014
Mrs. Park's Narration
"Hoy, kalma lang! Hoy!" Pag-awat nina Seokjin at Taehyung kay Hoseok dahil akmang susugod ito sa babaeng lumalandi kuno kay Yoongi.
"Hindi, 'wag niyo 'kong pigilan. Hoy! 'Wag sabi eh." Sabi ni Hoseok at tatakbo na sana pero naramdaman niyang binitawan siya ng dalawa.
"Oh, ba't hindi niyo 'ko pinipigilan?"
"Ang sabi mo, 'wag ka naming pigilan. Ang gulo mo naman, Hoseok!"
Sa likod ay parang tukmol na tawa nang tawa nina Jimin, Namjoon at Jungkook.
"Nuuuuh ba yaaaan~ pigilan niyo 'kooo~"
"Tangina mo talaga, pabebe ka. Bwiset!" Sabi ni Seokjin at hinampas si Hoseok ng pamaypay na hawak ni Taehyung.
"Dapak! Ang sakit!"
"Ewan ko sa'yo."
"Susugurin mo pa ba si Wendy o hindi na?" Nakapameywang na sabi ni Seokjin habang parang babaeng pinapaypayan ang sarili.
"Hindi na, tinamad na ako."
"Ay, bwiset."
---x
"J-HOOOOPEEEE!"
"What? Nakakarindi 'yang boses mo, Jimin." Binato ni Hoseok kay Jimin ang papel na kaka-gusot lang niya dahil nainis siya habang ginuguhit si Kumamon na balak niya sanang ibigay kay Yoongi.
"May audition para sa dance contest sa school. Sali ka, dali~" Masayang sambit ni Jimin habang pinupulot ang papel na hinagis sa kanya ni Hoseok.
"Ayoko. Nakakatamad!"
"Isa sa mga judge si Yoongi."
Napa-balikwas siya at nagliwanag ang mukha.
"Ano kamo? Bakit siya naging judge? Wala namang alam sa pagsasayaw 'yun." Pero ang totoo n'yan, gusto niyang sumali dahil nga isa sa mga judges ang kanyang 'love of his life'.
"Ako dapat eh, kaso ang sabi ko ay siya na lang kasi busy ako. Dali na Hoseok, pagkakataon mo na 'toooo~"
"Ayoko pa rin." Kahit kailan talaga, ang pabebe ni Hoseok.
"Okay, bahala ka. Oh sige, lalayas na 'ko rito. Paalam!" At tumakbo na si Jimin palabas ng classroom ni Hoseok, habang nakangisi pa.
Napanguso naman si Hoseok at iginuhit na lang ulit si Kumamon dahil ang pangit ng pagkakaguhit niya kay Kumamon kanina.
"Sayang."
-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top