Royal 12

Royal 12

Meteor’s POV

My body won’t move.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. I caught my breath. Hindi ako makahinga. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ewan ko. Naguguluhan ako. Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Badtrip naman oh.

Humiwalay si Blizzard sakin pero hindi ganun kalayo. I still felt this cool gush of wind coming from him. Napatingin ako sa mga mata niya for five long seconds. I see nothing but a pair of dark black emotionless eyes.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Ano to? Abnormal na?

Unti-unting lumayo si Blizzard at umalis na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig sa kawalan. There’s just too many questions popping in my mind and I don’t even know the answer.

Bakit niya ginawa yun? At bakit ang abnormal ng heartbeat ko?

At bakit ba kanina ko pa siya iniisip?!

And why do I even let him steal my first kiss?!

At bakit nararamdaman ko pa din yung labi niya sa labi ko?

"Aaaahh! Meteor you dumb stupid eggyolkhead!"

~

Kinabukasan, hinatid ko na si Winter sa parlor ni Leona.

“Bye bye Mommypop. Kish~” yumuko ako at kiniss ako ni Winter sa cheeks. “Labyu Mommypop. Balik ka ulit pleash”

Tumango lang ako. Pinapasok ni Leona si Winter sa kwarto sabay hinila niya ako sa isang tabi.

“Anong nangyari ateng? Nakita mo na ba surprise ni Winter? Kamusta naman ang araw niyo? Mabuti at hindi kayo naabutan ng ulan. Bakit ka tulala? OMG! You don’t say na may nangyari, ateng! Chika ka dali~!”

Tumingin lang ako sakanya. “I’m not in the mood.”

“Aynako teh~ may nangyari nga. Osha, balik ka na sa palasyo mo. Kanina ka pa hinahanap ng yaya mong si Kathlyn ba yun? Cathy? Kat-kat? O basta yun. Ang dami nang pinadalang ibon dito. Kaloka!”

Tinanguan ko lang siya at naglakad ako pabalik sa palasyo.

Nararamdaman ko yung mga taong nababangga ko habang naglalakad. But I didn't even flinch and continue to walk. Para akong puppet na kusang gumagalaw nang hindi nag-iisip.

“At saang lupalop ka ba nanggaling, Princess?!” natatarantang bungad sakin ni Casey pagkalabas ko ng secret passage sa may cabinet. “Kanina ka pa hinahanap ni Queen Sileria!”

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa kama. Pabagsak akong humiga doon.

“Huy princess, may nangyari ba?”medyo kalmado nang sabi ni Casey. “Anong problema?”

Yung puso ko. May problema ata.

“Casey, please cancel all of my meetings today. I’m not feeling well.”

“Gusto mo ba ng gamot?” sinapo niya ang noo ko. “May masakit ba sayo?”

Masakit ang ulo ko. Pati ang puso ko. At tinatamad akong makipag-usap.

“No. I’m fine. I just want some time for myself.”

“Sige Princess, Just call me kung may kailangan ka,” I heard her walk away. Bago siya tuluyang makalabas, “Casey!”

“Yes Princess?” I looked at her as I hold my chest.

“What does it mean when you just keep on thinking on one person?” His image flashed again in my mind and the next thing that played: the scene last night which makes my heart beats faster. “And your heart automatically thumps faster than the usual when that person’s image pops in your mind. Tell me, am I abnormal?”

Tumawa siya ng tumawa until she cried out her tears of joy. "Seryoso ka Princess? Yan ang bumabagabag sayo?" tapos tumawa ulit siya. Ge, push mo. Dyan ka masaya eh. -_-

Tignan mo talaga, kinakausap ko ng maayos tapos gaganyanin ako. What’s wrong with people?

“Oh my gosh, Princess. I knew this day would come!” she exclaimed after wiping out her tears. “I’m so happy for you. Do you know what it means?”

“What? Am I sick or something?”

“No you silly! Let me tell you a big news. Meteor Flare Sirius, the Princess of Sirius Kingdom is now..In love with someone.”

Kumuha ako ng pinakamalapit na unan at ibinato ito sakanya. “Oh! Shut up.”

Sinalo niya naman ito ng walang kahirap-hirap. “What? It’s true! You’re in love! So who’s the lucky guy?”

I gave her a killer look which was a sign to finish all these crappy conversation.

“Okay okay. You need your time.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. “Just tell me when you’re ready.” I heard her humming ‘the princess is in love’ as the door shut. Great.

I stared up at the ceiling.

Wala ring magagawa ang pagtitig ko dito. The image just keep on—ugh! Damn it.

“It’s not a big deal, Meteor!” kinuha ko yung unan sa tabi ko at itinakip ito sa mukha ko. “Not a big deal. It’s just a kiss. Not a big—“

Naiinis akong umupo at pabagsak na humiga ulit. And the next thing I knew? Gumugulong na ako sa kama.

Because that one crappy kiss is a big damn deal to me! It’s my first kiss at mapupunta lang sa ganon? First kiss ko yon. First kiss!

Nagpatuloy lang ako sa paggulong. Wala, trip ko lang. Gulong dyan, gulong dito. Baka sakaling matanggal sa utak ko yung nangyari kagabi.

Pero ang traydor kong utak, natuwa ata sa pagpe-play nung CD ng nangyari kagabi. Badtrip! Sa dinadami-dami ng ipe-play, bat yun pa?

Isa pa tong puso ko, masyadong mabilis yung tibok. I think I'm going to have a heart attack.

Utang na loob, pati yung mata ko, nag-iilusyon. Kahit saan ako tumingin, pagmumukha ng lalaking yon ang nakikita ko.

KASALANAN LAHAT NI BLIZZARD TO.

Kinuha ko ulit yung unan ko and I screamed out of frustration “Nakakainis ka Blizzaaaard! YOU EGGHEAD! YOU DAMN EGG!! ISA KANG MALAKING ITLOG NA TINUBUAN NG PAA AT KAMAY! IPRIPRITO KITA! AND I WILL MAKE THE BIGGEST SUNNY SIDE UP AT IPAPAKAIN KO RIN YON SA KAPWA ITLOG! ISINUSUMPA KO NA ANG MGA ITLOG YOU DAMN EGGHEAD! Ahh!”

I screamed out loud until I barely hear my voice.

Tinanggal ko ang unan at nasapo ko na lang ang ulo ko. I need distractions. Tama, distraction to take that egghead out of my stupid brain and abnormal heart.

Tumayo ako at sinuot ang black cloak at maskara ko. Dinala ko na rin yung backpack at nag-iwan ako ng maikling note para kay Casey.

I know a good distraction.

Training.

~~~**~~~

“Focus, Azure.” narinig kong sabi niya. I stood from the ground and charged directly at him with my sword.

“You are seriously dead, Old Man.” I muttered under my breath as I slashed my sword towards him. But to my surprise, he got ahold of my wrist and spun around behind me, sending his ‘two-finger’ punches behind my back.

Nabitawan ko ang espada at bumagsak ako sa battleground. I can’t help but to curl up like a ball sa sobrang sakit ng ginawa niya sa likod ko.

Pinulot niya ang espada na bumalik na sa pagiging ordinaryong staff and he offered me his hand, “Thanks, Old Man.” Napahawak ako sa likod ko sa sobrang sakit. But it feels good to train like this, it feels good to have the pain back.

“Pagod ka na hija. Itigil muna natin ito,” Old Man said while walking ahead.

“You are seriously good with that technique,” I honestly said to him. We’ve been training for hours at hindi man lang siya pinagpawisan. He doesn’t even charge at me in my whole training. Puro defense lang ang ginagawa niya with his ‘two-finger’ technique.

“Magpahinga ka muna, Azure. Gagawa ako ng tsaa. Parang nabanat ata mga buto ko,” he laughed habang hinahawakan niya ang balakang niya. “Matagal-tagal na rin nang huli akong nakipaglaban. Iba na talaga pag matanda na.”

“Sure, I’ll wait.” Ibinaba ko ang staff na ginawa niya sa isang bench malapit sa may puno at umupo roon. Pumasok si Old Man sa isang maliit na kubo para gumawa ng tsaa.

Dalawang taon na rin akong hindi nakakabisita sa maliit na bundok na ito. Yun yung mga panahong tuluyan akong nawala sa underground for some personal reasons. Dito ako unang natutong makipaglaban, at si Old Man ang una kong trainer. Siya yung gumawa ng staff na pwedeng magtransform sa iba’t ibang sandatang gusto ko.

Naalala ko pa noon, I was just 12 years old when I first came here. Kinukulit ko pa nga ang matandang iyon na turuan ako dahil gusto kong sumali sa underground battle. I was a beginner back then at wala akong alam sa pakikipaglaban, sumali ako sa underground battle dahil feeling ko, isang magandang adventure iyon para sakin. Isang thrilling life para sa isang prinsesang may boring na buhay.

Tinanggihan ako ni Old Man noon, he said I was too young and weak to join that game. Pero hindi ako tumigil at kinulit ko siya ng kinulit. Inutusan ko pa nga siya na gawan niya ako ng pinakamalakas na sandata but instead of following, he just laughed back at me.

Hanggang sa isang araw, hindi ko na natiis at pinaulanan ko siya ng apoy. Ayaw niya akong labanan eh, ako na gagawa ng first move. He was suprised to see my hand emitting fire. Sa unang pagkakataon, pinayagan niya akong makipaglaban sa kanya.

I still remember that day when I almost killed myself, fighting him with all that I have. Dahil kapag natalo ako, hindi niya ako ite-train. Hindi ako sumuko kahit na alam kong talo na ako. In the end, I lose to him but he agreed to train me for the underground battle.

Araw-araw kaming nagte-train dito sa mismong battleground na ito. Sa maliit na bundok na tinitirhan niya at kung saan siya gumagawa ng mga sandata na ibinebenta niya sa shop sa black market.

Hindi ko siya binigo. I climbed to the top of the underground battle. From beginner to mediocre, hanggang sa makapagdeclare na ako ng triple star state. Victory one after another, I was dominating the whole underground that time. Iniisip nila, tinatalo ko lang sila nang walang kahirap-hirap. Kilalang-kilala ako noon, with my dark cloak and dark blue ‘fire’ style mask.

Ako pa lang ang unang babaeng nakapagdeclare ng Dark State in a span of one year. Ang pinakamaikling panahon. Usually, inaabot sila ng 3-4 years to do that but I guess, I made a miracle.

Hanggang sa nakilala ako bilang Azure, which means ‘blue’. The 1st Shadow called me that, for the flames that surrounded me. It is not your ordinary fire with its reddish color.

It’s the fire with the hottest temperature you could ever feel.

It is the fire straight from hell.

Blue Flames.

I declared Dark State and defeated the safe haven. I settled at the fourth spot, ayoko ng masyadong mataas dahil mas maraming responsibilidad ito sa underground, which I cannot do for I have my own responsibilities as a princess.

That’s why I am the fourth Shadow, the only princess of the Dark Shadow Clan and the girl who sets everything on fire.

The princess who brings hell with her.

“Your favorite, Jasmine tea,” hindi ko namalayan na nandyan na pala siya. Inabot ko ang teacup at humigop dito, “Your tea is the best, Old Man.”

Umupo siya sa tabi ko at humigop rin sa kanyang tsaa, “May bumabagabag sayo, hija.”

Right then and there, naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Kung kelan akala ko nakalimutan ko na, bumalik nanaman at nagpaulit-ulit sa utak ko.

Pero hindi lang iyon ang inaalala ko. I was thinking about the Stella Royal Games, my brother Astro, the whole Sirius family and of course, the empire. Pano na lang kung matalo kami sa Games? Ano na lang ang mangyayari sa empire namin? We can’t fail our people.

I cannot fail them.

Tumingin ako sa kalangitan, “Nah. Just a bunch of crappy nonsense problems.”

“Huwag mong hayaan ang sarili mong problemahin ang problema. Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo.” Natawa ako sakanya.

“Ang komplikado mo, Tanda.” Humigop ako ng Jasmine tea.

“Alam mo hija, kanina ko pa inoobserbahan ang mga galaw mo,” his tone turned into a serious one. “Wala ka sa training.”

“What do you mean, Old Man?”

“Alam mo ang sinasabi ko, Azure. Wala ang puso at utak mo sa training. Napansin mo ba na hindi ka pa nakakapagbigay ng kahit isang tama sa katawan ko? Wala kang ginawa kundi sumugod ng sumugod. Hindi mo nga ata alam ang ginagawa mo.”

He may look like the bubbly contented old man on the outside, but he is strict when it comes to training. Dapat nakatuon ang atensyon sa pagsasanay. Walang ibang iniisip kundi yon. Kapag nagturo siya, gusto niya fast-paced lahat. Lahat, dapat madaling natututunan.

“Nakalimutan mo na ba ang golden rule?”

Umiling ako, “Focus. The only thing that will help you accomplish things.”

“Sabihin mo sakin Azure. Paano ka makakapagfocus kung hinahayaan mo ang utak mo na mamroblema sa mga bagay?”

I sighed. “I know. I’m sorry.”

“Lagi mong tatandaan na kapag nakikipaglaban ka, wala kang iisipin kundi ang kalaban mo at ang arena. Wala kang ibang iisipin kundi ang sarili mo na makasurvive sa labanang iyon.”

I remained silent.

Tinapik niya ang noo ko, "Itago mo muna ang mga bumabagabag sayo at magfocus ka sa bagay na ginagawa mo."

"It's just that, it is too hard for me to focus especially when my brain keeps on reminding me those crap. I feel lost. I don't know what to do anymore. It's out of my control."

Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti, "Merong pares ng tenga na handang makinig sayo."

Napatingin ako sakanya. Old Man doesn't know me, my whole life. Okay lang ba na pagkatiwalaan ko siya? I mean I am a royal. He could be greedy and kill me to get my power right here.

Pero I already know him since I was 12. We've been like a father-daughter thing. Sakanya ko pa nga naramdaman ang pagkakaroon ng isang ama. He's good to me and I trust him.

I trust him.

Tumayo ako sa harap niya. It's time to reveal my identity to the one who trained me to be a fighter.

"Old Man. I know this is ridiculous but," tinanggal ko ang cloak ko at ang maskara. "I am no ordinary girl. Not your ordinary trainee."

"I know." ngumiti siya sakin.

Nanlaki ang mga mata ko, "You knew?" tumango siya. "How?"

"Unang kita ko pa lang sa mga apoy mo, alam ko na kung sino ka." humigop ulit siya ng tsaa. "Parehas talaga kayo ng lolo mo."

"Old Man, can you please explain what you're saying. I don't even have a single clue on what you're talking about."

Humalakhak siya at nilapag ang teacup sa table na nasa harap namin. "Ang apoy mo, alam mo bang iyan rin ang kapangyarihan ng lolo mo? Si Orion, ang pinakamalakas na hari ng panahon niya. Sa pamumuno niya palaging nananalo ang Sirius Empire sa Stella Royal Games. Sa panahon niya, tayo ang pinakamalakas. Tayo ang tinitingala. Tayo ang pinakamaliwanag na bituin sa Stella World."

Nagpatuloy pa si Tanda, "Unang kita ko pa lang sa apoy mo, nagtaka ako kung bakit may naliligaw na prinsesa sa Underground. Naalala ko pa noong kinukulit mo ako dahil gusto mong sumali sa Underground Battle. Ayokong i-training ka noon, dahil kapag sumali ka, mapapahamak ka. Pero katulad ka ni Orion, gumagawa ng paraan para makuha ang gusto. Isa kang carbon copy ng lolo mo."

Kilalang-kilala ni Old Man si Gramps. Yes, he was the king and everyone knows him. Pero yung kay Tanda, as if like they know each other. They have this strong bond between them.

"How do you know my grandfather so well?"

"Dahil ako rin ang trainer niya. Ako ang kanang-kamay ng iyong lolo."

"Are you serious?" tumango siya at ipinagpatuliy ang pagkwekwento.

"Pero nang pumanaw ang lolo mo, pinili ko na lang ang lumayo dahil masyadong masakit sa aking ang mga nangyari. Napadpad ako dito, at nakuntento sa trabaho kong paggawa ng mga sandata. Hanggang sa nakilala kita at inutusan mo akong sanayin ka. Doon nagsimula ang lahat."

"Whoa. Small world." hindi pa rin ako makapaniwala. Sino ba namang mag-aakala na ang trainer ko ay trainer rin pala ng lolo ko.

"Azu--o mas magandang Meteor, may potensyal ka sa pakikipaglaban. Alam mo yan. Huwag mong hayaang apektuhan ng mga problema ang utak mo. Dahil kapag naapektuhan ito, maapektuhan rin ang puso at katawan mo."

"Old man, I need an advice." kinwento ko sakanya yung mga problema ko. Ang pagsali sa Stella Royal Games, ang tungkol sa kuya ko at ang pagiging team captain niya, lahat na lang maliban sa nangyari samin ni Blizzard. It is too embarassing for me.

Hindi naman niya ako binigo at binigyan niya ako ng payo. It made me feel comfortable and calm. Old Man sure knows how to comfort others.

Hinawakan niya ang ulo ko at ginulo-gulo ang buhok ko. "Control, Meteor. Yan ang sagot sa lahat."

Tumango ako sakanya. "Ang mabuti pa hija, umuwi ka na. Hapon na oh. Baka hinahanao ka na sa palasyo."

"Pero hindi pa tayo nakakapagtrain ng maayos."

"Sa susunod na, kapag handa ka na ulit. Sa ngayon, pag-isipan mo muna ang mga sinabi ko sayo."

Tumayo ako at sinukbit yung bag sa balikat ko. "Old Man, can you do me a favor?"

"Ano iyon?"

"Can I bring my brother here? For his training."

Tumango siya sa akin. Niyakap ko siya at nagpasalamat.

Man, he greatly resembles my grandfather. Hindi lang siya naging tatay ko, sa kanya ko na rin nararamdaman ang presensya ni lolo.

~~~**~~~

Bumalik ako sa palasyo gamit ang secret passage, pagdating ko roon, naabutan ko si Astro na nakaupo sa kama ko.

“Saan ka nanggaling?” he asked me with his unusual serious tone.

Binato ko ang bag sa ilalim ng kama at hinarap siya. “None of your business, brother.”

“Then would you kindly explain to me why on solar did you try out for the Stella Games?”

“What are you talking about brother?!” pumunta ako sa tabi niya at bumagsak ako sa kama while I got my music player. “Wala akong alam sa sinasabi mo. I was there beside you when the try out happened.”

“It is not you, Meteor.” napahawak na lang siya sa noo niya and he pleaded. “Sister please. Just tell me the truth.”

“Fine.” Tinatamad akong makipag-argue kay Astro kaya pinakita ko na lang sakanya yung insignia na nasa pulso ko. Malalaman niya rin naman eh. Bakit hindi pa ngayon diba?

“What?! You can’t do this, Meteor! You—”

“I already did, Kuya,” I calmly replied while plugging my earphones in. His tone really pisses me off right now. “There’s no way I could back out.”

“Oh yes you will back out, missy.” He snatched away my music player when I was about to turn it on.. “Alam mong magagalit si Dad kapag nalaman niya ‘to!”

“Give it back, Astro.” I gave him a death stare. “You don’t want to send yourself flying, do you?”

He heavily sighed. “C’mon Meteor. Take this talk seriously! Pano na si Dad?!”

Tch. Why can’t he just shut up? “Look Kuya Astro, wala namang magagawa si Dad. As if he could go against me,” I smirked at the thought of it. “Besides, you know I hate backing out. What was once said should be done.”

“You are really in big trouble, Meteor.” He tossed the music player back to me then irritatedly brushed his hair with his hand. “Bunso naman! The Stella Royal Games is not a kid’s play! Alam mong delikado yon! And I don’t want you to get hurt.”

I rolled my eyes to him. “Oh please Kuya, say that to yourself. Don’t worry. I’m one hell of a princess, remember? I could win that.”

I stared at him and his face was covered in red. A sign of anger. “Just.. Argh! Stay out of this, Meteor. It is too dangerous for you.”

 I ignored his warning and gave him a bored look. “I’m joining and we would bring Sirius Kingdom back on top. Period.”

“Why are you so stubborn?”

“Ask mom. Now, get the hell out of my room please.”

“Bahala ka,” then he stormed out leaving a triumphant smile on my face. Oh dear brother, you know I always get what I want.

And right now, I want to bring back what was lost in our Kingdom.

~

Hindi ko rin naman natiis si Astro at pumunta sa kwarto niya. Kinatok ko ito ng kinatok but he won’t open up so I barged in.

“Get out of my sight, Meteor.” he said while looking outside his bedroom window.

I sighed. “C’mon Astro, won’t you let me explain my side?”

“I am not in the mood to listen.”

“Fine. I’ll just do it tomorrow.” Wala talaga siyang sa mood. Ayoko naman ipilit sakanya iyong explanasyon ko dahil hindi rin naman siya makikinig. Ipapagpabukas ko na lang.

Palabas na sana ako nang may sumagi sa utak ko. “Look Astro, I’m just doing this for you and for our empire. I hope you can understand me.”

“By the way brother, tomorrow. Meet me in my bedroom, 7 in the morning sharp. If you don’t come.. I swear I don’t know what will happen to us.”

Bukas, dadalhin ko siya sa underground. It is time for him to meet his sister’s real side.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top