Royal 17

Royal 17

Meteor's POV

The next morning, Astro called a meeting for Team Sirius. Hapon pa naman magsisimula ang second day ng Stella Games so we have more time to discuss some matters including the new fifth member.

Hindi nakasama sina Leona at Alice dahil binabantayan nila sina Winter at Tyrone. More importantly, they are using their time to search for Tyrone's cure. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming sapat na impormasyon kung saan gawa ang poison at kung paano ito mai-aalis sa katawan ni Tyrone.

Once the team members are present in the library, Astro got directly to the point. Ikinwento niya ang dahilan kung bakit siya pinatawag ng Stella Games Council--which is about Tyrone using a forbidden potion. Sa ngayon, wala pang sinasabi ang Council tungkol sa punishment as a group.

Naikwento rin ni Astro ang pag-uusap naming dalawa kagabi. Na na-frame up si Tyrone. Tahimik lang si Cyclone habang sinasabi ko ang tungkol dito pero alam kong maraming tumatakbo sa isipan niya.

Astro also touched the topic about the new member that will replace Tyrone. Ipinakilala niya si Blizzard, my personal guard and the new fifth member.

Medyo nagtataka lang si Cyclone kung bakit ayaw ipakita ni Blizzard ang kanyang mukha at natatakpan ng half mask. Sinabi kong kahit ako ay hindi pa siya nakikita, at kahit ang ka-trabaho nito na si Rai ay wala pa ring ideya kung ano ang itsura nito. Ngumiti lang si Blizzard at sinabing parte ito ng trabaho.

"Princess."

Hindi ko namalayang nakalapit na si Blizzard sa 'kin. Kasalukuyang nagdi-discuss si Astro kung sino ang magpa-participate sa mga susunod na araw.

"What?"

"Swan Lake Tournament."

Oh. Yeah right, I almost forgot. Tinaas ko ang kamay ko kaya na-interrupt sa pagsasalita si Astro.

"Yes, Sis?"

"Need to change date. Conflict sa schedule ko. I have my Royal Swan Lake Tournament on the 4th day of the Games. Oh and did I mention that we will be performing before the Games?"

Yes, bago magsimula ang 4th day ng Games, parang special act ang Royal Swan Lake Tournament. Doon rin kami sa Fleur de Lis Arena magper-perform. After naman ng Day 4 ng Stella Games, tsaka naman ia-announce ang nanalo sa Tournament.

"So kailan niyo balak?"

"I'll switch with Cyclone. Is that okay with you, Cy?" tumango naman siya.

"Sigurado ka, Sis? I mean that's--"

"Today, yes. Don't worry kuya, I'm prepared for it." I gave him a reassuring smile.

Wala namang conflict sa schedule ni Blizzard dahil 3rd day siya magpa-participate. First event on that day. Medyo iba kasi ang Day 3 kumpara sa first two dahil dalawang event ang mangyayari dito. Bale ang dalawang personal guards ang magpaparticipate sa game na 'to na si Rai at Blizzard.

Natapos ang meeting namin at nagpaalam sa 'kin si kuya na sasama sila ni Rai kay Cyclone para bisitahin ang kakambal nito at para na rin ma-check sina Leona at Alice tungkol sa gamot.

"Cy," tawag ko kay Cyclone. Lumingon silang lahat sa akin pero sinenyasan ko sina kuya at Rai na mauna na.

"I'll be at my quarters," paalam sa akin ni Blizzard. Tinanguan ko siya at kaming dalawa lang ni Cyclone ang naiwan sa loob ng library.

"Hey, I just want you to know I'm going to find Tyrone's cure and the truth behind this incident. Kilala kita Cy, alam kong gagawa at gagawa ka ng paraan para mapatunayang hindi mandaraya ang kakambal mo. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi ka nag-iisa."

"Salamat Master Azure. Ang totoo niyan, gulong-gulo na 'ko. Alam mo namang hindi ako sanay na nakikita si Tyrone ng ganito eh."

Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya at pinisil ito. "I know, Cy. Ako din naman eh. Don't worry, I got your back, okay?"

Tumango siya. "Yeah. Salamat Master."

"Sige na, baka inaantay ka na nila." Tinapik-tapik ko ang balikat niya.

Nagpaalam siya sa 'kin at palabas na siya ng library nang bigla siyang tumigil.

"Princess Meteor."

"Yes?"

Ngumiti si Cyclone. "Salamat at ikaw ang naging Master namin."

Nginitian ko siya at saka siya lumabas at sumunod kay Kuya at Rai.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Cyclone, dumiretso ako sa quarters ni Blizzard. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya dumiretso na lang ako ng pasok.

"Blizzard?"

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Wala siya. Sabi niya nasa quarters lang siya.

Pero hindi ko mapigilang humanga sa kwarto niya. Malinis, walang kahit anong alikabok kang makikita. Maayos ang kama, organized ang mga gamit, hindi katulad ng mga ibang lalaki na makalat talaga.

I have this weird urge to check his stuff. Umiral na naman ang pagiging curious ko. Gusto kong buksan ang mga drawers na 'yon at makita kung anong laman. Baka sakaling kahit papaano ay may malaman ako tungkol sa kanya. The guy is so mysterious I barely know him even though we're always together. Ni hindi ko pa nga nakikita ang mukha niya eh!

Doon ko lang napansin ang nag-iisang picture frame na nakapatong sa table na katabi ng kama niya. Trust me, sinubukan kong pigilan ang curiosity ko pero wala eh. Nadatnan ko na lang ang sarili ko na nakalapit na sa table.

Medyo malabo na ang picture kaya naman kailangan ko pang i-angat para makitang mabuti. It was a photo of a girl, probably in her early 20's. Mas matanda lang siya sa 'kin ng ilang taon. She was wearing a simple dress but I must admit, she's really beautiful. Especially with those sparkling eyes and genuine smile.

Hindi kaya... ito ang girlfriend ni egghead?

I chuckled at the thought. Imposible. Si egghead? Magkaka-girlfriend? No way.

Habang tinititigan ko ang picture, bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba sa sarili ko. And then I just found myself comparing this girl to me. I ended up getting insecured dahil hindi ko naman pwedeng ipagkaila na maganda siya.

At baka nga mas maganda pa siya sa personal.

Mabait rin kaya siya? Maaalalahanin? Caring? Mahinhin? Just what exactly does Blizzard like about her? Ano bang klase ng babae ang gusto niya?

At bakit ko ba tinatanong 'yun? It's not like I'm interested in Blizzard.

Am I?

Umiling-iling ako at ibinalik ang picture frame sa table.

"Princess?"

"Oh shit!" Muntik ko nang maibagsak ang frame. Mabuti na lang at nahawakan ko 'to ng maigi.

Ibinaba ko agad ito at hinarap ang tumawag sa 'kin.

"Saan ka--" I trailed off.

Natulala lang ako sa kanya. He's just wearing a white towel cloth wrapped around on his lower part of the body. Water trickled down from his hair, down to his bare chest, down to his four-packed abs.

Oh my..

"Princess, you're drooling." I saw him smirked. Bigla akong napaiwas ng tingin.

"Am not!" asik ko. "Tsaka nananadya ka ba? Bakit 'yang maskara mo nakasuot, pero ang pagsu-suot ng damit, nakalimutan mo na?"

"I wear my mask right away after my shower," parang wala lang na sabi niya. He walked freely inside his room, completely aware that there's a lady here and he's just wearing a towel.

Great! Nananadya talaga siya. Palabas na sana ako pero doon pa talaga siya tumayo sa may pinto.

"Are you trying to seduce me?" tanong ko.

"Do you want me to?"

"Perverted Egghead. Magbihis ka nga!"

"Where? In front of you?" he challenged. I swear I can assure you he is grinning right now!

Lalong nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. How dare he talk to me like that!

"Turn around. I'll make this quick," he commanded. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, sinunod ko na lang ang utos niya.

After five minutes, naramdaman ko siyang lumapit sa 'kin.

"Shit. Don't you dare touch me or I swear--"

"Relax. Bihis na 'ko. You can turn around now."

Dahan-dahan nga akong humarap sa kanya and the usual black cloak covered him, with of course, his half mask on.

"What brings you here, Princess?"

"Where were you last night?" I couldn't help but to raise my right eyebrow.

"Why? Missed me?" he smirked, again.

"Funny. Ha-ha-ha."

He cleared his throat and from that moment, he changed into his serious mode. Ang bilis talaga niya mag-mood swing.

"Underground. I just heard a word from them. Urgent meeting of the Shadows. It's an emergency."

"About what?"

"No idea. Ang alam ko lang, may magulong nangyayari sa Underground. Some people missing, I think?"

"When is the meeting?"

"Today," hinigit niya ang kamay ko at sumilip sa wrist watch. "About to start in an hour."

"Eh bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?"

"You're too busy, Princess. Hindi mo naman pwedeng pagsabay-sabayin lahat. Besides, you're participating for today's event. You should be getting ready for it."

"How long do you think it'll last?"

"One to two hours."

Sinilip kong muli ang orasan. It's quarter to eleven in the morning. Kung bago mag-2, matatapos ang meeting, I might make it on time.

"Let's go."

"You're so stubborn, aren't you?"

"I am. Deal with it."

~

"Reports show that they all have one thing in common, the nine of them are well-known potion makers and spell casters in the Underground."

Tahimik lang kaming nakikinig kay 1st Shadow. Seryosong-seryoso siya, ngayon lang kasi nangyari ang ganito sa Underground na nasa ilalim ng pamamahala niya. At sa buong historya ng Underground, isa na ata 'to sa pinakamalaking problema na kinaharap namin, na umabot sa puntong kaming mga Shadows na ang kumikilos.

"Kailangan nating malaman kung sino at ano ang pakay ng grupong kumikidnap dito. At kung paano nila ang tungkol sa Underground. Isa pa, mukhang hindi lang dito matatapos ang pangingidnap nila at ayoko nang may madamay pa. Gusto kong mahuli sila sa madaling panahon. Am I understood?"

"Yes."

"Ngayon, gusto kong malaman kung mayroon ba sa inyong interesado sa kasong ito. This is a serious case. Your life would be at stake."

Ang totoo niyan, kanina ko pa iniisip ito. Kasama ang potion makers sa mga na-kidnap. Kung tama ang hinala ko, maaaring may kinalaman ang kaso ni Tyrone dito.

At kung meron man, malamang sa malamang, sangkot ang Vega Empire. Kung anong pinaplano nila at kung may balak silang pabagsakin kami, kailangan kong maunahan iyon.

"I am."

Napatingin silang lahat sa direksyon ko.

"I'll work on this case, First."

"Pero Azure, delikado para sa'yo to. Ikaw lang ang nag-iisa naming babae dito, hindi namin hahayaang mapahamak ka," nag-aalalang sabi ni Sixth.

"Oo nga, Azure. Para ka na rin naming bunsong babae. Ayaw naming mawala ka ulit katulad ng dati," segunda naman ni Eighth.

"Paubaya mo na lang 'to sa 'ming mga kuya mo," hirit naman ni Third.

Tumingin ako kay First, mukhang sang-ayon din siya sa mga sinabi nila. Ayaw nila akong mawala ulit na parang bula katulad ng dati.

"I have my reason why I volunteered to work on this case. And please, just because I'm a 'girl' doesn't mean I can't do a man's job. Baka nakakalimutan niyong tinalo ko ang iba sa inyo? I'm the fouth shadow after all."

For a moment there, I noticed the smirk across First Shadow's face. Mayabang na kung mayabang, pero totoo naman eh.

"That was hard," kumento ni Second na tumatawa pa. "Tama naman si Azure, dalaga na 'yang prinsesa natin. Wag niyo nang bine-baby 'yan."

"May I ask what is your reason?" bumalik sa pagkakaseryoso si First.

I smiled, "Classified information, First. Sorry."

Tumango-tango siya. Good thing he understood. "Well then, are you sure about this, Azure?"

"Certainly."

"But we need to take measures, Fourth. Alam mo namang hindi kami mapapakaling mga kuya mo kung alam naming delikado 'to," First smiled. One thing I like about them, parang pamilya na ang turing nila sa isa't isa. Lalo na sa'kin.

"Okay, who wants to go with her?" Nagtaas sila ng kamay sa tanong ni First.

"I'll do it." Napatingin kaming lahat kay Fifth Shadow, Blizzard. "I know this is my first time but I think this will serve a good experience for me. Isa pa, mukhang mas may importante pa kayong gagawin."

Nakita kong tumango-tango si Second. "Pwede na sila, First. I see they are fit for the job."

Walang nagawa ang iba kundi ibaba ang kanilang kamay.

"Oy Blizzard, ingatan mo 'yang bunso namin," banta ni Seventh.

"Kundi, mayayari ka talaga sa 'min," tuloy ni Ninth.

"Very well then, it is all set. Both of you, come to my office. Doon ko ibibigay ang impormasyon na kailangan niyo."

Matapos ang meeting at maibigay ni First ang kailangan namin, nangako kami na mamaya din ay sisimulan na ang sinasabing misyon. We have no time to waste at all.

Bumalik kami ni Blizzard sa mansyon. It's already 1:30 pm, thirty minutes na lang at magsisimula na ang second day ng Stella Games.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit sa kwarto nang bigla siyang pumasok.

"Why did you do that?" he asked, demanding an answer from me. "Ilang beses ko bang dapat ipaalala sa'yo na hindi mo pwedeng pagsabay-sabayin lahat, Princess?"

"I told you I have my reasons. Kung ayaw mong gawin, you're free to go."

"And you think I can leave you behind like that?" he heaved a sigh. "I just don't want you to put yourself in danger, Princess."

Hindi ko alam pero biglang nag-init ang mukha ko. Tsk, ako? Malalagay sa alangin? He doesn't know what he's talking about.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. It's time for my game event.

"Don't worry. I am danger itself."

For the second day of Stella Royal Games, the next quest is entitled..

Maze of Mirror.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top