i can't sleep whenever i drink caffeine."
"Sleep tight, Alli.." nakakunot yung noo ko habang tinitigan si Ma. Ang weird niya kasi. Hindi ko magets yung sinabi niya. Nor do i know why my eyes suddenly felt heavy after she touched my shoulder.
"We love you, Alli. Mag-iingat ka at sorry sa lahat.."
▪6 HOURS LATER▪
"Alli, gising na." Nagising ako nung may bahagyang yumugog sakin. Nakangiting mukha ni Mama ang una kong nakita at bumungad sakin. Huh? Nakatulog pala ako?
"Ma? Asan tayo?" Tanong ko habang nagkukusot ng mata. Ba't nakatigil yung kotse? Stop over agad? O kaya naman naubusan ng gas?
"We're here." Nanlaki naman yung mata ko nung narealize ko yung sinabi niya. AGAD-AGAD?! Parang naidlip lang ako ah! Chineck ko yung phone ko only to see that it was already 10:31 am. Ganun katagal ako natulog?!
"Bumaba ka na dyan, Anak. Inaantay na tayo ni Mr. Orlando." Sabi ni Papa. Nagtataka akong lumabas ng kotse na agad nagshift sa gulat nung makita ko yung school na papasukan ko. SERIOUSLY?! ITO PAPASUKAN KO?! EH, PARA TONG MEDITERRANIAN CASTLE! God! Anlaki!
Old fashioned yung main theme nung school. May tatlong malalaking building dito. Lahat mansion sized. Nasa 7 storey ang taas ng bawat isa. Nasa magkabilang gilid ang dalawang building na pinagigitnaan ang pangatlong building na mas malaki sa naunang dalawa. Gawa ang mga ito bato at bricks. Sa gitna ng tatlong ito ay isang napakagandang garden na may fountain. Grabe. Lakas makaprinsesa nito.. yung gate niya ay sobrang taas, painted gold and white. Sa gitna nakalagay ang logo ng school, yung same na logo na nasa sulat.
Para akong bano. Mistulang nagniningning yung mga mata ko sa lahat ng nakikita ko. Yung tipong para akong bata na dinala sa amusement park for the first time. Grabe! Dun kami pumasok sa gitnang building. Yung hallway ay puno ng mamahaling paintings, chandeliers at iba pang abubot. Hindi ko maipaliwanag. Ang ganda talaga dito!
Hindi ko na namalayan ang pagpasok namin sa isang malaking pintuan. Bumungad samin ang isang opisina na sa tinggin ko ay pagmamay-ari ni Mr. Orlando. Wwwaaahhhh! Ang ganda!
"Ahhh, welcome to our academy, Mr. and Mrs. Quartz! Thank you so much for coming despite the short notice." Bati nung matandang lalaki na nakaupo sa swivel chair. Tansya ko ay nasa mid 40's na siya. May pagkaputi na rin kasi yung buhok niya. Matangkad, matangos ang ilong, average ang katawan at may itsura naman despite his age.
"Thank you for having us. This is my only daughter, by the way. She's Arissa Llizane Caspian Quartz." Tumaas naman ang kilay ko nung ipakilala ako ni Papa. Wow, first time ko ata marinig na marinig na bangitin niya yung epilyedo ni Mama. Weird..
"So, you're the famous Alli Quartz that i've been hearing about. It's so nice to finally meet you." Lalo akong nagduda nung marinig ko yung sinabi niya. What does he mean by that?
"Po?"
"Madalas ka lang kasi ikwento sakin ng magulang mo. So, don't trouble yourself over it." Pinagsingkitan ko siya ng mata. Kahina-hinala talaga to. Pramis.
"Matagal na po kayo magkakilala?" Ineexpect kong ma-intimidate siya sa taas ng kilay ko ngayon pero mali ako. Sa halip, tinawanan pa niya ko.
"Grabe. Para ka talagang to mama mo. Parehas kayong observant at mabusisi." Hindi ko alam kung maooffend o maiinis ako sa sinabi niya. Siguro napansin niya yung nakakunot kong noo dahil mas lalo siyang natawa. Yung totoo? Takas ba to sa mental?
"Hayaan mo na yan, Alli. Alam kong may saltik yan. Noon pa. Di ko lang talaga aakalain na lalala pala ito." Sabi ni Mama sabay iling. Parehas pala kami ng nasa isip.
"Grabe ka talaga sakin. Anyways, back to business muna tayo. Welcome, Alli. Welcome sa Stellar Academy, a school of magic."
INAANAK NG! ANO DAW?!
∞★♛★∞
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top