Royal 7

Royal 7

Meteor’s POV

“Friendly battle ateng? Ay nako! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nako nako ateng! Nako yan ang first move niya. Nako talaga! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Nako nako," pagkumpas-kumpas ni Leona pagkabasa nung letter na natanggap ko kagabi. Ano nanaman bang kadramahan ito?

"Wala ka pang sinasabi. Might as well explain to me what on solar are you thinking. Kesa paulit-ulit ka ng 'nako' dyan," walang ganang sabi ko. Damn I'm still sleepy. Maaga pa lang kasi, pumunta na ako dito para sabihin sakanya yan and guess what? Puro ‘nako’ na lang ang nakukuha ko -_-

Sana pala natulog na lang ako.

"Ateng, learn from the L-O-V-E guru. Yang mga friendly battle na yan, yan ang mga damoves ng guy para mapansin siya ng girl. At sisiguraduhin ng guy na maiinlove sakanya ang girl sa pamamagitan ng pagpapanalo sa friendly battle na yan. Syempre si girl, hindi magpapatalo kaya rematch ng rematch at dahil don more bonding time sila. At dahil sa more bonding time sila, hindi lang friendly battle ang gagawin nila kundi ibang bagay na rin. Then poof! Malalaman na lang na isang araw, in lababo na sila sa isa't isa. Oh diba? Bongga! Nalaman ko yan sa mga wattpad stories. Try mo kayang ipublish ang storya mo don, baka sumikat ka din."

"Tss." Wala akong naintindihan sa sinasabi ni Leona. Kakabasa at kakapantasya niya yan eh. May saltik na ata. Storya ko? No way on solar na ipapabasa ko yun sa iba.

It’s Sunday morning and I’m here at Leona’s parlor. Free day ko rin kasi ngayon dahil umattend ako sa celebration last week diba? Besides, eto yung deal namin ni Mom.

“Anyway, are you free today? Magpapasama sana ako sayo kaya ako nandito,” Yeah, I need back up. In case na may mangyaring hindi maganda sa 'friendly battle' kuno namin ni Blizzard.

“Nako sorry, ateng. Hindi kita masasamahan. Pupunta akong shop ngayon diba? Wala nakong sahog para sa potions ko. Sayang naman,” malungkot niyang sabi. "Baka magreveal na ng pagmumukha si Papa Blizzard. Hindi masasaksihan ng radar ko ang kagwapuhan at hotness niya. Huhubells."

Hanggang ngayon, mga lalaki pa rin iniisip niya. Nasa sistema niya na ata ang pagpapantasya.

I sighed. Guess I have to go on my own.

"Wag ka na lang tumuloy ateng. Baka delikado dun. Mapahamak ka pa at yang beautibells mo," natawa ako sakanya. Ako? Mapapahamak?

"Are you kidding me, Leona? Baka siya pa ang maging abo," tumayo na ako at sinuot ang black cloak. Inayos ko na rin ang asul kong maskara sa mukha.

“Oh sige na, ikaw na. Ikaw na malakas. Osha, mag-iingat ka dyan ha, ang mga potions ko gamitin kung kinakailangan. At ako’y lalarga na din para sa mga sahog ko. Sabay na tayo,” kinuha na rin niya yung bag niya at staff. “Kwentuhan mo agad ako pagbalik mo ateng! Sayang, sana nandito si Alice.”

“Tss. Buti nga wala yun, magsama pa kayong dalawang asarin ako,” as far as I know kasi, may pupuntahan rin si Alice ngayon. Damn. Ang loner ko naman.

Hinatid ko si Leona sa train station at sumakay sa skateboard ko papuntang underground forest. As usual, dinaanan ko si Bouncy, yung pulubi-alike guard sa may eskinita.

Tutal maaga pa naman, dadaan muna ako sa Underground market. Yung underground market, parehas lang yan sa mga tindahan sa ibabaw maliban lang na yung ibang ipinagbabawal ng kingdom ay nandito. Lalo na yung mga sandatang class-S at sobrang delikado.

Binuksan ko yung pintuan ng isang weapon shop. Narinig ko ulit yung kalansing ng bells na nakasabit sa may pintuan.

“Anong maipaglilingkod ko?,” bungad sa akin ng matandang nakatalikod at may inaasikasong armas.

Pumunta ako sa counter niya at nangalumbaba. “Your time.”

Halatang nagulat siya sa boses ko dahil napatigil siya sa ginagawa niya. Kung sabagay, matagal-tagal na rin akong di nakakapunta rito.

Humarap siya sa akin at nanlaki ang mata niya. “Azure!”

“Old man! Long time no see,” nakipag-brofist ako sakanya. Kahit na matanda na yan, pabagets pa rin ang akto niya. Isa pa, siya na ata ang pinakamagaling na weapon wielder.

Nakipag-kwentuhan ako sakanya. Siya kasi ang isa sa mga trainer ko dito sa underground nung panahong nagsisimula pa lang ako at hindi pa kilala bilang Azure. Though malapit kami sa isa’t isa, hindi niya alam na isa akong prinsesa.

Maya-maya, tumayo na siya at may kinuha sa cabinet niya. Doon nakatago ang finest and strongest weapon he made.

“Akala ko hindi ka na dadating. Sayang naman to. Magdadalawang-taon na rin yang nakatago dito,” nilapag niya saking kamay ang isang mahabang bagay na balot sa tela. “Ibibigay ko sana nung kaarawan mo, kaso nalaman ko na bigla ka na lang nawala sa underground.”

Kinuha ko ito at isinabit sa likod ko. Tsaka ko na lang bubuksan, kapag nasa tamang oras na.

Ginawan niya muna ako ng tea at nagkwentuhan kami saglit. Pagkatapos ay sumakay na ako sa skateboard at dumiretso na sa underground forest.

~~~**~~~

“You’re thirty minutes late,” sabi ni Blizzard habang nakahiga sa isang sangay ng puno.

“Nah, I’m not late. You’re just too excited to see me,” pang-aasar ko. Tumalon siya pababa mula sa puno.

Lumapit siya sakin at ni-level niya yung mukha niya sa mukha ko. I resist the urge to step back, baka kasi akalain niya na takot ako sakanya. Pero damn! Ang lapit. Sapakin ko to eh.

“Is that so?,” he grinned at me. “Who wouldn’t be excited to see that face?”

Hindi ko alam kung sadyang mainit na ba o nag-iinit lang mukha ko? Malayo pa ang summer ah. -_-

He chuckled at lumayo na sakin. “Let’s start, shall we?” Tinanguan ko lang siya.

Bigla siyang nagturo sa kabilang dako. “See that big tree over there? Race to that thing and whoever goes there first will win the gamble. No limits. Use all the power you can.”

“Anong pusta mo?,” tanong ko. Madali lang pala pinapagawa niya eh.

“You first.”

“Fine then,” nilapag ko na yung skateboard at sumakay nako. “Your identity.”

Tumawa ulit si Blizzard. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Sasapakin ko na talaga to.

Nagulat ako ng naglapag din siya ng skateboard. “My bet would be.. I don’t know. Let’s see about that.”

“Just to remind you, beware of the monster we might encounter,” he evily smiled at me. Hindi ko na talaga maintindihan ang personality ng taong to.

Oh hell. I’ll make sure he’ll pay me today.

“Ready.”

“Set.”

“Go.”

In just a matter of seconds, nasa loob na agad kami ng enchanted forest ng underground. Nilagyan ko ng konting apoy ang backwheels ng skateboard ko para bumilis katulad ng sa rocket. Tumingin ako sa gilid, he’s at the back and far away from me, still trying his best to clear his path by cutting those leaves.

Sabi niya, no limits daw eh. Let’s see what he can do about this.

Kinuha ko ang isa sa mga potion na binigay sakin ni Leona kaninang umaga in case na may emergency daw. Emergency naman to diba?

Binuksan ko iyon at hinayaang magspread ang laman sa lugar. Napangiti na lang ako at lalong bilisan ang pagpapatakbo.

Narinig ko na lang ang unti-unting pagbaluktot ng mga puno para harangin si Blizzard. Pati ang mga dahon, gumawa ng maliit na tornado at nakisali sa laro. This would buy me time.

Just when I heard something growling beside me. I have a guest.

Lumingon ako sa gilid and no sign of Blizzard. Pero may leon namang pumalit at hinahabol ako. Naglalaway pa siya. Fudge.

“Sorry Sir Lion. I have a race to win,” hindi pa man nakakalapit ng lubusan, sinilaban ko na ito sa apoy. Ayoko pa naman ng distractions.

Nakarating na ako sa ilog at nag-attempt na talunin ito kaso nahila ng buntot ng isang malaking isda ang paa ko kaya wala akong nagawa kundi lumusong sa tubig. Kelan nagkabuntot ang isda? Hindi ko alam.

“You fish!,” sinapak ko ito sabay sipa pataas. Ang sarap sanang i-fry nito kaso wala akong oras. Kelangan ko pang manalo.

Sinisid ko pa yung skateboard ko sa ilog at tsaka lumangoy sa kabila. Sasakay na sana ako ng makita ko si Blizzard na tumalon mula sa kabila patawid dito. At nagback-flip pa.

“You’re slow, Princess.” Nagtuloy-tuloy lang siya at iniwanan ako dun. Hell.

Pinaandar ko ulit ang skateboard ko at nilagyan ng mas malakas na apoy para makahabol ako sakanya.

“She’s fired up.” Tumawa si Blizzard nang makaabot ako sakanya. Hindi ko pa siya nakikitang maglabas ng kapangyarihan.

Out of the blue, sinapak ko siya. Kaso ang loko, madaling nakaiwas. Tinawanan pa ako. Ang lampa ko daw manuntok.

Nginitian ko siya. Lampa pala ha.

Kahit nakasakay sa skateboard, pinaulanan ko siya ng maraming suntok. I even did a combo punch and kick pero iniiwasan niya lang to. What made my feeling worst was that he didn’t even a single one, counter-attack me.

Ni ayaw niya man lang ako masuntok o mahampas. Am I that weak?

“Don’t you wanna fight me?” inis kong sabi sakanya. He just smirked at me.

Kung ayaw niya akong labanan, might as well beat him on this.

Sawakas at nakita ko na ang puno. Napatingin ako sakanya, oh~ change of mood. Naka-game face na si egghead.

Binilisan ko pa ang pagpapatakbo at ganun rin siya. Konti na lang at malapit na ako.

20 inches. 10 inches. 8 inches.. 3 inc—

“What the hell--!” nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at parehas kaming na-out of balance at nahulog sa skateboard. Niyakap niya ako at nagpagulong-gulong kami pababa ng bundok.

“Anong..” hindi ko matuloy dahil hinihingal ako.

“Saving your ass from the gorilla.” Sagot niya. Napatingin ako sa mata niya. At hindi ko maiwasang mataranta.

Ngayon ko lang narealize.. nakapatong pala ako sakanya.

“Damn it!” tatayo na sana ako at lalayo kaso hinapit niya pa ako papalapit sakanya.

“Anong ginagawa mo?!” sigaw ko sa tenga niya. I don’t give a damn kung mabingi man siya. All I know is that magkapatong kami at ngayon, nakayakap pa siya sakin. How great is that? -_-

“Shut up, Meteor!” inis niyang bulong sakin. “Don’t move.”

Pinilit kong makawala pero lalo niya lang hinigpitan pagkakayakap niya.

“I said don’t move!” that shut me up. Calm down, Meteor. Just this once. Let him.

Bigla na lang akong nakarinig ng isang malakas na sigaw ng isang unggoy. Nagulat na lang ako ng dumagundong ang lupang kinahihigaan namin ng tumalon yung unggoy sa gilid.

Sht. It’s too close.

Base sa laki ng paa nito, isang class-A monster ang unggoy. Hindi ko naman kasi makita ng buo yung unggoy diba? Nakahiga at nakayakap sakin tong egghead na to.

Pero kung kinalaban pala namin to kanina, 50-50 chance lang ang pwede naming asahan.

Nagtaka ako ng nilagpasan lang kami ng unggoy at ilang sandali pa ay nawala na rin to sa paningin namin.

Tinulak ako ni Blizzard at tumayo siya. Cool. Ang gentleman niya ano po?

“I win,” deklara ko at pinagpagan ko ang sarili ko. “Three inches away from the tree.”

“Not so fast, Meteor,” kinuha niya ang kamay ko at naglapag ng bulaklak don. “I touched the tree.”

Hell.

I seriously hate this egghead.

Damn it.

“Now for my bet?,” he held my chin and pulled my face closer to him. “You’ll do everything as I say.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top