Chapter 5

Caleb

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na tunog ng doorbell sa condo ko. Mother of all fuckery! Naiinis na ginulo ko ang buhok ko at padaskol na tinanggal ang comforter na nakabalot sa hubad na katawan ko.

Bumangon ako sa kama upang hagilapin ang T-shirt na hinubad ko kagabi. I always sleep with only my pajamas on. Matapos kong magsuot ng damit ay pabalibag ko namang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Oh for God's sake! Hindi ba talaga sya titigil kakapindot sa doorbell ko?!

I wrenched the door open and shouted at whoever is on the other side of it. "Ngayon ka lang ba nakagamit ng doorbell ha?!"

Ngumisi lang siya sa'kin na parang walang anuman ang pagsigaw ko sa kanya. Oh this crazy woman! I would soon have to disconnect that freakin' doorbell, to save it from abuse. Para matigil narin ang kabaliwan ng babaeng ito, at ang pag gising ko ng wala sa oras.

Ilang araw na kong pinepeste nitong bwisit na bubwit na 'to. Hanggang ngayon hindi parin ako tinitigilan. Iniisip ko na talagang maghanap sa kikitil ng buhay nito 'pag ako talagang napikon. Ang aga aga pa n'yang pumunta dito, ni hindi ko nga alam kung paano nalaman nitong babaeng 'to ang address ko. Talk about a professional stalker!

"Do you know what time is it?" naiiritang tanong ko sa kanya. "It's friggin six in the morning!" tumingin ako sa digital clock sa may sala, "Oh it's not even six yet, at nambubulahaw ka na!"

"Sino kayang nambubulahaw sa'ting dalawa? Ikaw 'tong malakas ang boses baka magising ang mga kapitbahay mo." humalukipkip pa s'ya.

"Una sa lahat, wala akong kapitbahay dahil pagaari ko ang buong palapag na to, pangalawa, wala kang karapatan na sagut sagutin ako." isasara ko na sana ang pinto nang walang anu ano'y mas mabilis pa sa dagang naunahan niya 'ko at nakapasok agad sa condo ko.

Oh this woman's unbelievable!

"In fairness! Ganda ng condo mo ha? Ang laki!!"

Mariin kong ipinikit ang mata ko at saka huminga ng malalim. "Get out of my damned condo, now." pinipilit kong magpakahinahon pero sadyang sinasagad niya ang pasensya ko. Sukat eh basta na lang naupo sa couch ko at parang bata na nagbounce bounce pa siya dun.

"Wow! Ang lambot!"

Hinawakan ko sya sa braso at itinayo mula sa couch. "Did I invite you in? Lumabas ka, wala kong panahon para sa mga bubwit na katulad mo."

"Makabubwit ka naman!" she snatched her arm from me. "Hindi naman ako ganun kaliit, ang yabang mo. At saka wag mo nga kong mahawak hawakan, only Belo touches my skin, who touches yours?"

Naningkit ang mga mata ko. I don't know if I should laugh or just strangle her to death. "First, yes, you are that small. Second, i highly doubt if you can afford Belo, sa itsura mong yan-"

"Grabe ang yabang mo! May nakapagsabi na ba sa'yo na don't judge a book by its cover?" kununutan niya ko ng noo. Funny, coz she doesn't seem pissed with what I said.

Napatitig ako sa babaeng hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang tunay na pangalan. Napaka observant niya, parang lahat na lang nakikita niya. Lahat napapansin, at lahat bibigyan niya ng komento—na kadalasan ay hindi ko naman hinihingi. Nanatili siyang nakatayo doon at palinga linga sa loob ng condo ko na parang sobrang namamangha siya.

Noon ko lang nabigyan ng pansin ang ayos niya. She was wearing her brown wavy hair down, which is so unkempt but somehow looks good on her. She was wearing a jumper over a snug T-shirt, and some sneakers. Malayong malayo sa itsura n'ya nu'ng una ko siyang nakita sa bar.

But I have to say, she's a lot more prettier without make up, katulad nga ng napansin ko noon. Ipinilig ko ang ulo ko. Am I checking her out? This is wrong in so many levels! "Alam mo, miss, I have a long day ahead, kung pwede lumayas layas ka na, bago pa 'ko magpatawag ng exterminator."

Sa di malamang dahilan ay natawa siya sa sinabi ko. Nahantad ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin dahil doon. "Ang OA mo rin eh no? But anyway, hindi ako aalis hangga't hindi mo 'ko tinutulungan sa gusto kong mangyare."

I rested my hands on my hips and glared at her. "Hindi ka ba makaintindi? Sinabi nang hindi ko gagawin ang sinasabi mo, wala kang mahihita sa'kin kaya kung ako sa'yo, aalis na 'ko kase istorbo ka eh."

"Hindi ako aalis!"

Natawa ko nang ilabas niya ang dila niya sa'kin. Eh kung hilahin ko kaya 'yon? "Teka nga, makatawag nga ng security," dinampot ko ang cordless phone. "Maganda siguro kung du'n ka magpalipas ng broken heart mo sa presinto? I'm sure doon, maraming willing na tulungan kang hilumin ang sugatan mong puso-"

She snatched the phone from me. "Sumosobra ka na ha? Wag mong ginagawang katatawanan ang nararamdaman ko porket ikaw hindi pa naiinlove!"

"Hindi ko na kasalanan yun!"

"Kasalanan mo! Pati ako dinamay mo sa problema mo, kung ayaw mong magpakasal sa Heather na 'yun, sana sinabi mo na lang hindi yung namemerwisyo ka ng lovelife ng may lovelife!"

"Look who's talking? Sino kaya sa'tin ang nandadamay sa sariling problema? Hindi ko na kasalanan na marupok ang boyfriend mo!"

"Kasalanan mo!"

"Hindi!"

"Kasalanan mo!"

"Shut up!" I snatched the phone back. Akmang dadial na ako nang magsalita siya ulit.

"Hindi ka natatakot na ibigay ko sa lolo mo ang recorder?"

"Nope."

"Sure ka?"

"Oo." pinandilatan ko sya. Napakakulit talaga ng babaeng 'to!

"Kahit mawalan ka ng mana?" tinaasan nya ko ng kilay.

"Sinabi nang oo! Umalis ka na! Invasion of privacy na 'to o! Gusto mo bang idemanda kita ng trespassing?"

She scowled at me. "You know what? May araw ka rin sakin. Tingnan lang natin."

"Blah blah!" hinawakan ko siya sa balikat at iginiya palabas ng condo ko. "Labas na, ang dami mo pang sinasabi."

Pumiglas siya sa'kin. "Sabi nang wag mo 'kong hawakan! Grr!"

I laughed and tapped her butt, which surprisingly felt firm and round against my palm. Mas lalo siyang nagalit dahil dun, at agad niya 'kong tinulak.

"Ang bastos mo! Idedemanda kita! Harassment yan! Sexual harassment!"

I was so amused I wanted to annoy her some more. "Oh talaga? May pambayad ka ng abogado? At saka wag mong kalimutan na idedemanda din kita ng trespassing at hmm.. Ang alam ko meron ding parusa para sa mga nambablackmail." hinimas ko ang baba ko, habang nagiisip.

"Grr! Kainis ka!" she shouted at me with her fists clenched tight on her sides.

I burst out laughing. Did she just growled at me? She looks like a mad kitten, so cute! Nang makalabas s'ya ay huminto parin siya at humarap sa'kin. Kinawayan ko nga, "Bye bye bubwit!"

"Hindi pa tayo tapos!" yun lang at nagmartsa na sya palayo sa pinto ko.

Napabuntong hininga na lang ako at isinara ang pinto. Such a nuisance. Kailangan ko na talagang makaisip ng paraan para mawala na sa landas ko ang babaeng 'yon! Kahit pa sabihing nageenjoy ako sa pangungulit niya kung minsan.

No, please don't tell me I was enjoying that!

---

Natalie

Hindi ako makamove on sa ginawang pagtataboy sakin ni Caleb sa condo nya kahapon. Kung sabagay, makailang beses narin naman nya ginawa yun. Palibhasa, wala syang puso! Hindi na sya naawa sa isang katulad ko. Araw araw ako pumupunta sa bahay nya para kulitin sya pero araw araw din nya kong tinataboy! Pero susuko ba ko? Nunca! Ako si Natalie Gifford, at hindi ako basta basta magbaback down!

Anyway, nandito ako ngayon sa main office ng Yung Incorporated. I have to take drastic measures, iniisip ata ni Caleb, nagbibiro ako eh. Pwes! Malalaman n'ya ngayon kung ano'ng kaya kong gawin!

Pumuwesto muna 'ko sa malilim na parte dahil nasa labas pa 'ko ng building at tirik na tirik ang araw. Nagpunas muna ako ng pawis at nagsuklay ng buhok. Mahirap na, kailangan kong magmukhang presentable, baka isipin ng mga tao sa reception, pulubi ako at palabasin pa ako. Isa pa, isang bigating business tycoon ang kakaharapin ko. Makakabawas sa kredibilidad ko kung mukha akong gusgusin.

Matapos kong magayos ng kaunti, nagtuloy na ko sa loob ng estalisyimento. In fairness naman sakin, nakaayos ako ngayon, pinahiram ako ni Libby ng medyo formal na blouse at skirt, tapos heels nanaman. Kanina pa nga 'ko natatapilok eh, malamang nito mamaga ang paa ko mamaya. Pero ika nga, kung walang tiyaga, walang nilaga diba?

Nakangiti ako nang humarap sa receptionist, nakakainis lang dahil hindi man lang n'ya 'ko nginitian. Sayang naman pagbrush ko ng teeth three times a day para mapanatiling maputi ang ngipin ko, oh well, baka s'ya naman ang hindi nakapagtoothbrush kaya ayaw ngumiti.

"Hi, I'm here to see Mr. Frederick Yung."

"Do you have an appointment?" masungit na sagot nung babae. Saglit lang n'ya kong tinapunan ng tingin sabay balik ng atensyon nya sa pagtipa sa computer. If I know, nagti-twitter lang 'yan.

"Uhh.. Wala eh.." napakagat ako sa labi ko.

"Then I'm sorry, kailangan mong makipag appointment muna sa kanya bago kita paakyatin."

Badtrip naman! Bakit ba ganito sa business world? Kailangan pang makipag-appointment para lang makausap mo ang isang tao?

"Paano ba ko makakapagset ng appointment sa kan'ya?"

"Sa secretary n'ya." sagot n'ya na hindi man lang tumitingin sakin.

"Saan ko pwede kausapin yung secretary n'ya?"

"Nasa 17th floor." impatient na tiningnan n'ya ko. "Pwede bang sa ibang araw ka na lang bumalik? Makipagappointment ka muna, hindi 'yang nangiistorbo ka.

Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng kilay ko sa sinabi ng babae. "Napaka rude mo naman," sabi ko. "Diba dapat isa sa mga qualifications ng pagiging receptionist ang pagkakaroon ng pleasing personality? Mukhang wala ka naman nu'n, paano ka kaya natanggap dito?"

Nainis ang babae at napatayo. "Eh ikaw? Paano nakapasok ang isang dugyutin na katulad mo dito? Guard! Guard!"

Napanganga na lang ako sa sobrang inis ko sa babae. Ano? Dugyutin?! Grabe naman kung makapagsalita 'to! Eh di hamak na mas maganda naman ako sa kanya pag naayusan ako! "Hindi mo kailangan tumawag ng guard dahil kusa akong aalis dito!"

Saktong pagkatalikod ko ay bumangga naman ako sa isang matigas na bagay. Agad akong napasinghap at naamoy ko ang samyo ng lalaking nakabangga ko. Ang bango! At ang tigas ng dibdib! Hinawakan n'ya ko sa balikat to steady me.

"What's going on here?"

Napatingala ako nang makilala ko ang boses ng nabangga ko. Si Caleb! Lagot! Siguradong ipapatapon nanaman ako nito! Or worst, maba-ban ako sa opisina nila at kailangan ko nanamang hingin ang tulong ni Kuya Nero para malaman ang whereabouts ng lolo ni Caleb!

"Ikaw nanaman?" sambit n'ya nang makilala ako. "What the hell are you doing here?"

"Nageeskandalo po dito 'yang babaeng yan, sir!" sumbong nung malditang receptionist. Naku ang sarap sabunutan!

Tumingin sa'kin si Caleb na tila hinihintay ang paliwanag ko. Nakakunot ang noo n'ya pero mukhang hindi naman s'ya naniniwala sa sinabi ng babae. "Hindi ko alam na naghahire pala kayo ng mga walang pinagaralan dito." naiinis na turan ko. Kumawala ako mula sa mga bisig nya. Mahirap na at baka masanay.

"What?" the woman shrieked.

Siya naman ang binalingan ng tingin ni Caleb, pero hindi tulad ng sa'kin, he was looking at her sternly. "I will talk to you later, Ms. Diaz, go back to work."

Halatang napupuyos parin pero walang nagawang bumalik na lang sa trabaho si maldita. Ako naman ang hinarap ni Caleb, "Ano nanaman bang ginagawa mo dito ha?" mahina ngunit mariin na tanong n'ya.

"Ibibigay ko lang sa lolo mo yung—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tinakpan n'ya ang bibig ko.

"Are you serious?!"

"Uhmrp uhmp!" pilit kong tinatanggal ang malaking kamay n'ya na nakatakip sa bibig ko. Ang bango din ng kamay n'ya, ang sarap kagatin!

Binitiwan n'ya ang mukha ko at hinawakan naman ako sa braso at hinila papasok sa isang opisina. Nagtinginan samin ang mga empleyado roon pagkapasok namin.

"Everybody out." utos ni Caleb na siya namang sinunod ng mga empleyado na dali daling sumibat. Wow! Ang galing! Boss na boss lang ang dating! Ang hot!

Nang makalabas na ang pinakahuling empleyado ay isinara ni Caleb ang pinto. Matapos n'yang siguraduhin na walang makikinig sa labas ng kwarto ay hinarap niya 'ko na kunot na kunot ang noo. "Talaga bang pinipikon mo ko ha, bubwit?"

"Natalie ang pangalan ko kaya wag mo kong tawaging bubwit!" humalukipkip ako. "At hindi kita pinipikon, trabaho lang, walang personalan."

Napabuga sya ng hangin at nilapitan ako. "Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Do you know I can have you arrested for doing this? Blackmailing me? Stalking?"

"Yes, I know that," taas noo kong sagot. "But I also happen to know that you won't do such thing. Dahil 'pag ginawa mo 'yun, ipapakalat ko ang ni-record ko at sisiguraduhin kong makakarating 'yon sa lolo mo. At presto! Bye bye millions, or billions, whatever!" nginisihan ko siya na siyang nagpasingkit lalo sa mga mata niya.

"Tuso ka rin talaga no?"

Tumango ako habang abot tenga ang ngiti. "Yep! Kaya kung ako sa'yo, wag mo na 'kong kalabanin."

"Talagang hindi ka titigil?" aniya na parang sa sarili niya mismo sinasabi at hindi sa akin. Huminga siya ng malalim at pinakatitigan ako. "Fine!"

"Fine?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. "Fine, meaning pumapayag ka ng tulungan akong mabawi si Axel?"

"Yes. As if I have a choice?" he rolled his eyes at me.

"Hell yeah!" I practically threw myself at him. Tapos ay nagtatalon ako. "Finally!"

"Jeez, shut up!" naiiling na sabi niya. "But I have conditions."

"What is it?"

"Walang makakaalam na tinutulungan kita, that's one," anito na inangat ang hintuturo, pagkatapos ay ang sumenyas naman siya ng two. "Pagkatapos nating subukan na bawiin ang boyfriend mo, hindi ka na magpapakita pa ulit sa'kin. It would be as if we never knew each other. Deal?" inilahad niya ang kanang kamay sa'kin na siyang mabilis na tinanggap ko.

"Deal."

We shook hands firmly.

"So, how are we gonna do this?" he asked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top