Chapter 7

Natalie

"May date si Axel at Heather mamayang alas siete ng gabi sa Sariwon sa Bonifacio High Street. Kailangan maunahan natin sila du'n." iyan ang bungad ko kay Caleb matapos niya akong pagbuksan ng pinto ng condo niya.

Ayoko pa nga sana siyang makita pero matapos kong malaman ang impormasyon na ito ay dali dali kong nilunok ang pride ko at pinuntahan siya sa bahay.

Hindi ko na hinintay na imbitahin niya 'ko sa loob at pumasok na 'ko. Diretso ako sa napakalambot niyang couch at naupo roon. This is my favorite spot in his condo. Gusto ko din ng ganitong couch.

"Aba naman kung makapasok akala mo sarili mong bahay ah? Feel at home po ha?" sarkastikong sabi niya.

Nag-angat ako ng paningin. He was wearing a Guns n' Roses T-shirt and some cargo pants. Bahagya pang basa ang kulay brown niyang buhok. And who would miss his masculine scent na tila pinaghalong sabon at aftershave? At kahit pa aburido ako sa katabilan ng dila niya kahapon, I couldn't freakin' resist to take a sniff. Isa lang ang salitang gagamitin ko para idescribe siya today. Yummy.

Umasim bigla ang mukha ko.

This person doesn't deserve to be complimented. Aba! Ang sama sama kaya ng ugali niya.

Oo, siguro masyado akong OA para masaktan sa sinabi niyang iyon kahapon. There is no competition daw. Alam ko naman kaya 'yun! Hindi na niya kailangan ipamukha. Para kaseng isinampal pa niya 'yon sa mukha ko eh. It hurts, you know? Sana tumahimik na lang siya. Magpaka polite kumbaga. Kaso hindi eh! He was so arrogant, callous even. Ugh! Bakit ba hindi mawala 'yun sa isip ko!?

Masyado akong affected!

Here I was thinking na kakampi ko siya.. Yun pala..

Maya maya napansin kong nakatayo lang siya sa harapan ko at hindi parin kumikilos.

"Ano ba? Di ba sabi ko kailangan nating mauna du'n?" paangil na tanong ko.

"Well, I'm ready," ibinuka niya ang dalawang braso. "Ikaw lang naman ang prenteng prente sa pagkakaupo d'yan eh. Hiyang hiya nga ako sayo eh."

"Ganyan ka lang?"

"Oo naman!" aniya. "It's not as if I'm taking you out on a date."

Ayan nanaman siya sa mga mapanginsulto niyang salita. Grr!

"Unless, that's your plan?"

Walang kibo na tumayo ako at nagtungo na sa pinto.

"Wait!" naulinigan ko na dinampot nya ang susi niya at humabol sa'kin. "What's wrong with you? PMS?"

Tuloy tuloy lang akong lumabas ng condo ni Caleb at hindi na pinansin pa ang sinabi niya. Purely business lang. Ayoko nang makipag chummy chummy pa sa kanya. Nahehurt lang ang feelings ko sa kasamaan ng ugali niya.

Naramdaman ko na lang na nakahabol na sa'kin si Caleb at nasa kanan ko na siya. Nang tunguhin namin ang elevator ay saka siya muling nagtanong. "So how did you find out that they had a date today?"

"I have ways of finding out things." simpleng sagot ko.

"Oo nga pala, may stalker tendencies ka. At hindi lang yun, violent tendencies din. Naalala ko pa yung ginawa mong paghambalos sa'kin kahapon. Tsk."

"Ang daldal mo naman!" naiiritang sabi ko. Tiningnan ko siya ng masama habang siya maang lang na nakatitig sa'kin. "Hindi ka ba makapagmove on du'n? Hanggang ngayon, daing ka parin ng daing?"

He grinned at me. "Well, my skin's kinda delicate, and I bruise easily." he shrugged.

"Sus, bakla." ismid ko.

"Gusto mo nanaman magpahalik?"

"No way!"

"Nasa lift pa naman tayo. Have you heard of the elevator magic?"

"Ano 'yun?"

He smirked down at me. "Why are you interested?"

Inirapan ko siya. Kabuwisit talaga 'tong lalaking 'to! Akala ko talaga dati, masungit siya. Yun tipong nabibili ang ngiti at hindi gaanong masalita. Mas okay pa siguro kung ganun siya. Hindi yang ganyan na mapangasar. Feeling sobrang gwapo pa.

Oo na, sobrang gwapo na talaga. Pero di na kailangan magfeeling. Wag na ipangalandakan. Konting modesty naman sana.

"Ang sungit mo talaga ngayon," puna niya paglabas namin ng lift. "Di'ba tayo bati?"

Di makapaniwala na napatitig ako sa kanya. Seryoso? Gumagamit pala sya ng mga ganung term? Napantastikuhan naman tuloy ang lola mo.

"Ano?"

Nagbawi na lang ako ng tingin at sinundan siya sa parking lot ng condominium. Inabala ko na lang ang sarili ko sa panghuhula ng kung anong sasakyan ang gamit niya. Kaysa naman isipin ko na kahit pala isa syang de kalibreng business man na naguumapaw ang pera sa bank account, kahit paano simpleng tao lang siya. Kung manamit, kala mo bibili lang ng suka sa kanto pero ang yummy parin. Kung magsalita kala mo lumaki sa isang normal na neighborhood instead of sa isang de security guard na mansion na may aircon sa bawat sulok.

Sa malayo aakalain mo na snob siya, pero mabait naman siya, medyo mayabang lang ng konti at masungit—sa iba—dahil parang di naman siya ganun kasungit sa'kin. Pero mabait talaga siya. Tutulungan ba naman niya ang isang pobreng katulad ko? Nililibre pa nga ako ng agahan. Di ko nga 'yun deserve dahil blinackmail ko lang siya. Pero kita mo naman? Sarap talaga nu'ng croissant na nilibre niya sa'kin.

Yung mga ganitong lalaki yung tipong nakakainlove—Okay! Balik tayo sa usapang kotse!

Toyota kaya? BMW? Mercedez?

Argh! Naisip ko ba talagang nakakainlove siya?

"Natzkie!"

Napapitlag ako sa biglang pagtawag ni Caleb sa aking pansin. "Anong Natzkie? Saka bakit ba? Makasigaw ka?"

"Ang lalim ng iniisip mo," he gestured towards his car. "Let's go."

Bago pa ako makahuma ay tumambad sa aking mga mata ang isang magarang kotse. O to the M to the G! Audi R8! Shucks, dagdag pogi points!

"Tara na, ano ba?"

Noon ako tila natauhan. Nagsusungit na po siya! Nagkukumahog na sumakay ako sa kotse niya. Grabe. Ang ganda din ng interior! Ang hightech! Ang dameng pindutan. Nakakatakot hawakan, baka mangain!

"What's with you? Patanga tanga ka?" untag ni Caleb.

"Makatanga, wagas?" inirapan ko s'ya. "Eh sa nastarstruck ako sa chikot mo eh." gusto ko sanang hawakan ang makintab na dashboard pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mayamot si Caleb sa'kin. Bigla na lang kase siya nagiging masungit, kanina naman chill lang siya. Siya yata ang may PMS. Napaingos ako.

"Did you hire someone to investigate on your ex? How'd you know about his whereabouts?" tanong niya kapag kuwan. Nasa byahe na kame nu'n pa-Taguig.

"Hmmmm. Parang ganun na nga." kibit balikat na sabi ko. Hindi ko na sinabi na kuya kuyahan ko ang nagiimbestiga kay Axel, at sa kanya narin. Ayoko naman mapahamak ang trabaho ni kuya Nero. Lagot ako dun!

"Effort huh? You must really love this guy."

"Hindi ko naman gagawin 'to kung hindi."

Napabuntong hininga 'ko. Isa talaga ako sa mga taong gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Ewan ko ba? Laking hassle na nga nito lalo na sa trabaho ko. Kinakailangan ko pang iturn down ang mga pinapatrabaho sa'kin para lang may time ako sa pagsunod sunod sa ex ko. I sighed. Lakas talaga maka tanga ng pag ibig.

---

"Sige na, tanggapin mo na 'to." pilit kong inaabot sa babaeng waiter ang dalawang one hundred pesos. "I-cancel mo 'yung reservation ni Axel Allegre."

"Hindi nga ho p'wede, ma'am. Matatanggal ako sa trabaho sa ginagawa mo eh." Alumpihit na sabi nito.

Ugh! Gigil na 'ko at gusto kong mapapadyak. Gusto ko lang naman maging inconvenient para kay Axel at Heather ang date na 'to. Baka sakaling mairita ang pasusyal na si Heather na sanay sa may mga pareserve ek-ek at marealize n'ya na hindi si Axel yun tipo ng lalaki na para sa kanya.

Kaya lang ayaw naman makipagcooperate ng waitress na 'to!

"Miss magkano ba? 500? Eto oh," dumukot ako sa wallet ko ng dagdag na pera. Tsk. Mukhang kailangan ko nanamang magpalibre kay Caleb. Lunok lunok din ng pride pag may time.

"Ma'am, hindi nga-"

"Here." may iniabot na makapal na tupi ng pera si Caleb sa babae. Sa wakas naman at naisipan n'yang makialam 'no? Pa display display lang kase ang drama kanina. Porket pogi siya sa suot niyang shades! Napaismid ako.

Tumingin sa kanya ang babae. "Just cancel their reservation, sagot kita." anito na sinamahan pa ng kindat.

Napalunok naman ako. Hindi ako 'yung kinindatan pero parang nanlambot ang tuhod ko dun ah? I shook my head. Easy ka lang, may gan'yan talagang effect si Caleb sa mga babae, 'di ka nagiisa sa nararamdaman mo. Bigla tuloy akong naawa sa waitress na nakatanggap ng full impact ng charm ni Caleb. Baka mamaya himatayin 'to?

Binalingan ko ang babae at nakita kong namumula ang pisngi n'ya, tapos parang di s'ya makahinga. "Huy miss," untag ko pero ang mata n'ya ay nakapako lang sa lalaki sa tabi ko. Deadma?

"Sige na, miss," ani Caleb. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa n'yang palambingin ang boses n'ya. Baka mamatay 'yung kausap namin. "I'm counting on you, okay?"

Wala sa sarili na napatango na lang si girl. OA much? I sneered. Niyakag ko na si Caleb sa table na inuupuan namin kanina. Kanina, nakakuha kame ng mesa kahit walang reservation, ngayon, nasuhulan namin yung waitress. Iba talaga pag mayaman, tsk.

"Makahila ka naman? What's wrong with you?" kunot noo nitong tanong.

"Di mo na dapat ginawa 'yun sa babae!" pagalit ko.

"Bakit? Selos ka nanaman?"

Inirapan ko s'ya. "Spell ASA? Naawa lang ako, parang aatakihin sa puso si ateng,"

"At least nagawa natin ang gusto mo diba? Masaya ka na?"

"Sasaya lang ako pag hiwalay na sila." humalukipkip ako at sumandal sa upuan ko. Sinimsim ko ang tea na hinain sa'min kanina. "Pwe! Walang lasa."

Natawa bigla si Caleb. "I'm sure Heather will get pissed once they get here." luminga s'ya sa loob ng restau. "She loves eating here. At mukhang malabo na makakuha pa sila ng mesa."

I smiled. Tama s'ya, jam packed kase dito. Masarap siguro kumain dito. Sayang lang di ako makakatikim ng pagkain nila. Mukhang mahal eh.

Maya maya nainip siguro si Caleb kaya umorder ng pagkain. Pinigilan ko naman ang sarili ko na mapangiti. Grabe, sobrang pagkapatay gutom ko na 'yun 'no? Kalma lang, Natalie, wag ka pahalata.

Tahimik lang siya habang kumakain kame. Nakamasid lang habang niluluto ng waitress ang pagkain namin. Ang astig lang sa harap pa talaga namin niluluto. Mas nakakatakam tuloy! Gumagamit s'ya ng chopsticks at nahiya nanaman ako kase di ako marunong gumamit no'n.

Mukhang napansin ni Caleb ang pagkabalisa ko habang nakatitig sa chopsticks na hawak ko kaya nanghingi s'ya ng kubyertos sa waitress at walang kibo na inabot sa'kin. Akala ko pa naman aasarin n'ya ko o yayabangan.

Saktong alas siete dumating si Heather at Axel na nakaakbay pa sa nauna. Para 'kong dinibdiban habang minamasdan ko sila na nakatayo sa labas at kausap ang isang babae. Ang ganda ganda ni Heather. Magmumukha akong paa kung tatabi ako sa kanya. Tapos si Axel, ang gwapo din. Ayos na ayos s'ya, poging pogi. Ni minsan di s'ya gumayak ng gan'un sa mga date namin.

'Yung unang beses na dinala niya 'ko sa isang fine dining restaurant, nakipagbreak siya sa'kin. Saklap diba?

Maya maya ay naramdaman kong inabot ni ang kamay ko at mahinang tinapik iyon. I looked at him and he smiled kindly at me. He gestured towards the couple with a sly smile on his face.

Nakikipagtalo na si Heather sa hostess.

"What do you mean?!" ang bilis ng pagkakaenglish niya kaya hindi ko na masyado naintindihan yung iba. Yung what do you mean lang talaga ang nagets ko. Masyado kasing slang. Then, tila batang nagtatantrums na nilayasan n'ya ang babae at ang Axel ko.

He was apologizing at the hostess nonstop. Gusto ko sanang tumayo at lapitan siya para icomfort. Lalo na nung nakayukong umalis siya at sinundan si Heather.

"Axel.."

"Stay here, Natzkie, and just enjoy the food." ani Caleb. "Believe me, they won't be going anywhere. Kilala ko si Heather, magyayaya na lang umuwi yun."

Hindi ko naman inaalala 'yun eh. I just wanna be with Axel. Miss na miss ko na kase siya. Kailan pa ba 'yung huli naming paguusap?

I sighed. Muli ko na lang sinubukan na kumain pero parang nawalan na ako ng gana. Lumilipad ang utak ko kina Axel at kay Heather. Malamang ihahatid siya pauwe ni Axel. And God knows kung ano pa ang sunod na mangyayare.

Which brings me the think..

"M-May nangyare na ba sa inyo ni Heather noon?"

"What do you mean?" Caleb asked. His chopsticks were halfway to his mouth.

"I-I mean.. Alam mo na 'yun!" napayuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko.

Hindi agad siya sumagot. Napansin ko na lang na panay ang kuha niya ng pagkain. Wala sigurong balak sumagot. Why? Masyado bang private 'yung mga ganung bagay? Sorry naman.

"I don't kiss and tell, Natzkie."

"Bakit ba tinatawag mo kong Natzkie?"

Hindi nito pinansin ang protesta ko bagkus ay nagpatuloy lang sa pagsasalita. "I really don't like Heather, I mean, sometimes I like her as a person but never in a romantic way. So, dun pa lang, siguro naman nafigure out mo na ang sagot ko?"

"So.." tinusok tusok ko ng tinidor ang bahagi ng laman ng baka sa mangkok ko. "Ibig sabihin, virgin s'ya nun nakuha sya ni Axel?" malakas na tanong ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang biglang tumawa si Caleb. "You're so naive."

"Ha?"

"Nothing." pailing iling na sabi nito pero nakangiti parin.

"Sabi mo walang nangyare sa inyo? Eh di si Axel nga nakauna sa kanya?" i asked indignantly.

"Tone down your voice," saway niya sakin. "Hindi porket walang nangyare samin does it mean—you know." he shrugged. "Saka p'wede h'wag na natin pagusapan ang ang virginity na kasing extinct na 'ata ng mga dinosaurs."

"Grabe ka naman!" naeeskandalo na sagot ko. "M-Marami pa namang babae na nagpapahalaga sa v-virginity no."

Caleb gave me a knowing smile. Tapos pangiti ngiti na bumaling siyang muli sa pagkain niya na tila siyang siya sya sa isang bagay.

Napalabi na lang ako at bumalik na din sa pagkain ko.

"I thought we're already living in a world where losing your phone is more dramatic than losing your Vcard. Glad to be corrected." he grinned like there was no tomorrow.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top