Chapter 1: Alli
Stellar Academy
A School of Magic
By: JeRein_14
✴ ✴ ✴
Chapter 1: Alli
Alli's POV
"Ma! Pa! Alis na po ako!" Sigaw ko sabay karipas ng takbo palabas ng bahay. Malalate na ako which means walang time magbreakfast. Kasi naman! Napuyat ako kagabi paggagawa ng report sa AP! Halos 1 am na ko nakatulog! Kainis! Kahapon lang din kasi binigay sakin yung topic kaya wala akong masyadong time na magprepare. Tsk. Kaasar!
Oo nga pala. Hi sa inyo! My name is Arissa Llizane Quartz. Just call me Alli for short [Arissa LLIzane] I'm 17 years old, Filipino at Junior Student sa Angelus University. May long wavy dark brown hair, chocolate brown eyes, 5'4 in height, maputi, matangos ang ilong, at payat. May dalawa akong kapatid na lalaki pero parehas silang nasa boarding school. Kung saan, di ko alam. Nakakalimutan kong itanong kina Mama. :p
I have an older brother, si Kuya Arc Louis Quartz. 19 years old na siya at first year college. Sa pagkakaalam ko, Engineering ang course niya. Yung isa naman, Aries Lync [Link] Quartz. As you can see, walang 'kuya'. Kaedad ko lang kasi ang mokong. He's also 17 kaso mas matanda siya sakin ng 2 minutes. In other words, kakambal ko siya. Fraternal Twins. Hindi kami magkamuka. Magkasama sila ni Kuya Arc sa boarding school. Actually, isang taon na sila dun. Katampo nga, eh. Di man lang ako sinama. Sarap siguro magdorm!
Si Mama ay isang fashion designer. Sikat siya actually. Indemand sa mga artista at bigtime na politiko at negosyante. Si Papa naman, isa siyang doctor sa sikat na ospital. So, you could say na medyo mayaman kami. Wag niyo na lang pagsabi kahit kanino. Baka kumalat at makidnap pa ko for ransom! Shocks! Sikat pa naman yun sa mga teleserye at pelikula!
"Morning, Alli!" Bati sakin ni Cassy, bestfriend ko, pagpasok ko ng room namin. Ginantihan ko naman siya ng ngiti at kindat.
"Hi, Cassy."
"Musta ang report mo? Wait... scratch that. Huhulaan ko na lang. Since mukha kang zombie na ginahasa ng dinosour, natapos mo no?" Tamo tong bruhang to. Nagawa pang mang-aasar. Sinamaan ko na lang siya ng tinggin at nagfinger comb ako ng buhok.
"Sama mo, bespren. Sige na. Ako na. Ako na ang natulog ng ala-una para lang makakuha ng mataas na grade para makapasa at makagraduate. Ako na ang gusto makapasok sa magandang university, magkaroon ng magandang trabaho at magtagumpay sa buhay. Ako na, Cassy. Ako na."
"Tsk. Drama mo, Alli. Edi ikaw na. Pati Oscar Award, sayo na!" Inirapan ko na lang siya at naupo sa upuan ko na nasa tabi ng malaking bintana. Napalinggon na lang ako sa labas at bigla akong kinabahan. Sa tapat kasi ng school, may isang lalaking nakacloak. At ang ikinatatakot ko, nakatinggin siya sa direksyon ko. Weird.
"-lli? ALLI!" Napalinggon agad ako sa biglang pagtawag sakin ni Cassy.
"H-Huh?"
"Natulala ka dyan? If it's your report you're thinking, then don't worry. I have a feeling that you'll do great on it. Though, be prepared. I think something big is going to happen today." Ayan nanaman siya. Magaling kasi siya makiramdam. Like one time, she said that a thunderstorm will come which will lead to the cancellation of our fieldtrip. Nangyari nga. On the very morning of the fieldtrip, nakatanggap ako ng text na cancelled na yung trip namin kasi may kakapasok lang na malakas na bagyo.
Another time, she blurted out na magkakaroon kami ng isang malaking pop quiz sa Algebra. We paid her no mind. Laking gulat namin nung nagkatotoo nga the next day. Creepy. It happens often kaya natututo kaming maniwala sa pinagsasabi niya. Ang weird nga lang. Parang nakikita niya ang small glimpses ng future..
Lunch na at as usual, mag-isa akong nagpunta sa cafeteria. Magkaiba kasi kami ng period ni Cassy bago maglunch kaya naman doon na lang kami nagkikita. And if you're wondering kung bakit ako mag-isa, medyo anti-social ako. Si Cassy at Faye, our other bestfriend, lang ang kaibigan ko dito sa school. Kung bakit, classified akong nerd dito sa school. Just because i'm an A+ student and wears big rimmed glasses. Ang babaw ng rason nila, noh? Ang masaklap pa, madalas din akong mabully dito. Cliché man pakinggan, pero yun yung totoo. Walang nakakaalam na anak ako ng sikat na designer at doctor. I decided not to tell anyone. Ok na yung mabully kesa kaibiganin ng dahil sa pera.
WWHHHOOOOPPSS
Inaanak ng! Napamura na lang ako sa isip ko nung naramdaman ko ang malamig na inumin sa damit ko. Kaasar! Eto nanaman sila!
"Ooopps! I'm so sorry, Alli! I didn't see you there! Akala ko kasi walang tao. Isang nobody pala ang meron." Binigyan ako ni Sasha ng isang pekeng ngiti na lalo kong kinaiinis. Seriously? Yun na yung banat niya? Hindi niya ko nakita? Excuse me lang ha. Mas matangkad lang siya sakin ng two inches at dahil lang yun sa 5-inch niyang heels!
"O-ok lang." Di ba ang duwag ko? Kaya kong makipagsabunutan at makipagcat fight. I just choose not to para walang gulo. Ayokong madisappoint ang parents ko sakin. Totoo niyan, warfreak ako. Alam nina Cassy at Faye yan. Kaso dahil sa nangingibabaw ang pagiging mabuting anak ko, pilit kong kinokontrol ang galit ko. Kahit minsan sumosobra na sila.
"Oh, no! Hindi yun ok! Dapat kong palitan yang mukhang basahan mong damit!" my eyes twitched in annoyance. Mukhang basahan kong damit? At least ako, nakadamit pa. Eh siya? Sa sobrang ikli ng mini skirt at crop top niya, halos wala na siyang damit. Pasalamat din siya at di ko sinusuot yung damit na dinedesign ni mama para sakin. Who you ka talaga pag nagkataon!
"It's fine." Pilit kong lampasan siya at ang tatlo niyang alipores since nakaharang sila sa daan na papunta sa Cr at Cafeteria. Kaso mas humarang pa sila. Wow, ha.
"Oh, i insist. Para magmukha ka namang tao at hindi basura. If you want, damay ko na rin yang mukhang wig mong buhok." Di ko na nagawang umiwas nung bigla niyang hinaplot yung buhok. Napangiwi ako sa sakit. Palibhasa kasi puro extension yung dyed blonde hair niya. Konti na lang, iisipin ko ng insecure sakin tong bruhildang ito.
"A-aray. B-Bitawan mo ko." Aish. Ang tapang ko talaga sa isip ko pero pag sa reality, nagpapabugbog. Tsk.
"Ayoko nga. Matagal na kong naiinis dito sa buhok mo. Ewan ko ba kung pano gumanda ng ganito yung buhok mo, di naman bagay sayo." Sabi na eh. Insecure to sakin at sa buhok ko!
"Ang s-sakit!" Hinila niya pa kasi ng malakas. Anong tinggin niya sa buhok ko? Wig na natatanggal?! Konti na lang talaga. No one touches my hair and gets away with it! Ihampas ko sakanya tong encyclopedia na hawak ko!
"Do you want a haircut? Ako na lang gagawa since alam kong wala kang budget."tinggin neto sakin? Mahirap pa sa daga? Sampal ko sakanya yung gucci bag collection ko! Wag niya lang ako- oh, Sh*t!
Natahimik na lang ako at mahinang napamura sa isip nung nakita kong maglabas ng gunting yung isang kasama ni Sasha. Seryoso sila?! Agad akong kinabahan nung ibigay niya ito sa baliw na may hawak sa mahal kong buhok. Fuckaging Tape!
"A-Anong balak niyo?" Natatakot kong sabi. Bwisit naman oh! This is so not my day! Nasan na ba yung dalawa kong bestfriends pag kailangan ko sila?!
"Don't worry, dear Alli. I failed gardening class since nakalbo ko yung bonsai na dapat naming alagaan. Kasalanan ko pa atang wala akong talent sa paggugupit." Hinila niya ko palapit gamit ang buhok ko, dahilan para mapasigaw ako sa sakit. Nakita kong ngumisi si Sasha habang dahan-dahang inilapit yung gunting sa buhok ko. Gusto ko ng umiyak at tumakbo. Sino ba naman kasing gustong makalbo? Syempre hindi ako. Kaya naman, out of instinct, naitulak si Sasha ng malakas. Mukhang nagulat siya at ang kasama niya. Nakarinig din ako ng malakas na bulungan. Dun ko lang napagtanto na pinagtitingginan pala kami dito sa hallway. Sh*t talaga! Akmang tatakbo na ko nung mahagip ni Sasha yung braso ko. Napangiwi ako nung naramdaman ko yung fake nails niya na bumaon sa balat ko. Aray! Ang higpit naman ng pagkakahawak niya!
"You'll pay for that, b*tch!" Nagulat na lang ako nung itaas niya yung isa niyang kamay na may hawak na gunting. Sasaksakin ba niya ko?! Napapikit na lang ako sa takot. Imbis na sakit, nakaramdam ako ng panlalamig sa katawan ko. Parang may gustong kumawala sa loob-loob ko. Napamulat na lang ako sa gulat nung maramdaman kong bigla ang matinding init sa buong katawan ko. At nung mga oras na yun, natigilan si Sasha nung ilang inches na lang ang agwat ng gunting at braso ko. Para siyang natakot nung makita niya yung mukha ko? Or was it my eyes? Napaatras siya, ganun din ang mga kasama niya. Nagtataka ko silang tininggnan.
"Oh my god!"
"Freak siya!"
"Tao ba siya?!"
"Ba't naging blue yung mata niya?!"
"Nakita niyo rin ba?! Para siyang may blue na aura!"
"Witch!"
"Monster!"
Nanlaki na lang yung mata ko sa narinig kong bulungan. Blue eyes? Blue aura? Monster? Anong p-pinagsasabi nila?
"Ano k-ka ba talaga, A-Alli?" Nanginginig na tanong ni Sasha sakin. Bigla na lang akong natauhan. Inilibot ko yung tinggin ko sa lahat ng tao dito sa hallway. Lahat sila napaatras at natakot sa kin.
"H-Hindi ko na a-alam." Tumakbo ako palabas ng school. Balak ko ng umuwi at magkulong sa kwarto ko habangbuhay. Takot sila sakin. Halimaw daw ako. Totoo kaya yun? Umuulan ng malakas pero di ako nagpatinag. Wala na kong pakialam kung basang-basa na ko. Basta gusto ko ng umuwi.
"Arissa Llizane Caspian Quartz." Napatigil ako nung marinig kong may nagsabi ng full name ko. Walang iba ang may alam ng middle name ko, syempre pwera kina Mama, Papa, Kuya at Aries. Ewan ko ba kung bakit nila nililihim yung epilyedo ni Mama.
"S-Sino yan?" Sa isang alleyway, biglang lumitaw ang isang lalaking nakacloak. Siya rin yung nakita ko kanina sa tapat ng school. Tama nga yung hinala ko. Sakin siya nakatinggin..
"Stellar Academy.. Magic.. Caspian.. Water.. Majika.."
Matapos niyang ibulong yun, bigla na lang siya naglaho..
Ano daw?
∞★♛★∞
Alli on the media. She's being played by IU!!
It's been a long time!!
Please follow me,
Read,
Comment or PM,
And vote!
Love lots,
★JeRein_14
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top