Royal 15
Royal 15
Meteor's POV
Time sure flies so fast when you are tied-up with lots of work. Hindi ko na naramdaman ang pagdaan ng oras. I was busy preparing everything for the upcoming Stella Royal Games. Mamayang gabi na ang alis namin.
I checked the clock, it's exactly 3:15 in the afternoon. Nandito ako sa third floor ng main library, waiting for my brother, Astro. He said to meet him up at may mahalaga daw kaming pag-uusapan tungkol sa Games.
I sighed out of frustration. He's 15 minutes late.
I was about to go down and leave when I heard loud footsteps rushing upwards the staircase. Hindi nagtagal at bumungad sakin ang hingal na hingal na si Astro. His face was white, like his own blood was drained out of it.
"Something came up."
Dali-dali kaming bumaba sa kwarto niya at ibinigay sa akin ang mga papeles. Halos hindi ako makapaniwala sa mga nababasa ko ngayon. Imposible to.
"You got to be kidding me. This is absurd!"
Napasalampak na lang siya sa dulo ng kama habang napahilamos na lang ang mga kamay niya sa kanyang mukha.
"How I wish it was only a prank. But I already confirmed it, Meteor. They're telling the truth!"
"Pero paano nangyari 'yon?"
"They said it was some sort of an accident. But I couldn't believe it! I had someone to secure the vehicle. Sa tingin ko, pinagplanuhan nila ito para hindi tayo makasali sa Games. Anong gagawin ko Meteor? Hindi naman ako pwedeng humila na lang ng kahit na sino dyan to fill up their places! Anong gagawin ko?"
Astro was about to loose his mind. He kept walking to and fro across his room while thinking of an answer. Nakalagay sa mga papeles na inabot niya ang balita tungkol sa pagkamatay ng tatlong miyembro ng kanyang grupo na sasali sa Games. Nasangkot ito sa aksidente kung saan nawalan daw ng control ang driver sa sasakyan at tuluyang nahulog sa bangin. Pinapa-imbestigahan na ito ni Dad.
"Will you stand still Astro and keep calm?! Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kakalakad mo dyan."
"I'm sorry. Hindi ko na alam kasi ang gagawin. Mamaya na ang alis natin at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng mga miyembro ng grupo ko. Baka hindi tayo makasali kapag kulang tayo."
Yeah, that's right. That's the first rule of the Games. The group must consist of five members in order to join the event. Sa ngayon, kaming dalawa na lang ni Astro ang natitira.
Napapikit ako at nag-isip. Where could I find someone as strong as them?
Think Meteor, think of someone who could fill their spots. Think of someone..
"Astro," he looked at me with hope in his eyes.
"I already know someone who could take their places."
~
"Master Azure!"
"Bakit hindi mo sinabi na.."
"Isa ka palang prinsesa!"
Magkasunod na sabi ng kambal na sina Tyrone at Cyclone. Nasa main library kami ngayon, third floor kasama ang kambal, si Alice at si Leona. Pinasarado muna ni Astro sa Royal Guards ang library para makapag-meeting kami ng maayos.
"Will you quiet up a bit?" kinakabahan kong sabi. Baka kasi mamaya, malaman nila ang koneksyon ko sa underground. Mahirap na, maraming madadamay.
"Sorry na Master Azure.."
"Ang astig lang kasi.."
"Na may kagrupo kaming prinsesa."
Nag-brofist pa ang kambal. I already revealed myself to them, that the Princess of Sirius Kingdom and the Fourth Shadow if the Underground is the same person. Matagal na kaming magkakasama, tama lang siguro na pagkatiwalaan ko na sila.
Napatingin kami kay Astro when he cleared his throat. "Meteor, let's start."
"Kuya, this is Tyrone and Cyclone, ang challenger ng grupo ko sa underground. Kayang pantayan ng kakayahan nila ang kakayahan ng mga nawala mong miyembro, baka nga mahigitan pa nila ito. I used to train with them and I assure you, they can compete in the Games."
Nag-thumbs up yung kambal kay Kuya. Seriously, sana matagalan ng pasensya ko ang kakulitan ng dalawang to.
"This is Lionel Devon, Leona for short. Has the ability to create potions useful for battle. Bihasa rin siya sa medicines and other healing potions. Hindi ko siya pwedeng isali sa Games dahil may babantayan siyang bata, but he can help us during the event, gathering information and medical purposes."
Tinanguan ni Kuya si Leona habang ginantihan naman siya nito ng kindat at flying kiss. Jeez, pati ba naman si Astro, pinagnanasaan niya.
"Of course, Alice would be there to assist Leona. Sa ngayon, kulang na lang tayo ng isa na bubuo sa grupo natin."
"Bakit hindi na lang ikaw, Master Princess Meteor?" sabay na sabi ulit ng kambal.
"I'm already in, kaya siguraduhin niyong mananalo kayo kundi," I gave them a death glare. "You know what you're going to face, aight?"
Nag-salute sila sakin. "Yes! Master Azure-hime!"
Nabaling naman ang atensyon ni Kuya kay Alice nang magsalita ito, "Astro-oniichan, diba may bago kang personal guard? Bakit hindi na lang siya yung isali mo?" Nagkatinginan kami ni Kuya. I nodded to show that I agree with Alice's idea. Ang batang-isip, nagningning naman ang mga mata dahil sinang-ayunan namin ang suggestion niya.
Pinindot ni kuya ang red button at nagsalita roon, "Send my personal guard in."
Ilang saglit pa, isang taong nakasuot ng hoodie at maskara ang naglalakad papalapit sa amin. Yumuko ito upang magbigay galang.
"I want you to formally join our group and be a part of the Games," diretsong sabi ni Kuya. Halatang nagulat ang taong nakahoodie dahil bigla itong napahawak sa dibdib niya.
"I-I.. I don't know, Your Highness. I am not suitable t-to join this important event," she stammered. 'She' dahil boses babae ang naririnig namin mula sakanya. I personally never met his guard but I think she's strong enough to protect someone like Astro.
"I think you and your abilities are enough to help us win this game. I entrust you this mission and you must not fail me, Rai."
Rai? I think I've heard that name before. I just can't remember.
Napatigil muna saglit ang babae at saka ito nag-bow sa harap ni Astro.
"As you wish, My Lord."
Tumayo na si Kuya at hinarap kami, "Very well then, it is all set. After you swore to the Great Star Sirius and have the insignia, I want you to get everything ready..."
"...The Stella Royal Games is about to come."
~
"Meteor, do you think we can have the crown back? Can Astro do it?" Nakatingin si Mom sa labas ng bintana ng sasakyan.
We just arrived at the center of the Stella World o mas kilala bilang 'Core City'. Pinapatakbo ito ng Constellation Council na binubuo ng mga pari.
"Astro would give his best. I know he will do everything for Sirius Empire," ngumiti sakin si Mom. Kasama namin siya ngayon bilang representative ng Sirius Royal Family.
Obligado ang mga reyna na umattend ng mga ganito in place of the kings. Ang mga hari kasi ay pupunta sa last day of the event. Sa main game.
I sighed at natuon na lang ang atensyon ko sa libro. Mabuti na lang at pinayagan ni Mom na makasama si Casey, at least may papalit sakin bilang prinsesa when I'm needed in the Games. Binigyan ko naman ng special pass si Leona para maka-attend din siya at matulungan kami. Kasama niya si Winter, dahil wala naman kaming mapag-iiwanan sakanya.
Ilang saglit pa ay tumigil na ang sinasakyan namin sa tapat ng isang mansyon. Dito muna kami pansamantalang titira hanggang sa matapos ang Stella Games.
Bumaba kami ni Mom habang naka-escort ang mga royal units na pinadala ni Dad. Syempre, kasama rin dito si Blizzard at ang personal guard ni Mom.
Nakababa na rin sina Astro at may kausap silang matandang babae na nasa harap ng mansyon. Ito siguro yung mayodorma ng lugar.
"It is my honor to finally meet the Great Sirius Family. I am Mrs. Matilda, head maid of this mansion. Serving you is my privilege, Your Highness." Yumuko ito sa harap ni Mom bilang pagbibigay-galang.
Inilibot kami ni Mrs. Matilda sa buong mansyon. Ilang saglit pa ay pinaghanda kami ng lunch ng iba pang mga katulong doon. Inayos na rin nila ang mga gamit namin and made us comfortable in our new place.
Mom told me to rest for awhile at bumawi ng tulog. Mamayang gabi na kasi ang opening ng Stella Royal Games.
Sinunod ko naman siya at pagdating na pagdating ko sa kwarto, I let myself fall down to my soft and fluffy king-sized bed. Hindi nagtagal at unti-unti akong nakatulog.
~
"Sino bang nag-isip nito? Damn! I just want to burn her alive!" naiirita kong sabi habang inaayos ko yung damit ko. "Seriously Astro? Bakit ka naman pumayag sa ganito?!"
"O-oy Meteor, w-wala akong kinalaman dyan. Iyan yung dineliver dito nung katulong. Pinagawa ni Mom yan, uniform daw natin sa Games."
Napa-face palm nalang ako. Bakit ba naman kasi nagpagawa si Mom ng ganito eh! It looks like.. sht, nevermind!
Sino ba naman kasi ang hindi maiinis? Stella Games is an actual battle combat hindi Royal Ball. Isipin mo na lang na makikipaglaban ka habang suot-suot ang isang ball gown na shining shimmering splendid pa. Ain't that great?
"Even Rai is not comfortable with it," tinuro ko yung personal guard ni Kuya na hindi mapakali sa kakaayos ng damit niya. Pero kung titignan, the gown suits her very well, she's elegant like any other princesses.
Napatingin ako kay Astro na nakatitig kay Rai. Wait, is he blushing?
I snapped in front of him, "Ayusin mo nga muna to kuya bago ka magnilandi dyan."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko, "What?! I-I'm not flirting--! Oh forget it. Ganito na lang, magpakita lang tayo kay Mom ng nakaganito. And when your specific battle comes, you can change into any armor you like. Okay?"
That sounds fair to me. Tinanggal ko yung heels at pinalitan ng rubber shoes. Hindi naman nila makikita kung eto yung suot ko eh.
We were having the final touch nang may kumatok sa suite namin. Pinagbuksan ito ni Rai, at tumambad sa amin ang kambal na nakasuot ng tuxedo kagaya ng kay Astro.
"Wow! Sugoi! Master Meteor-hime.."
"Ikaw ba yan?," sabay na sabi nila. I nodded and continued tieing up my shoelaces. Nagpalit na kasi ako ng anyo and I have Casey transformed into me para kasama siya ni Mom na manonood. Tonight, I have my silky hair white as snow and deadly eyes red as blood.
"What brings both of you here?" tanong ni Kuya sakanila. Nag-salute sila kay Astro na parang sundalong nakakita ng Head General.
"We're here to report, sir!" kahit kelan talaga, sabay na sabay silang dalawa. "Pinapaghanda na po tayo sa arena. Ipapakilala na po ang mga contestants, sir!"
Tinanguan sila ni Astro. I could see his knees shaking. Ayan na naman yung kaba niya.
"Mauna na kayo, Tyrone, Cyclone, Rai. Susunod kami," nagbow sila sa harap namin at lumabas na papunta sa pwesto namin sa arena.
Hinawakan ko yung balikat ni Astro. "Don't even show them that you're nervous. Have your acting skills ready. Let's put on a game face, brother."
Nginitian niya ako, "You're right. Let's show them what our Kingdom has become for the past years."
~
"Monokuma-bear's the name, and I will be your killer bear-- I mean, emcee bear for the event. Chihi," isang stufftoy na teddy bear ang lumabas mula sa stage ng Fleur de elis Arena. Kalahating white at kalahating black ang kulay nito, parang dalawang magkaibang personality na pinagsama sa iisang katawan.
"Greetings and welcome to the opening of the Stella Royal Games, the official battle-combat event exclusive for the strongest wizard chosen from different empires. This Games will determine who among the six powerful empires, will be the cream of the crop. The empire who would be crowned as the king of kings and received the heaven's blessings, the stardust. Chihi!"
Naghiyawan ang mga di-mabilang na manonood. Punong-puno ang Fleur de lis Arena ng iba't ibang royals, merchants at mga kilalang tao. Kung sabagay, isa itong event na hindi pwedeng palagpasin.
"Huwag na nating patagalin pa ito, Chihi! Let's start the Stella Royal Games with the game's mechanics, Chihi!"
Simple lang naman ang mechanics ng Stella Royal Games. Kada-araw, ay may isang quest na paglalabanan ang anim na grupo na nagmula sa kani-kanilang empire. Ang bawat grupo na ito ay magpapasok ng isang representative na lalaban sa quest na iyon. Kada quest ay may pointing system, gold star para sa ten points, silver star para sa five points at bronze star para sa two points. Ang goal ng bawat grupo ay makakuha ng pinakamaraming points upang tanghalin na Stella Royal Champion.
"We would have a 5-day event full of thrilling adventures and excitement! Chihi! Now let's meet the contenders from each empire! First stop, Alpha Centauri Guild with their new members and team captain Prince Kareon Alpha Centauri. As we all remember, the A.C. Guild ranked 5th in the last Stella Games. Let's give them a round of applause! Chihi!"
Lumabas ang mga miyembro ng A.C. Guild kasama ang team captain nito na si Prince Kareon. Kasing-age lang siguro sila ni kuya, mga next-in-line sa trono bilang hari.
Pumalakpak ang mga nanonood, di sila masyadong interesado sa grupong ito. Palagi na lang kasi silang nakakakuha ng pinakamababang rank sa Games kahit na pabago-bago ng members at team captain. Nagkataon lang na pumalo sila sa 5th place nang matalo ang empire namin na ipinanglaban noon at bumagsak sa pinakadulo.
"Here's the empire who ranked second in the last Stella Games, Arcturus Guild with their team captain, Prince Ice Arcturus. Chihi!"
And here goes the fangirls. Syempre naghiyawan yung mga babaeng manonood, lalo na yung mga prinsesa. And the usual Prince Ice, cold as ever towards them. Hindi ko nga alam kung bakit nagugustuhan nila yung mga tipong pa-bad boy effect ng mga lalaki. Oh dear, princesses nowadays.
"Uy Master, tignan mo yung lalaki oh.."
"kanina pa nakatingin dito," tinuro nina Tyrone at Cyclone si Ice. I glared at him. Yung tingin niya, parang may alam siya tungkol sa grupo namin. Hindi kaya, alam niyang kasali ako dito?
I just brushed off the thought. Imposible namang mangyari iyon. Walang ibang nakakaalam na kasali ako dito kundi ang grupong ito, si Leona, Alice at Casey, at ang dalawang personal guards namin. Unless may magsabi ng tungkol doon.
Nah, takot lang nila sakin. Susunugin ko sila ng buhay pag nagsalita sila.
Nagpatuloy si Monokuma-bear sa pag-aanounce ng iba pang guilds. Ang Canopus Guild with team captain Prince Zachary Canopus at ang Capella Guild with team captain Prince Skylar Capella. Both teams ranked 3.5 dahil tie ang dalawang to noong nakaraang games. Sa tingin ng marami, sila talaga ang magkatunggali dahil palaging patas ang dalawang empire na ito.
"Of course, the one and only Stella Royal Champion for the last Games, the Vega Guild with team captain, the err.. no name. Chihi!"
Nabigla ang karamihan nang malamang walang pangalan ang team captain. Lumabas ang mga miyembro nito, at ang nag-iisang tao na naka-full armor at maskara. Ilang sandali pa, nagsitayuan ang mga tao at naghiyawan. Parang dumagundong yung buong arena sa sobrang lakas.
"Chihiii! That's one hell of a crowd right back there. Settle down everyone, and let us have the last contender. The empire who place the last rank in the previous Games. Will they have the crown back now? Give it up for, Sirius Guild with team captain, Prince Astro Sirius!"
Natahimik ang buong Arena. Parang napalitan ng gloomy atmosphere yung kasiyahan kanina noong lumabas yung ibang guilds. Hanggang sa nakarinig na lang kami ng may nagsalitang 'boo' mula sa audience. Nasundan ito ng mga panlalait, at walang katapusang 'boo'.
"Tanggalin na yan! Walang magagawang matino yan!"
"Hindi sila pwede dito, mahihina yan!"
"Nandadaya pa! Paalisin yan!"
"BOOOO!"
Astro still managed to wave and smile. That's right big brother. Do not be affected by what they are thinking.
"Okay, ngayong nakilala na natin ang mga contenders, let's officially start the Stella Royal Games. Chihi!"
"Guilds, please send your representative to the arena. Our first quest is entitled.."
"..Flower's Tear."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top