Chapter 9
Natalie
I kept wringing my fingers like a kid while nervously glancing up the condominium where Caleb lives. Oo, ilang beses na 'kong nakarating dito. Actually, nakakalabas pasok nga ako dito ng walang problema. Pero iba ngayon. Hindi ko alam kung mga what time ko makukumbinsi ang sarili ko na pumasok na sa loob at tigilan na ang pagiinarte ko dito sa labas bago pa 'ko abutan ng ulan.
Tinitigan ko ang maliit na kulay purple na box na hawak ko. Ang totoo n'yan, nahihiya lang talaga 'kong humarap kay Caleb ngayon. I know he's still pissed at me. Kahit pa sabihing magkaholding hands kame sa taxi kagabi, ramdam ko parin ang coldness n'ya. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kame bumangga. Well, it's not entirely my fault, s'yempre kasalanan din niya dahil mabilis siya magdrive. Pero property naman kase niya 'yung nasira kaya heto ko ngayon, hiyang hiya sa pagmumukha ko.
"Ma'am Natalie?" nalingunan ko ang security guard ng naturang condo. Medyo naging kavibes ko na siya dahil kinulit kulit ko siya noong first time kong pumunta dito.
"Kaw pala kuya Jovit!" nakangiting sabi ko. "Kakaduty mo lang?"
"Oo eh. Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong niya. "Di ka pa ba papasok? Aba'y makulimlim na baka abutan ka ng ulan d'yan?"
Napangisi ako ng pilit. 'Di ko nga malaman kung itutuloy ko ba 'tong plano kong 'to o hindi eh. "Ah eh, papasok narin ako, maya maya, pahangin lang ng konti."
"Baka hinihintay na kayo ni Sir Caleb nyan!" may kasamang panunudyo na sabi nito.
Nabanggit ko ba na ang akala ni manong guard, syota ako ni Caleb? Kase naman nawalan na 'ko ng idadahilan nun para papasukin nya 'ko. Sinabi ko na lang na girlfriend ako ni Caleb at isusurprise ko sya dahil anniversary namin kunware. Akalain mong hopeless romantic pala si kuya at napaniwala ko sya? Eto ba namang itsura na 'to gegelprenin ni Caleb?
'Di rin!
Alam kong cute ako pero aminado naman akong hindi ako ka type type ng mga katulad ni Caleb. Like duh? Hindi naman ganun kahaba ang hair ko.
So, back to the topic. Tama ba talaga na umakyat na 'ko sa taas at humingi ng dispensa sa kanya, kahit pa labag na labag sa kalooban ko lalung lalo na sa pride kong mataas pa sa mount fuji? Paano kung sungitan lang nya 'ko?
Bahala na nga! Kumaway lang ako kay Kuya Jovit bago ko dumiretso sa loob ng condo. Maya maya, alumpihit na 'kong nakatayo sa tapat ng pinto ni Caleb. Ilang beses kong tinaas ang daliri ko para pindutin ang doorbell pero sa huli ibaba ko rin yon. At kelan ka pa naging shy type, Natalie Gifford?
Pipindutin ko na sana ang doorbell—totoo na 'to this time, nang biglang bumukas ang pinto.
Niluwa niyon ang makalaglag panty na si Caleb—teka? Sinabi ko bang makalaglag panty? Mali! Mali! Makalaglag panga! There, that's better. Nakasuot siya ng gray hoodie, walking shorts at rubber shoes. Paakyat na sana ang mata ko sa mukha niya nang muling bumaba iyon. Ang laki huh—ng paa niya.
"Uh, excuse me? Are you done checking me out?"
Agad akong nagtaas ng paningin. Nakataas ang mga kilay niya na tila naghihintay ng sagot ko. Napansin ko rin ang earphones na nakalaylay sa kuwelyo ng hoodie niya.
"Earth to Natalie?" muling untag niya.
"H-ha?"
Napailing si Caleb. "Ano'ng ginagawa mo dito? Sabi ko sa'yo kagabi itext mo na lang ako kung may lakad tayo diba?"
"A-Ah. Ano kase.."
Kumunot ang noo niya at napayuko sya at napatingin sa box na hawak hawak ko. "What's that?"
"A-alin?" agad kong tinago sa likod ko ang box.
"Psh." inabot niya ang box na nasa likuran ko at inagaw iyon sa'kin. "This." tinaas niya ang maliit na box sa level ng mukha ko. "Ano 'to?"
"Wala yan!" aagawin ko na sana sa kanya ang box pero bigla na lang siyang pumasok sa loob at sinara ang pinto. "Hoy! Buksan mo 'to!" kinalampag ko nga.
Maya maya bumukas din iyo. "Sorry." he was grinning at me like a kid. Kala mo napakacute ng ginawa niya. Aba! Muntik na kayang tumama yung pinto sa mukha ko. Gagong 'to! Pasalamat ka, pogi ka!
Dali dali akong pumasok sa loob ng condo niya at nakita kong hawak hawak na niya 'yung keychain na laman ng box. "Ang kapal nito! Bakit mo binuksan? Sa'yo ba yan?!"
"Uhm.. I think so?" itinaas niya ang isang sticky note na nakadikit sa loob ng box. "It says here, sorry about last night, Caleb. So, I assume it's for me?"
Napanguso ako. Bakit ba kasi nilagyan ko pa ng note sa loob? Katanga!
"Who's this dog? I think I saw it somewhere?"
Napahagikgik ako dahil si Courage the cowardly dog yung keychain na binigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit 'yun, natripan ko lang kasi ang cute. Kamuka niya. Tapos kulay pink pa siya.
Lumapad ang ngiti ni Caleb at lumapit saakin. "Thank you and you're forgiven." He lowered his head towards me habang ako naman ay biglang napaatras.
"H-Hoy! Ano ba?!"
"Stop moving away!" hinila niya yung braso ko.
Pumalag akong muli. "Ano ba? Caleb!!" napatili ako at pilit na nilalayo ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa ginagawa niya! Hahalikan niya ako! Ayoko! Pilitin muna niya 'ko.
Napapangiting binitawan na lang niya 'ko. "Wag na nga, ang arte mo."
"Hrmp!!" humalukipkip ako. Loko lokong 'to! "Manyak!"
Napahalakhak siya sa inakto ko pero hindi na nagkomento pa. Tumungo siya sa coffee table at dinampot ang susi ng kotse niya. Kinabit niya du'n ang keychain na bigay ko. "Salamat dito, Natzkie." he grinned at me and that made my heart skip a beat.
"Walang anuman, sorry sa atraso ko." nakangusong sabi ko.
"Nasa Casa na ang kotse ko, don't worry about it." sagot naman niya. "So?"
"Ah! May lakad ka ba? Nakakaistorbo ba 'ko?"
"No, actually, I'm on my way to the gym. Gusto mo bang kumain muna?"
'Ngumiti ako. Basta pagkain talaga para akong inaawitan ng mga anghel. "Sige, tara, pero para makabawi ako sayo, ililibre kita!"
"Silly, I told you not to mind it. Hindi mo 'ko kailangan ilibre—"
"Tama na ang satsat! Tara na!" I grabbed him by the wrist and pulled him out of his condo.
---
"Teka!" hinablot ko ang braso ni Caleb nang nasa akto na siyang papara ng taxi. "MagFX na lang tayo papuntang Shaw tapos MRT! Mahal ng taxi eh."
"What? You think I'm gonna make you pay for it? Wag ka ngang baliw, tara na!"
Muli kong hinila pababa ang kamay niya. "Stop it! My treat, okay? May atraso 'ko sayo, babawi lang ako. Hayaan mo na 'ko para hindi ako nakokonsensya. Hindi ako makatulog sa gabi eh." hinila ko na muli siya papalapit sa sakayan ng FX.
"Will you stop dragging me? I can walk." binawi niya ang kamay niya saka niya iyon pinatong sa balikat ko. "There.. That's better."
"Ano ba? Wag mo nga 'kong akbayan!" I shrugged his arm off.
"Ang arte mo, baby, akbay lang eh!" muli niyang ibinalik ang braso sa balikat ko habang 'yung isa naman ay inabot ang kabilang kamay upang sa ganon ay mayakap niya 'ko. "Stay there."
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko nang marealize ko na niyayakap niya 'ko in public. Gravity! Alam ko hindi ko dapat nararamdaman 'to pero may kilig eh! May kilig nang slight! Kahit kelan hindi ako yung tipo na mahilig mag PDA. Pero— "Nakakainis ka!" pilit ko siyang tinulak. "Wag mo nga 'kong yakapin! Yuck!"
Mas lalong namula ang pisngi ko nang makitang nagsisipaglingunan sa amin ang mga barker ng FX. Nanunudyo 'yung tingin nila. Ano ba? Nakakainis naman eh! Lumayo ako sa baliw na si Caleb na ngiting ngiting sa tabi ko. Inirapan ko nga. Tapos nagmartsa na 'ko papunta sa FX na sasakyan namin. Naramdaman kong nakasunod siya sakin.
"LQ, ser?" tanong ng isang barker sa kanya.
"Deh, nahihiya lang 'yan." sagot naman ng hudyo.
Nagngingitngit na nagsumiksik ako sa dulo ng FX habang siya ngingisi ngising tumabi sa'kin. "Did you hear that? Sabi nu'ng manong, bagay daw tayo."
Nanlaki ang mata ko. Gagong 'to, wala namang sinabing ganun ah? Siraulo. "Nek nek mo!"
"Why are you so pissed?" he asked like it was something very amusing.
"Niyakap mo 'ko eh!"
"So?"
"Anong so? Mamaya may makakita sa'tin!"
"Kung makapagsalita ka naman, parang luging lugi ka naman sa'kin? Besides, what's wrong with that? Single ako. Single ka. Walang magagalit." kibit balikat na sabi niya.
I punched him lightly on his thigh. "Hoy! Wala akong balak makipagsomething something sa'yo! Kay Axel lang ako!"
"Right." he answered with a pursed lip.
Buong byahe, uncomfortable si Caleb. Bukod kase sa hindi gaanong malakas ang aircon ng FX, siksikan pa dahil puno na nga, ang laking tao pa niya. I smiled devilly inside. Buti nga, nakaganti na 'ko sa pambubuska niya kanina.
Nang makarating kame sa MRT station ng Shaw boulevard ay nanatiling tahimik si Caleb. Kunot noo lang niyang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid niya. Himala na hindi man lang siya nagreklamo sa haba ng pila sa pagkuha ng ticket. Habang hinihintay namin ang train ay saka niya ko kinalabit.
"Oh?"
"You think we would fit inside the train?" nagaalalang tumingin siya sa mga tao sa paligid namin. Medyo marami ngang tao ngayon, considering na tanghaling tapat naman.
"Kasya 'yan! Sardinas nga napagkakasya, tayo pa kaya?"
Napangiwi si Caleb pero hindi na lang nagkomento. Napabungisngis ako.
"Hey? Why are you sneakering? Are you laughing at me?" masungit na tanong niya sakin.
"Hindi po!" sabi ko na nakangisi parin.
"Then why are you grinning? What's so funny?"
Nilawakan ko ang ngisi ko. "Ang cute mo kase."
Nakita kong parang pinipigilan niyang mapangiti sa sinabi ko. Kunware ay yumuko na lang siya at ipinasak ang earphone sa tenga niya. Sows! Patay malisya pa, eh kinikilig naman ang kumag! Gusto ko tuloy mapahalakhak pero baka ma-bad mood nanaman siya kaya pinigil ko na lang ang sarili ko.
I just stood there and stared at him while he's humming tunes.
Nang mahuli niya 'kong nakatingin, pinandilatan niya 'ko kaya inabangan ko na lang kunware 'yung train.
After a few seconds, dumating din 'yung hinihintay namin. Hinawakan ko si Caleb sa braso dahil baka maiwan siya ng tren. Babagal bagal kase. Nang sa wakas sumara ang sliding door ng tren, daig pa namin ang sardinas sa sobrang pagkakasiksik namin.
Shucks! Wrong move yata na mag MRT kame ah?
Tiningnan ko si Caleb. Kinailangan kong tumingala para makita ang mukha niya na naiirita sa sobrang daming tao. Napangiwi ako. Hindi pa naman sanay ang isang 'to sa siksikan at sa initan. Patay ako nito mamaya.
"Are you okay?" tanong niya sakin ng mahuli akong nakatingin.
"Okay lang. Ikaw?" nakangiwing tanong ko. Hinanda ko na ang tenga ko sa maririnig kong sermon niya.
"I guess so." uneasy na nilingon lingon niya ang mga tao. Aba? Himala, di siya galit?
Pagdating namin sa Ortigas station, mas naging siksikan pa. May mga bumaba pero mas marami ang sumakay. At dahil halo halo ang bunk na sinakyan namin. May mga manong na walang habas na nakipagtulakan para lang makapasok sa loob ng tren.
Di sinasadyang may isang bumangga sa'kin at muntikan na 'kong masubsob sa kabilang pinto ng MRT. Mabuti na lang naagapan agad ni Caleb at nahila niya ko patungo sa kanya. Pero magkagayunman, sige parin sa pagtutulakan ang mga tao hanggang sa may isa nanamang bumalya sa'kin.
"A-aray!"
Naramdaman kong niyapos na 'ko ni Caleb at dinikit ang ulo ko sa matipunong dibdib niya. Oh shit! Nanlambot 'ata bigla ang tuhod ko. At wala 'yung kinalaman sa pagkakatulak sa'kin. Ang bango kase ni Caleb!
Maya maya ay tumama nanamang braso sa likod ko.
"Will you stop pushing her?" iritableng sita ni Caleb sa kung sino man 'yun na gumigitgit sakin.
"Ay, sorry po, sorry."
"Okay ka lang ba d'yan, Natzkie? Stay close to me, alright?" bulong niya sakin.
"Mmm. Hmm." came my reply. Wala nang lugar para makasagot ako ng maayos sa kanya. Basta feel na feel ko nang sumubsob sa dibdib niya habang buhay.
---
"We're riding a cab." anunsyo ni Caleb.
"Ha?! Wala sabi akong pera!"
"Stop arguing with me! Ako ang magbabayad kung nagkukuripot ka." kunot noong naghihintay sya ng paparahing taxi. Pauwi na kame ngayon galing sa panananghalian sa one of the best carinderia in the whole wide world! Pagaari iyon ng dating girlfriend ni kuya Nero nu'ng college. Madalas ako du'n simula ng ipakilala ako ni kuya kay ate kengkeng. Talaga namang napakasarap n'yang magluto. Kahit ang pihikang si Caleb, napaungol sa sarap ng kaldereta ni ate Keng.
Pero ngayong pauwe na kame, parang nawala nanaman sa isip niya ang masarap na ulam namin kanina.
"Mag MRT na lang ulit tayo!"
"What? At magpapatulak ka nanaman sa mga taong 'yun? No! No way!"
"Eh di mag bus na lang?"
"I said no, Natalie. We're taking a cab." he said sternly. "Do you do that everyday? Ride that thing? You should get yourself a car!"
Inirapan ko siya. "Duh? Di naman ako mayaman katulad mo! Pang taxi nga, wala ako eh."
"I'll give you one then."
"What?" napamulagat ako. "Bibigyan mo ko ng sasakyan?"
"Yes. Pero utang 'yon. May mga mumurahin kaming sasakyan na binebenta. That'll do. Kesa naman makipagsiksikan ka sa mga lalaki sa MRT."
Umingos ako. "Kala ko naman bibigyan mo talaga 'ko ng sasakyan."
"Bakit? Girlfriend ba kita?"
"Hindi! Bakit sinabi ko ba?" inangilan ko s'ya.
Tumawa lang ang loko. "Saka hindi naman ako marunong magdrive, tapos mahal pa ang gasolina—"
"Oh for God's sake! Dami mong reklamo! You don't know how to drive, ang dami daming tutorials d'yan. Namamasahe ka rin naman araw araw—"
"Hep!" tinakpan ko ang bibig niya. "Di nga 'yun ganu'n kadali! Wag ka ngang dada ng dada, talsik mo lumalaway!" pinahid ko ang tubig na tumalsik sa mukha ko. Hindi ko naman siya jowa pero nilalawayan na niya 'ko.
Kumunot ang noo niya. "That's not my drool. It's raining, you idiot."
Napatingala ako at totoo nga, umuulan. Ulan pala 'yon at hindi laway ni Caleb, sayang! Tumakbo kame sa malapit na waiting shed. Hindi pa man lumalampas ang isang minuto. Parang bagyo na kalakas ang ulan. Napatulala na lang ako. Anyare?
"Crap, that's one helluva hard rain." ani Caleb sa gilid ko.
Napalabi na lang ako. Sobrang lakas nga ng ulan. Paano kaya kame makakauwi nito? Ang dalang pa ng taxi na dumadaan. Kung meron man, may sakay na. Malayo pa naman 'yung mismong sakayan ng bus dito.
Mga ilang sandali pa ang lumipas napapahimas na 'ko sa mga braso ko sa sobrang lamig. Naulanan pa naman kami kanina bago kame nakasilong kaya medyo basa ako at ang damit ko. Napakaginawin ko pa naman.
"Here, wear this." nakita kong tinanggal ni Caleb ang hoodie niya at iniabot sa'kin.
Napanganga ako nang mapagmasdan ang katawan niya, naka itim na sando lang pala siya sa ilalim ng jacket. "Hala! Eh, baka ginawin ka niyan? H'wag na!" pilit kong tinutulak pabalik sa kanya ang hoodie. "Okay lang kaya 'ko."
"You kept shivering and you say you're okay? Cut the bullshit, Natzkie. Wear it." sya pa mismo ang nagsuot ng ulo ko sa butas ng damit. "Dalian mo na, wag mo 'kong pikunin." banta pa niya.
Kahit pa gustong gusto ko siyang tanggihan, napaka inviting naman ng mainit init pa niyang jacket. Saka naalala ko pa kung gaano kabango 'yun kaya pumayag narin akong suotin. At dahil di hamak na mas malaking tao s'ya sakin, abot hanggang hita ko ang hoodie n'ya.
"There," he said, appraising me. "You look so hot on my hoodie."
Hindi ko napigilan, naitulak ko siya. Nagkunware akong may tinitingnan na something sa paa ko para maitago ang pamumula ng pisngi ko. Hot daw ako? Eh tagong tago nga hubog ng katawan ko dito? Pero hot padin ako? Niloloko ata ako ni Caleb.
"Nahiya pa kunware." bulong ng gago.
Mga ilang minuto pa ulit ang lumipas at napansin kong siya naman ang nilalamig. Kahit gaano naman kakapal ang muscles ng lalaking 'to siguradong lalamigin parin s'ya, sa lakas ba naman ng ulan. Pasimpleng dumikit ako sa kan'ya para kahit paano maibsan ko ang ginaw niya. Konti pa, Natalie, konti pa...
"If you want, you can just hug me. There's no need to be shy about it." biglang sabi niya. Halos mapalundag tuloy ako.
"Oy! Di kita pinagnanasahan ha?"
"May sinabi ba 'kong ganun?" he challenged, grinning from ear to ear.
"Tss. Naawa lang ako sayo kase nilalamig—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya 'kong hinila payakap sa kan'ya. "Ca-Caleb.."
"Hmmm.." he pulled me tighter.
Napatingala lang ako sa kanya habang siya'y nakatingin sa malayo. Sana h'wag nang tumigil 'yung ulan.. I sighed dreamily. Wala akong pakialam if I wasn't supposed to feel that way, pero ang sarap kase talagang mabalot sa bisig ni Caleb. I feel safe. Warm.
"Hey!"
I almost jumped out of my skin when I heard that booming voice. I whirled only to see a Lexus parked in front of the waiting shed. Nakasilip sa bintana ng passenger seat ang isang pamilyar na mukha. Holy—! Si Channing Tatum kalokalike!
"Oh joy! 'about time, Ards!" Caleb called.
"Sorry, I was stucked in traffic! Tara na, next time na kayo magmoment d'yan baka lumakas pa lalo ang ulan!"
Napamaang ako kay Caleb. "You know him?"
"Of course, he's one of my best friends. He's RD, the bartender at Remix? Remember him?"
Bartender na naka-Lexus? Aba, makapag enroll nga sa TESDA! "Tinawagan mo siya?"
"No. I texted him saying we need a lift, busy ka kase sa pagsinghot sa sweater ko kaya di mo napansin." namula nanaman tuloy ako sa sinabi niya. Nahuli pala nya 'kong inaamoy amoy 'yung jacket nya? Grabe nakakahiya talaga! Hinarap niya 'ko at tinalukbong ang hood ng sweater niya sa ulo ko. Pagkatapos ay ginagap niya ang kamay ko. "Let's go."
Pinagbukas niya ko ng pinto ng backseat then he slid next to me.
"Hi, remember me?" nakangiting bati sakin ni CTK. "We met at the bar, where you—"
"Oo naalala kita." nahihiyang wika ko.
"I'm Randall, you can call me RD." pumihit siya paharap sakin para iabot ang kamay niya.
Tinanggap ko naman 'yun. "Nat—"
"Natalie, I know." agaw niya sa sasabihin ko ngumisi siya kay Caleb na nakakunot naman ang noo sa kanya.
Paano kaya nito nalaman ang pangalan ko? Kinukwento ba 'ko sa kanya ni Caleb?
"Let's go, RD, ginaginaw na 'tong isang 'to." noon ko lang napansin na nakaakbay pala siya sa'kin, tapos bigla niya kong hinigit palapit sa kan'ya in a very possessive manner.
Hay Caleb.. Ano ka ba? Bakit ganito na lang ang lakas ng tibok ng puso ko dahil lang ilang beses mo 'kong niyakap ngayong araw na 'to? Ano bang nakain mo? Ah, oo. 'Yung Kaldereta nga pala. Madala nga siya ng madalas kay Ate Keng para lagi din siyang sweet sa'kin. Hashtag KiligMuch.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top