Kabanata Tres - Kennary's First Love
Fast Forward to 30 years.
Present-day...
*
*
"BUTI AT PINAYAGAN KA NI TITA KEN na gamitin ang attic para gawing art studio mo?" tanong ng katorse anyos na si Genevi, habang tinutulungan ang kaibigang si Freya sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa attic room ng bahay ng mga ito. They were moving out some boxes and furniture to tidy up the room. Ang mga boxes ay puno ng alikabok sa tagal na hindi nagalaw, at ang mga sirang furniture ay magagaan lang naman kaya sila na rin ang naglabas.
"Tatlong buwan ko ring nilambing si Mommy para payagan ako. Ayaw niya sanang ipagalaw ang kwartong ito at marami raw siyang mga sentimental na gamit na iniwan dito. Eh tingnan mo naman, napuno na lang ng alikabok ang mga sentimental niyang gamit," sabi naman ni Freya bitbit ang may kalakihang corrugated box palabas ng silid. "Iwan mo na lang ang mabibigat na furniture at kay Kuya Jayce ko na lang ilalambing mamaya."
Napalingon si Geneviv sa kaibigan. "Ano'ng plano niyo sa mga furniture na ito? Luma lang pero mukhang maayos pa naman?"
Si Freya ay inilapag muna ang bibit sa labas ng pinto ng attic room bago bumalik sa loob at sumagot. "Ang sabi ni Mommy ay ibebenta na lang niya, pero ipapaalam daw muna niya kay Dad kaya sa garahe na lang muna ilagay." Muling yumuko si Freya upang buhatin ang isa pang corrugated box, suot nito sa mga kamay ang isang pares ng rubber gloves upang hindi magkalyo ang palad.
"Speaking of your Dad. Uuwi ba siya sa 45th birthday ng mommy mo? Miss ko na mga pasalubong niya, ah?" Hinarap ni Geneviv ang rocking chair at iyon naman ang hinila palabas ng silid.
"Yep; hindi no'n palalampasin ang birthday ni Mom. Ang narinig ko'y magre-retiro na rin daw siya."
"Ang aga namang mag-retire ni Tito?"
"Forty-eight na rin siya, it's about time for him to rest. Malay mo, masundan pa nila ako ni Mommy?" Freya giggled at her own joke.
"At sana'y kamukha ng Kuya Jayce mo ang magiging bagong baby at hindi ikaw," biro ni Geneviv bago tuluyang inilabas ang rocking chair.
"Imposibleng magiging kamukha ni Kuya 'yon," wala sa loob na sagot ni Freya at hindi pinansin ang biro ng kaibigan.
Si Geneviv ay nagtaka nang hindi ito pinatulan ni Freya, subalit minabuti ng dalagita na hindi na pansinin iyon at nilapitan na lang ang sunod na box na bubuhatin palabas. "Sa tingin mo ba'y magbubuntis pa si Tita Ken?"
"Hindi na; ayaw na ni Mommy magka-anak. Sa akin pa lang daw ay ubos na ang pasensya niya."
Geneviv giggled and looked over her shoulder. Nakita nito ang pag-dukwang ni Freya sa harap ng isang box upang i-usog dahil may kalakihan iyon at hindi kayang buhatin. She was aiming to get the smaller one under it.
"Nga pala, nasaan na ba si Kuya Jayce mo?"
"May kailangan lang siyang balikang mga gamit sa university; dala niya ang kotse ni Mom kaya siguradong makababalik 'yon bago ang tanghalian."
"Magta-trabaho na ba si Kuya Jayce o mag-aasawa? Sila pa rin ng syota niya, 'di ba?"
"Pfft. Hindi mag-aasawa 'yon hanggang sa hindi siya nakapagpatayo ng sariling bahay at nakabili ng sariling kotse."
Ibinalik ni Geneviv ang pansin sa kasunod na box na bubuhatin. "Alam mo... matagal ko nang gustong itanong. Bakit ang laki ng agwat ng edad ninyo ng Kuya Jayce mo? You are only fourteen, habang siya naman ay twenty-two na. Dahil ba sa laging nasa ibang bansa ang daddy ninyo kaya hindi siya kaagad nasundan noon?"
Ang akmang pagbubuhat ni Freya ng box ay nahinto nang marinig ang tanong ng kaibigan. Sandali itong natigilan at nag-isip ng sasabihin. There was something she didn't want Geneviv to know about her family. It was... her mother's secret that she accidentally discovered a few months ago. At hindi handa ang dalagitang i-kwento iyon sa iba; kahit sa matalik na kaibigan pa nito.
"Magbuhat ka na lang kaya? Ang dami mong tanong," sabi na lang ni Freya makaraan ang ilang sandali. Ini-angat nito ang box medium sized box at akma na sanang dadalhin sa pinto nang bigla nawasak ang ilalim na parte niyon dahilan upang maglaglagan ang lahat ng laman.
Napasinghap si Freya kasunod ng pag-ubo dahil sa alikabok mula sa mga gamit na bumagsak.
"Hala ka!" Gulat na sambit ni Geneviv bago nilapitan ang kaibigan. Napaluhod ito sa sahig at isa-isang dinampot ang mga libro, notebook, at ilan pang mga gamit pang-eskwela sa na kumalat sa sahig.
Si Freya ay nauubo pa ring ini-itsa ang nasirang box sa kung saan na lang saka napaluhod din sa sahig upang mag-umpisang mamulot.
"Kaninong gamit ba ito? Amoy fossil, ah?" ani Geneviv na isa-isang sinipat ang mga libro. "Lumang textbooks. Kanino ito? Kay Kuya Jayce?"
"I don't think so. Nasa kwarto pa ni Kuya ang mga libro niya mula elementary."
"Oh! Baka sa Mommy o Daddy mo?"
Nagkibit-balikat lang si Freya at ini-tuloy ang pagdampot.
Si Geneviv ay nakangiting binuklat ang isang lumang textbook na kahit amoy fossil na nga'y maayos pa rin naman ang kondisyon. Matapos iyon ay ang Chemistry textbook naman ang sunod na binuksan, then the English one. Doon sa English book ay may nakita itong 1/4 sheet ng intermediate paper. Dirty white na ang kulay dahil sa tagal ng pagkaka-ipit doon.
"Naku! Sa mommy mo nga ito!" Ipinakita ni Geneviv ang tila answer paper kay Freya. Ang sagot ay mga letra lang mula A hanggang D. "Basahin mo. Kennary Cartagena - 4A. Ang score ay 10 over 10." Napa-ngisi ito. "Ang talino talaga ni Tita Ken; sabi na't dapat sa kaniya ako nagpapa-tutor, eh."
Freya knew that her mother was one of the smartest in her class back in the day, kaya hindi na bago sa dalaga ang papuring narinig para sa ina. She was proud of her mother; until... she found a secret that somehow lost her faith in her mum.
"Ibalik mo na 'yan at ituloy na natin itong pagbubuhat ng mga gamit." Tumayo si Freya at naghanap ng mas maayos na box na paglalagyan ng mga nahulog na gamit, habang si Geneviv naman ay itinuloy ang pagsipat sa mga libro. Matapos suriin ang mga textbooks ay ang mga lumang notebook naman ang pinakialaman nito. She flipped over the pages, scanned through the notes, and smiled to herself as she stared at the pretty handwriting. Hanggang sa... may nalaglag na dalawang larawan mula sa pagkakaipit sa notebook, at doon nalipat ang pansin ng dalagita.
Padapang bumagsak ang dalawang larawan sa sahig kaya hindi nakita ni Geneviv kung kaninong larawan iyon, pero sa likod ng bawat larawan ay may nakasulat, at iyon ang umagaw sa interes ng dalagita.
Dinampot nito ang unang larawan at binasa ang nakasulat sa likuran niyon.
Hi, Crush.
Congrats sa pagkapanalo mo ulit. MVP na naman sa season na ito! Papasukin mo ba talaga ang PBA? Hihi.
Salamat pala kasi pumayag kang magpa-picture kahit may tampo ka sa akin noong araw na kinuha ang larawang ito. Bawi na lang ako next time; sasayawan kita ng makarena kahit ayaw mo.
Yours Truly,
Ken-Ken xx
Napukaw ang interes ni Geneviv sa nabasa at sabik na ni-flip paharap ang larawan. At kinunutan ito ng noo sa nakita.
Ang dalagita pa noong si Kennary ay naka-ngiti nang ubod nang tamis sa larawan katabi ang matangkad na lalaking naka-suot ng basketball uniform. Sa jersey nito'y may nakasulat na Miamiranda University; sa tapat ng puso ay naka-print naman ang numero 7. Nakahalukipkip ang lalaki at pawisan ang mga braso na tila katatapos lang maglaro. Sa likuran ng mga ito ay ang court na puno pa ng mga players na abala sa pakikipag-usap sa mga kakilala. Tt was as if the game had just finished.
Subalit ang ikina-kunot ng noo ni Geneviv ay hindi ang mismong nasa larawan kung hindi ang nangyari sa mukha ng lalaking naroon katabi si Kennary. Para iyong scratch card na kiniskis para mawala ang itsura.
"Sino 'to...?" bulong ni Geneviv sa sarili.
"Nasaan ba ang mga boxes na iyon? Siguradong nagtatabi no'n si Mommy, eh." Si Freya na patuloy sa paghahanap sa mga sulok ng silid.
Si Geneviv ay titig na titig pa rin sa larawan nang muling nagsalita. "Frey..."
"What?"
"Dati bang... basketball player ang daddy n'yo?"
Si Frey ay wala sa loob na sumagot. "No, I don't think so. I've never seen Dad played basketball."
Hindi muling nakapagsalita si Geneviv nang matuon ang pansin sa isa pang nakataob na larawan. Iyon ang sunod na dinampot nito. Sa likod ay may nakasulat na,
You promised to come home. Pero wala na namang nangyari sa pangako mo. Here's the photo of your son; sana ay interesado ka. If not, walang problema. Hindi na rin ako interesado sa'yo.
PS. I was happy nang malamang kong lalaki ang ini-silang ko. I thought he would grow up just like his father; athletic... charming... and kind. Pero h'wag na lang pala siyang matulad sa'yo. Kawawa ang babaeng magmamahal sa kaniya kung lalaki siyang pareho mo.
Geneviv flipped the photo and saw Kennary carrying a baby. Nakaupo ito sa tila hospital bed ay nakayuko sa bagong-silang na sanggol. Hindi maipaliwanag ng dalaga ang bigat na naramdaman sa dibdib nang mabasa ang nakasulat sa likod ng larawang iyon. Tila ba ramdam nito ang hinanakit ni Kennary sa bawat letrang nakasulat.
"What's that?" si Freya na muling lumapit; may bitbit nang bagong box.
Si Geneviv ay napatingala sabay abot ng larawan sa kaibigan. "Sino ang batang hawak ni Tita Ken sa larawang ito?"
Kunot-noong kinuha ni Freya ang larawan saka sinuri. "Mukhang si Kuya Jayce."
Sunod na inabot ni Geneviv ang unang larawang nakita. "At ito?"
Iyon naman ang sunod na kinuha ni Freya. Salubong ang mga kilay na sinuri nito ng tingin ang larawan.
"How will I know? Burado ang mukha."
"Flip them over. May sulat sa likod ng mga pictures."
Freya did what she was told. Una nitong binasa ang nakasulat sa larawan kung saan naroon ang sanggol pa lang na si Jayce, at doon ay lumalim ang kunot sa noo ng dalagita. Sunod ay ang larawan kung saan may basketball player na katabi ang ina, at doon na natigilan si Freya.
Para itong may nakitang multo dahil ang mga mata'y unti-unting nanlaki nang may mapagtanto. A memory from three months ago came to mind-- noong araw na malaman nito ang sikretong itinatago ng ina.
Horrified, Freya turned her attention back to Geneviv.
"This man..." Freya started. "... this must be my brother's father!"
Confused, Geneviv asked, "Kuya Jayce's father? What do you mean?"
Nanginginig ang mga tuhod na napaupo sa sahig si Freya, nasa anyo pa rin ang gulat at pagkamangha. "May... sekreto akong nalaman. And I am... going to share it with you if you promised not to tell anyone."
Umusog palapit si Geneviv. "Sekretong ano, Freya? My gosh, kinakabahan ako sa'yo..."
Muling ibinalik ni Freya ang tingin sa mga larawan, at habang nakayuko roon ay muli itong nagsalita. "Hindi kami pareho ng ama ni Kuya. And our mom kept it a secret from us."
Naitakip ni Geneviv ang maalikabok na mga kamay sa bibig. "No way!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top