Royal 25

Kyamii: Hi guys! If you would be kind enough to check out my new story, She's A Takashi. Just click the external link! Arigato! Anyway, here's SRG Royal 25! Happy reading!


Royal 25


"Welcome to the Royal Swan Lake Tournament!"


Mahigit isang oras na ang nakakaraan matapos pasimulan ni Monokuma-bear ang Royal Swan Lake tournament. Maraming prinsesa na ang nagpakitang gilas sa pagsayaw. At habang tumatagal, naglalabasan na ang mga performance na siguradong hinding-hindi makakalimutan ng mga manonood.

Hindi mapakali si Astro. Sa bawat performance na natatapos, lalong lumalakas ang kabog sa dibdib niya. Kinakabahan siya para sa kapatid. Hindi lingid sa kaalaman ng binata na mas pinagbutihan ng mga prinsesa ngayon ang kanilang pagsayaw kaysa sa mga nakaraang tournament. Sino nga ba naman ang hindi? Isang oportunidad ang kumpetisyon na ito para sa mga prinsesang naghahanap ng kanilang mga prinsipe, lalo na at maraming hari at prinsipe ang dumayo sa Core City mula sa iba't ibang dako ng Stella World para lang masaksihan ang Stella Royal Games.

At ngayong ikaapat na araw na ng Games, binuksan ito sa pamamagitan ng Royal Swan Lake Tournament. Hindi na nagtataka pa si Astro kung ipinapakita na ng mga prinsesa ang kaya nilang gawin. Pagkakataon na nila ito para magpa-impress at maka-agaw ng atensyon ng mga prinsipe, lalo na iyong kilalang-kilala at nanggaling sa makapangyarihang angkan.

Kaya naman walang duda na nangunguna sa listahan ng mga prinsesa ngayon si Prince Ice, ang crowned prince ng Arcturus Empire. Bukod sa maimpluwensya ang pamilyang Arcturus, taglay ni Prince Ice ang mga katangian ng isang perpektong prinsipe.

Umayos ng upo si Astro at pasimpleng sinilip si Ice Arcturus. Tahimik lang itong nanonood sa palabas. Blanko ang emosyon nito. Hindi mabasa ni Astro kung interesado ba ito sa isa sa mga prinsesang natapos na sa pagper-perform. Tinatantiya niya kung nagsisinungaling ba ito o kung totoo ang mga katagang binitawan nito sa kanya kanina.


I was on my way to the watch tower for a better view when Ice called out. Bigla akong nagtaka. Ano naman ang kailangan niya sa'kin? Hindi naman kami magkaibigan para mag-usap ng normal sa labas. Pero baka tungkol ito sa dinner na magaganap mamaya bilang selebrasyon na inihanda para kay Meteor.

Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya, "May kailangan ka ba?"

He cleared his voice and gave me a straight face. "I just want you to know you don't have to worry about today's event..


".. I already set my eyes on your sister."


Muling bumalik sa realidad si Astro nang makarinig siya ng malakas na hiyawan. Kakatapos lang ng huling mananayaw at ngayon, umakyat na si Monokuma-bear sa platform para ipakilala ang susunod na magtatanghal. Sinilip niya ang mag-partners na naglalakad paakyat sa built-in stage na nasa gitna ng arena. Kaya pala ganoon na lang kalakas ang sigawan. Lumabas na ang isa sa pinakahinihintay nila.


"Now, to perform her own composition of a classic melody, let's welcome your reigning Royal Swan Queen and Vega Empire's pride, Crowned Princess Aurora dela Vega!"


Nagsimula nang tumunog ang orchestra. Nanahimik ang mga manonood. They are carefully watching Aurora's every move and it was flawless. Hindi nila mapigilang humanga sa prinsesa. Napaka-precise ng bawat galaw nito. Ang ganda ng porma ng kanyang kamay at paa sa bawat step na kanyang ginagawa. Parang kasing-gaan lang siya ng hangin, sapagkat hindi makikitaan ng kahit anong hirap na ekspresyon ang partner niya sa bawat pagbuhat sa kanya.


If my sister didn't hate her that much, I'd probably fall for her.


Kahit si Astro hindi napigilan ang paghanga sa dalaga. Maganda, matalino, kilala at nanggaling sa makapangyarihang pamilya. Ano pa bang hahanapin niya? Hindi rin nakatakas sa pandinig niya ang pagtulong ni Aurora sa mga mahihirap na mamamayan ng kanilang kaharian. Iyon nga lang, pakitang-tao lang ang kanyang pagtulong para mapaganda ang imahe bilang prinsesa.


Kung hindi dahil kay Meteor, malamang pati si Astro ay naloko rin sa 'magagandang' katangian ni Aurora. Ano pa ba ang inaasahan nila sa isang dela Vega? Handang gawin ng kanilang angkan ang lahat makuha lang ang pinakamataas na kapangyarihan. Katulad na lang ng pandaraya ng mga ito noong huling Stella Royal Games kung saan kasali ang ama nina Meteor at Astro na si King Leo. Nang dahil sa hindi magandang pangyayaring ito, bumagsak ang Sirius Empire. At nasa kamay ni Astro ang muling pagbalik nito sa itaas.


Hindi lang iisang beses nangyari ang pandaraya ng mga Vega. Noong huling Swan Lake Tournament ni Meteor, nagawang palabasin ni Aurora na aksidente ang pagka-pilay ng prinsesa. Hindi tuloy nakasali si Meteor, at kailangan niyang isuko ang titulo matagal niya nang hawak sa kamay ni Princess Aurora.


At ngayon, sinigurado na naman ng dalaga na magkakaroon ng problema si Meteor. Nagawa nitong agawin ang matagal ng partner ng prinsesa sa pagsasayaw. At ang masakit? Ang pinaghirapang routine na binuo ni Meteor at ng kanyang ex-partner ay ang routine na ginagamit ni Aurora ngayon.


Maganda sana kaso..


Napabuntong-hininga si Astro. Mabuti na lang at binuksan ng kanyang kapatid ang kanyang mga mata sa tunay na pagkatao ni Aurora. Hindi tuloy siya katulad ng ibang mga prinsipe na nagkakandarapa sa maling babae. At mukhang para sa kanila, wala na silang mahihiling pa kung mapapangasawa nila ang prinsesa ng Vega.


Natapos sumayaw sina Aurora. Isa na namang perpektong performance ang ibinigay ng prinsesa. Nag-bow ang magpartner sa harap ng kanilang manonood. Malakas ang hiyawan, nagsitayuan pa nga ang iba at pumalakpak ng malakas dahil sa galing na ipinamalas ni Aurora. Napansin ni Astro ang pagtango ng mga judges. Kung may balak man si Meteor na agawin muli ang korona ng pagiging Royal Swan Queen, mukhang mahihirapan siyang gawin ito.


Muling lumitaw si Monokuma-bear, suot-suot ang black-and-white niyang tuxedo at hawak ang microphone sa isang kamay.


"Thank you Princess Aurora dela Vega for that spectacular performance! Now people! Are you ready for our next candidate?!"


Nagsigawan ang mga tao. Mukhang tumaas ang enerhiya nila dahil sa unforgettable performance ni Aurora.


"You better be! Because our next princess comes from the land of the legendary king, Orion! Can you guess who she is?!"


"Whoo!" Biglang napatayo si Astro sa kinauupuan habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Nang mapansin niyang pinagtitinginan siya ng iba pang royalties, dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay, napakamot sa ulo at nahihiyang ngumiti sa mga nandoon.


"T-that's my sister," page-explain niya at bumalik sa kanyang kinauupuan.


"Will she light up and stand out like her name? Representing Sirius Empire, here comes Crowned Princess Meteor Flare Sirius to perform Yellow Flicker Beat!"


Lumabas si Meteor, eleganteng tignan dahil sa suot niyang pa-balloon na puting gown. Umakyat siya sa stage at humarap sa mga judges, walang ka-emo-emosyon ang mababasa sa kanyang mukha. Muli na namang naghari ang katahimikan sa mga manonood. Nagtataka sila sa suot-suot ngayon ni Meteor. Pati ang mga judges, hindi nila alam kung ano ang kanilang magiging reaksyon dito. Ito ang unang beses na may nagsuot ng hindi ballerina attire sa isang importanteng event.


Kumunot ang noo ni Astro. Anong balak ng kapatid niya? Bakit nito naisipang magsuot ng isang magarbong gown na kung tutuusin ay ayaw na ayaw niya? At isa pa, hindi naman ito ang damit na sinusuot sa isang ballet contest. Mahihirapan siyang sumayaw sa sobrang bigat ng damit niya ngayon.


Nanatiling tahimik si Astro at nakatuon ang buong atensyon sa kapatid. Nagsimula nang tumugtog ang napiling musika ni Meteor. Nag-iba nga ang sasayawin nitong routine, katulad ng sinabi nito sa kanya kanina.


Magagawa niya ba?


"I'm a princess cut from marble, smoother than a storm. And the scars that mark my body, they're silver and gold."


Nagsimulang gumalaw si Meteor. Inaamin ni Astro na hindi ganoong kalawak ang kanyang kaalaman pagdating sa ballet, pero mula sa ilang taon na panonood sa Royal Swan Lake tournament dahil sa kapatid, alam niyang ang paggalaw ngayon ni Meteor ay ibang-iba sa tradisyonal na pagsayaw ng ballet.


Kung hindi ito ballet, ano ang sayaw ni Meteor?


Hindi ito maintindihan ni Astro sa una. Pinanood niya ng maigi ang kapatid. Napaka-unpredictable ng mga galaw nito, magulo at halos walang koneksyon sa ballet ang binuong steps ni Meteor.


Ilang segundo pa ang nakalipas bago tuluyang maintindihan ni Astro ang ginagawa ng kapatid sa stage. Nanlaki ang mga mata ng prinsipe. Halos hindi nga konektado sa ballet ang sayaw ng kanyang kapatid pero, bawat galaw nito ay may ipinapahiwatig. Parang nagkwe-kwento siya ng storya sa pamamagitan ng sayaw. At ang storyang iyon ay tungkol sa pagiging prinsesa.


That's why she's wearing a ball gown!


"And now people talk to me, but nothing ever hits home. People talk to me, and all the voices just burn holes."


Napasigaw ang mga tao nang biglang magliyab ang damit na suot ni Meteor at tuluyang mapalitan ito ng plain black suit na hapit sa katawan niya. Itinaas ng prinsesa ang isang asul na maskara, ang maskarang ginagamit ni Meteor kapag bibisita siya sa Underground.


"I'm done with it (ohh). This is the start.."


Nanlaki ang mga mata ni Astro nang makita ang usual ballet routine ni Meteor sa chorus ng kanta. Pero sa halip na gawin ni Meteor ang kanyang steps sa mabagal at mahinhing paraan katulad ng dati niyang nakagawian, lalong bumilis ito at halos kitang-kita ang nag-uumapaw na emosyon sa bawat paghampas ng kamay at paa ng prinsesa.


The Meteor dancing today is not the graceful swan she used to be.


Hindi rin nakatakas sa paningin ni Astro ang isinasaboy ni Meteor sa buong stage na halop sakop na ang buong arena. Para itong itim na buhangin.


What is she going to do with it?


"I'm speeding up and this is the red, orange, yellow flicker beat sparking up my heart. We're at the start.."


The way she dances, she's going all over the whole arena and spreading that black sand she's holding.


Sinusubukang sakupin ni Meteor ang buong arena sa bawat paggalaw niya, at sa tingin ni Astro, ginagawa ito ng prinsesa para maisaboy ang kung ano mang hawak-hawak niya.


"I dream all year, but they're not the sweet kinds."


Nagpatuloy ang prinsesa sa ginagawa niya. Hindi lingid sa kaalaman ni Astro na nagsisimula ng ma-bore ang mga manonood. Umiiling-iling na rin ang mga judges, mukhang hindi nila nagugustuhan ang pinapakita ni Meteor ngayon.


What exactly are you planning, sis?


"I'm done with it (ohh)"


Biglang nawala ang musika. Sa huling pagkakataon, pinakawalan ni Meteor ang natitirang itim na buhangin sa kanyang kamay habang umikot sa pinaka-sentro ng stage. Tinanggal niya ang half-mask na kanyang suot at itinaas sa ere, bago ito tuluyang sunugin gamit ang apoy na nanggaling mismo sa kanyang kamay.


The princess can yield fire?!


Iyon ang tanong na bumabagabag sa mga tao ngayon. Hindi alam ni Astro ang gagawin. Bakit bigla-bigla na lang magpapakita ng kapangyarihan ang kanyang kapatid?!


"This is the voice that needs to be heard."


Muling nakuha ni Meteor ang atensyon ng mga manonood nang magsalita siya. Nagulat ang mga judges nang palibutan si Meteor ng kanyang asul na apoy at dahan-dahan siya nitong itinaas sa ere. Napatayo si Astro, napasigaw ang mga manonood. Ito ang unang beses na may pangyayaring ganito!



"Several decades ago, my grandfather, King Orion Sirius the Fourth, fought for the women's right to join the Stella Royal Games. From that day on, he was the one responsible for paving the way of unbiased treatment for both genders. However, despite fighting for years during his reign, some were not able to grasp this equal opportunity until now."


"This is the voice that needs to be heard! This is for the princesses out there who wanted to create their own path, but were forbidden to do so because of their sole responsibility of marrying a prince to bring honor to their family name. Is this the way you see us? A daughter to trade for strong family ties? A daughter to trade for power? Is this the reason why you keep giving us the strict princess lectures? To create the ideal princess that every prince would want to marry? And then what? Amongst all the princes who asked for our hand, you'll pick the rightful husband based on their power and family name. Because you know that you'll marry your little girl to the prince that will give you the highest honor. Is this who we are? The daughters you will trade for honor?"


"This is the voice that needs to be heard! This is for the princes out there who were bound by the tradition of being the ideal prince. Some prince never wanted to fight, never wanted war or bloodshed. They wanted to be someone that is not the norm for the society, and for that their masculinity will be judged. Should we still stick to the tradition even if it means of sacrificing our real selves, of who we truly are?"


"Some princesses and princes never wanted to be the traditional royalties. Some wanted to fight, and some wished for a simple life. We are skillful in other aspects too, other than being your stereotypical princess or prince. We can do what others can do, but, our rights to choose what we want to be were never recognized. Plans for our lives were already laid out the moment we are born. For the society, this is the duty of a royalty, to fulfill and accomplish these plans. For them, this is the right thing to do. But for us, this is what you call exercising too much control."


"Now I'm asking the society. Is it right to control someone's life? Is it right to make decisions for others without asking their opinions? Is it right to forbid someone from choosing his own destiny?"


"I've known people who wanted to forge their own path but were afraid of what society may think of them. Now this is the time your voice will be heard."


"Remember! We are not pawns, and we will never be! This eye-opening message is not only for the royalties, but also for the people who failed to express themselves for the fear of society's judgment. For those out there who are afraid to go against the tradition, hear my voice! Take the risks and forge your path! You may never know what will come, but it is better to see what the world is than to stay ignorant for a long time. Savor the equal opportunity my grandfather had given to each of us! Claim your right to choose who you want to be!"


"I am a princess, bound by the tradition, but chose to fight. I am the princess born with the gift of blue flames like the Legendary King Orion Sirius, whose blood runs through my veins. I am Meteor Flare Sirius, daughter of King Leo and Queen Siliria, Crowned princess of Sirius Empire, and I am continuing the fight my grandfather started."


Nawala ang asul na apoy na sumusuporta kay Meteor para sa kanyang paglutang. Kapalit nito ang pagliyab ng buong arena habang nakatayo sa gitna nito ang prinsesa.


"This is what I fight for!"


Kasabay ng pagkawala ng asul na apoy ay ang pagkalawa ng prinsesa. Tanging natira lang sa arena ay ang sunog na itim na buhangin na nag-anyo sa isang katagang magmamarka sa bawat taong nanood ng kanyang pagtatanghal.


Equality.


"And this is the red, orange, yellow flicker beat-beat-beat-beat."


~

Kyamii: Sorry hindi ko na-post kahapon. :( But yeah, I hoped you liked this one. Nags-start na ng revolution si Meteor. Hahaha!


Oh and by the way, ngayon ko lang naalala na hindi pala si Meteor ang nanalo sa last Swan Lake tournament so I had to do some editing on the last chapter. Haha! Sorry na, makakalimutin si author. Nakalimutan kong may Princess Aurora dela Vega pala. XD


I should've focused on the equality issue more. Sana pala masyado ko pa siyang pinalitaw sa story. Oh well, SRG will have to go through serious editing.


Anyway, next update will be on Monday. What to look forward to? First Shadow's identity!


Thank you for reading and I hope to see you in my new story entitled, She's A Takashi! Yaay~ Have a nice day!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top