Royal 16
Royal 16
Meteor's POV
"Where were you?" I gave Blizzard a killer look. "Alam mo bang pinag-aantay mo 'ko?"
Pumasok siya sa loob ng karwahe at may ibinato sa akin. Hindi ko alam kung anong pinaggagagawa niya at hinihingal siya ng ganyan. He sat across and stared at me with bored-looking eyes.
"You didn't answer my--" I was interrupted when someone knocked on the carriage door. What is it this time?
"Sir Blizzard, pasensya na ho sa abala," someone spoke from the outside. "Tungkol ho sa ipinapahanap niyo. Ang pinakamalapit po na chocolate store dito ay matatagpuan pa ho sa kabilang bayan. Medyo may kalayuan po ito. Magpapadala na po ba ako ng tao doon?"
"No need," tipid niyang sagot at tumingin sa labas ng bintana ng karwahe.
"Sige po. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan pa ho kayo."
Doon ko lang pinulot yung binato niya sa akin. Chocolate?
"What?" he irritatedly asked. Nakatingin kasi ako sakanya habang hawak-hawak ang chocolate.
"P-para saan 'to?"
"Ayaw mo?" bigla niyang inagaw yung chocolate sakin. "Edi ako na lang kakain."
Mabilis na kinuha ko yung chocolate bago niya pa mabuksan. "Wala akong sinabing di ko gusto. I was asking you why did you give me a chocolate bar."
Ibinaling niya ulit ang tingin niya sa labas. "You're no fun when you're in a bad mood."
"So you went all through the trouble just to get my stress reliever?" I blurted out my thoughts.
"Tsk. Daming tanong. Kainin mo na lang."
Wala talagang galang sakin tong lalaking to eh. But I'll let him pass for now. Afterall, mukhang tinakbo niya pa ang chocolate na 'to mula sa kabilang bayan.
Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Mabilis akong napatingin kay Blizzard. Good thing his eyes were closed. Or else he'd tease me again after seeing I was smiling like a fool.
Baka asarin niya pa akong nagkakagusto na ako sakanya. Oh god, there's no way that'll happen.
Binuksan ko ang chocolate bar at nilantakan ito. Napapikit na lang ako sa sobrang sarap. This is heaven.
After I ate the chocolate, medyo naging light ang mood ko. I woke up with a 'not-so-good' morning. Bukod sa kulang na ako sa tulog, masakit pa ang likod ko. Naninibago pa kasi ako sa mansyon na tinitirhan namin for the Games and my bed wasn't comfortable enough. And then when I was about to get ready for breakfast, Casey came in rushing saying that Ms. Minchin, my ballet instructor, called this morning.
Nagkataon pang ngayon ang opening ng Royal Swan Lake Tournament and attendance is a must for all of the princess candidates. Kung kelan naman first day ng Stella Royal Games, doon pa ako mawawala.
I made a bunch of excuses just to escape this one and be able to watch the first day of the Games. Pero ang sabi ni Ms. Minchin, if I didn't make it to the opening, I'm out for the competition.
I've got no choice but to go there.
The Swan Lake Tournament's opening started. They've introduced the panel of judges, some opening performance and finally handed out the registration form. Kasama ko si Blizzard since he's my new partner. Everything is going smoothly until that bitch appeared.
Remember Princess Aurora from Vega Empire? Yeah, she's there of course. Bragging about her title as the last year's Swan Lake Princess.
Hindi ko na lang pinansin. Kawawa naman eh. Hinayaan ko nang ipagmayabang ang silver crown na nasa ulo niya. Hindi pa maaagaw sa akin ang korona kung hindi niya ako pipilayan. How pathetic.
I was silently standing there in the corner when that bitch--I mean, Aurora came up to me and said that she has a surprise.
At dahil alam ng mga iba pang ballerina na 'matalik' kaming 'magkaibigan', nagkumpulan sila sa gilid namin.
Mga chismosa. Naturingan pa man ding mga prinsesa.
"He's my weapon against you, Meteor. So forget about stealing the crown from me," that's what she said and finally introduced her partner.
"Meteor, meet my ever loyal partner."
I almost lost control. Kung hindi lang dahil kay Blizzard na pinigilan ako, baka naging abo na 'tong babaeng 'to.
Guess what kung sino ang partner niya?
Yung partner ko lang naman for the past years when I was reigning as the Swan Lake Princess. I knew she's already up to something!
Hindi ko alam kung anong klaseng panse-seduce ang ginawa niya at naagaw niya ang partner ko. At itong lalaki naman na 'to, nagpaseduce naman! Nagsinungaling pa sakin na hindi siya makakasayaw kesyo may sakit daw siya. Sana sinabi na lang niya ng maayos.
Ugh. That is frustrating. Sa tuwing naiisip ko, kumukulo ang dugo ko.
"Maawa ka naman sa chocolate wrapper."
I was back from my thoughts when Blizzard spoke. Doon ko lang napansin na nagkanda-punit punit na yung chocolate wrapper.
"Dapat pala sinunog ko na siya kanina. Nakakainis talaga."
"Let go of it already. Para kang bata eh." napailing-iling na lang siya sakin. May binato ulit siya sakin. "Oh."
"Seriously, ilan ang binili mo?" binuksan ko ulit yung chocolate. He just shrugged.
Nilantakan ko ulit yung chocolate. Instantly, nagbago na naman ang mood ko. Hindi ko tuloy mapaligilang ngumiti. Iba talaga nagagawa ng stress reliever ko!
"God this is heaven. Saraaap," I exclaimed.
"Ang babaw mo."
"Inggit ka lang."
"Tsk."
Natahimik kami parehas. Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng karwahe.
Maya-maya, napansin kong hindi na umuusad ang sinasakyan namin. Pabalik na kasi kami ngayon sa Fleur de lis Arena, nagbabakasakaling maabutan ko pa yung first quest ng Games--Flower's Tear. Si Tyrone ang representative namin dito.
Tinanong ko kung bakit kami tumigil. Sabi ng isang royal guard, nagkaroon daw ng aksidente sa di kalayuan kaya nahihirapang dumaan ang mga karwahe.
Nilabas ko sa bintana ang salamin ko at nakita nga ang mahabang pila ng mga karwahe na nakatigil at nag-aantay. Isa na roon ang amin
Dagdag pa ng royal guard, aabutin pa ng isang oras bago maayos ito. And we have no other route to take. Ito lang ang nag-iisang daanan papunta sa Arena.
"Great. I'm not going to make it on time," I grunted.
I checked my watch, the first quest has started already.
"You know we have another route," Blizzard shot me a meaningful glance.
"Are you talking about this one?" tinuro ko ang ibaba. He nodded.
Sinipat ko ulit ang relo ko. If we're going to take that one, baka may maabutan pa kami.
Kinuha ko ang backpack ko. "Let's go. Baka masunog ko lang ang mga karwaheng 'yan pag nainis ako."
He smirked. "Hot-tempered princess."
Inayos niya muna ang itim na cloak at maskara niya bago bumaba ng karwahe at alalayan ako.
"Sir Blizzard," sabay na nagbow ang royal guards na nasa harapan ng karwahe. Lalo pa nilang ibinaba ang ulo nila ng makita ako. "Princess."
"Lend me one of your horse. We're going to change route."
"Mawalang-galang na ho sir, hindi po ba ito lang po ang nag-iisang daan papuntang Fleur de lis Arena?" takang-tanong ng isang royal guard.
"You know my princess here hates waiting. Who knows what she might do if her patience runs out."
Mukhang natakot ang mga royal guard at mabilis na kinalas sa karwahe ang isang kabayo.
Lumapit naman ako kay Blizzard at bumulong, "You know I can't ride a horse."
"Oh? Then this will be fun," naaamuse niyang sabi.
"O-oy. Kung ano man yang binabalak mo, I'm warning you. D-don't even dare."
Sinasabi ko talaga sakanya, masusunog talaga siya ng wala sa oras.
"Let's just walk." I suggested. Well, more like an order.
"I'm afraid I cannot obey that, Princess. Kahit na shortcut tong dadaanan natin, alam mong hindi kita hahayaang maglakad. I don't want to see you exhausted."
Nilapit na ng isang royal guard ang kabayo. Blizzard asked me once again.
"It's either you'll ride the horse or we end up waiting in the carriage. You choose."
I rolled my eyes. "Fine. How do I ride this thing?"
Nagulat ako ng maramdaman ang mga kamay ni Blizzard sa bewang ko. He lifted me up and placed me on the horse. Sumunod naman siya at sumakay sa bandang likuran ko.
"I suggest you hold on tight to me."
So this is what he is up to. "Pervert. Kapag ako talaga nahulog--"
"Bahala ka." Pinaandar niya ang kabayo kaya naman bigla akong napahawak sa damit niya.
Medyo nakalayo-layo na kami sa karwahe nang binilisan niya ang pagpapatakbo sa kabayo. It felt like I'm going to fall off anytime.
He told me I was going to rip his clothes dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Wala naman kasi akong ibang makakapitan. At ang loko, nananadya talaga. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko dahil mapupunit ko na daw ang damit niya. He ordered me to hold on to him or else I'll slip off.
"Inaalis mo kaya yung kamay ko! Ang labo mo rin eh."
"Mapupunit nga ang damit ko. Sakin ka nga kasi humawak."
I grunted at humawak sa wrist niya. He just scolded me. Nahihirapan daw siyang kontrolin ang kabayo and we might end up in an accident. Sa magkabilang balikat naman niya ako humawak but I end up squeezing it at nasasaktan daw siya. Ipupulupot ko pa lang ang kamay ko sa bandang batok niya pero pinigilan niya ako, masasakal lang daw siya.
Daming reklamo! Kainis.
In the end, ipinalibot ko ang left hand ko sakanya at sinalubong naman ito ng right hand ko sa bandang tagiliran niya. I interlocked my hands to secure it.
At dahil medyo malaki ang built niya, umusog ako ng kaunti papalapit para lang maabot ng left hand ko ang right hand.
Para tuloy akong nakayakap sakanya! We stayed like that for who knows how many minutes.
Maya-maya, medyo nag-slow down ang kabayo hanggang sa tumigil ang ito sa tapat ng isang cave.
Inalis ko ang pagkakahawak ko sa bewang niya at shinake-shake ang kamay ko. Nakakangawit!
Binuksan ni Blizzard ang backpack ko at nilabas ang black cloak at maskara doon. Inayos ko ang maskara habang ipinatong naman niya sa akin ang cloak at isinuot ito.
"O-oy!" bigla akong napayakap (hell with that term) nang paandarin niya ulit ang kabayo nang hindi ako sinasabihan.
Pumasok kami sa loob ng kweba na puno ng malalaking tipak ng bato. We were looking for a specific stone statue at hindi nagtagal ay nakita rin namin ito. Hinanap ni Blizzard ang keypad at sinabi ang password.
"Six feet under the stars."
The next thing we knew, nasa underground na kami. Pinatakbo ni Blizzard ang kabayo at full speed. Feeling ko, para kaming hangin na dumadaan sa sobrang bilis.
Hindi naman nagtagal at nasa Underground na kami ng Core city. Hinanap na lang namin ang lagusan papunta sa ibabaw at dito dumaan.
Before we proceed to the Fleur de lis Arena, I quickly changed my clothes to look more presentable. Blizzard accompanied me until we reached the Royal Watch Tower inside the arena. Dito nakapwesto ang mga V.I.P to have a better view of the Games.
Naiwan si Blizzard sa labas ng tower at dumiretso na ako papaakyat. I searched for Mom, which is seated at the front along with the other Empire Queens.
"Good thing you're already here," Mom greeted me with a big smile. "How was the opening?"
"I'll tell you later," umupo ako sa tabi niya. "What did I miss?"
Napangiti ng matamis si Mom at ibinalik ang tingin niya sa laro. Good mood? I wonder what happened when I wasn't around.
"Well, your brother's team is already on fire, my dear. To think that they're showing off what they can do. It makes me excited!"
"What do you mean, Mom?"
"See that guy over there? It's the representative of your brother's team. As of now, he's fighting for the Gold Star by doing the one-on-one battle against the Vega representative."
Tumingin ako sa arena. Like what Mom said, that's Tyrone against some guy from Vega Empire's team. To think that Tyrone was able to engage the 'one-on-one' battle for the first day of the Games.
"He almost wiped out all the bees in the first quest, Flower's Tear. I thought we're the first team to receive the first Gold Star. Too bad someone caught up to him leading to the Knock Out Round." Mom told me.
Ang one-on-one battle o mas kilala bilang Knock Out Round ay nae-engage kapag nagkaroon ng tie results sa isang quest. Dito paglalabanan nilang dalawa ang ranking spot. It's an all or nothing game.
Katulad na lang ng nangyayari ngayon. Tyrone and the Vega representative are both fighting for the first rank spot for today's quest which is the Flower's Tear. Kapag nanalo si Tyrone sa knock out round, Team Sirius will receive the Gold Star and have the first ten points of the Stella Games. Malaking bagay ito para sa amin.
But if he loses, diretso siya sa last rank spot and receive no points. Kahit na first rank spot ang pinaglalabanan nila, the loser will not end up in the second place. Instead, mapupunta pa siya sa pinakadulo.
That's the disadvantage of the Knock Out Round. Kaya tinawag itong 'all or nothing' game. It's either you win some points or you lose all of it.
Tumutok ako sa malaking video screen na lumulutang sa pinakataas ng arena. Dito ipinapakita ang labanan sa pagitan ng dalawa.
"Oh? Nakakatuwa ka naman. Nakakatayo ka pa pagkatapos ng mga atake kong iyon," amused na sabi ni Tyrone. Mukhang nae-entertain nga talaga siya sa ginagawa niya ngayon.
Napangiti ako. Right now, Tyrone's condition is perfectly fine. May kaunting galos sa kanyang katawan but it's no big deal for him. Samantalang ang kalaban niya, halos hindi na makatayo. I pity the guy. He was beaten really bad.
"Oy. Tapusin na natin to. Baka pagalitan ako ni Master kapag pinatagal pa kita," Tyrone smiled at pumosisyon.
Wait! That position! Is he transforming into 'that'?
Naalarma naman ang kalaban niya kaya lumayo ito at bigla na lang nagpaulan ng smoke bombs. Sunod-sunod na putok ang narinig namin hanggang sa kumalat ang makapal na usok.
Hindi namin makita ang labanan na nangyayari. Kahit doon sa video screen, wala ring makita kundi usok. The whole arena was silent for a moment. Nakikiramdam ang mga manonood sa labanang nangyayari.
But the battleground was surprisingly quiet. Walang naririnig na kahit anong pagtama ng armas, paputok o kahit anong tunog. Wala. Tahimik lang.
Three minutes passed at ang timer ang bumasag sa katahimikan. Bumaba sa battleground ang emcee ng Games na si Monokuma Bear na may dalang malaking electricfan (na hindi ko alam kung saan niya nakuha.) The black-and-white stuffed toy bear turned it on and we waited until the smoke was cleared.
Gasps were heard from the audience. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
What the hell.. happened?
Parang kanina okay pa si Tyrone. Why does he lay down there beaten up and powerless?
Hindi na natuloy ang transformation niya. Wala na rin siyang malay. Knock out.
"H-he's trying to kill me! W-with that potion!" sigaw nung kalaban niya. Takot na takot ito for some reason.
Wait? What potion? Tyrone never used potions before.
May mga medical units ang bumaba sa battleground at inilalayan ang dalawa na makalabas dito. Pumunta si Monokuma Bear sa gitna dala-dala ang microphone niya.
"Well, the first quest has ended and even though we don't really know what exactly happened in the knock out rounds, the Vega Empire will receive the first ten points of the game! Yaay!" sabi nito sa mala-chipmunk na boses.
"Oohh~ I thought this will be the Sirius Empire's big comeback," he added. "But unfortunately, they were defeated for some reason. Oh well, there's a next time for you guys. Chihi!"
"Well! That's all for the first day of Stella Royal Games! Let's look forward for tomorrow for another exciting quest with lots and lots and lots of surprises! This is your emcee, Monokuma Bear, signing out! Chihi!"
~
"Mom, I'll stay here for awhile. I need to check on him."
"Sasamahan ko rin po si Kuya. If that's okay," I asked permission too.
Tumango naman si Mom. "Just be back before dinner, okay?"
We both nodded and kissed her good bye. Sabay kaming pumasok ni Astro sa kwarto kung saan naka-confine si Tyrone.
Nandoon ang buong team including Alice and Leona. Mabuti na lang at tulog si Winter kaya nakakakilos ng malaya si Leona.
"How is he?" tanong ni Kuya. Leona looked at us with worried expression.
Hindi maganda ang kutob ko dito.
Inexplain ni Leona ang kalagayan ni Tyrone. Sa hindi malamang dahilan, mayroong poison na nakapasok sa katawan niya at patuloy itong kumakalat. This poison makes the body weak, sucking out every drop of magic Tyrone possesses. Nasa panganib ngayon ang buhay ni Tyrone at kapag hindi nahanapan ng lunas ang poison, it can lead to the worst possible result--death.
For now, nakagawa si Leona ng temporary medicine to slow down the spread of the poison. Although hindi nito maga-guarantee ang tuluyang pagtigil ng kumakalat na poison. This temporary medicine can only buy us time to look for the real cure.
"Ateng, pang-short term lang tong ginawa ko. Pasensya na pero hindi ko maipapangako na mahahanap ko agad ang lunas pero gagawin ko lahat ng makakaya ko."
Itinaas naman ni Alice ang kamay niya. "I'll help Ate Leona too. I'll do whatever it takes to cure Tyrone-onii-chan."
Naputol ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ito ni Rai at pumasok si Monokuma Bear kasama ang dalawang guard unit.
"Greetings Team Sirius," bati nito sa mala-chipmunk niyang boses. "I'm sorry to interrupt you but the Stella Games Council wishes to speak with your team captain about the today's event. Chihi."
"What about it?" tanong ni Astro.
Ngumiti naman si Monokuma Bear. "Oohh Your Highness. The matter is a bit private. If you'd kindly come with us to solve this matter. Chihi."
Tumingin sa akin si Astro at tinanguan ko siya. Inayos niya ang sarili niya at sumama sa talking stuffed toy na iyon.
"Very well then, I'll see you tomorrow, Team Sirius. Ja ne~!" paalam ni MonoBear.
"Do you want me to come with you?" tanong ni Rai bago tuluyang makalabas ng kwarto si Astro. I almost forgot na personal guard nga pala ni Kuya si Rai.
"No need. I can handle it." Tuluyan na silang lumabas.
"Astro-onii-chan.." nag-aalalang sabi ni Alice.
"Ateng, hindi mo ba susundan si Papa Astro? Baka may gawin silang masama sakanya. Ang creepy pa naman nung teddy bear na 'yon."
Umiling lang ako kay Leona. "He'll be fine. Isa pa, mukhang importante ang pag-uusapan nila lalo na't involve ang Stella Games Council."
Pero hindi ko maiwasang mag-alala. Ano kaya ang kailangan sakanya ng Council?
Ugh, I'll just ask him later. Sa ngayon, top priority namin si Tyrone. Kung saan ba naman niya kasi nakuha ang poison na 'yon.
"H-he's trying to kill me! W-with that potion!"
Hindi ko alam pero nagflash sa akin ang scene na iyon. Potion?
There's something weird going on. And I have a bad feeling about it.
Kung tama ang kutob ko, baka maging susi ito para mahanap namin ang lunas kay Tyrone. I need to find that potion.
Napatingin ako kay Cyclone. Kanina pa siya tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Tyrone.
Hinawakan ko ang balikat niya. "I'll take responsibility for this."
"Master Azure.."
"He'll be alright. Kailangan niya pang magpagaling dahil makakatikim pa siya ng sapak galing sakin. Kaya ikaw, tulungan mong magpagaling yang kakambal mo or else, you know what I am capable to do."
Ngumiti siya sa akin kahit sandali lang. He's really worried about his brother.
Don't worry. I'll save Tyrone no matter what.
~
It's almost dinner time pero hindi pa rin dumadating si Kuya Astro. Mom was so worried pero sinabi ko sakanya na pinasundan ko na kay Rai si kuya.
Sinabi ko na rin kay Mom ang tungkol sa nangyari sa opening. I even told her about my previous partner which is now Aurora's.
She advised me to let it go and just focus on the tournament. She even added that the best revenge for them is that Blizzard and I win the event.
"Good thing that Blizzard volunteered. You should thank him," that's what she said.
Natapos ang dinner pero wala pa rin si Kuya so Mom and I decided to call it a day. Umakyat na ako sa kwarto at doon humiga.
It was past 10 in the evening when someone knocked on the door.
"Come in."
"Still awake, Princess?" Casey entered. "Pinapatawag ka ni Prince Astro. Nasa library siya sa upper floor."
Isinuot sa akin ni Casey ang robe bago ako umakyat papunta sa library. I was greeted by royal guards when I stepped in.
Mukhang mahalaga ang pag-uusapan namin ni Kuya dahil pinasarado niya ang buong floor kung nasaan ang library.
Isinarado ko ang arch-like door ng library at dumiretso sa pinakagitna kung saan may isang malaking mesa na napapalibutan ng mga upuan. Nakaupo si Astro sa isa sa mga ito habang minamasahe niya ang ulo niya gamit ang isang kamay.
Umupo ako sa tapat niya. "Mom and I were waiting for you. Saan ka ba nanggaling?"
"I needed some time to think."
"What do you want to talk about?" I asked, crossing my arms in the process.
"I'm disappointed in you, Meteor." Seryoso siyang tumingin sakin.
What did I do?
"Ano bang sinasabi mo, Kuya?"
Astro heavily sighed. "Yung pinag-usapan namin kanina ng Stella Games Council. It's about Tyrone. He used a forbidden potion, Meteor. Alam mong bawal sa Games 'yon."
"What do you mean?"
"Pinatawag ako ng Council para tanungin ang tungkol sa potion. Nagsumbong kasi ang kalaban ni Tyrone na gumagamit daw ito ng forbidden potion and he was almost killed by it."
"What? Never pang gumamit ng potion si Tyrone. Nagkakamali lang sila."
"But they have evidence, Meteor. Nakita daw ng medic na may maliit na boteng hawak-hawak si Tyrone noong tinulungan nila itong makalabas sa battleground. Inexamine ito ng Council and the Vega guy was right. Lalagyan ito ng isa sa mga ipinagbabawal potion ng batas. This potion has poison in it."
"Poison? You mean.."
Tumango si kuya. "Yes. Ang nasa loob ng katawan ni Tyrone. Unfortunately, siya ang naapektuhan."
Nagpatuloy si Kuya sa pagkwe-kwento.
"Pinaimbestigahan ng Council ang grupo natin para matukoy nila kung saan nakuha ni Tyrone ang potion. Then they found out na may kasama tayong potion maker."
"Leona.." I mumbled. "Pero kuya! Hindi marunong gumawa si Leona ng potions na associated ang poison. Alam mo namang nagre-revolve lang sa medicines and illusions ang mga ginagawa niya."
"I know. At iyon din ang rason ko sakanila. But the fact that Tyrone used something that is forbidden by the law, Meteor sigurado ka ba sa mga isinali mo? Pinahamak niya tayo."
"Tyrone would never do such thing. Kilala ko siya, Kuya. Siya at si Cyclone. Hindi sila gagawa ng bagay na ikapapahamak natin."
"Meteor, galing sila sa Underground. Alam mo naman ang relationship ng mga royals sa mga tao ng Underground diba? Baka nga doon pa nabili ni Tyrone ang potion."
"Just because they belong to the Underground doesn't mean they're the bad guys here. Trust me, I know that twins very well. Wala silang kasalanan. Tsaka teka, kung si Tyrone nga ang gumamit ng potion, bakit siya ang naapektuhan nito?"
"I questioned that too. Pero ang sabi ng Vega guy, nagkaroon ng pagkakamali si Tyrone kaya naman ito ang naapektuhan."
Bigla ulit nagflash sa isip ko ang scene kanina. The smoke and the silence.
"H-he's trying to kill me! W-with that potion!"
I gritted my teeth. "Tyrone was framed up."
Nagtatakang tumingin sa akin si Kuya. "Paano mo naman nasabi?"
"Baka nakakalimutan mo kung saang grupo nanggaling ang kalaban niya."
"Vega Empire.."
"Exactly. And you know they'll do everything to bring us down. Kanina ko pa iniisip to and now it all makes sense. Sa Vega guy na iyon nanggaling ang potion."
"I'm afraid we have no evidence to blame all this accident to them."
Napasandal na lang ako sa upuan. Ang Vega na iyon! Ayaw talaga kaming tigilan.
Astro sighed. "You know that Tyrone's act has its consequence. For now, pinag-iisipan pa ng Council ang punishment natin as a group. I'm pretty sure it's a heavy one. As for Tyrone, tuluyan na siyang tinanggal ng Council bilang member ng Team Sirius. And we only have 12 hours to fill his spot and look for the fifth member."
"You mean maghahanap ulit tayo ng papalit sakanya?"
Tumango sa akin si Astro.
"Pero kuya, wala na akong ibang kakilala na kasing galing ni Tyrone."
"I was actually thinking of one person. I mean, I think he's qualified enough to join the Games."
"Sino?"
Astro looked at me. "Your personal guard, Blizzard."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top