Royal 13

Dahil 1k na ang SRG :3 Enjoy reading.

Royal 13

Meteor’s POV

“ARE YOU SERIOUS--!” tinakpan ko yung bibig ni Kuya Astro once we stepped inside the underground. Hinila ko siya sa isang eskinita doon sa may gilid, palayo sa mga nagkukumpulang tao na namimili sa black market.

“Definitely serious. And if you don’t mind, kindly shut up, will you?” I sarcastically told him. “Meron lang akong sampung minuto para ihatid kita doon. I need to go back for my lessons you know.”

Tinanggal niya yung kamay ko sa bibig niya.

“How can I shut up? Meteor, kelan ka pa na-involve sa ganitong bagay? THIS IS UNDERGROUND FOR SOLAR’S SAKE! This is the place where CRIMES and ILLEGAL projects happen. At alam mong delikado to diba? Alam mo ring sinusubukan ng mga Royals na tanggalin ito!” galit na galit niyang sabi. “Pano na lang kung malaman nila na ang isang mismong royal ang naiinvolve dito?! You can ruin our own name! Pwede mong ipahamak si Dad sa ginagawa mo!”

I let out a heavy sigh. Patience is all I need so I can get out through this.

“Look Astro, underground is not that bad. Kaya nga kita sinama dito eh, para malaman mo kung ano ang totoong ginagawa nila dito. Wala naman silang ginagawang masama maliban sa pagbebenta ng mga bagay na ipinagbabawal niyo, ng palasyo. And I really have no idea kung bakit ipinagbabawal iyon ng Sirius Royal Council.”

“It’s because those things are dangerous. Kaya ipinagbabawal sila nila Dad dahil nakakamatay sila.”

“Pero ginagamit ng palasyo, ng mga royals?” I still remember some guards have it. Iyon ang ginagamit nila when things come to worst case scenario. “How ironic. Kung sino pa ang nagpapatupad ng batas, siya pa ang sumusuway dito.”

Hindi nakapagsalita si Kuya Astro, alam niyang tama ako. May mga pagkakataon na sobrang umaabuso ang ibang royals, they think they have all the power in the world. Equality nowadays doesn’t exist. At bilang next-in-line king, Astro should know about this. He should make Equality exist in Sirius Empire.

"Why don't you give Underground a chance, kuya?"

Ilang minuto ang lumipas at nagpatuloy pa kami sa ilang diskusyon. In the end, napapayag ko din siyang i-explore ang parteng ito ng mundo. Alam kong kailangan niyang pag-aralan ito, so that in the near future, he would know how to deal with this.

"Kung may makikita akong unusual dito na maaaring makasama sa Empire natin, hindi na ako mag-aatubili pang sabihin ito kay Dad," he gave me a warning shot.

I smirked at him as my reply. “Yeah. Do whatever you want. I assure you, wala silang ginagawang masama. Pero kuya, kapag nalaman ni Dad ang tungkol dito, hindi rin akong mag-aatubili na patayin ka. Afterall, I’m a shadow in this world. As a shadow, I protect everything in here.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Nginitian ko lang siya at sinabi ang isa pang agenda namin sa lugar na ito. Papunta kami sa isang taong malapit sakin, at ang taong iyon ang makakatulong kay Astro sa training niya.

Hindi naman kalayuan ito. Pagkatapos naming madaanan ang black market, tumawid kami sa mababaw na ilog at natanaw na ang isang maliit na bundok. Inakyat namin ito at naabutan si Old Man na namimitas ng prutas sa labas ng bahay niya.

"Mornin' Old Man," nilapag ko yung bag ko sa upuang kahoy sa tabi ng puno. "Just like I've promised, I'm here with my--"

Pinutol ni Astro ang sasabihin ko. Bastusan eh.

"Master Xen?! Holy--! Ikaw nga!"

Halos nanlalaki ang mga mata ni Astro nang lumapit sakanya si Old Man. He was so surprised seeing someone from the past. Someone who had been a part of the royal.

Bumaba si Old Man mula sa puno at binigyan ng yakap si Astro. Nagkamustahan sila at nagkwentuhan. Para silang magkakilala na matagal nang hindi nagkita. Kaya eto, nagkaroon ng instant reunion.

"Uhh yeah? I exist," I said while cutting off their so called 'reunion'. "Look Old Man, alam mo na ang gagawin sakanya, diba? Get him to those bloody trainings. Para naman masanay na katawan niya sa bugbugan.”

Humalakhak si Old Ma-- I mean, Master Xen at tinapik sa braso si Astro. "Tama ang kapatid mo. Marami ka pang hahabulin pagdating sa pakikipaglaban. Mabuti pa at simulan na natin."

Nilapag ni Old Man yung mga prutas niya sa upuan at kumuha ng dalawang wooden sticks. Bago pa sila makapagsimula, nagpaalam na ako sakanila na babalik na ako ng palasyo para sa princess lessons ko.

“Teka. Pano ako? Hindi ako marunong umuwi,” parang batang tanong ni Kuya Astro.

“Edi dito ka matulog,” natatawang sagot ko. “Para maranasan mo namang mamuhay ng normal.”

Naririnig ko yung mga sigaw niya sakin habang papalayo ako. Good luck on your training kuya.

I just hope you can come back alive to our palace.

~

“Ay jusko po Princess! Ano pong ginagawa niyo?! Baka po mahulog ka—AY!” I landed exactly in front of the maid. Sa sobrang lakas ng sigaw niya, pati yung ibang royal guards na nagpapatrol sa loob ng palasyo, pumunta tuloy sa kinaroroonan ko.

Ngumiti lang ako sakanila matapos kong magslide sa handrailings ng hagdan namin. “You should try it too. It’s so cool.”

I left them dumbfounded at nagtuloy-tuloy na ako papunta sa susunod na lesson. I just finished my ballet class at ngayon, here comes math.

“Mornin’ Miss Claire.” I placed my notebook and pen on top of my desk. Binuksan niya yung projector at nagsimula na kaming magdiscuss.

We’re in the middle of discussion (and in the middle of my sleep also) when someone knocked on the door. Isang katulong ang pumasok at kinausap si Ms. Claire.

“Princess Meteor, Queen Sileria is asking for your presence in the library.”

I packed my things and bid goodbye to her. Bago pa ako makaalis, may pinahabol pa siyang homework. Shots naman.

Ano kayang kailangan sakin ni Mom? I mean, it’s really unusual for her to call me in such an hour. Maliban na lang kung may mahalagang event or something else. She tries to avoid disrupting my class. Kaya kung pinapatawag niya ako ngayon, siguro masyadong importante yun.

I took the elevator and pressed number five. Nasa fifth floor kasi ang pinakamain library dito. Nang bumukas ang elevator, nilakad ko ang mahabang pasilyo doon.

Nakarinig ako ng mga boses na nanggagaling sa library. Lalo itong lumakas nang mapunta ako sa harap ng malaking pintuan nito. Who could that be?

I checked myself first. Mukha pa rin naman akong prinsesa. Yosh, let’s put on some show.

I knocked several times bago pumasok, “Mom?”

“Meteor, come inside.” Pumasok ako sa loob and to my surprise, mayroong limang taong naka-hoodie ang nakaupo sa tapat nina Mom and Dad. Sa tabi nila ay ang Head General at ang tatlong assisstant nito.

Tumayo sila at nagbow sa harap ko. "Princess."

“Take your seat, Meteor,” utos ni Dad. Umupo ako sa tabi ni Astro—I mean, Casey pala na nagchange form kay Astro.

Tumikhim ang Head General at saka nagpatuloy sa pagsasalita.

"I'll be straight to the point, Your Highness. The Constellation Council would like every royal family to strengthen their guards and protection. This is due to the fact that the 'unknown cult' of Lucci Vanderwall has been attacking some royal families to steal their power."

Oo nga pala, ilang beses na ring napabalita ang sunod-sunod na pag-atake sa mga royal families sa iba't ibang empire. May koneksyon ito sa pagkatakas ni Lucci Vanderwall, isang black wizard at ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Dark Hole noon sa Stella World. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin ang Constellation Royal Unit na hulihin siya at ang kanyang kulto.

Walang nakakaalam kung nasaan siya nagtatago. Kaya pinag-iingat ang lahat dahil walang-awa siyang pumapatay ng kahit na sinong humaharang sakanya.

"As the Head General of the Sirius Empire, it is my duty to ensure your safety and avoid this 'unknown cult' to cause any harm to this family. I would do everything in my power to make sure that they will not even set foot on this beloved land of ours. That is why, My King, I offer the lives of these three men beside me, my assistant generals and yours truly, Head General to protect both of you, King and Queen of Sirius Empire."

Lumuhod ang apat na generals at isinagawa naman ni Dad ang ritwal para sa oath na binitawan nila. Muling tumayo ang Head General at nagpatuloy sa pagsasalita.

"These wizards beside me," tumayo ang mga naka-hoodie at lumuhod sa tapat ni Dad kasama nung tatlong assistant generals. "...already swore under the Great Star Sirius and would willingly do everything under your supervision."

Hindi ko maaninaw ang mga mukha nila dahil natatakpan ito ng mga maskara. Isinagawa ni Dad ang ritwal at naging official na ang pagiging parte nito ng Royal Unit ng Sirius Empire.

Matapos ang oath taking, nagsalita na si Dad at bumalik na sa pagkakaupo ang mga generals pati na rin ang mga naka-hoodie.

As the King, Dad insisted na dapat hindi lang ang royal families ang pagtuunan ng pansin ng Royal Soldier Unit at Sirius Police, kundi mas proteksyunan nila ang kapakanan ng mga mamamayan ng Sirius Empire. He even added that it is the royal's duty to protect the country's people. Hindi dapat ang mga may kapangyarihan ang pinoprotektahan, kundi ang nasasakupan nito.

Kaya naman ipinasawalang-bisa niya ang oath ng mga generals, at pinag-take niya ulit ng panibago kung saan handa silang ibuwis ang buhay nila hindi para sa hari, kundi para sa aming nasasakupan.

Muling humanga sakanya ang mga assistant generals, pero sinabi ng Head General na palalakasin pa rin ang Guard Unit ng Hari at Reyna, sapagkat kung mawawala sila, sino na lang ang proprotekta sa mga tao?

May punto naman ang Head General kaya napapayag pa rin si Dad na may magbabantay sakanila ni Mom. Syempre, bilang mga next-in-line sa throne, nag-assign din siya ng magbabantay sa amin ni Astro.

Tumayo ang dalawa sa limang naka-hoodie. Lumuhod sila sa harap namin as a sign of respect at para na rin sa oath-taking. Sinabi ni Head General na sila ang pinakamagaling sa Shadow Society of Wizards, o ang nag-iisang eskwelahan para sa mga taong may malalakas na kapangyarihan. Kumbaga, mga above average ang mga wizards na nakakapasok dito. Hindi sila mga royal kaya walang royal blood na nananalaytay sakanila para sa pagpapalakas ng kapangyarihan nila. Sadyantg gifted lang ang mga taong ito.

Kadalasan, sila ang kinukuha para sa pagperperform ng secret mission ng palasyo. They are like secret agents. Nobody knows they exist. Para lang silang hangin na dadaan, get the job done at bulang mawawala.

I was back to myself nang biglang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Natapos na palang magsagawa ng ritwal sina Astro (which is Casey) at ang bago niyang tagabantay.

Huminga ako ng malalim, “As the princess of this Kingdom, I, Meteor Flare Sirius, accept your oath and wholely entrust my life to you under the Great Star Sirius. My breath shall be your breathe. My death shall be your death.”

Napatingin siya sakin kaya napatingin rin ako sa mga mata niya. Muntik na akong mahulog sa upuan sa unang taong pumasok sa isip ko.

Those eyes.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top