007

Mrs. Park's Narration
"Ano na namang kagagahan ang ginawa mo't napapunta ka sa detention room kanina, aber Jung Hoseok?" Tanong ni Seokjin habang nakataas pa ang isang kilay at nakapameywang pa.

"Sino si Amber?" Tanong ni Taehyung na busy sa pagkain ng egg sandwich na ginawa ng Nanay niya para sa kanya.

"Member ng f(x)." Sinamaan lang ni Taehyung ng tingin si Jungkook at hinagisan siya ng isang boteng walang laman.

"Aber, hindi Amber. Maglinis ka nga ng tainga mo, Taehyung, baka napupuno na ng luga 'yan." Sabi naman ni Jimin at bigla na lang nag-cringe.

"Kadiri naman, Jimin, kumakain tayo eh." Saway naman ni Namjoon kay Jimin at hinampas siya ng notebook.

"Sorry naman." Tumawa pa si Jimin at nagpatuloy sa pagkain ng jjamppong na libre lang sa kanya ni Taehyung.

"Hoy Hoseok, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Sabi ni Seokjin at kinuha 'yung tinidor mula sa plato niyo, "Sasagot ka o itutusok ko sa'yo 'tong tinidor?"

"Kasi naman eh~"

"Ano? SAGOT! Aba, para akong Nanay rito ha."

"Eto na, sasagot na nga. Hindi lang naman makapaghintay?"

"Dalian mo!"

"SumigawkasiakomulasalabasngclassroomnilataposnagbangayankaminiYoongikayaayonnapapuntakamisadententionroom."

Lahat sila ay literally napanganga dahil sa mala-rap na sagot ni Hoseok.

"Alam kong rapper ka, Hoseok, pero 'wag kang mag-rap. Jusmiyo, 'yung 'detention room' lang ang naintindihan ko." Napasapo naman ni Seokjin sa noo niya.

"Ang sabi niya, sumigaw raw siya mula sa labas ng classroom nina Yoongi tapos nagbangayan sila kaya pinapunta sila sa detention room. Oh 'yan, naintindihan niyo na ba?"

"Salamat, Namjoon! Salamat." Sabi ni Seokjin at nag-thumbs up kay Namjoon.

"Tss."

"Bakit mo naman ginawa 'yun?"

Ibubuka na sana ni Hoseok ang bibig niya para magsalita pero nagsalita ulit si Seokjin kaya hindi siya natuloy.

"Huwag ka na ulit mag-rap, paki-usap."

"Ayaw niya kasi akong panagutan."

At dahil do'n, tumawa ang mga kaibigan niya. Muntik pang mabilaukan si Jimin, pero to the rescue naman sina Taehyung at Jungkook at inabutan siya ng bote ng tubig.

"Ako na."

"Hindi Jungkook, ako na."

"Ako na nga sabi."

"Sabing ako na."

"Hindi hyung, ako na."

"Oh edi ikaw na!"

"Masyado ba 'kong gwapo para pag-agawan niyo?" Natatawang sambit ni Jimin saka kinuha ang boteng inaabot ni Jungkook.

"Bestfriend kita kaya concern ako sa'yo. Isip-isip din, eh 'no?"

"Ang sama ko naman kung hindi kita bibigyan ng tubig, eh nabibilaukan ka na d'yan."

"Sus! Ang sabihin niyo lang, may gusto kayo sa'kin. Ayieee~ gwapo ko kasi."

Dahil sa sinabi ni Jimin, nakatanggap siya ng hampas mula kay Taehyung gamit ang notebook, at mula kay Jungkook gamit 'yung boteng pinambato sa kanya ni Taehyung kanina.

"Pucha, masakit na, ha."

"Sino ba talaga ang bida dito? Ako o kayo?" Biglang sumingit si Hoseok do'n sa tatlo.

"Ay, sorry."
-

A/N

Ang cute ni Jiminnieeee~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top