Royal 23

Royal 23

[Third Person's POV]

Hindi na maikakaila pa ang mabilis na pagtibok ng puso ni Meteor. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama, hawak-hawak sa isang kamay ang hourglass na ibinigay ng kaibigan na si Leona. Ilang oras na ang nakakaraan nang umalis si Leona at Alice para makipagtulungan kay Sara sa paggawa ng potion. Ilang oras na rin ang nakalipas simula ng baligtarin niya ang hourglass.

Hindi na alam ni Meteor ang gagawin. Konting-konti na lang ang natitirang buhangin sa itaas nito. Sa oras na maubos ang buhangin, iisa lang ang ibig sabihin nito: Ang pagkawala ng buhay ng isa sa mga mahahalagang tao sa buhay niya.

Nakagat ni Meteor ang ibabang labi hanggang sa dumugo ito. Sinisisi niya ang sarili sa hirap na pinagdadaanan ngayon ni Tyrone. Malaki ang tiwala sa kanya ng kambal, tinuring siyang leader ng mga ito at kahit kailan ay hindi siya iniwan sa ere sa bawat pakikipaglaban nila sa Underground. Pero ngayong sila ang nangangailangan, wala siyang magawa kundi umupo na lamang at maghintay.

Natuon ang atensyon ni Meteor sa bintana ng kanyang kwarto nang may dumapon puting ibon dito. Nakatali sa paa nito ang isang rolyong papel. Dahan-dahang tumayo si Meteor, iniingatang hindi magising si Winter na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Pagod na pagod ang bata sa buong maghapong pakikipaglaro at pakikipagdaldalan sa kanilang dalawa ni Blizzard.

Lumapit si Meteor sa bintana at binuksan ito. Maingat niyang tinanggal ang nakarolyong papel sa paa ng ibon. Binuksan niya ang papel at binasa ang nakasulat dito.

Hindi na kinaya ni Meteor ang panlalambot ng kanyang tuhod. Napaupo siya sa sahig, nag-uunahang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Marahas niyang pinalis ang butil ng tubig, pero tuloy-tuloy ito sa pag-agos sa kanyang mukha.

Hindi maintindihan ng dalaga ang nararamdaman. Pero kahit ganun pa man, masaya siya.

Masaya siya at ligtas na si Tyrone.

Naisip ng dalaga na mukhang ito na nga ang sinasabi nilang 'tears of joy'. Sino ba namang hindi sasaya kapag napag-alaman mong ligtas na ang kaibigan mo? Matagumpay na nagawa ni Leona, Alice at Sara ang potion para tuluyang tanggalin ang lason sa katawan ni Tyrone. Sa ngayon, nagpapahinga na lang ang binata sa ospital at binabantayan siya ng kakambal na si Cyclone.

At hindi lang 'yon ang nakalagay sa sulat, sinabi pa rito na nanalo din si Rai sa Games na sinalihan nito kanina. Dahil sa pagkapanalo ni Blizzard at ngayon naman ay si Rai, nasa ikatlong pwesto na ang grupo ng Sirius. Konti na lang ang agwat sa kanila ng Arcturus na nasa ikalawang pwesto, at Vega na nasa una.

Tumayo si Meteor at pumunta sa banyo para linisin ang kanyang mukha. Tinitigan niya ang sarili sa salamin.

Hindi pa natatapos dito ang lahat.

Kinuha ni Meteor ang itim niyang kapa at sinuot nito, kasama ang asul niyang maskara. Hindi pa natatapos ang misyon niya bilang isang Shadow. May isang tao pa na kabilang sa spell casters at potion makers ang hindi pa nakukuha. At base sa kalkulasyon ni Meteor, ngayong gabi isasagawa ang plano dito.

Sinipat muna ni Meteor si Winter na mahimbing na natutulog. Hinalikan niya ito sa tuktok ng ulo, at saka inayos ang kumot. Maya-maya lamang ay darating na dito si Alice para bantayan ang bata. Napatingin si Meteor sa labas ng bintana. Dumidilim na ang kalangitan. Kailangan niya nang umalis para makarating sa kanyang pupuntahan, bago pa mahuli ang lahat.

 ~

 "Fourth Shadow!" Nagulat ang isang matandang babae nang bumungad sa kanya ang ikaapat sa pinakamalakas na tao sa Underground. Awtomatikong napatungo ang matanda bilang pagbibigay-galang sa nakakataas na bumisita sa kanya. "Magandang gabi ho, Ikaapat."

"Good evening rin po."

"Ano hong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ng matanda. Malakas ang kanyang pakiramdam na may hindi magandang nangyayari ngayon. Sa tinagal-tagal ng paninirahan niya sa Underground, ngayon lamang siya binisita ng isa sa mga nakakataas.

“Gusto kong malaman ang tungkol sa organisasyong sinalihan niyo labinlimang taon na ang nakakaraan.”

Natigilan ang matanda sa sinabi ni Azure. Madali niyang pinapasok ang dalaga sa kanyang maliit na tahanan, bago pa may makarinig ng kanyang sasabihin. Sumunod ang matanda sa loob, sinilip muna kung mayroong taong napadako sa kanyang lugar bago tuluyang isara ang pinto ng kanyang tahanan.

Humarap ang matanda kay Azure, tahimik nitong pinagmamasdan ang loob ng kanyang bahay. Hindi mapakali ang matanda. Pinagpapawisan siya ng malamig, nanginginig ang kanyang kamay.

Bakit kailangan pang ungkatin ang isang memoryang ibinaon na sa nakaraan?

“Ikaapat,” rinig ang panginginig sa boses ng matanda. “Ang tungkol sa organisasyon—”

“Wag kayong mag-alala. Hindi ko kayo sasaktan. Nandito ho ako para proteksyunan kayo.”

Muli na naming natigilan ang matanda. Proteksyunan? Saan? Hindi niya lubos maintindihan ang sinasabi ng Ikaapat. Naguguluhan siya sa inaasal nito.

“Narinig niyo naman po siguro ang balita tungkol sa mga nawawalang spell casters at potion makers na nakatira dito sa Underground.”

Wala sa sariling tumango ang matanda. Oo, narinig niya ang chismis tungkol dito nang dumayo siya sa bayan. Hindi niya ito binigyan-pansin, dahil imposible naming may makalusot na krimen sa ilalim ng pamamahala ni First Shadow.

Inilabas ni Azure ang isang papel at iniabot ito sa matanda. Kinuha niya ito, at isang makalumang litrato ang bumungad sa kanya.

Ang litrato kung saan kabilang siya, at ang mga dating miyembro na kabilang sa organisasyong itinatag nila labinlimang taon na ang nakakaraan.

“Yan ang mga taong pinaghahanap namin ngayon. Halos lahat sila, nasa kamay na ng kung sino man ang nagpapakuha sa kanila. Kayo na lang ho ang natitira.”

“P-pero.. bakit?” naguguluhang tanong ng matanda. “Anong kailangan nila sa’min? Sa akin?”

“Iyan din ho ang gusto kong malaman.” Humarap si Azure sa matanda at seryosong tumingin dito. “Kaya kung maaari, magtulungan ho tayo.”

Muling tinitigan ng matanda ang litrato. Gustuhin niya mang umayaw sa pag-uungkat sa nakaraan ay hindi niya magawa. Sariling buhay niya na ang nakasalalay dito.

Ibinalik ng matanda ang litrato sa dalaga, “Maupos ho kayo, Ikaapat. Igagawa ko ho muna kayo ng tsaa bago tayo magsimula.”

Sumunod naman sa utos si Azure. Ilang mahahalagang impormasyon na ang nakuha niya mula sa kanyang sariling imbestigasyon ng mga dokumento, at pati na rink ay Sara na apo ng isa sa mga nasabing miyembro. Ngayong kaharap niya na mismo ang isa sa mga miyembro ng dating organisasyon, mukhang malalaman niya na ang tunay na dahilan kung bakit sila kinukuha.

“Thank you,” pagpapasalamat ni Azure sa matanda nang iabot nito ang isang tasa ng tsaa. Umupo ang matanda sa katapat niyang upuan at humigop ng tsaang ginawa nito para kumalma.

Ibinaba ni Azure ang tasa sa mesang nasa kanyang harap at tumingin sa matanda. “Hindi ko na ho kayang itago sa inyo ‘to.”

Huminga muna ng malalim si Azure bago magpatuloy, “Base sa kalkulasyon ko, ngayong gabi ho kayong nakatakdang kuhain. Gustuhin ko man hong itakas kayo sa lugar na ito ay hindi ko ho magagawa. Kayo ho ang susi para mahuli kung sino ang gumagawa nito, at para malaman namin ang destinasyon ng iba niyo hong kasama.”

“Wag ho kayong mag-alala, hindi ko ho kayo pababayaan,” dugtong ni Azure. “Paparating na rin ho ang ilan pang mga Shadows. Sa oras na mahuli ho namin ang gumagawa nito, dadalhin ho namin kayo sa ligtas na lugar.”

“Naiintindihan ko ho, Ikaapat.” Sagot ng matanda. Isang panandaliang katahimikan ang bumalot sa pagitan nilang dalawa. Makaraan pa ang ilang segundo ay nabasag rin ito, nang magsalita ang matanda.

“Ano ho bang gusto niyong malaman sa organisasyon?”

“Lahat. Lahat-lahat ng impormasyon na nakapaloob dito. Simula sa pagkakatatag nito, hanggang sa pagkawasak.”

Ibinaba ng matandang babae ang tasang hawak at inayos ang kanyang upo. Napatitig siya sa iisang direksyon, isa-isang bumabalik ang mga ala-alang matagal niya nang ibinaon sa limot.

“Labinlimang taon na ang nakakaraan nang itatag namin ang isang ipinagbabawal na organisasyon...”

“Hindi madali ang buhay noon. Naglalaban-laban ang mga kaharian sa isang kompetisyon para makuha ang inaasam ng lahat, ang stardust. Galing kaming lahat sa pinakamahinang kaharian, ang Alpha Centauri. Alam mo naman ang estado kapag laging nasa pinakadulo ang kahariang kinabibilangan mo. Kakapiranggot lang na stardust ang nakukuha ng kaharian namin at hindi alam ng palasyo kung paano ito hahatiin sa iba’t ibang sector. Dumating ang araw kung saan bumagsak ang ekonomiya, wala ng mabilhan ng pagkain, wala ng kalakalan, naghihirap ang bawat mamayan. Umabot sa puntong tumataas ang krimen, patayan sa kabilang dako, nakawan naman sa isang lugar. Napipilitang gumawa ng mga ilegal na bagay ang mga tao para lang mabuhay. Ito ang ‘Dark Days’ kung kanilang tawagin.”

Nagpatuloy sa pagku-kwento ang matanda, “Sinubukan kong mabuhay nang hindi nagpapadala sa masamang hangin. Pero mapaglaro ang tadhana. Isang gabi, may matandang babae ang kumatok sa pinto ko. Nakilala ko ito, isa rin siyang potion maker sa kabilang distrito. Siya ang nagyaya sa’kin na bumuo ng isang organisasyon kung saan gagawa kami ng sarili naming stardust.”

Kinuha ng matandang babae ang litrato at tinuro ang isang pamilyar na mukha doon. Mabilis na nakilala ni Azure kung sino ang tinutukoy nito na nagyaya sa kanya. Ito ay walang iba kundi ang lola ni Sara.

“Hindi na ako tumanggi pa sa kanyang alok. Hirap na hirap na ako. Matapos ang usapan na iyon, mabilis akong nag-impake at pumunta sa lugar na sinasabi niya. Doon ko nakilala ang iba pang mga miyembro. Madaling araw kinabukasan, naitatag ang organisasyon ng mga potion makers at spell casters. At ang misyon namin? Gumawa ng kopya ng makapangyarihang stardust para ibenta.”

“Hindi pala ganoon kadali ang trabaho. Mula sa isang daang miyembro na sumali, ilan na lang ang natira bago makumpleto ang kapiranggot na stardust. Maraming namatay at nagbuwis ng buhay, nasaktan o naputulan ng parte ng katawan para makumpleto ang proseso sa paggawa ng stardust. Hindi mapagkakaila kung bakit ilegal at delikado ang gawaing ito.”

“Pero bago pa man namin masubukan ang stardust na aming ginawa, natagpuan ng mga kawal ng palasyo ang pinagtataguan namin. Nagkagulo. Maraming nagtangkang tumakas pero nahabol at napatay. Isa ako sa mga masu-swerteng tao na nakatakas sa kaguluhan. May nakapagsabi sa’kin ng tungkol sa Underground. Una kong naisip, delikado sa lugar na ito. Pero hindi na ako nagdalawang-isip pa na manirahan dito, dahil alam kong hahanapin din ako ng mga kawal ng palasyo at papatayin.”

Natahimik si Azure, dahan-dahang iniintindi ang bawat sinasabi ng matanda. Unti-unti nang nagkokonekta ang lahat. At ayaw mang isipin ni Azure pero, mukhang mas malaking problema pa ito kaysa sa inaasahan niya.

Hindi na natiis pa ni Azure at humigop siya ng tsaa para kumalma. Seryosong napatingin siya sa matanda, “Kung ganoon nga ang nangyari, sigurado ho ako na kung sino man ang gumagawa nito, balak niyang sarilinin ang mga makapangyarihang dyamanteng.”

~

Naiwang tahimik na nag-iisip si Azure sa sala. Nasa kusina ang matanda, naghahanda ng makakain nilang dalawa para sa hapunan. Gusto sanang tumanggi ni Azure para hindi na makaabala pa pero nagpumilit ang matanda. Ani nito, ito ang kanyang simpleng paraan ng pagpapasalamat sa pagbabantay sa kanya.

Natigilan si Azure nang makarinig siya ng kaluskos. Muli na naman niya itong pinakiramdaman, at hindi siya nagkakamali.

Mayroong tao sa labas.

Tahimik na kumilos si Azure papunta sa kusina. Nang makita siya ng matanda, sumenyas si Azure na maghanda. Mayroon silang bisita na kanina pa nila inaasahan.

Tahimik na nakiramdam ang dalawa. Wala na ang kaninang ingay na kanilang naririnig. Biglang namatay ang ilaw. Bumalot ang dilim sa buong bahay. Lumapit si Azure sa matanda, “Stay close to me.”

Laking gulat ng dalawa nang matuklap ang bubong ng bahay. Hindi nila inaasahan ang bumungad sa itaas nila.

Isang dragon ang lumilipad sa itaas nila ngayon.

Naging mabilis ang pangyayari. Nagawang makuha ng dragon ang matanda bago pa man ito patamaan ni Azure. Mabilis na gumawa ng malaking bolang apoy na kulay asul ang dalaga. Itinutok niya ito sa papalayong dragon at pinakawalan.

Laking gulat ni Azure nang mawala na parang bula ang kanyang apoy. Tumakbo siya papalabas ng bahay, kinuha ang staff na ibinigay sa kanya ni Old Man at pinagpalit anyo ito sa isang malaking pana. Muli niyang itinutok ang armas sa dragon, iniingatan na hindi matamaan ang matandang babae na bitbit nito. Sinindihan niya ang pana sa asul na apoy at pinakawalan.

Ngunit katulad ng nangyari noong una, nawala ang asul na apoy at nahati ang pana sa gitna.

“What the fuck.”

Walang nagawa si Azure kundi ang habulin ang dragon. Muli niyang binago ang anyo ng armas at ginawang katana. Lumiyab ito nang sindihan niya muli ng kanyang asul na apoy.

Mabilis na tumakbo si Azure papasok sa kagubatan. Rinig na rinig niya ang malakas na pagaspas ng mga pakpak ng dragon. Ilang puno na rin ang nagkakahulugan at nasisira dahil sa dinadaanan nito. Mukhang bumubwelo pa lang ang dragon sa tuluyan nitong paglipad sa ere.

Kitang-kita na ni Azure ang buntot ng dragon. Konting-konti na lang at maaabutan niya na ito. Nakatutok ang buong atensyon niya sa dragon. Akmang tatalon na sana siya sa isang malaking sangay ng puno nang may humarang sa kanya. Sa sobrang lakas ng pagkakatama ni Azure ay akala niyang matutumba silang dalawa, ngunit napaatras lang ang taong humarang, at buong higpit siya nitong niyakap gamit ang isang kamay.

“Don’t run after it. You’ll get hurt.” Bulong nito sa kanyang tainga.

Nanlaki ang mga mata ni Azure. Para siyang naging bato sa kinatatayuan.

Imposible. Ang boses na ito..

“Runaway with me, Meteor.”

“Blizzard.”

Biglang naitulak ni Meteor ang taong nakayakap sa kanya. Hindi nga siya nagkakamali, si Blizzard ang taong nakatayo sa harapan niya ngayon!

“Ano ka ba?! Bakit ka pa nakatigil dyan?! Makakalayo yung dragon!” Hindi maintindihan ni Meteor ang inaasal nito ngayon pero mas kailangan niyang unahin ang dragon.

Akmang lalagpasan ni Meteor si Blizzard nang mahawakan siya nito sa braso at pigilan.

“BLIZZARD!”

“Don’t run after it. You’ll get hurt.” Ulit nito sa kanyang sinabi.

“Ano bang prob--!” Natigilan si Meteor nang mapagtanto ang isang bagay. “Shit.”

Marahas niyang tinanggal ang kamay sa pagkakahawak ni Blizzard at lumayo dito, “You’re part of this, aren’t you?”

Hindi nakasagot si Blizzard.

Hindi makapaniwalang tumingin dito si Meteor, “Kaya mo ba iniba ang mga impormasyon sa dokumento? Para iligaw ako at hindi ko malaman ‘tong ginagawa mo? Huh. Iba ka rin eh no.”

Napasandal si Meteor sa malaking puno na nasa likod niya para sa suporta. Muli na namang nanghihina ang kanyang tuhod. Hindi na naman kinakaya ng kanyang katawan ang emosyong namumuo sa kanya.

Walang gumawa si Meteor kundi ang umiling, “Iba ka talaga. Maraming nagtiwala sa’yo, ang kapatid ko, ang buong Shadows, ang palasyo, sina Leona at Alice, si Winter.. ako! Ako na nagbigay ng buong tiwala sa’yo!”

Hindi na napigilan pa ni Meteor ang mga nagbabadyang luha. Tuloy-tuloy ang pag-agos nito, kasabay ng pagsabog ng kanyang emosyon.

“Pinagkatiwalaan kita, Blizzard. Pinagkatiwalaan kita kahit hindi ko pa nakikita ang mukha mo.” Marahas na pinahid ni Meteor ang luha na tumulo sa kanyang mata. “Nakakainis lang kasi binigay ko yung buong tiwala ko sa’yo eh. Nakakainis lang na naniwala akong hindi mo ako tra-traydurin, na hindi mo ako sasaktan. Pero nagkamali ako eh. Nagkamali ako sa’yo, Blizzard.”

“Pero alam mo ba kung anong mas nakakainis?” Mapait na tumawa si Meteor.

“Meteor..” mahinang sambit ni Blizzard. Hindi niya kayang makita ng ganito ang dalaga. Hindi ito ang Meteor na nakilala niya noong una.

“Nakakainis lang isipin na hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa’yo.”

“Shit, Meteor.” Akmang lalapitan sana ni Blizzard ang dalaga nang pigilan siya nito.

“Lumayo ka sa’kin!” sigaw ni Meteor. “Lumayo ka. ‘Wag kang lumapit.”

Hindi na nakayanan ng dalaga at napaupo na lang siya sa lupa. Hindi niya na mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Nanghihina siya. Parang nawala ang lahat ng lakas niya sa isang iglap.

“Ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko dahil nahulog ako sa’yo.”

Lumapit si Blizzard sa dalaga sa kabila ng pagbabanta nito. Itinayo niya ito at saka mahigpit na niyakap.

“Lumayo ka! Lumayo ka sa’kin!” Nanggigigil na sabi ni Meteor habang pinaghahampas niya ito. Ngunit parang walang epekto it okay Blizzard. Hindi pa rin siya bumibitaw.

“Shh...” hinaplos ni Blizzard ang buhok ni Meteor. Napagod na ito sa kakahampas sa kanya kaya hinayaan na lang nito na yakapin siya.

“We can leave everything behind, Meteor.” Bulong ng binata. “We can start anew.”

“We’ll take Winter with us. We will have our great escape, go somewhere far away where no one can find us. We will build our simple paradise there, reach our dreams together and live the life how we always wanted. Just say the word and we will get out of here. You and me.”

“Together.”

Dahan-dahang kumalas si Meteor sa pagkakayakap ni Blizzard. Mataman niyang tinitigan ito sa mga mata. Kitang-kita niya na nagsasabi ito ng totoo, at seryoso ito sa bawat binitawan niyang salita.

Maraming gumugulo sa isipan ngayon ni Meteor. Maraming siyang gustong sabihin. Pero dalawang salita lang ang nakayanan niyang banggitin.

“I’m sorry.”

Nagulat si Meteor sa sumunod na nangyari. Tumungo si Blizzard, dahan-dahang tinanggal ang mascara nito. Nanlaki ang mga mata ni Meteor nang unti-unting mag-angat ito ng tingin.

“This will be the last time you’ll be seeing me as Blizzard.” Lumapit ang lalaki kay Meteor at hinalikan siya sa noo, pababa sa kanyang ilong, hanggang sa dumampi ito sa kanyang labi. Hindi makagalaw ang dalaga dahil sa pagkabigla sa rebelasyong ibinunyag nito. “We were given roads to take. You have chosen yours and I have chosen mine.”

Marahang hinaplos ni Blizzard ang pisngi ng dalaga,

“I’m sorry, Meteor.”

Matapos mabanggit ni Blizzard ang tatlong kataga na iyon, nanlamig ang buong katawan ng dalaga.

His face was the last thing she remembered before everything went black.

~

Natagpuan na lang ni Meteor ang sarili sa loob ng isang kwarto. Naramdaman niyang mahapdi at mainit ang kanyang mga mata. Kasalukuyan niyang inililibot ang paningin sa buong lugar nang may magsalita.

“You’re finally awake.”

Napatingin si Meteor sa isang madilim na sulok kung saan nakaupo ang isang lalaki at may binabasang libro.

“First.”

Isinarado ni First ang librong binabasa at lumapit sa kama ni Meteor. “How are you?”

“I’m fine,” nanghihinang sagot ng dalaga.

“Are you?” Balik tanong ni First, may halong pagdududa. Hinila niya ang isang upuan at ipinwesto ito sa gilid ng kama ni Meteor.

 Mapait na tumawa ang dalaga, “I am. Physically. Emotionally? I don’t think so.”

Itinakip ni Meteor ang braso sa mga mata. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha. Ni hindi na siya napagod sa kakaiyak.

“They got away, First. I failed you.”

“It’s not your fault, Azure,” sagot ni First. “It’s mine. I was late.”

Puro paghikbi ni Meteor ang naririnig sa buong kwarto. Nang medyo kumalma na ito, inalalayan siya ni First na makaupo sa kama. Nagsalin ang binata ng tubig sa baso at iniabot dito.

“Do you want to talk about it?” Maya-maya niyang tanong sa dalaga.

“About what?”

“Blizzard.”

Wala sa sariling natawa si Meteor sa sinabi nito. “The traitor that I love.”

Naiiling na lang si First sa sinabi ng dalaga, pero naiintindihan niya ito. Naiintindihan niya ang galit at lungkot na namumuo sa puso nito.

“I found out his real identity.”

“Just fill me in the details later after I get my shit together. For now, I want to know his real name,” Sagot ni Meteor.

“I understand. Well, the love of your life, Blizzard is actually...”

“... Frost Arcturus. The illegitimate son of King Arcturus.”

~

Kyamii's Note: Please don't throw potatoes at meeee~ *hides behind the couch*

Yep. I'm speechless right now. Sooo~ I guess for the announcement, there's only 2-3 chapters left before the finale! Handa na ba kayong pakawalan sina Meteor at Blizzard? Hahaha! Kasi ako hindi pa XD

But yeah, I do hope you enjoyed this chapter. And I'm waiting for your reactions so please please please pretty pleaaaase leave your comments behind? Thank you in advance!

Thank you for reading and have a nice day!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top