Royal 4
Royal 4
Meteor’s POV
“Ate Meteor, Is there something wrong?,” Alice asked while we’re walking on our way to Leona’s parlor. “You look bothered kasi eh.”
“Nako Ateng! Wag mong problemahin ang Snow White gang na ‘yan! Keribels natin sila next week~! Wag kabahan, naloloka ang beauty mo,” kinumpas-kumpas pa sakin ni Leona yung susing hawak niya. Sheez, sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nandito na pala kami sa parlor.
Shtbrix naman kasi! How come that guy knows me? Damn. This is trouble.
“I think it is better if we go back to the palace, Alice. May event pa tayong pupuntahan bukas,” pag-iwas ko sakanila. I need to investigate that guy. He and his group ‘Snow White’.
Kinuha ko na yung music player ko na naiwan kanina dito sa parlor at nilagay sa back pack. Damn bigla akong nawalan ng gana.
Nakakainis naman kasi eh. Hindi tuloy ako mapakali.
“Alam mo ateng,” umupo si Leona sa harap ko. “Okay lang naman sakin na sabihin mong gwapo yung guy. Sige na, ipapaubaya ko na siya sayo. Hanggang pantasya na lang ako sakanya, okay? Wag na sad Ateng.”
Tss. Akala ko naman seryosong-seryoso sya.
“That’s not what I’m thinking. Sheesh,” I heavily sighed.
“Eh ano ba kasi yun, Ate Meteor? Share share din pag may time.”
I sighed again. Sasabihin ko ba sakanila? O hindi?
Ugh. This is too depressing. I hate it.
“He knows me. He knows our identity. We’re dead.”
~~~**~~~
“Oh? Bakit malungkot ang mukha ng prinsesa? Something have gone wrong, I guess,” bungad sakin ng isa pang ako—este si Casey pala. Tinulungan niya akong makalabas sa entrance dun sa may closet at kinuha yung back pack ko.
“You could say that,” I let myself fall into the fluffiness of the bed. Finally I’m already in my bedroom. Masyadong nakakapagod ngayong araw.
“What happened?,” tanong ulit niya habang tinatanggal yung sapatos ko. “Akala ko may nangyari na sayo. It’s already 5 minutes before midnight. Eto na ata ang pinaka-late mong uwi.”
“Long story. Too tired and lazy to explain.”
“Oh you better explain it, Princess. Aba’t hindi lang ikaw ang magkakaproblema kapag may nangyari sayo no! Sabit din ako.”
Humarap ako sakanya with my eyes closed. Sinubukan kong ikwento sakanya yung mga nangyari ngayong araw. Hindi ko na alam kung saan ako umabot basta ang alam ko, bigla na lang bumigay ang mga mata ko and I drifted myself to sleep.
The next morning, I woke up with my pajamas on at hindi pa sumisikat ang araw, ginising na ako ni Casey with her physical existence coming back. No double Meteor for today.
“Ugh. Still early, Casey. You ruined my sleep,” I grunted still half asleep. At etong servant ko, wala na atang respeto saakin. Hinila ako pa-upo sa kama at niyugyog-yugyog ako. Great. -_-
“Fine. Fine. I’ll talk to you later. Just give me five more minutes,” pagpupumilit ko. Oh dear, more bed please. I can’t open my eyes. I want to sleep more. Sleep more.
“No more five minutes princess. You better tell me the continuation of your story last night or I will not come with you for today’s event.”
Event? Today? What event is she talking about?—
Oh damn! Ngayon pala yung celebration party! Damn!
“Okay. You win. Saan na ba ako tumigil?,” antok na antok kong tanong sakanya. Kainis. Ngayon pala yung party ng kung sino mang prinsipe na yun -_-
“Kay 5th and sa leader nung Snow White group. Yung totoo? Snow White group talaga pangalan nila? Parang ang girlish naman.”
“Yes. And to make it short. Natalo si 5th Shadow. Which means, lalaban kami next week nina Leona at Alice sa underground to defend our spot. And another surprising news, he knows that I am Princess Meteor. End of story. Now let me be in peace with my bed,” humiga ulit ako at tinalikuran ko siya. Oh bed, I so love to be with you.
“Wait. WHAT?! Oh my gosh Meteor! YOU. ARE. SO. DEAD.”
I know. Let me sleep.
“Hey wake up, Princess! Anong ginawa niyo? Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh! Hindi pwedeng wala kayong gagawin!”
Hinarap ko sya. Parang machine gun din ang bibig nitong babaeng to eh. Ang ingay. Annoying.
“I had Leona and the twins to take care of it. Pina-iimbestigahan ko na kung sino yung lalaki and his group. Now, let me be at peace or I swear I’ll burn this palace down,” pagbabanta ko. Yan ang nangyayari kapag kulang ako sa tulog. Mabilis pa sa falling star kung magalit.
Nakatulog naman ako. Saglit nga lang. Ginising din ako ni Mom maya-maya para sa damit na susuotin ko sa party nung prinsipe.
"How about this, Meteor? or this one? Oh this blue looks good on you too," tinuro-turo ni Mom yung tatlong gowns na hawak-hawak ng mga katulong. Hindi pa siya napirmi dun, pinuntahan niya pa yung iba para ipakita sakin. Hindi pa nga ako nakakapili, may iba na agad siyang ipapakita.
"Look at this one, dear! Bagay sayo 'to! Ay eto rin! How 'bout this one na lang kaya?--"
"Mom," I interrupted her. Ayoko kasi nang binabalandra yung damit sakin. Tamad akong pumili. Kung ano yung nakita ko, yun na yon. "I'm okay with this black and blue gown. Let's go?"
"Pero, there's too many gowns that will suit you! Baka may makita ka pang iba. Like this one. Beautiful!"
"Mom let's go. I'm fine with it. We're just wasting our time."
Sa huli, ako rin ang nasunod. Isipin niyo na lang na buong araw kaming namimili ng sapatos, jewelries, masks (dahil masquerade ball yun), handkerchief and such. Parang nasayang ang oras ko sa wala. I hate shopping. Hindi ako mahilig sa girly stuffs. Sumasama ako kina Leona at Alice sa shopping store in exchange sa pagsama nila sakin sa skateboard tournament. Pero kung tutuusin, I'd be happy to cook than to shop clothes.
It's around 6 in the evening nang matapos kaming mamili at ayusan ng mga stylist.
Pumunta ako saglit sa kwarto para kuhain yung music player ko at back pack dahil for sure, mabo-bored ako dun mamaya. Tinanggal ko rin yung heels ko at pinalitan ng rubber shoes. Hindi kasi ako komportable, pakiramdam ko, matatapilok ako eh.
"Come in," I said after I heard a knock on the door. Pumasok si Astro, yung kuya ko at ang nag-iisang Prinsipe ng Sirius Kingdom.
"Seriously Meteor? Gown paired with rubber shoes?," sabi niya na umupo sa kama ko at pinanood akong mag-ayos. "Baka pagalitan ka ni Mom niyan. Alam mo naman yon. She's too picky when it comes to fashion."
"What can I do Kuya? Kesa naman matapilok ako dun palagi. I'm more comfortable with these."
"Ikaw bahala," he shrugged. Hindi naman kumo-contradict sakin si Kuya unless magiging masama para sakin ang resulta. "Dad was asking kung ano daw ang gagawin mo sa Princess Show-off."
Kinindatan ko siya. Oh they're going to be surprised later when they see it.
"You'll see."
Tumayo na siya. "Just don't do anything stupid my dearest sister. Tandaan mong maraming royals ang pupunta don."
Bumaba na kami at sinamahan sina Mom and Dad sa karwahe. Now off we go to Arcturus Empire.
Arcturus Empire is one of the six biggest kingdoms here in the Stella World. Sila rin ang matalik na kaibigan ng Sirius Kingdom o mas kilala sa Sirius Empire. I'll just explain more of that later. Sa ngayon, I just want to end this show and get the hell out of here.
"You look marvelous in that silver long gown, Queen Sileria," sabi nung isang babae na may afro hair at sobrang kapal ng make-up. Ang tanda-tanda na, ganyan pa ang pananamit at hitsura niya. Pabagets masyado.
"Ikaw naman, Queen Elise. This is just simple," humble na sabi ni Mom. Ahh~ so queen pala yung babae. Di halata eh.
Binalingan naman ni Queen Elise kaming dalawa ni Astro ng tingin.
"Ito na ba ang mga anak mo? Aba't parang kelan lang ay ang liliit pa nila. As expected, nagmana sa inyo ng kagandahan at kagwapuhan!"
Siniko ako ni Astro at nakita ko siyang ngumiti. Kinuha niya ang kamay nung reyna at hinalikan ito. "It's an honor to see you again, Your Highness."
Here comes his prince act. Ge, kaya mo yan Astro. Rak pa.
I managed a quick smile at hindi ko maiwasang mang-irap. Nakakabagot kaya dito.
Napansin ako siguro ni Astro kaya't dali-dali niya akong hinila palayo dun.
"C'mon Meteor. Just a show for this night. Act like a princess will you? Just atleast fake a smile."
"I can't help it, Kuya. Nakakaasar kasi. Ang aarte!"
"Okay, okay. I know. I'll bring you chocolates if this night goes right without you causing any trouble. Deal?"
"Cotton candy."
He sighed. "Okay, with cotton candy. Now the curtains are open. Show them the princess of Sirius Empire."
And here comes my act.
I seriously hate socializing. Especially with royals.
Dalawang oras rin akong palakad-lakad habang nakangiti. Konti na lang at mapupunit na tong bibig ko. Sa dalawang oras na rin yon, nakisalamuha ako sa mga sosyalerang prinsesa, patpating prinsipe, mayayabang na prinsipe, weirdong prinsesa, mga reyna at hari, bata o matanda, iba't ibang klase. I always get annoyed dealing with those people. Pero kailangan pigilan. For the sake of chocolates and cotton candies. I need to survive this one hell of a party.
Dalawang oras na rin ang nakakaraan pero wala pa din ang prinsipeng magcecelebrate ng birthday niya. Wow ha. Pasikat lang? Kainis.
Nasa sulok na ako ngayon at umiinom ng wine. Napagod din ako no. I wish Leona was here, or Alice. Wait? Alice? Nandito siya dapat. Her kingdom was invited too.
I just brushed off Alice inside my head at naging busy ako sa panonood sa mga royals.
Maya-maya nagulat ako nang may umihip sa tenga ko.
"What the--!"
"Be ready for next week, Meteor. I'll make sure I'll have you," he whispered and gave me a kiss on cheek. I was stunned for the moment. The next thing I knew, nakalagpas na siya sa harap ko.
It can't be..
Sinubukan kong habulin siya but he blended in the crowd. I never had the chance to see his face. Nakamaskara din siya katulad ko. It's masquerade ball, remember?
"Damn," I muttered habang pabalik sa pwesto ko. How did he know I was here? At bakit nandito siya? Siya yun diba? I know his voice.
The leader of Snow White is here.
Okay, Meteor. Calm down. Two things to point out for yourself. Una, nandito siya. Which means, isa siyang prinsipe o hari. Second, he stole another kiss from you.
Nakakadalawang halik na sya sa pisngi ko! Damn.
Pagbabayaran niya yon. I promise the stars that I'll make him pay for it.
"Calm your heart, Meteor. Shut it up!," bulong ko sa sarili ko. Eto kasing puso ko eh, ang abnormal ng tibok. Masyadong mabilis. -_-
"Good evening, Kings and Queens, Princes and Princesses. Welcome to Prince Ice Arcturus' 18th birthday celebration." biglang sabi nung emcee sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga nasa loob. Finally, nagising na siguro ang prinsipe. Note the sarcasm please.
"To introduce to you our star of the night, may I call on Prince Ice Arcturus, himself!" Namatay ang ilaw. Ay ang taray, grand entrance.
Biglang nagbukas ang ilaw at nasa gitna na ang isang shining shimmering sparkling prince charming. Ew.
Gwapo naman siya. Sadyang uhmm.. mukhang flirty at parang mas maarte pa sa babae. May pakagat-kagat pa ng rose sa bibig niya habang kinikindatan yung mga prinsesa. Matinik ka sana.
Nakipagkilala yung prinsipe. Maraming bumati sakanya at mukhang nag-eenjoy siya sa atensyong binibigay sakanya. Ge. Push mo yan.
Maya-maya, tumugtog na yung orchestra ng slow music. Naging malamlam ang ilaw at nagsimula nang magsayaw ang magkakapartner sa gitna. Traditional Royal Dance.
Siniksik ko ang sarili ko sa sulok para walang makapansin sa akin at walang mag-aya ng sayaw. Low energy conservation state ako ngayon. Tinatamad akong mapagod.
Nanahimik ang buhay ko sa sulok nang may humawak sa kamay ko at hinila ako patungo sa gitna. Ayos to ah! Hindi man lang ako tinanong kung gusto kong magsayaw. -_-
Pinaikot niya ako sabay hapit sa bewang ko kaya naman napalapit ako sakanya ng sobra. Hanggang sa puntong naaamoy ko na ang paghinga niya.
"You're messing with the wrong princess," pagbabanta ko sakanya and I tried to give him a killer look pero hindi niya siguro makikita. Nakamaskara nga ako diba? At isa pa, medyo madilim na dito sa loob ng palasyo.
He just smiled at me, showing his perfect set of white teeth. Ayoko talaga dito. Parang may binabalak na masama eh.
Hinapit niya pa ulit ako papalapit sakanya na parang halos magkayakap na kami. Hindi ko na nakita pa ang mukha niya dahil sapilitan niyang ipinatong ang mukha ko sa balikat niya. Sinubukan kong kumalas pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Let me go or I'll scream," kinakabahan na talaga ako. Shit naman oh.
"Shut up or I'll tell them about you and the underground," he whispered sending chills again to my spine. That voice! Eto nanaman siya!
"Snow White leader," I growled and he chuckled softly. Damn. Ang sexy ng tawa niya-- wait! What on solar am I saying?
"A pleasure to have a dance with you, Princess."
"What do you want from me?"
Hinipan niya ulit ako sa tenga. "Entertainment. From you."
Lalo niya pagng hinigpitan ang pagkakayakap sakin habang patuloy kami sa pagsasayaw. Hinawakan niya ang buhok ko at inamoy ito.
"I'll see you soon, Meteor. And the next time we'll meet, I'll defeat Azure. I'll defeat you, my princess."
Kumalas siya sa akin at tinalikuran ako na parang walang nangyari. Hahabulin ko sana kaso bigla akong naharang ng kung sino.
"Can I have a dance with you? I won't take no as an answer."
I'll let him pass for now. Sa ngayon, kailangan ko munang harapin ang taong nasa harap ko.
"Prince Ice."
"Meteor Flare Sirius"
What I realized right now made me surprised.
Magkaboses sila ng leader ng Snow White.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top