Royal 2

Royal 2

Meteor’s POV

“Bakit pag weekdays, napakahirap mong gisingin? Pero pag weekends, especially Saturdays, mas nauuna ka pang gumising sa akin?,” I heard Casey at my bedroom door. “To think na ready to leave ka na ngayon, Princess when it’s just 5 in the morning.”

I closed my back pack at sinuot ko ito. “You already know the answer, Casey. Alam mo namang adventure comes every Saturday.” I gave her a grin as I plugged my earphones in.

“Whatever you say, Princess. Saan nga pala ang destinasyon mo ngayon?”

“Aside from our usual routine, I seriously have no idea what Alice is planning. May pupuntahan daw kami ngayon.”

I checked myself at the mirror. Sinuot ko ang black hood na palagi kong ginagamit when I go out of the palace every Saturday. Hindi nila pwedeng malaman na ang prinsesa ng Sirius Kingdom ay palakad-lakad lang sa labas without any guards. Being a part of a royal family could be dangerous. Maraming tao ang naghahabol sa malakas na kapangyarihan which us, royals, have in the first place. Our lives would be in danger in the hands of those greedy people.

That is why my parents, the King and Queen, forbid us to go out of the palace. Nakakulong lang kami sa sulok nitong palasyo.

Pero syempre, a princess like me couldn’t stay like that. I found a way to escape this unfortunate reality and explore the outside world.

“You ready?,” Casey popped my thoughts away. Sinuot ko ang maskara ko na katulad ng ginagamit sa masquerade balls. It has a design of blazing fire pero hindi siya kulay pula. Instead, it has a color of fiery blue.

I nodded at Casey. “Drink it up, Casey.”

Pumunta siya sa isang portrait at may pinindot dito. It’s a secret vault created by me, of course. Dito nakalagay ang mga potions na ginagawa ng isang matalik na kaibigan.

“This would be the last one, Meteor. Huwag mong kalimutang humingi kay Lionel for next week,” she showed me a bottle containing a pinkish fluid.

“If Lionel is here, he would probably break your neck. It’s Leona,” I laughed. Si Lionel ay ang nag-iisa kong kaibigan na hindi royal o isang commoner. Isa siyang illusionist wizard. Wait, kulang ang description. Baklang Illusionist Wizard.

“Whatever,” ininom na ni Casey ang laman ng bote at hindi nagtagal, I’m already looking at the reflection of myself. And there you have it, another Meteor at the palace. Simple lang naman ang ginagawa ng potion na yon, kapag ininom ito ng isang tao, magiging kamukha niya ang taong nasa harap niya. Kaya katulad ngayon, Casey looked exactly like me.

“Ikaw na bahala dito, Casey,” binuksan ko ang aking closet at hinawi ang mga damit ko. Sa likod nito ay may secret keypad at pinindot ko ang password. Seconds passed and a secret door opened. “I’ll be back by sunset.”

“Yeah sure. Wag ka lang papahuli sa mga royal guards,” she said while turning the TV on at tumalon sa kama ko. Ngayon, ang iisipin na lang ng pamilya ko ay manonood ako ng TV, kakain at matutulog buong araw para sa free day ko ngayon.

Ganito lagi ang set-up namin ni Casey for the past five years simula nang makahanap ako ng paraan para masilayan ang outside world. Wala namang problema sa kanya ang ganito dahil in some part of her, gusto niya ring maranasan ang pagiging prinsesa. My family wouldn’t know about this set-up dahil ang alam nila, tuwing Sabado ay umaalis si Casey para magbakasyon. The two of us only know this secret.

Pumasok na ako sa secret door at umupo sa pinakaentrance nito. Now this is going to be great.

~~~**~~~

“And the adventure starts now,” I told myself realizing I’m already smiling like a fool. Pinagpag ko ang suot kong itim na hood at tinaklob ko na ito sa aking ulo. Inayos ko na rin ang maskara ko.

Mabilis akong naglakad papalabas sa gubat na kinabagsakan nung slide. Yung secret door kasi na nasa kwarto ko, isa siyang entrance sa isang mahabang slide at yung mahabang slide na iyon ang ginagamit ko para makalabas ng palasyo. Sa isang gubat sa likod ng palasyo ako ibinabagsak niyon. Walang tao dito kaya malaya akong nakakagalaw at nakakalabas.

Hindi nagtagal at nakita kong muli ang isang bayan na sakop ng aming kingdom. Katulad ng dati, may mga batang naghahabulan, mga nagbebenta ng pagkain, damit at sandata. Sa tapat ko ang isang tindahan ng naggugupit ng buhok. Katabi niyon ay ang nagbebenta ng bulaklak. Mga normal na bagay at taong bihira lang makita sa loob ng palasyo. Mga simpleng pamumuhay na inaasam ko.

Achiii~ Ang drama ko. Fudgee bar naman oh.

Naglakad ulit ako papunta sa isang parlor shop sa hindi kalayuan. Pumasok ako sa loob nito.

“Good morning Ma’am, ano ang haircut niyo today?,” malanding bati nung lalaking nasa loob. “Magpaparelax? Rebond? Foot spa? Hand massage? Gora na kayo ma’am! May discount kami ngayon!”

“Tigilan mo nga ako, Leona,” walang sa mood na sabi ko. “Asan na yung babaeng yon?”

Tumawa yung baklang nasa likod ko na. “Kaloka ka ‘day! Ang aga-aga, masyadong dark ang iyong auraa~! Uso magsmile teh! Be happy!”

I rolled my eyes at him at umupo sa isang upuan sa harap ng salamin. “Ano ba kasing binabalak ng babaeng yon?”

Leona just shrugged at ngumuso pa. “I have no idea. Pero eto ka ateng! May big chika ako sayo. As in big na big! Nakakaloka!”

“And what is it? Siguraduhin mong it is worth it of my time.”

Umupo siya sa tabing upuan ko at maarteng nagcross ng legs. “Napakasungit mo talaga ateng! Anyway, hindi ko pa pwedeng sabihin sayo. Kailangan nandito si Alice ganda para mas masayang magchika! Dibaaa?~”

“Tch.” Muli ko siyang inirapan at nilabas ang music player ko. Naghanap ako ng magandang kanta don.

“Ishare mo nga yan Ateng! Nang hindi ako mabored dito!” inagaw niya sa akin yung music player ko at isinaksak sa speakers niya sabay patugtog ng malakas. Nako! Kung hindi ko lang to kilala, kanina ko pa to nasapak. Ayoko pa naman sa lahat, inaagaw yung music player ko.

“One night and one more time! Thanks for the memories! Thanks for the memories~” sumabay sa kanta si Leona. Sige. Rak pa.

Si Lionel Devon o mas kilala bilang Leona. Nagmamay-ari ng isang parlor at may sideline na potion making. Isa siyang baklang illusionist at nagagamit niya ang kapangyarihan niya sa potions na ginagawa niya. Katulad nung ininom ni Casey kanina, isang ilusyon na ako iyon. Lakas kasing makapagdaydream ng bakla sa gwapo lalaki kaya yan siguro kapangyarihan niya.

Nagkakilala kami niyan isang beses, yung unang araw na nakalabas ako ng palasyo. Kasama ko nun si Alice, isang prinsesa rin at pinsan ko. Sa paglilibot namin ni Alice non, naabutan namin yung parlor niya na ninanakawan at walang magawa si Lionel dahil nakatali at nakabantay sakanya yung ibang magnanakaw. Edi ayun, tinulungan namin ni Alice at binugbog namin yung magnanakaw. Bilang kapalit, sabi niya tutulungan niya daw kaming makalabas ng palasyo sa pamamagitan ng potions niya. Simula non, dito na kami sa parlor niya nagkikita tuwing Sabado since sarado naman ito ng araw na yon. Simula rin non, magkakasama na kaming tatlo sa kalokohan.

Mabait naman yan si Leona. Sadyang malandi nga lang. Kapag nakakakita ng lalaki yan, kala mo kung sinong sinasapian.

Biglang bumukas ang pinto at napatingin ako roon. Patuloy lang sa pagkanta si Leona. Rak pa~

“You’re making me wait,” I gave Alice a killer look. At ang loko, nagpacute ng todo. Sarap silaban ng buhay eh. Alam niya kasing maliban sa pagkukuha ng music player ko, ayaw na ayaw ko ring naghihintay.

“Aww~ Sorry na Meety~ Inayos ko pa yung pupuntahan natin eh. Promise, hindi na mauulit,” Alice raised her right hand at nagpuppy eyes pa. “Will you forgive me?”

“For solar’s sake stop calling me Meety! Name’s Meteor, Alice. Not Meety. Quit calling me that way,” I grunted at her. Pero ang babae, ayun nagpapacuteness overload pa.

“But ang cute ng Meety~” she pouted.

“Call me that way again and you’ll be toasted in no time,” I warned her at tumigil naman siya pero nakapout pa rin. “Ano ba kasing plano mo mamaya?” I asked her impatiently.

“It’s a surprise Ate Meteor. Wait and see,” she winked at me. I gave her one last killer look for calling me Ate. Sheez. Parehas lang kami ng age. We’re both 17!

          Si Alice Adhara. Princess of Adhara Kingdom at pinsan ko sa mother’s side. Walang ginawa sa buhay kundi kumain at magpacute. Mahilig sa pink na bagay at mga hayop, lalo na ang pusa. Childish mag-isip, parang five-year old kid. Other than that, isa siyang animal-tamer wizard. Nakakausap, nauutusan at nakikipaglaban kasama ang mga hayop. Siya lang ang ka-close ko sa lahat ng relatives ko. Silang tatlo nina Leona at Casey ang itinuturing kong mga kaibigan.

“Oh ikaw Leona? Ano yung sasabihin mo?” I asked him after remembering he has something to say.

“Maya na rin ako ateng! Para doble doble ang surprise mamaya diba? Bongga~!” Seriously? What’s wrong with these two? Masyado na silang mahilig sa surprises. Kinda annoys the hell out of me.

“Very well then, I have a surprise too. It’s already 7 in the morning at wala pa tayong nasisimulan sa gagawin natin. Yay~ Surprise,” I sarcastically said to them pero ang dalawa, tinawanan lang ako.

Inakbayan ako nung dalawa sa magkabilang gilid.

“Alam mo ateng! Wag masyadong magsungit. Hindi ka makakahanap ng prince charming niyan,” sabi ni Leona. Tch. As if I want one.

“Tsaka Ate Meteor, happy happy dapat. Kaya gora gora na! Kain muna tayo breakfast okay? Lego!,” segunda naman ni Alice. Tignan mo tong babaeng to, nahahawa na kay Leona ng mga salitang hindi bagay sa prinsesa.

Hinayaan ko na lang silang akbayan ako at dalhin kung saan-saan. Guess they’re right after all, kailangan magpakasaya dahil isang beses lang to nangyayari sa isang linggo.

Like the usual, nakatago kaming dalawa ni Alice sa isang itim na hood at may maskara. Hindi naman naghihinala ang mga tao dito since iba’t iba ang fashion style ng damit dito. They’re wizards kaya naman depende sa kapangyarihan nila ang suot nila. Katulad na lang nitong si Leona, andaming kwintas at bracelets ang nakasabit sa buo niyang katawan. Ang colorful niya tuloy tignan. Meron pa siyang hat na pangwitch, yung matulis yung dulo at syempre, hindi niya makakalimutan ang staff niya na may blue gem sa gitna.

Nagpunta kami sa paborito naming kainan tuwing umaga. Doon, nagkwentuhan kami tungkol sa nangyayari sa kingdom at kung ano-ano pa habang kinakain yung palagi naming inoorder tuwing umaga. Nasabi ko rin sakanila yung pag-aaway namin ni Dad last night. It’s about the 18th birthday celebration ng isang prinsipe sa kabilang kingdom or more likely, isang empire.

“So pupunta ka, Ate Meteor?,” tanong ni Alice sakin habang ngumunguya ng pancake. Talagang iniiwanan niya ang manners niya sa palasyo no?

“Wala akong magawa eh. Isa pa, magiging free ang Sunday ko next week pag pumunta ako. That’s my deal with Mom”

“Naku teh~! Bet ko yang royal ball eklavu na yan. Sama ako ateng! Para makita ko si prince charming at malay mo! Kami pala ang happy ending,” pagpapantasya ulit ni Leona.

Inirapan ko siya at nagpatuloy lang kami sa kwentuhan. Pagkatapos naming kumain ay ginawa na namin ang dapat naming gawin. Archery battle, shopping nung dalawa, skateboard tournament ko, nagpagulong-gulong sa putikan, nakipaglaro sa mga bata, nagpalipad ng saranggola, nagswimming sa ilog, nantrip ng mga dumadaan, naghabol ng baboy at kung ano-ano pang kalokohan. Syempre maingat kaming dalawa ni Alice na hindi makilala dahil kung hindi, malaking gulo to sa loob ng palasyo.

Masaya ako sa ganyang set-up. Ginagawa talaga namin yung mga bagay na hindi namin magawa sa loob ng palasyo. Nagpapakasaya na parang walang bukas. Kaya nga masaya ako tuwing Sabado. Sa araw na to, malaya kong nagagawa ang gusto ko.

Katulad pa rin ng dati, hindi ko na namalayan ang oras. Niyaya na kami ni Alice sa lugar kung nasaan ang surprise niya.

“Kakain na naman tayo? Anla ka! Baka maging baboy na tayong tatlo niyan,” kumento ni Leona nang matigil kami sa harap nanaman ng isang restaurant.

“Syempre kakain ulit tayo. Tara na sa loob para makita niyo surprise ko!,” excited namang sabi ni Alice habang hila-hila kami papasok. Wala kaming nagawa ni Leona kundi ang sumunod sakanya.

Isang babae ang sumalubong sa amin at dinala kami nito sa isang reserved room para sa aming tatlo. Parang candlelit dinner lang, ang pinagkaiba imbes na dalawang tao, eh naging tatlo.

“So surprise na ang pagpapareserve ng isang dinner room dito?” pagtataray ko kay Alice na may halong biro. Ganyan talaga ako magbiro, nagtataray.

“Ate Meteor naman ee~ Hindi ito yuun~ Wait lang kasi!,” Alice pouted.

Nag-antay kaming tatlo hanggang sa may isang waiter ang pumasok sa loob ng dinner room at nagserve ng tatlong plates na may.. pie?

“My recipe has been served,” masayang sabi ni Alice. Kaya pala kanina, halos mabanat na yung labi niya sa sobrang ngiti. Alice wanted to be a chef someday. Mahilig magluto at mag-experiment sa pagkain. Kaya lang, with her being a princess, imposibleng magawa niya ang gusto niya sa buhay. Pero ngayon, isa sa mga recipe niya ang naiser-serve sa restaurant na ito. A good step forward for Alice.

“Shall we?,” sabay subo sa pie. Nagsimula na kaming kumain ng dinner and I must admit, masarap talagang magluto si Alice especially tong pie niya. It’s my favorite.

“Ateng! Pano mo nagawa ituu~? Iba ka na,” tanong ni Leona.

Ikinumpas-kumpas naman ni Alice yung tinidor niya habang ngumunguya. “Long story. Ang mabuti pa, sabihin mo na yung ichichika mo para hindi kami mabitin.”

“Ay yes mga ateng. May balita ako sa underground.” Napatigil kaming dalawa ni Alice sa pagkain. Underground? It’s been two years since I heard the last news from them.

“Mga ateng! Kailangan nating bumalik. They’re stealing the spotlight from us. Natalo na sina Tyrone at Cyclone,” malungkot na sabi ni Leona.

“Sino daw ang nakatalo?,” tanong naman ni Alice.

“Ayun pa ang chika. Bagong salta lang sa underground. Iniisa-isa nila ang 12 Shadows. At ang nakakatakot pa, nagpupustahan yung magkakalaban at may value ang pinagpupustahan nila.”

“Kelan pa?,” ako naman ang nagtanong. Ang lakas naman ng loob ng mga yung hamunin ang 12 Shadows.

“Mag-iisang taon at kalahati na. Sa ngayon, Dark State na ang labanan sa underground ngayon. And to tell you the truth, kung gusto pa nating manatili sa pwesto, kailangan natin silang labanan next week.”

“May laban ba ngayon?,” tanong ulit ni Alice na nakaubos na ng tatlong pie niya. Matakaw talaga -_-

“Sa pagkakaalam ko, meron. Si 5th Shadow na versus yung bagong grupo na ang alam ko, may pangalang ‘Snow White’.”

“Seriously? Snow White? Ano yun? Puro babae sila?” natatawang tanong ulit ni Alice.

“Ironically, no. All boys group. But the thing is, kailangan na nating bumalik doon para madefend ang grupo natin at ang pagiging 4th Shadow mo, Meteor. Alam mo ang magiging kapalit kapag hindi ka lumaban doon at basta-bastang hinayaan ang title mo diba?”

Napaisip ako doon. Leona was right. I need to defend my title as the 4th shadow. Hindi ko hahayaang basta-basta na lang makuha ng iba ang titulo ko.

I cleared my throat at pinunasan ko ang natirang dumi sa mukha ko.

“You know what? I think we should visit the underground.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top