Chapter 17: 77th Generation
Stellar Academy
School of Magic
By: JeRein_14
✴ ✴ ✴
Chapter 17: 77th Generation
Alli's POV
Ang awkward. Grabe. Narinig kaya nila yung walang saysay na usapan namin ni Aries? Shete lang! Nakakahiya! Kasalanan to ng magaling kong kakambal eh! He started the whole argument! Ako naman tong si shanga, sumagot. Aish!
"Ms. Quartz—Caspian rather, I had requested your presence here to introduce you to a couple of students who'll help you in your dire need." Pagbasag ng awkward na atmosphere ni HM. Nakaupo siya sa swivel chair niya sa likuran ng mahogany desk. Sa ibabaw nito ay isang parang lumang hard bound na libro. Ang weird lang na matawag akong Caspian. Hindi ako sanay!
"Ummm, hi?" Bati ko sa 8—5 boys and 3 girls—na narito sa opisina. Fuckaging tape lang. Feeling ko mukha akong katulong o yaya. Ang gaganda at gwapo ng mga to! Artistahin! Wwaahhhh! Nakakastar struck naman!
"These students are the other 8 members of the 77th Generation of the Royal Descendants. They are known as the Elites." Ok.. lalo akong naconscious sa itsura ko. Kaharap ko lang naman pala ang pinakatalented at pinakamagagaling na estudyante ng Stellar Academy. Grabe. Nakakainsecure!
Nakita kong sinenyasan ni HM Orlando yung walo. Para ata magpakilala isa-isa. May isang gwapong guy na umabante, nagoffer ng handshake sakin. Grabe! Ang lakas ng dating niya! Parang Daniel Padilla lang!
"Hi! I'm Drake Jaxx Casio. 17. Descendant of Mercury." Tinanggap ko naman yung handshake niya at binigyan siya ng shy na ngiti. Parang ang pabebe ko!
Umatras na agad siya, sabay naman paglapit sakin ng isang dyosa.
"Hello, Alli! I'm Victoria Michiko, 18. Descendant of Venus. Glad to have a new girl on the team!" Pagpapakilala niya. Kaya pala siya singkit. May lahing Japanese. Despite her being taller and a year older, para siyang bata. Bukod sa baby face, she seems like a bubbly and energetic person. But there is a sense of maturity sa features niya.
"Michiko? Child of Beauty?" Mistulang nanliwanag naman yung mukha niya sa sinabi ko.
"You know japanese?"
"A little bit." I was caught off guard when she gave me a short hug.
"Magkakasundo tayo, girl!" Matapos niyang sabihin yun, umatras rin siya para sa susunod na magpapakilala. Ano to? Introduce yourself lang. Isang guy naman ang lumapit sakin. Nag offer rin siya ng handshake na agad kong tinanggap. Wwaahhhh! Ang gwapo niya! Lalo pang nagpalakas ng dating yung deep emerald eyes niya!
"I'm Sean Wayne Terran, 18 years old. Descendant of Mother Earth. Nice to meet you, Alli." Gusto kong kiligin at magwala sa kilig pero syempre, kalma dapat. Hindi pwedeng maglumpasay dahil lang sa nakakainlove niyang ngiti at dimples.
Kapalit naman niya ang isang matangkad at maputing guy. Ang tangos ng ilong at may agaw pansin na brown eyes. Yung totoo? Nung nagsabog ng kagandahan at kagwapuhan, sinalo ba nila lahat?
"I'm the Descendant of Jupiter. Hi, I'm Kristan Demetri Rai. 18 years old." Oh my god! Ang gwapo niya! Anak ka nga naman ni Zeus! Hari ng mga Diyos!
"Hi, Alli! I'm Crystine Maple! 16. Known as the descendant of Saturn. Nice to meet you!" Ang cute niya! Ang ganda ng brown niyang buhok. Para siyang living doll!
"Skye Faith Azure! I'm also 16. Descendant of Uranus. Ang cute mo, Alli!" Nagulat ako nung bigla niyang pinisil yung magkabilang pisngi ko. Teka. Bulag ba to? How can she call me cute when she's the very definition of a princess? With long ash grey hair and blue eyes, parang siyang prinsesang galing sa isang story book. So, siya pala at si Crystine ang nag-skip ng year para mapabilang sa 3-Planets.
"Kurt Dexter Nyx, at your service. 18 years old. A descendant of Pluto." Pakilala naman ng isang matangkad na may nerdy vibe. Nakaglasses siya pero hindi nakabawas sa appeal niya. Nakadagdag pa nga. Mukha siyang genius heartthrob. Gets ko na ngayon kung bakit baliw na baliw yung mga kaklase ko sa Elites. Mga artistahin talaga sila. Tipong magmumukha kang utusan pag tumabi ka sa kahit isa kanila. Ewan ko ba kung bakit napasama si Aries dito. -______-#
"*ehem* *ehem* can you introduce yourself, Mr. Orion?" Sabi ni HM. Teka. Sinong Mr. Orion? Meron pa bang hindi nagpapakilala? Inilibot ko yung tinggin ko. Wait lang. Si Zero di pa nagpapakilala. Wag mong sabihin sakin na siya yung tinawag ni HM?!
"Tch. Zayne Orion. 18. Descendant of Mars." Tipid niyang pakilala. Ni walang ngiti o kaway. Psh. Kaya pala masungit to. Related sa Roman God of War. Zayne pala ha. Wait. Saan galing ang Zero? Alias lang kaya yun?
"Now, Mr. And Ms. Caspian? Can you also do the honors? Introduce yourself." Huh? Ako ba yun?
"Pati ako, HM? Alli and I have known eachother since we were kids!" Pagdefensa ng kambal ko. Kailangan pa bang ipaglaban? Para magpapakilala lang eh. Ako'y pasisigawin ng taong to.
"Just to be fair. I want to think of this as a formal meeting. This is after all the first time the 77th Generation had gathered together. This is a historic event! First time in history that 10 members completed the Royal Descendants!" Sa totoo lang, ang weird pa rin pakinggan na isa ako sa Royal Descendants o 77th Generation. All my life, I saw myself as an average, normal and boring girl. But now, I'm about to be part of something big.
"I'm Aries Lync Caspian Quartz. 17. Descendant of Neptune." Matamlay na sabi niya. Rolling my eyes, I elbowed him in the gut. Sinamaan niya ko ng tinggin na agad kong sinuklian. Kung si Kuya Arc ang nakarinig nun, paniguradong hindi lang sermon ang aabutin nito dahil sa kawalang galang. May kasama pang kutos.
"Hi, I'm Arissa Llizane Caspian Quartz. 17 years old." Hindi ko na binanggit yung descendant thingy. Parang hindi ko deserve since hindi ko pa alam ang ability ko. Ayokong gamitin yung pangalan ni Neptune ng basta-basta lang. Ayokong mapahiya if ever na nagkamali ng akala si HM. Na hindi talaga ako descendant. I don't feel worthy enough to carry his name. I mean, Isa siya sa 3 main Gods, di ba?
Out of nowhere, biglang nagliwanag yung chest naming lahat. Takte. Anong nangyayari? Sasabog ba kami?! Nakaramdam ako ng mainit sa katawan ko. Hindi yung tipong nakakapaso o nakakasakit. It was calm, warm and soothing. Laking gulat naming lahat nung biglang may magsolidify na gem sa harap namin. Kusa itong lumutang papunta sa palad ko. Ganun rin ang nangyari sa iba pa. Nagliwanag naman ang right wrist ko na may hawak ng gem. Nung mawala ito, may asul na mark na hugis trident ang nag-appear sa may pulso ko.
I examined the gem that was on my grasp. Sapphire blue yung kulay, hugis teardrop. Hindi kalakihan, hindi rin siya mabigat. Ano kaya to? Anong ibig sabihin ng mga nangyayari?
"That happening just now was the ritual that only takes place once all the Royal Descendants gathered. The introduction was part of the ceremony. Ito ay para marecognize kayo at ang noble family na pinagmulan niyo. " panimula ni HM. Tumayo na siya sa upuan niya at itinaas ang librong hawak niya kanina.
"This book is called the Golden Heritages. Present ito sa lahat ng naging gathering at ceremony ng lahat ng generation nang Royal Descendants. This was personally blessed by all the Gods. Layunin nitong itala ang lahat ng miyembro ng bawat henerasyon. Yung mark na nag-appear sa wrist niyo ay tanda ng pagtanggap ng Gods niyo sa inyo. Meanwhile, the gem serves as the proof that the book had recognized you as a Descendant. Wag niyong iwala yang gem na yan. It might help you in the future." Binuklat ni HM yung libro. Totoo nga. Dalawang page ang nakalaan para sa 77th generation. Kaming sampo ay may litrato at pangalan doon. Wow.
∞★♛★∞
Chanyeol as Drake Jaxx Casio
Park Shin Hye as Victoria Michiko
Jungkook as Sean Wayne Terran
Lee Min Ho as Kristan Demetri Rai
Yoona as Crystine Maple
Bae Suzy as Skye Faith Azure
Suho as Kurt Dexter Nyx
L Myungsoo as Zayne Orion
Lee Hyun Woo as Aries Lync Caspian Quartz
IU as Arissa Llizane Caspian Quartz
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top