Royal 11

Kyamii: Trying hard sa romance. Pagbigyan niyo na ako.

Royal 11

Meteor's POV

 

"Mommyy~!" sumalubong sakin ng yakap si Winter. Syempre, hindi mawawala yung kiss niya sa pisngi ko. "Mommy~ Mommy~ ish here! Yippee!"

Kinalong ko si Winter. "Ready for our trip, hmm?"

"Yesh! Yesh! Yesh!," tuwang-tuwa niyang sabi.

Ngayon yung araw na pinangako ko sakanyang papasyal kami. Afterall, I already got the insignia. Hindi naman siguro masamang mag-celebrate with Winter. Isa pa, I need to take a short break bago ako magsimulang magtraining for Stella Royal Games.

"Mommy~ I have a surpraysh for youu~" nagtwi-twinkle pa yung mga mata niya sakin. Eh parang mas excited pa ata siya kesa sakin sa surprise niya eh.

"What is it, baby?" tanong ko sakanya. He giggled and told me it was a secret. Mamaya ko na daw malalaman after naming makaalis.

Oohh~ Kinda intriguing. Ano kaya yun?

Tinignan ko si Leona for some clues pero ang bakla, ngumiti lang ng makahulugan sakin. I thought he's going to give me the answer pero mukhang wala ata siyang balak sabihin. Sige, ginaganyan niyo ko.

"Let's go na, Mommy." bumaba si Winter hinihila ako palabas ng parlor. "Byebye tita Goddesh. Magdala ako samtim pag.. uhmm.."

"Pagbalik," I offered.

"Pagbalik ni Winter. Byebye tita! Lab yu!"

"Bye baby! Ingay kayo ateng!," Leona waved goodbye at us. Bago tuluyang umalis, sinilip ko muna ang sarili ko saglit sa salamin sa loob, cloak and mask check.

Well, hindi ata nila magugustuhan kapag nalaman nila na ang prinsesa ay namamasyal mag-isa kasama ang isang four-year old kid. Baka iba ang isipin nila.

~~~**~~~

I'm definitely sure Winter would love this.

"Okay baby, at the count of three you can take off the hanky, aight?" he nodded. "One, two..

..three!"

Tinanggal ni Winter ang panyo na nakatakip sa kanyang mga mata at namangha sa nakikita niya sa harap. His eyes widen, filled with so much joy and excitement. Para siyang nakakita ng malaking chocolate cake.

"You like it?," hindi ko maiwasang mapangiti. Especially when I saw Winter's face full of happiness. Alam mo yung saya na nararamdaman mo kapag nakikita mong masaya yung taong malapit sayo? That's what exactly I'm feeling right now.

"I love it, Mommy~! Ish dish the wonderland you're talking about?"

I nodded. "It's pretty magical inside. You'll have fun there."

"Yesh! I already went here. And wonderland is really cool~ Like wooow~ *u*"

T-Teka. Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Nakapunta na siya dito? Pero paano--

"Daddy brought me here," his eyes sparkled. "Mommy~ Daddy ish back. He'sh already here! Yaaay~"

"Where?" kinakabahan kong tanong. Ano ba kasi tong sinasabi ni Winter? At bakit hindi man lang sakin sinabi ni Leona?

"Behind you," said a new voice. The gushed of cool wind brushed through my neck. Sasapakin ko na sana yung nasa likod ko nang biglang sumigaw si Winter, "Daddy!"

Lumingon ako and guess what?

That freakingly annoying egghead is behind me.

"Azure," bati niya.

"Daddy~ Daddy!," tumakbo si Winter sakanya at kinalong naman ito ni Blizzard. "How's my little boy?" nakangiting tanong nito sa bata.

"Still cool, Dad." maangas na sabi ni Winter na may pakindat-kindat pa. Kaya pala mayroong nagbago kay Winter, medyo naging pa-cool dahil natuto kay egghead.

Nagbrofist yung dalawa. Halatang close na close sila. At kelan pa sila nagkakilala?

"Mommy~ Surpraysh! Daddy'sh here! We're happy happy again!" masayang sabi ni Winter. Tumingin siya kay Blizzard, "Aren't you going to hug Mommy?"

Fudge! Not the hug!

Nagsmile naman si egghead. "Pano ko yayakapin si Mommy kung hawak-hawak kita?"

Nagpababa naman si Winter at inantay yung 'hugging' part namin ni Blizzard.

Hell. Pano napunta sa ganito? Bakit si Blizzard pa?

Lumapit sakin si Blizzard at pinulupot niya yung kamay niya sa bewang ko. Itutulak ko sana siya pero naunahan niya ako at hinila papayakap sakanya.

"Just go with the act, Princess. The kid's watching," bulong niya sakin. "You don't want to see him sad, do you?"

Do I have any other choice? Kung dito ba sasaya si Winter eh. I could at least make small sacrifices and perform a little act with this egghead.

"I missed you, Mommypop," then Blizzard gave me a kiss on the cheek. Ge, pagpyestahan niyo ni Winter yung pisngi ko.

"Mommypop?," takang tanong ko. Saan nanggaling yun? Ambaduy naman.

Tuwang-tuwang sumagot si Winter, "Yesh! Mommypop, daddypop and babypop! Yaaay~"

Hinila ko si Blizzard palayo kay Winter.

“Ano nanaman ba ang tinuro mo sa bata?," I glared at him.

He shrugged. "I have nothing to do with that. Bigla na lang niya akong tinawag na ganyan. I just go with it since si Winter ang gumawa. He probably got from some story about the raining popcorns."

Tinignan niya ako like I was guilty. Okay fine. Ako na nagkwento ng ganun.

"Egghead."

Hinarap ko si Winter. "C'mon baby! Let's go inside Wonderland."

Hinawakan niya ako sa kamay. "Shure Mommypop! Lesh go Daddypop!"

Ipinamulsa ni Blizzard yung dalawang kamay niyia at sumunod din sa amin.

Kahit na ayaw kong kasama si egghead, I should do this for Winter. If this is the only way to make him happy.

~~~**~~~

"Mommypop~ gushto ko duun~" hila sakin ni Winter papunta sa carousel. "Shashakay ako sha horsh. Puhleaaash."

"Okay okay. Wait." Tinignan ko si Blizzard at binigay niya naman yung tatlong cards namin dun sa nagbabantay ng carousel. Sumakay na kami at nagsimula nang umandar yung carousel.

"Yippee~! Yah horshi hoshi! Yah yah!" tuwang-tuwa na sabi ni Winter. Dumaan yung carousel sa iba't ibang scenery--mga fairies, bahay ng elves, clouds with unicorns at galaxy na puno ng stars.

"Mommypop, Daddypop, one day I'll catch one shtar ang huuug it," nakangiting sabi ni Winter habang niyayakap yung sarili niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Bigla akong napatingin kay Blizzard at nagulat ako nang makitang nakatingin siya sakin. Iniwas ko na lang yung tingin ko at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

Arghsht. Nakakainis. -_-

Niyaya pa kami ni Winter sa ibang mga rides. Sumakay kami ng hot-air balloon, yung barko na nagswi-swing, teacup na paikot-ikot at halos muntik na akong masuka at kung ano-ano pa. Halos nakalimutan na nga namin yung oras sa sobrang pag-eenjoy.

"C'mon Winter. Let's eat merienda na. Mommy and Daddy are hungry," yaya ko sakanya.

"Eee~ Ayaw ko pa Mommypop. Gushto ko pa rides," he pouted.

Nahalata ata ni Blizzard na pagod na ako kaya bumaba siya para maging ka-level niya si Winter. "Ganto na lang Winter, one more ride and we'll have our merienda. Okay?"

Pinag-isipan pa ni Winter pero sa huli, pumayag na rin siya. Kinalong siya ni Blizzard at pumunta kami sa kanina roller coaster na kanina pa gustong sakyan ni Winter.

Doon kami sa pinakaharap pumwesto para damang-dama ang ride. Mas masaya pag sa harap. May thrill.

Unti-unting umandar ang roller coaster at papataas ito ng papataas. Nang nasa tuktok na kami, hinawakan ni Blizzard yung kamay ko and he raised it up in the air habang pababa kami ng pabilis. SI Winter naman, enjoy na enjoy sa pagwave ng kamay niya sa taas, ayaw niya kasing magpahawak. Gusto niya daw maka-catch ng cloud. -_-

We went on a series of loops at halos bumaliktad ang sikmura ko. I used to do this with Astro when we were kids pero matagal na yon, parang first time ko na ulit rito.

Natapos kami sa roller coaster at pumunta kami sa nag-iisang malaking restaurant sa amusement park. Dito kasi may malawak na picnic area kung saan pwedeng magpahinga ang mga tao.

"Mommypop! Donutsh! Donutsh! Donutsh!," Winter cheered.

"Hanap na kayo ng pwesto," sabi ko kay Blizzard at sumunod naman siya. Umorder ako ng isang whole cake, sandwhiches and donuts with orange juice.

San sila umupo? Kanina pa ako patingin-tingin sa loob pero wala sila doon. Then I found them outside the restaurant, dun sa isang puno sa picnic area.

I was walking towards them when Winter shouted, "DONUUUUTSH!". Tumayo naman si Blizzard para kuhain yung ibang pagkain at nilagay sa blanket. Pagkalapag na pagkalapag pa lang, nilantakan na agad ni Winter yung donuts niya.

Habang kumakain, si Winter lang yung nagsasalita saming tatlo. Andami-dami niyang kwento. Nahawa ata kay Leona sa kadaldalan. Aaminin ko, nag-eenjoy akong kasama sila. Matagal-tagal na rin nung huling punta ko dito sa amusement park. Kasama ko pa nga nun sina Kuya Astro pati sina Mom and Dad. We were happy back then, hanggang sa hindi ko na alam kung anong nangyari.

May gumulong na bola samin at sinalo naman ito ni Blizzard. Maya-maya, may grupo ng batang lalaki ang nagtatakbuhan papalapit sa amin.

"Excuse me po Mister, pwede po ba naming makuha yung bola?," magalang na tanong nung pinakamatangkad na bata.

"Here you go," binigay naman ito ni Blizzard sakanila. Napansin ata nung bata na nakatitig si Winter sa bola kaya bigla na lang itong ngumiti.

"Gusto mong sumali? Masaya to."

Tumingin naman samin si Winter na parang nagpu-puppy eyes, "Mommypop? Daddypop?"

I sighed. Makakatanggi ba ako sa puppy eyes niya?

"Sure baby. Wag ka lang lalayo ha."

"Daddypop?" lalo niya pang nilakihan yung mga mata para mas effective. Loko din to eh.

"Go. Have fun with them," ginulo ni Blizzard yung buhok ni Winter sabay tumingin siya sa ibang bata. "Take care of my son."

"Yes sir!" And the next thing I knew, tumatakbo na si Winter palayo samin kasama yung mga bata.

At naiwan kami ni Blizzard dito.

Kami lang.

Si Blizzard at ako.

Kaming dalawa.

Magkasama.

Magkatabi.

Hell.

"And since when did you become Winter's father?," I glared at Blizzard. Instantly, lumayo ako sakanya. No more sweety acts from us.

"Ayaw mo?" balewala niyang tanong. "Okay, I might as well tell Winter that I'm not his father."

Tch. Yan nanaman siya. Dinadaan niya ako sa ganyan. Alam naman niyang iiyak si Winter pag nalaman yun ng bata eh.

Naalarma ako nang bigla siyang tumayo. Hinila ko siya bigla sa kamay kaya napalingon siya sakin.

"Fine," I sighed defeatedly. "You can continue with it."

He grinned at me at bigla na lang siyang lumapit sakin. "I always like it when you lose to me."

"Shut up and get away from me," naiiritang sabi ko. Egghead talaga kahit kelan.

He chuckled as he move away, only to find out that he will arrange himself to rest his head on my lap.

"What the--! Stand up you egghead!" sinubukan kong tumayo pero pinigilan niya ako.

"Shh. Shut up or I'll tell him," aba't ginawa pang pamblack-mail si Winter. Wala akong nagawa kundi sumandal na lang don at hinayaan siyang matulog.

Maya-maya, kinuha niya ang kamay ko at inurong niya pabalik yung cloak na tumatakip dito.

"You joined the games," tinitigan niya yung insignia sa kamay ko.

Inagaw ko naman ito at napatingin ako sa ibang direksyon. "I have to."

"Because of your brother?"

Nagulat ako sa sinabi niya. How come he knows about that?

He stood up and to my surprise, he kissed me again on the cheek.

Sheetofpaper.

"BLIZZAAARD!" hinabol ko siya at tumakbo naman siya habang tumatawa. Nakakabadtrip tong egghead na to! Aaargh! How dare he kiss me on my cheek! For the fourth time!

Kung pwede lang gumamit ng kapangyarihan sa public places, sinunog ko na tong itlog na to. Sunny side up pa para masaya. Badtrip!

Naghabulan lang kami. Ang itlog, mabilis pa lang tumakbo. Wala na atang kapaguran tong lalaking to at patuloy lang sa pagtakbo. Sa huli, napagod lang ako kaya bumalik na lang ako dun sa pwesto namin. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko man lang siya nasapak. Badtrip.

"Mommypop~ Daddypop~," hingal na hingal na sabi ni Winter. Ang dumi-dumi niya at basang-basa ng pawis.

"Nag-enjoy ka ba?" si Blizzard, nakalapit na pala. I gave him a death stare and in return, he playfully smiled at me. Sheetofpaper naman talaga oh!

"Yesh Daddypop!" kiniss ako ni Winter at sumunod naman si Blizzard. "Thank you for making payag to me."

I sighed again. Kalilimutan ko muna atraso ni egghead. Tsaka ko na siya gagantihan. As of now, I'll enjoy my remaining hours with Winter.

~~~**~~~

The sun was about to set so we decided to take our last ride, the ferris wheel.

Pagkatapos nito, kailangan ko nang bumalik sa palasyo at simulan ang training. I'll surely miss Winter. Ilang linggo rin akong mawawala.

"Wow! Shunseeet~" dumungaw si Winter sa bintana at pinagmasdan ang paglubog ng araw. It was a breathtaking scenery.

Unti-unti nang dumilim at pababa na rin ang sinasakyan namin.

"Mommypop, where are the starsh?" nakatingala si Winter. Tumingala din ako and I can't see even one. Natatakpan ng makakapal na ulap. Mukhang uulan.

"The stars are out there, baby. We can't see it because the clouds were covering them. It's going to rain."

"Rain? Ish it going to rain popcornsh? Did you catch unicorns, Daddypop?" sunod-sunod na tanong niya kay Blizzard.

Ako na ang sumagot sa tanong ni Winter, "No baby, popcorns rain during the day because unicorns were out during the night," tumango-tango siya.

“We should go now, Azure. Baka maabutan pa kayo ng ulan,” concern na sabi ni Blizzard. Nux. Concern.

Lumabas na kami ng Ferris Wheel at nagsimulang maglakad papunta sa mga sakayan ng karwahe. Unfortunately, wala nang natira kaya kailangan naming maghintay.

After few minutes, dumami na rin ang tao doon at nag-aantay ng karwahe. Kapag may dumadating, hindi kami makasingit kaya nauunahan kami. In the end, hindi rin kami nakakasakay. I decided that we should walk hanggang sa may masakyan kami.

Kinalong na ni Blizzard si Winter dahil pagod na yung bata. Maya-maya, naririnig na namin yung mahihinang hilik ni Winter. Pati sa paghilik, ang cute pa rin.

Nanatili kaming tahimik ni Blizzard habang naglalakad. Wala naman akong sasabihin sa egghead na yan. Pasalamat siya at hindi ko siya masapak dahil hawak niya si Winter.

Hindi pa kami nakakalayo sa amusement park nang makaramdam ako ng mahihinang patak ng tubig sa mukha ko.

“I think we should go and find some place to stay for the night,” biglang sabi ni Blizzard. “Baka magkasakit si Winter kapag nabasa siya.”

“I know somewhere na malapit dito. Let’s just walk faster.” Binilisan namin ni Blizzard ang paglalakad. Wala kasi akong payong na dala kaya baka mabasa lang si Winter. Mahirap na at magkasakit pa yung bata.

Saktong pagdating namin sa hotel, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagkatinginan kami ni Blizzard pero dumiretso na ako sa counter para magreserve ng room.

“Sorry po ma’am. Isang kwarto na lang po ang available,” sabi nung babae.

“Wala na ba talaga kayong extra? Kahit ordinaryong class na lang,” pagpupumilit ko. Saan naman kasi matutulog si Blizzard?

“Wala po ma’am. Sorry po.”

Hindi maiwasang mairapan yung babae. “I’ll take it.” Nilapag ko yung pera at sinamahan naman niya ako papunta sa kwarto namin.

~~~**~~~

“I should go,” Blizzard said. Nasa kitchen ako ngayon while making two hot chocolate drinks for tonight. Mahimbing nang natutulog si Winter sa kwarto.

“Oh.” Inabot ko kay Blizzard yung hot chocolate sabay sumandal sa lamesa. “Dito ka na magpalipas ng gabi.”

“Nakokonsensya ka?,” ayan nanaman yung playful smile niya. Sarap burahin eh.

“Ewan ko sayo,” naglakad ako papalabas ng kitchen. “Sa sahig ka matulog.”

“Fine with me.”

Pumunta ako sa living room sa may tabi ng bintana. Pinagmasdan ko yung pagpatak ng ulan. Madalas ko tong ginagawa kapag mag-isa ako sa palasyo at umuulan. Sinusubukan kong bilangin yung mga patak.

Ang weird no? Imposible namang mangyari yun.

Pero ngayon, hindi ko alam kung ano na mangyayari sakin. Sa Stella Royal Games. Part of me was telling myself to back out. Stella Royal Games is on a different level. Labanan na ng empire. It’s a battle between the best of the best. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero kailangan diba? Kasi kapag natalo ulit kami, I don’t know what’s going to happen in our empire anymore.

Especially to Astro.

Pagkatapos nito, I’m going to find a way to train myself secretly. Hindi naman nila alam na isa ako sa mga kasali. And I should help Astro with his training, siya dapat ang malakas dito for he is the team captain. Siya ang magdadala sa buong grupo.

He is the one to bring the Sirius Empire to the top.

I was snapped from my thoughts when I heard Winter’s cry. Dali-dali akong pumasok sa kwarto at naabutan ko na nakayakap siya kay Blizzard habang inaalo naman siya nito.

“What happened?,” I asked.

“Nightmares. It’s okay Winter, don’t cry now. Mommy and Daddy are here,” Blizzard wiped Winter’s tears.

Pinunasan ni Winter yung mata niya habang humihikbi. “Mommypop.. Daddypop, c-can you sleep with me?”

And here comes his puppy eyes technique.

Napatingin sakin si Blizzard na parang humihingi ng permiso. Tumango lang ako sakanya at hinarap si Winter, “Sure baby, Mommy and Daddy will be here.”

Inayos na siya ni Blizzard sa kama at humiga ako sa gilid ni Winter. Nagvolunteer na si Blizzard na i-check yung mga gamit sa labas.

“Mommypop, can you sing a song for me?” Winter pleaded with his teary-eyes. Antok na antok na siya pero parang takot siyang ipikit yung mga mata niya. He looked to terrified.

Nginitian ko siya at binrush ko yung kamay ko sa buhok niya. “Sure.”

I remembered the song Mom taught me. I was so enchanted by the melody, especially her voice.

“saita no no hana yo

aa douka oshieteokure”

Pumikit na yung mga mata ni Winter. He looked like a sleeping angel.

“hito ha naze kizutsukeatte

arasou no deshou”

Tinapos ko na yung kanta at hinalikan siya sa noo.  I was about to stand up when something unexpected happen.

Suddenly, his lips were on mine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top