Royal 3
Royal 3
Meteor’s POV
“It’s already settled,” Alice announced after I saw the dove soared above. Nasa parlor kami ni Leona ngayon at kakatapos niya lang gumawa ng potion para kay Casey. Ipinadala naman ito papunta sa bedroom ko sa palasyo through Alice who ordered the dove to bring it secretly and safely to Casey. Kasama na rin dito yung letter na gagabihin ako dahil bibisitahin ko ang underground. Twelve hours lang kasi gumagana ang potion kaya naman kailangan pa ulit uminom ni Casey ng panibago.
“Ano mga ateng? Gorabels na ba tayo? Sinabi ko na rin kina Cyclone at Tyrone na bibisita tayo dun,” sabi naman ni Leona.
“We shoud go. I want to measure their powers tonight,” I told them. Gusto ko talagang makilala ang Snow White na grupong iyon. To think they're already have the underground in the Dark State of battle. At nakaakyat na sila sa 5th shadow. They must be really strong.
“Ang cloak at ang maskara mga ateng. Makalimutan! Tara na! Goo~” lumabas na kami ng parlor pagkasuot ng maskara at nagsimula nang lumakad papunta sa isang eskinita. Isang dead end na ang kalalabasan ng eskinitang iyon at sa dulo ay isang patpatin at matandang pulubi na natutulog.
“Six feet under the stars,” I told the beggar that made him awake. Ngumiti ito at sinubukang aninagin ang mukha kong natatakpan ng maskara sa ilalim ng itim na hood.
“Azure,” he mumbled after seeing my blue masquerade-mask.
Ngumiti ako dito, “Long time no chat, Bouncy. Papasukin mo na kami. We have a business out there.” Sabi ko sa guard ng underground. Siya si Bouncy, ang pulubi in disguise pero ang totoo, gwardya yan ng isa sa mga entrance ng underground. Mukhang mahina sa pang labas pero mataba talaga yan at malakas, parang mga bouncer sa bar.
Kinuha niya ang isang keypad at tinapat ito sa bibig ko. “Six feet under the stars,” I chanted the magic words.
Hindi nagtagal at naging madilim ang paligid. And the next thing we knew, we’re already hearing the cheers and shouts of different wizards inside the underground.
“Let’s put up a show, shall we?” hindi ko maiwasang mapangiti. Eto nanaman yung excitement na namumuo sa katawan ko. I still felt the same feeling I have whenever I go down here.
“Oohh~ I love that aura of yours, Ate Meteor. Game face na ba ituu~?,” naeexcite ding sabi ni Alice. Kung sabagay, magdadalawang taon na rin kaming nawala dito for some personal reasons.
“Ay bet ko to mga ateng! The Comeback natin. Tuhruy no?! Ang mabuti pa, let’s put up some spice sa itsura natin,” biglang umilaw yung blue gem sa staff ni Leona. In split second, may mga glitters na pumapalibot saming tatlo at parang nagwi-weave ito ng tela na fit sa katawan namin. Nagulat ako ng biglang matanggal yung maskara sa mukha ko. Mabuti na lang at nasa sulok kami, madilim pa sa underground kaya walang nakakakita sa pinaggagagawa namin.
“Aww~ Thank you KuyAte Leonaaa~ Huuug~” childish na sabi ni Alice sabay binigyan si Leona ng hug. Nakasuot siya ng pink gown na pang royal ball at may armor. Partida ang sapatos niya ay yung sa ballerina. Tapos tinernuhan niya pa ng pink bunny ears.
Sasabak kami sa labanan pero ganyan ang suot niya. Great. -_-
“Anong KuyAte? It’s Ate Leona noh! Awww~ You’re welcome basta ikaw!,” nag-hug back naman si Lionel. Nakasuot siya ng.. uhmm.. pano ko ba idedescribe to? Basta makulay na.. uhmm.. hindi ko maintindihan. -_- Nagmumukha siyang rainbow. Rainbow-like monkey.
“C’mon guys. Let’s have this party started.” Hyper na sabi ni Leona sabay nauna nang lumabas sa sulok. Sinundan naman siya ni Alice at wala pang isang minuto, nakatutok na sakanilang dalawa ang lahat ng spotlight sa underground.
“And what do we have here?! After almost two years! They’re finally back!” gulat na sigaw nung Emcee sa underground. “This is a surprise visit! Cheers for the comrades of fourth Shadow!”
Lalong lumakas ang hiyawan sa buong underground. Napansin ko lang na pakaway-kaway yung dalawa. Ano ba naman to. Eto yung ayaw ko, masyadong napapansin yung pagbalik namin. I hate attention. I always have.
“And here comes the twin of the group! Cyclone and Tyrone meeting once again their comrades after two long years!” Nakita kong nagyakapan sina Tyrone, Cyclone, Leona at Alice. Dito sa underground, we are a family. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin. Kaming dalawa ni Alice ay 17, ang kambal ay 18 at si Leona ay 19.
“Oh? Beso muna sa isang dyosa,” biro ni Leona sa dalawang lalaki. Nagbeso-beso sila at nagkamustahan.
“Still cute as the old times, Alice,” sabay na sabi ng kambal matapos kamustahin ang bakla. Huwag kayong magtaka, iisa lang ata ang pag-iisip ng dalawang yan. Kaya kapag nagsasalita, palagi silang sabay.
“Thank you mga Onii-chan. Kayo diiin~ Gwapo pa din as ever”
Lumingon-lingon ang kambal na parang may hinahanap. Pati din sa paglingon, sabay.
“Wala si Master Azure?” sabay ulit nilang tanong.
“Aynako. Nagtatago ang lolahin niyo. Nasisilawan daw ng spotlight. Dun sa likod,” sabay turo sa sulok kung saan ako nakapwesto. Napansin kong napatingin sakin yung dalawa at.. oh shit.
“MASTER AZUUUUURE~!” Sigaw nila habang tumatakbo papalapit sakin kaya wala akong nagawa kundi itutok sakanila ang kamay ko. Fudge, naka-extend pa yung mga kamay nila para yakapin ako. Hell.
“Don’t dare hug me,” banta ko sakanila. Ayoko din ng nagpapayakap. Sorry naman, marami akong ayaw sa buhay.
“Namiss ka namin Master Azure!”
“Ge. Magsitabi na kayo dyan. Masikip dito sa sulok.” Nilagpasan ko sila at naramdaman ko ang pagsunod nila sakin. Eto talagang dalawa to oh. -_-
Kalmado akong lumabas ng sulok at tulad ng inaasahan, tinapat nila sakin ang spotlight. Shtbrix naman.
“AND HERE COMES THE 4TH SHADOW!,” malakas na sigaw ng emcee sa mic niya. Ang ingay, damn it. “She’s heating it up by her dark blue dress designed with blazing fire.”
The next thing I knew, sinisigaw na ng crowd ang codename na kung saan kilalang-kilala ako.
“Azure! Azure! Azure!”
(Azure. Pronounced as A-Zoor. Silent E.)
Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat sa second part kung saan mayroong 12 na upuan at nakaupo ang 11 Shadows. Ako na lang ang kulang. Sa baba naman namin ay nakaupo ang comrades ng bawat shadow.
“Guess we should cut the climax given by Azure and start our agenda tonight! Let’s have the Dark State Underground Battle!” announced nung Emcee kaya naghiyawan ulit yung mga tao.
Now this is going to be fun.
I scanned the whole place. It’s been two years since I last visited here. Isa siyang malaking stadium sa ilalim ng lupa kaya Underground. Napapalibutan ito ng iba’t ibang manonood na wizards. Palaging puno dito lalo na pag Dark State. Nadodoble yung bilang ng mga wizards na manonood. Sa dulong gitna at pinakamataas kaming mga Shadows nakaupo. Dito kasi makikita ang magandang view ng labanan. Sa kabilang dulo naman ang emcee at commentator para ilahad yung labanan na nangyayari. Sa ibaba naman ay yung mga miyembro o teammate ng bawat Shadow, katulad na lang nina Leona, Alice, Cyclone at Tyrone na teammates ko.
Each Shadow has their own four comrades.
Underground. Isang ilegal na labanang pinagbabawal ng bawat empire. Marami kasing namamatay dito. Simple lang naman ang dahilan kaya tinawag itong Underground, sa ilalim kasi ng lupa sila naglalaban. Sa mismong stadium na dinisenyo at itinayo sa ilalim ng lupa bilang showdown stage ng kapangyarihan ng bawat wizards.
Nacla-classify ang Underground battles sa apat na category. Star State o kung saan ang mga beginners ang nakikipaglaban at ang mga bagong salta. Kapag nakalevel up ka na, pwede ka nang isabak sa labanan ng Double Star State or ang mediocre battle. Triple Star State naman ang sumunod o kung saan naglalabanan na rin ang mga umangat na wizards o ang maituturing na ring malalakas. At ang panghuli, ang Dark State. Dito, ang mga nananalo sa Triple Star State ay malaya nang nakakapag-engage ng battle laban sa 12 Shadows o ang labindalawang pinakamalalakas sa buong underground.
Kadalasan, napipirmi na ang ibang wizards sa Triple Star State. Kapag nagdeklara kasi ng isang Dark State battle ang isang Triple Star Wizard, kailangan niyang matalo ang Shadows at ang comrades nito at umabot sa 5th Shadow o ang safe haven. Unang kakalabanin ng comrades ng Triple Star ang comrades ng Shadow bago ang mismong leader. Kapag nagawa ito ng wizard, makakaakyat siya sa susunod na Shadow at katulad ulit, lalabanan ng kanyang comrades ang teammates ng Shadow bago ang mismong leader versus leader. Paakyat siya ng paakyat hanggang umabot sa safe haven o matalo ang 5th Shadow. Kapag nagawa niya ito, kahit matalo na siya sa susunod na Shadow, pasok na siya sa 12 Shadows ng Underground.
Pero kung natalo siya bago pa man umabot roon, sisiguraduhin ng Underground na mamamatay ang wizard na iyon kasama ang comrades niya.
Kaya naman minsan lang magkaroon ng Dark State. Kung nagkakaroon man, hindi sila basta basta nakakalagpas sa 12th Shadow.
Pero ngayon, makikita ko ang laban sa pagitan ng 5th Shadow at ng Snow White na grupong yon. Hindi ko talaga aakalaing may makakaabot sa ganitong level. He must be a monster to think na nakapag-Dark State na agad siya sa loob ng isa’t kalahating taon. Mga panahong nawala ako sa lugar na ito.
“Yo Azure. Welcome back,” bati sakin ni 3rd Shadow. I smiled at him.
“Namiss namin ang prinsesa sa grupo,” segunda naman ni 2nd Shadow. Itinuturing ako ng mga Shadow na kasama ko bilang prinsesa ng grupo dahil ako ang kauna-unahan at ang nag-iisang babaeng naging Shadow. Madalas kasing manalo ang mga lalaki.
Ang totoo niyan, hindi nila alam na galing kami ni Alice mula sa royal family. Hindi nila alam na pagkapanganak pa lang samin, nagtataglay na kami ng malakas na kapangyarihan. Of course they shouldn’t know about it. Like hell, princesses doing illegal stuffs? We would probably be dead meats by the end of the day.
“So how’s the Snow White group? Been hearing rumors about them,” tanong ko sakanila.
Binigyan naman ako ni 6th Shadow ng isang malungkot na ngiti. Dahil siguro siya yung last na natalo ng grupong iyon. “Just watch and expect the unexpected.”
Expect the unexpected? Mmm. Interesting. To think na magsasabi si 6th Shadow ng ganyan.
Natigil kami sa pag-uusap nang lumabas na ang dalawang maglalaban. The leader of the Snow White group at ang 5th Shadow.
“Get yourself together, 5th! We want revenge!”, sigaw ni 6th na sinundan naman ng hiyawan ng iba pang Shadows na natalo nung leader ng grupong Snow White
“Heh! This kid is nothing compared to me,” pagmamayabang ni 5th. Sige lang, pag ikaw natalo ewan ko na lang kung saan ka dadalhin ng yabang mo -_- Don’t mind me, I have nothing against 5th. Ayoko lang ng mayabang.
“Oooh~ Azure? Is that you? Geehee! Watch me shatter this kiddo!” sigaw ulit ni 5th.
Hindi ko na siya pinansin. Bakit ba andami pang satsat bago magsimula ang game? Sheesh -_-
Tinignan kong mabuti yung lalaking leader ng Snow White. Lalong umangat yung pagiging white complexion na dahil nakasuot siya ng itim na damit. Nakasuot rin siya ng maskarang itim katulad ng sa akin. Mukha siyang kasing edad ko. Mga age 17-19 years old at matangkad. Hindi na ako nagtataka kung bakit yung ibang babae dito, naghihiyawan. Mukhang may itsura yung lalaki.
Nagulat na lang ako nang makita ko siya.. teka? Nakatingin siya sa akin?
“Let the Dark State, begin!” announce nung Emcee sabay patunog sa gong.
Nauna nang tumira si 5th Shadow at binigyan niya ng sunod-sunod na sand wave ang lalaki. Tumalsik ang lalaki sa iba’t ibang lugar at hindi na pinakawalan ni 5th Shadow ‘to. Pinalibutan niya na agad ng sand tornado ang lalaki.
“Hah! This is your end! Do not mess with us again!” nag-ipon si 5th Shadow ng sand ball sa dalawang kamay niya habang nakakulong pa din sa umiikot na tornado ang lalaki.
“SAND DESTRUCTION!” itinira ni 5th Shadow ang malaking sand ball papunta doon sa lalaki. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at napuno ang stadium ng buhangin.
“Expect that from the Safe Haven Shadow,” 3rd Shadow commented.
“He doesn’t want to let go of his doggy hmm,” natatawang sabi naman ni 2nd. Doggy?
“That’s their deal. The guy from Snow White would claim fifth’s dog if fifth lose,” sinagot naman ni 1st yung nasa isip ko. What in hell, nagsalita si first! It’s a miracle! Bihira lang kasi yan magsalita.
Unti-unting nahawi ang buhangin sa lalaki at nakita kong tumba na ito. Ano ba yan. I thought I would have a good show tonight. Mali pala. -_-
“Told you. I could finish this in an instant. NOW WHO RULES?!” naghiyawan ang mga wizards habang nagyayabang nanaman si 5th. Sheesh. Hindi pa nga nadedeklara ng emcee kung panalo na ba talaga sya eh.
“Look out! Sa likod!” sigaw nung isa sa mga manonood.
Bago pa man makaharap si 5th Shadow, nasa harap niya na ang lalaki.
And the next thing we knew, 5th Shadow’s body was already soaking in the pool of his own blood.
In just an instant, he lose the battle. And Snow White’s leader claimed the safe haven’s spot.
“WHAT A SHOW!” sawakas nasabi na rin ng Emcee matapos makahupa sa pagkagulat. “
Unbelievable! And the 5th Shadow is down! Let’s welcome the new Shadow! Leader from Snow White!”
Hindi ko talaga alam kung kanino kampi tong mga wizard na nanonood pero ayun, malakas ulit hiyawan nila. Parang feeling ko, magigiba ang buong stadium sa sobrang lakas.
Napatingin ako sa lalaki. Nakatingin nanaman siya sa akin. Tch.
Napansin kong naglakad siya papunta sa kinaroroonan namin. Ano nanamang binabalak niya?
Hindi nagtagal at nasa harapan ko na siya. Ngayong mas nakita ko na siya ng harap-harapan, nakaramdam ako ng malakas na aura. At ngayon din, masasabi kong baka nahimatay na si Leona dahil aaminin kong may itsura tong lalaking nasa harap ko.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. “A pleasure to meet the princess of the Shadows.”
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Fudge! Nakaramdam ako ng pangingilabot.
He got closer beside me and I could hear his breathing. What he whispered sent chills to my nerves.
“I’m looking forward to our battle..
..Princess Meteor.”
With that, he gave me one quick kiss on the cheek and suddenly vanished.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top