Royal 22
Royal 22
Meteor's POV
"Pfft~ Seriously? You want twelve children? I didn't know you are so--"
I gave Astro a killer look. Subukan niya lang ituloy, susunugin ko talaga siya ng buhay ngayon din.
"Hahaha! Sorry, Sis. It's just that--Hahaha! I can't help it! Your answer.. can't imagine it'll turn out like that. Hahaha!"
"Shut up Astro."
Pero nagpatuloy pa sa pang-aasar ang pinakamamahal at maaasahan kong kapatid. Nag-eenjoy daw siya eh.
"I can't wait to see my twelve nieces and nephews running around the palace and both you and Prince Ice chasing after them. That would be a spectacular sight! Hahaha!"
Okay, that's it! You are so dead, Astro!
Humarap ako sa kanya at itinaas ang kanang kamay ko. A blazing ball of hell's fire lighted up. Biglang napalayo si Astro, dali-daling kinuha ang portrait na nakasabit sa dingding at ginawang pangharang.
"O-oy Sis. Nagbibiro lang ako! Easy ka lang."
"Wala pa 'kong tulog, kuya. Alam mo ang estado ko 'pag puyat." I closed my fist and the fire suddenly vanished. I sighed, "Kung bakit ba kasi nagmamadali sina Mom eh."
"Intindihin mo na lang, Meteor," ibinalik ni Astro ang portrait at mabilis na napalitan ang biruan ng seryosong usapan. "Alam mo naman kung bakit nila ginagawa 'to diba? It's for the sake of our empire, the home that our ancestors made from sticks and stones. Mahirap mang aminin pero.."
Hindi maituloy ni Astro ang sasabihin niya. I waved my right hand, "Don't bother. Alam ko na yung kasunod."
Sabay kaming napalingon sa likuran nang marinig sa buong pasilyo ang mabibilis na yapak ng mga kawal. Papalapit sa'min ang apat na royal guards, kasama ang personal maid ko na si Casey.
Lumuhod silang lima sa harap namin bilang pagbibigay galang.
"Permission to speak, Your Highness." Sabi ng isang kawal.
"Permission granted." Sagot ni Astro.
Umangat ng tingin si Casey sa'min, maputlang-maputla. Bakas ang pag-alala at pagkatakot sa kanyang mukha.
"Prince Astro, Princess Meteor.. Si Tyrone po.."
Tyrone.. is in danger.
"Meteor, calm down."
"Pero kuya--"
Hinawakan ako ni Astro sa magkabilang balikat. "Sis, calm down. Listen to me. You have to stay here. Do you understand? You have to stay here."
"I can't do that! Tyrone needs me!" I said hysterically. "He needs me, kuya!"
Kumawala ako sa pagkakahawak niya. Hindi ba 'ko maintindihan ni Astro? Kailangan ako ni Tyrone ngayon! Bakit niya ba ako pinipigilan?!
Nasapo ko ang noo ko, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nilalamon ako ng galit. Naiinis ako! Nanggigigil ako! Gusto kong gantihan yung gumawa nito kay Tyrone! Gusto ko siyang hanapin, sunugin at ipalasap sa kanya kung ano ba talagang kahulugan ng sakit na nararamdaman ni Tyrone ngayon, at mas doble pa!
"Meteor, look at me." Hinigit ako ni Astro sa kamay pero tinabig ko ito. Muli niya akong hinawakan sa pulso at pwersahang hinarap sa kanya. "I said look at me!"
"You're getting out of your control, Sis. Kumalma ka. Walang nagagawa 'yang nararamdaman mo sa sitwasyon natin. 'Wag mong pairalin ang puso mo, utak ang kailangan natin ngayon. Don't make things worse, Meteor." Sinundan ko ang tinuturo ni Astro. Sa labas ng bintana ng kwarto ko, nagkakagulo ang tatlong servants sa pagpatay ng malaking asul na apoy sa nasusunog na puno.
"Don't forget to breathe, Sis. Just breathe." Astro said in a calming voice. Sinunod ko na lang ang sinabi niya.
"Better? I'll tell the maids to bring you tea so you can relax and think this through."
Umiling-iling ako. "We don't have the time to waste, Kuya. We have to go there."
"I will go there as soon as you get yourself together. You'll have to stay here."
"I can't leave him suffering alone, kuya! I have to be there!" pagpupumilit ko. "Kasalanan ko kung bakit siya nagkaganyan!"
"It's not your--"
"It is, kuya. Bali-baligtarin mo man ang mundo, ako pa rin ang may kasalanan." Nararamdaman ko na ang pag-init ng mga mata ko, at ang tuluyang pagbuo ng mga luha na hindi ko gustong ipakita sa iba. "It's fuckin' my fault because I'm the one who put Tyrone in the Games! And because of that stupid fuckin' Royal Games, he has to go through all of this!"
Tuluyan nang bumagsak ang kanina pang nagbabadyang mga luha. Mabilis na pinalis ko ito, pero tuloy-tuloy lang ang mga ito sa pagtulo. Shit naman talaga. Nakikisabay pa.
"And now, you're telling me to stay here. Damn, kuya! He's fucking dying! My comrade who I trusted for years is fucking dying and I'm just sitting here, doing absolutely nothing about it. Ako na nga may kasalanan, ako pa ang mag-iiwan sa kanya sa ere."
Astro toned down his voice. Pinipilit niyang maging kalmado. "You're not leaving him, Sis. You're protecting him. Ano na lang ang sasabihin ni Mom kapag nalaman niyang nandun ka at kakilala mo ang taong 'yon? They'll search for information, Meteor. They'll dig deeper and deeper until they know everything about the twins. At paano na lang kung malaman nilang kasangkot ang dalawang 'yon sa Underground? Hindi lang ikaw o ang kambal ang mapapahamak, Meteor. Pati sina Alice at Leona at lahat ng nakakaalam tungkol dito."
I clenched my fist. Astro made his fuckin' point. At nakakainis isipin na tama siya. Nakakainis isipin na ang kailangan ko lang gawin ngayon ay umupo na lang dito at uminom ng tea habang nahihirapan si Tyrone doon.
Nakakainis lang talaga isipin na wala akong magawa. Na wala akong kwenta.
I threw my hands up as a sign of defeat. "Fuck everything." I heaved a sigh, ag pabagsak na umupo sa may paahan ng kama ko.
Kinuha ni Astro ang tissue sa may side table, gumawa ng dalawang maliit na rolyo at ipinasak sa magkabilang butas ng ilong ko. He then sat beside me, gave me a tight hug, and pat my back gently.
"Shh. Don't blame yourself. This is not your fault. If it weren't because of that potion, this wouldn't have happened."
"Fuck that potion. I swear to the stars that I'll fucking kill him."
I heard Astro sighed. Kumawala ako sa pagkakayakap niya. "It is strictly prohibited for us royals to do that crime but, please do. Kung 'yan ang ikasasaya ng kaluluwa mo. But for now, I need you to stay here."
"Will he be okay?" I whispered.
"I'm not sure for now. But what I know is that we'll try everything to save him. Hindi ko siya pababayaan, Meteor." He assured me.
Tumango-tango na lang ako. "Tell Alice and Leona to come here as soon as you get there. Don't forget to update me with what's happening. I'll try to help in any possible way that I know of."
"I understand."
~
"Prince Astro, Princess Meteor.. Si Tyrone po, kumalat na po ang lason papunta sa puso niya."
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon mula kay Casey. Mabilis na kumalat ang lason, umabot na hanggang puso niya at ngayon ay paakyat na sa kanyang utak. Mabuti na lang at nakagawa si Leona ng potion na nagagawang pabagalin ang tuluyang pagpasok ng lason sa puso at utak ni Tyrone. Pero hindi pa rin ito sapat. Ilang oras na lang ang meron kami para tuluyang tanggalin ang lason na 'to sa katawan niya. And who knows where that fucking healing potion is? Up until now, we still haven't had a clue as to how we can make that potion or even where we can get one.
Sa ngayon, ipinatawag na ni Mom ang lahat ng mga doctor na kakilala niya to work on his case. They assured us that Tyrone will be in good hands. Hindi ako naniniwala. Dahil kahit pagsama-samahin pa nila yung utak nila para gamutin si Tyrone, they'll never get the poison out of his body. That poison is created from deadly magic. Hindi basta-basta ito naaalis.
Kani-kanina lang, dumaan sina Leona at Alice dito kasama si Winter. They were giving me updates about Tyrone's condition. Sa ngayon, hawak-hawak ko ang hourglass na inabot ni Leona kanina. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng buhangin paibaba. At gustuhin ko mang patigilin ang mga buhangin sa pagbagsak, ang oras sa paglipas, hindi ko magawa.
Tatlong magkakaparehas na hourglass ang nagawa ni Leona at sabay-sabay na naglilipat ng buhangin mula sa itaas na parte, pababa. Ang isang hourglass ay na kay Astro, ang isa naman ay na kina Leona at Alice at ang panghuli ay nasa akin. Ang bagay na ito ang sukatan ng oras na itatagal ni Tyrone, bago tuluyang lamunin ng lason ang puso at utak niya.
For now, I told Leona and Alice to proceed with their mission. Ipagpapaliban ko muna ang misyon na ibinigay ni First Shadow. I was supposed to do it right after lunch, I have calculated the exact place where the last spell caster resides. Balak ko sana itong puntahan, sabihin ang tungkol sa mga nawawalang spell caster and potion makers at makipagtulungan sa kanya para mahuli ang kumukuha sa mga ito. Pero mas kailangan kami ni Tyrone ngayon. Sana lang, makabalik na sina Leona at Alice bago pa mahuli ang lahat.
My comrades are on their way to meet Sara, the granddaughter of one of the potion makers I'm investigating. Maaaring makatulong siya sa dalawa sa paggawa ng potion. Kaya ngayon, pina-iniwan ko muna si Winter sa'kin, delikado pag sinama pa nila ito. Isa pa, ako na lang ang natitirang pwedeng magbantay sa bata. Si Kuya at Cyclone, nasa ospital para bantayan si Tyrone. Ngayong araw naman sasabak si Rai sa Games, at kasa-kasama niya si Casey na naka-transform hindi bilang Princess Meteor, kundi ang character ko na kasali sa event. Pinababantayan ko sa kanya si Rai para makita niya ang buong laro nito, at kung saka-sakali mang may magtangka ulit na gumawa ng kababalaghan, mabilis na masasabi sa'kin ni Casey ang mangyayari. Hindi ko na hahayaan pang may masamang mangyari sa mga kasama ko.
Touch my comrades one more time and I swear to the stars I'll burn them to ashes.
"Mommy, are you okay? Bakit ikaw sad?" napatingin ako kay Winter na sinusubukan silipin ang mukha ko mula sa mga nakaharang na buhok.
Hinawi ko ang buhok ko at ngumiti kay Winter. " Yes, mommy is okay. May iniisip lang si mommy. Anyway, are you hungry? Do you want to eat?"
Umiling-iling si Winter at tinapik-tapik ang tiyan niya, "Winter's tummy is still full. Tita Leona fed the dragon inside here before kami alis bahay."
"So what do you want to do?" I asked.
"Hmm.." hinimas-himas ni Winter ang kanyang baba na para bang nag-iisip. Biglang nagning-ning ang kanyang mga mata at excited na tumingin sa'kin.
"Mommy, I want to play a game!"
"And what game?"
"Hide and seek! Hide and seek!"
"Fine. I'll be the 'it'. You better hide fast, baby Winter."
"You'll never find me, mommy! Close your eyes! Close your eyes!"
At naglaro na nga kami ni Winter ng tagu-taguan. Kung hindi sa likod ng kurtina, sa likod pa rin ng kurtina siya nagtatago. I asked him why he didn't switch places and keep hiding in the same location. He told me na ang bilis bilis ko daw magbilang. Ang daya ko daw. We were giggling and laughing the whole time.
Sa sumunod na round, siya ang naman ang taya. Sa taas ako ng closet nagtago at nagtalukbong ng tela kasama ng mga iba pang gamit doon. Natapos magbilang si Winter, and he kept looking for me. Tawang-tawa ako, mukha na kasi siyang iiyak dahil hindi niya ako makita. I heard his running footsteps all over the room. Maya-maya, narinig ko na lang bumukas ang pintuan ng bathroom. Ilang segundo akong nanahimik, pinapakiramdaman ang ginagawa ni Winter. Nang wala na akong maramdaman sa loob ng kwarto, bigla akong nag-alala. Dahan-dahan kong itinaas ang tela at sinilip ang buong kwarto.
Shit! Lumabas si Winter!
Dali-dali akong tumalon pababa ng closet. Lumabas ako, I don't know which way he took pero tumakbo ako papunta sa kanan. PInasok ko ang mga kwarto na nandoon. Walang Winter. Tumakbo ako sa kaliwang pasilyo. I checked every room in there, calling out his name. Nang makalapit ako sa pinakadulo, nakarinig ako ng mga nagtatawanan. It's coming from that room.
"Hi mommy!" Bati ni Winter sa'kin pagkabukas ko ng pinto. Tumakbo siya papalapit at hinila-hila ang isang kamay ko papunta sa kama kung saan nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama si Blizzard.
"Mommy look! Daddy is here to play with us." Ganadong sabi ni Winter.
"But daddy is sick. He can't play, he'll get tired."
Biglang nalungkot si Winter at humarap kay Blizzard, "Daddy is that true? Are you sick?"
Blizzard weakly smiled at him. "I'm fine now. I just have to rest."
"Okay. I don't want to play na lang," walang ganang sabi ni Winter. Pero maya-maya, bigla na namang naging hyper ito. "I know! I know! Tell me a story! Tell me a story!"
"What story do you want to hear?" I asked.
"How you and daddy meet!" Winter said cheerfully. "And how did you make me. Because I read in Tita Leona's book that a baby comes when there is pershishishaysyon."
"The what?"
"Pershishishaysyon," ulit ni Winter. "When uhm.. the little circle and the worm meet. Pershishishaysyon. That's what the book says!"
Matagal bago ko na-process yung sinabi niya. I looked at Blizzard with my 'what-is-he-saying' look. Blizzard then mouthed, Fertilization. That's when everything made sense.
And trust me, bigla akong napatakbo sa kusina para uminom ng tubig. Nasamid ako ng wala sa oras. Ano-ano ba kasi tinuturo ni Leona dito? Humanda siya sa'kin pagbalik niya.
Pagbalik ko sa kwarto, nakapwesto na yung dalawa, with matching cheese crackers pa na hawak. Umupo ako sa kama at sumandal din sa headboard. Prenteng humiga si Winter sa lap ko.
"Daddy, you go like this too!" sabi ni Winter na tinatapik-tapik pa ang tabi niya.
Tumingin ako kay Blizzard, he was looking at me pero hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Basta na lang siyang dumiretsong humiga sa tabi ni Winter at ginawang unan ang hita ko. Talaga lang ha.
"Mommy, who is that?" sabay kaming napatingin ni Blizzard sa tinuturo ni Winter. Biglang tumayo ang bata mula sa pagkakahiga at nilapitan ang picture frame na nakapatong sa side table ni Blizzard. Kinuha niya ito at tinitigan.
"Daddy, is this yours? Who is she?"
"That's nothing, Winter." sagot ni Blizzard.
Humarap sa'min si Winter, may namumuong butil ng luha sa kanyang mga mata. "Are you cheating on mommy, daddy? Please don't tell me you're cheating on mommy. Winter will be sad."
"Don't you love mommy ba?" pinipigilan ni Winter ang umiyak. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, o maaawa kay Winter. Pero kasi ang cute cute niya ngayon at ang sarap niyang panggigilan.
Sana lang hindi sabihin ni Blizzard ang katotohanan kung sila man ng babaeng 'yon. Ayokong marinig ni Winter na may iba si Blizzard maliban sa'kin. Ayokong masaktan yung bata.
O baka naman ikaw ang may ayaw na marinig ang katotohanan, Meteor?
Ako? Bakit ako? It's not like I have feelings for him. Hindi naman ako masasaktan kung ganoon nga ang sitwasyon.
Hindi nga ba? I shrugged the thought off.
"Daddy?"
Nagulat ako ng biglang kuhain ni Blizzard ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. "You don't have to be sad, Winter. I can never do that to your mom."
"Really? Do you still love mommy?"
"Yes."
"Are you going to love mommy forever?"
"Walang forever," I mumbled. Nahawa na ata ako kay Casey sa kaka-'walang forever' niya.
Pero mukhang narinig ni Blizzard ang binulong ko. "I don't know if my love can last forever, Winter. But what I am sure of is that I will continue to love her until that final moment when my last breath can only whisper those three words for the last time."
~
Marami na ang nangyari ngayong araw. Ang pagkakasakit ni Blizzard, ang pagpunta ko kay First Shadow para sa misyon ko, ang pagbisita ni Prince Ice at Queen Arcturus, ang masamang balita tungkol kay Tyrone, ang pagdalaw ni Winter at ang pagbitaw ni Blizzard ng mga katagang iyon.
Pero sino bang mag-aakala na hindi pa pala natatapos 'yon doon?
Sino nga bang mag-aakala na ngayong gabi rin, malalaman ko na kung sino talaga si Blizzard.
~
Kyamii's note: Huhuhu! Malapit nang matapos ang SRG, ang bagal ko pa din mag-update. Pero on the serious note, thank you thank you thank you so much sa mga patuloy na nagme-message at nagpopost sa MB ko na hanggang ngayon, inaantay nila ang pag-uupdate nito. Salamat sa mga mapagpasensya kong readers sa patuloy niyong pag-cheer sakin <3 I feel so loved guys <3 Hart hart!
Anyway, eto na talaga, next chapter malalaman niyo na kung sino si Blizzard. Promise na 'yan kaya get yourselves ready for Royal 23! Have a nice day guys!
P.S. Sino pa bang di ko nadedecate-an? Dedication spots are open.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top