006

Mrs. Park's Narration
"MIN YOONGI NG SECTION 3-A, LUMABAS KA DYAN KUNG AYAW MONG IPA-SALVAGE KO 'YUNG BAHAY NIYO!" Isang napakalakas na sigaw ni Hoseok mula sa labas ng classroom nina Yoongi.

Nagulantang naman ang mga estudyanteng nasa labas, pati na rin ang mga classmates ni Yoongi.

"Hoy, 'wag ka ngang mag-iskandalo rito!" Sabi sa kanya ng isang estudyanteng babae ngunit inirapan niya lang ito.

"Wala akong paki sa'yo!" Mataray na mataray niyang saad sa babae.

"Hoy Hoseok, nakakahiya ka! Ano ba kasing kailangan mo?" Lumabas naman si Yoongi mula sa classroom niya, at ang mga hinayupak niyang classmates ay nagsi-labasan na rin upang subaybay ang mangyayari. Mga chismoso't chismosa!

"Panagutan mo 'yung ginawa mo!" Malakas, ngunit hindi sigaw na sambit ni Hoseok.

"Bakit? Nabuntis ba kita? For your information, lalaki ka at hindi babae. Atsaka wala akong interest sa'yo 'no? Tss." Sagot naman ni Yoongi.

Nagtawanan naman ang mga estudyanteng nakakapanuod ng eksenang 'yun.

"Anong tinatawa-tawa niyo d'yan? LUMAYAS NGA KAYO!" Mataray na kung mataray, pero wala siyang pakielam.

"Hoseok, please, bumalik ka na sa classroom mo. Nakakahiya ka. Mamaya na lang tayo mag-usap." Sabi ni Yoongi kasabay ng pagbuntong-hininga niya.

"Aba! Kinahihiya mo 'ko? So rude, Min Suga! How dare you?"

At dahil naiinis na si Yoongi sa kaartehan ni Hoseok, lumapit ito sa kanya at nagulat na lamang si Hoseok nang bigla siyang binuhat ni Yoongi.

"WAAAAH! MIN YOONGI, IBABA MO NGA AKO!" Nakakarinding sigaw ni Hoseok kaya binitawan siya ni Yoongi na dahilan para tumama ang likod niya sa lupa.

"Bakit mo naman ako binitawan? Ang sakit." Naka-indang sabi nito habang nakahawak sa kanya likod.

"Sabi mo eh, atsaka ang bigat mo pala. Tangina!"

"MR. JUNG HOSEOK AND MR. MIN YOONGI. TO THE DETENTION ROOM, RIGHT NOW!"

Parehas silang napabuntong-hininga at pumunta na lamang sa detention room.
-

A/N

Why so corny? HAHAHA takte! Hindi ko na alam mga pinagta-type ko huhu

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top