Chapter 37 FINALE
TWO YEARS LATER...
Natalie
Balisang balisa ako at hindi magkandaugaga sa pagaayos ng buhok ko. Hindi ko alam kung ilulugay ko ba siya o ipupusod? Maganda kaya sa akin ang kulot? Dinampot ko ang tissue at pinahiran ang red lipstick ko. Hindi yata bagay? Dapat yata pink lipstick, OA na yata ang red? Baka kung anong isipin sa akin ng mga tao. Tama, pink lang siguro para magmukhang demure!
"What on earth are you doing?!" agad na hinagip ni Libby ang kamay ko bago ko pa tuluyang mabura ang lipstick. "Pinakialaman mo nanaman ang make up mo! Kakalbuhin na talaga kita!"
"Bessy kasi!" maktol ko. "Parang masyadong over-the-top ang red! Baka magmukha akong you know! Marami pa namang tao mamaya, for sure nasa akin lahat ng atensyon nila!"
Libby rolled her eyes. Itinapon niya ang tissue sa trash bin sa sulok ng kwarto ko. "Inaatake ka nanaman ng nerves mo, bessy ha? Kalma ka lang. OMG, para namang first time mo?"
"Eh sa kinakabahan ako eh! Ibang level na 'to, bes!" napatayo ako mula sa harap ng vanity mirror at nagpaikot ikot sa kwarto ng bago kong condo unit. Di hamak na mas maganda at mas malaki ito sa dati kong tirahan. Sinabi ko kay Caleb na okay lang sa akin na iparenovate na lang 'yung luma but he insisted na lumipat ako sa condo na malapit sa kanya. Since ayaw ko naman daw pumayag na magmove in kasama niya, mabuti na daw iyong limang minuto lang ang layo ko sa kanya para makita niya ako anumang oras niya gustuhin.
"At paano mo nasabing ibang level, aber?" Libby stood at the foot of my queen size bed with her arms folded in front of her.
"Ano ka ba? Kilala mo ba kung sino ang mga dadating, Libby?!"
She smirked. "Of course! Ako kaya ang may hawak ng guest list!" tumigil na sa pagmomodelo si Libby at nagsimulang magtrabaho bilang events organizer.
"Ayun naman pala—"
"Ang point ko, hindi mo naman first time! H'wag ka mag inarte diyan!" lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "For goodness sake, huminahon ka nga! Stop pacing! Hanggang ngayon ba naman, Natalie? Sikat ka na and all ganyan ka padin?"
Katakut takot na irap ang natanggap niya mula sa'kin. "Hindi ako sikat!"
"Luh? Pa-humble pa ang bruha!" tumawa siya at hinala ako paupo sa kama. "Bessy, palagi kang nababanggit ng mga tao sa art community! Ilang beses ka na din na-feature sa Rated K! All in the span of two years? Hello? Hindi ka pa ba sikat sa lagay na 'yan?!"
I pouted. "Sumikat lang naman ako dahil kinuha ni Caleb ang paintings ko at ginawang display sa buong hotel nila!" bukod doon ay pinush din niya na mag aral ako ng sculpting na siyang sinunod ko naman. Naenjoy ko ang paglikha ng kung anu ano at nagsimula na ring kunin ni Caleb ang mga gawa ko. Heto nga't pangalawang art exhibition ko na. Iyong una ay nakafeature lamang ako sa gallery ni Dorian Jimenez ngayon ay solong gawa ko na ang laman ng exhibit.
Kaya naman abut abot ang kaba ko ngayon. Para tuloy akong matatae!
"Kung kailan naman kasi kailangan ko ang damuhong si Caleb saka pa siya busy sa business meeting na 'yan!" inis na banggit ko sa boyfriend ko.
"Speaking of! Naku bessy! Ang swerte mo talaga dyan kay boyfie mo, ano?" umabrisyete siya sa akin at ipinatong ang ulo sa balikat ko. "Super supportive! Tapos ang gwapo pa!"
"Heh! Tumigil ka nga!"
"Ang sweet pa! Ano pang hahanapin mo di'ba? Bakit hindi pa kayo magpakasal?!"
Lumamlam ang mata ako at napanguso ulit ako. Gustong gusto ko na kaya magpakasal! Atat na atat na! Ready-ng ready na! Pero si Caleb.. Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon, hindi parin niya tinutupad ang pangako niyang kasal sa'kin. Tutubuan na lang yata ako ng uban, natutuyuan na ako ng ugat at tirik na ang mata ko hindi parin siya nagpopropose! Inip na inip na 'ko!
Sumagi pa tuloy sa isip ko na baka ayaw lang talaga niya akong pakasalan? Baka gumawa lang siya noon ng excuse pero ang totoo.. Ah! Hindi! Natalie, h'wag ka mag-isip ng ganyan kay Caleb! Mahal ka nu'n! Diba nga super sweet niya sayo at never sa loob ng dalawang taon niya ipinadama sayo na hindi ka niya mahal? Chill ka lang gurl! Masyado ka naman kasing atat!
Pero paano nga kung ayaw talaga niya akong pakasalan?
"Oh ba't nakasimangot ka?" untag ng best friend ko.
Umiling lang ako. Ayoko nang isipin ang disappointment ko at baka makasira pa iyon sa aura ko. This is my day! Weh 'no kung ayaw akong pakasalan ni Caleb? Bahala siya! Akala naman niya.. Masyadong pa-yummy. Napaingos ako. "Handa na ba ang lahat sa hotel, Libby?" tanong ko sa kanya kapagkuwan.
"Oo kaya! Ikaw na lang ang hinihintay!" kay lapad ng ngisi ni Libby. Sinipat niya ang relo. "We better go, bessy. Baka mainip ang mga bisita!"
Tumango ako at inayos na ang kulay itim na cocktail dress ko. Hindi ko alam pero parang mas excited pa ang best friend ko kaysa sa'kin. "Let's go."
---
Abala ako sa pageestima ng mga bisita pero hindi maalis ang mata ko sa entrada ng ballroom. Sa hotel kasi nila Caleb ginanap ang art exhibit ko pero hanggang ngayon, no show parin siya. Kumpleto na lahat ng guest of honor, kabilang na sina Dorian Jimenez at ang idolo kong si Mariano Diaz. Ang boyfriend ko na lang ang hinihintay
"Nana, are you okay?"
Napalingon ako kay Axel na kausap ko nga pala. "I'm sorry, ano nga ulit 'yung sinasabi mo?"
Tumawa lang si Axel at inabutan ako ng isang champagne flute. "Uminom ka nga muna, mukhang masyado kang stressed. May problema ba?" umiling lang ako at nginitian siya. Nakasuot ng itim na dress shirt si Axel at ang pogi pogi niya. Okay na okay na kami ngayon, at sila rin ni Caleb ay in good terms na, kaya naman hindi ko naiwasang matuwa.
"Nasaan nga pala si Heather?" banggit ko sa current girlfriend niya na ex-fiancee naman ng boyfriend ko. Akalain mo nga namang sila parin ang nagkatuluyan sa huli?
"She's fine." sagot nito bago ininom ang champagne. "Pero hindi pa daw niya kayang humarap sa inyo ni Caleb ngayon. You know, pagkatapos ng nangyari two years ago."
Napaingos ako. "Ano ba siya? Wala na sa'min ni Caleb 'yon! We would love to have her here. Isama mo siya minsan at magdouble date tayo."
"Teka, speaking of Caleb, nasaan na nga pala ang boyfriend mong 'yon? Hindi ba dapat nandito siya?"
Sumimangot ako. "Sa totoo lang, hindi ko alam. Kanina ko pa tinatawagan hindi sumasagot." nag aalala na tuloy ako. Ang alam ko ay mangggaling siya sa isang business meeting kasama ang lolo niya pero dapat kanina pa siya narito. Saan na ba nagsuot ang lalaking iyon?
"What about his friends? I can't see anyone of them either."
Lalong nagkagatla ang pagitan ng kilay ko. Oo nga ano? Wala sila. Siniguro ko namang ang bawat isa sa mga kaibigan niya ay napadalhan ko ng imbitasyon. Ram and Zeve's wives are here already. Maging ang bestfriend ni Liam at kapatid ni Drae ay narito. Pero wala sila. Now, I'm curious. Ano nanaman kayang gusot ang pinasukan ng mga iyon at kailangang wala silang lahat dito? Nakakatampo na ha?
Sana naman walang napahamak na isa sa kanila. Kakagaling lang ng sugat na tinamo ni Caleb mula sa engkwentro nila sa kidnapper ng asawa ni Charlie. Sana naman ay hindi sila nakahanap ng bagong gusot na kasasangkutan.
Maya maya ay lumapit sa'kin si Libby na napansin kong basa ng pawis ang noo kahit pa airconditioned naman ang ballroom. Ginagap niya ang kamay ko at hinila ako. "Hoy, teka! Kausap ko pa si Axel!"
"Hayaan mo nga 'yang ex mo! Sumama ka muna sa'kin at importante ito." aniya na hinihila ako sa bandang unahan ng ballroom.
"Saan mo ba 'ko dadalhin? At bakit pawis na pawis ka? San ka galing?"
"Basta! Manahimik ka lang, okay?"
Napamaang ako. Wow! Ang sungit naman! Tumahimik na lang tuloy ako hanggang sa mapapitlag ako nang biglang mamatay ang ilaw sa buong gallery. Napatili ang ilan hanggang sa makarinig ako ng bulungan at tanungan. "Hey? Ano'ng nangyari, bessy? Nagkaproblema ba ang hotel?" biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya may mga teroristang nakapasok sa loob ng hotel? "Oh my god, Libby. Dapat siguro palabasin na natin ang guests?"
"Shh. Quiet!" she hissed. "It's about to start."
"What? Ang alin?"
Biglang bumukas ang chandelier sa ibabaw ng ballroom. May mga nagbukas na spotlight sa gilid na nakatutok sa gitna at may dalawang nakatutok sa amin ni Libby.
"What's going on, bes? Wala ito sa plano—"
"Just shut up, alright?" nakangising saway ni Libby na hindi man lang magawang tumingin sa akin. Nakapako ang mata niya sa gitna ng ballroom kung saan nakatutok ang spotlight. Isa isang pumasok ang mga nakatuxedong lalaki na nakilala kong mga kaibigan ni Caleb. Sumasal lalo ang tibok ng puso ko. Anong ginagawa nila? Pumorma sila na tila ba may isang production number silang gagawin. Napangiti tuloy ako. Ang popogi ng mga 'to.
Nagsimulang pumailanlang ang tunog ng gitara sa background, at noon naman biglang pumasok si Caleb at pumwesto sa pinakaharapan ng grupo. Nalaglag ang panga ko. He looks so dashing in his own tux. Para tuloy akong nagflash back sa araw ng supposedly ay kasal namin. I looked at him expectantly and he smiled back at me. And then he started singing, "Imagine me and you. I do. I think about you day and night. It's only right to think about the girl you love and hold her tight so happy together.."
Nagsimulang kumilos ang mga kaibigan niya sa likod at ganoon din siya. Si Zeve ang nagsilbing second voice habang back up singers slash dancers naman ang iba. Makikitang enjoy na enjoy ang mga lalaki sa pagsasayaw lalung lalo na sina Liam, Drae at Ram. Ngiting ngiti ang mga loko at nagawa pa ni Ram na kindatan ang asawa nitong maumbok na ang tiyan. Tila kilig na kilig naman si Charlie na nag flying kiss pa sa asawa.
Habang si Scor naman ay panay ang, "Fuck" at "shit" dahil parating nagkakamali sa simpleng mga steps ng kanta.
Napahagikgik ako. Hindi ko pa alam kung ano talaga ang trip ng boyfriend ko dahil parati namang may mga pakulo 'yan. Ang sabi niya baka daw kasi mainip ako sa kahihintay sa proposal niya kaya panay ang pagpapa-yummy niya sa'kin.
"I can't see me loving nobody but you, for all my life! When you're with me baby, the skies will be blue for all my life!!"
Napalunok ako nang biglang naglakad patungo sa akin si Caleb at unti unting binibitawan ni Libby ang kamay ko. "Bes! 'Wag mo 'kong iwan!" nagpapanic na sabi ko.
"Can't, bessy. Moment niyo 'to ni boyfie." nang lingunin ko siya saglit ay kinindatan niya ako at tumalilis na.
Patuloy sa pagkanta si Caleb sa harapan ko at bahagyang lumapit na din sa amin ang mga kaibigan niya. Panay ang pa-cute ni Liam sa crowd at kung sino sino ang kinikindatan. Halata namang excited si Zeve at RD na nakatingin kay Caleb habang nagsising and dance.
Nang matapos ang kanta ay isa isang nagsitabihan ang mga barkada niya. I heard Drae hissing at Scor. "The steps are fucking easy, I don't know how you managed to fuck them up!"
"Oh shut up." sagot nito na nagmamadaling nagtago sa madilim na sulok.
"Saw that, honey? Hot ko 'no?" sabi naman ni Ram sa asawa na agad ipinalibot ang mga braso sa bewang nito.
"Yeaahh.." sagot ni Charlie. "Mamaya ka sa'kin."
Si Liam naman ay dumiretso sa bestfriend nitong si Ika na ang bungad ay, "Mukha kang may tae sa puwit sumayaw."
"What? Kaya ba laway na laway 'yung mga chicks sa'kin?" anito sabay kaway at kindat sa mga naghahagikgikang co-models ni Libby na inimbita din namin.
Bumaling ang mata ko kay Caleb na nakatayo sa harap ko. Siryosong siryoso siya at tumutulo ang pawis sa noo kaya hindi ko naiwasang abutin iyon ng kamay ko.
"Natalie," umpisa niya.
Halos wala na akong marinig sa sobrang lakas ng pagtambol ng pulso ko sa tainga. Nanlalamig ang kamay ko at nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Parang alam ko na.. Oh god, ito na ba?! Napatili ako sa utak ko.
"Two years ago, we faced extraordinary challenges at nalampasan natin ang lahat ng iyon." aniya. "Two years ago, ipinangako ko sa'yo na ikaw lang ang babaeng gusto kong iharap sa dambana. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at mahalin habang buhay.. Natalie, this is me fulfulling my promise," a collective gasps and cheers erupted in the ballroom of the hotel when Caleb went down on one knee and produced a ring from the pocket of his tux. "Sweetie, ngayong natupad mo na lahat ng pangarap mo at napakilala mo na sa buong mundo kung sino ni Natalie Gifford at kung anong kaya niyang gawin, pwede bang ang pangarap ko naman ang tuparin mo?"
Hindi ko na napigilan ang pagkawala ng mga luha ko at paghikbi ko habang tinititigan ko ang kulay tsokolateng mga mata ni Caleb. Ang lalaking kay tagal kong hinintay. Ang lalaking akala ko hanggang sa panaginip ko lang makakamtan.
"Natzkie, tonight.. Please give me the assurance na matapos kong nakawin ang puso mo two years ago.. Na walang ibang makakabawi o makakaagaw pa nito and that you'll be mine forever? Please, Natalie, will you marry me?"
Naghiyawan ang mga tao at may nagbagsakang mga confetti at balloons sa paligid nang sumagot ako ng..
"YES."
THE END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top