Chapter 36
Caleb
So this is how it felt to be brokenhearted? Ganito rin siguro ang pakiramdam ni Ram sa ngayon. Maybe I should pay him a visit? It sucks to be drinking yourself to death, alone. Nilaro ko ang baso kong puno ng scotch at pinaikot ang walang lamang bote sa ibabaw ng lamesa. Damn, kahit kailan ay hindi pa yata ako nalasing ng ganito. Wala naman kasi akong dahilan. Kahit pa noong malaman kong ipinagkasundo akong ipakasal ni lolo sa babaeng napupusuan niya para sa'kin. I wasn't this wrecked..
Right now I feel like I just got hit by a ten wheeler truck and was left to die in the street. Natalie was my ten wheeler truck. Bigla na lang siyang dumating sa buhay ko, sa tahimik na sanang buhay ko. Bumusina naman siya eh, I should have known na masasagasaan ako, pero hindi eh. I met her head on. Sobrang tapang ko at sinalubong ko ang pagbangga niya sa akin. At ngayon.. Heto ako.. Luray luray.. Labas utak, labas bituka.. Malapit nang mamatay.
Aw damn. Me and my stupid analogies. Does being brokenhearted make you insane? Or maybe it's just the alcohol? Lasing lang siguro ako.
Ngunit imbis na ibaba ko ang baso ng alak at bumalik sa kama upang matulog ay inisang lagok ko iyon. Tumayo ako at kinuha ang isa pang bote mula sa night stand at iyon naman ang pinagdiskitahan.
Ang sarap magpakalunod sa alak pag nababaliw ka sa pagibig.
Matapos kong salinan ang baso ko ay nahagip ng mata ko ang isang bagay mula sa pinagkunan ko ng bote ng alak. I snatched it and toyed with it. It was the keychain Natalie gave me after I wrecked my car. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang mga pinagsaluhan namin ng araw na iyon. I can still remember hugging her when we rode that blasted train. I hugged her again while we were stranded in a waiting shed because of the rain.
That was the day I realized I was infatuated with her. That I enjoy being with her and I never enjoyed any woman's company except for her. She made me try things my lolo would probably burst a vein if he finds out about. That was the day I realized that no matter what the circumstances are, siya 'yung pipiliin kong makasama. May that be in a storm o sa siksikang train ng MRT.
How I miss her. Lahat ng mga bagay tungkol sa kanya namimiss ko. 'Yung tawa niya, 'yung pagiging baliw niya, 'yung mga walang kasing baliw na mga ideya niya. Her tenacity. Heck! I would give anything just to be with her right now. Just to listen to her giggling, just to see her hilarious attempts on flirting with me again.
Pero ano pa bang kaya kong ibigay? Ibinalik ko na lahat ng pagaari ko kay lolo. I don't have anything right now except this boat. And this keychain.
God, paano ba nangyari ito sa buhay ko?
Napapaikit na ako ng mata nang biglang sumambulat ang pinto ng cabin at iniluwa niyon ang dalawang bodyguards ng lolo ko. Pumasok si Frederick Yung sa aking kwarto na may hawak na isang baston. Ngumiti siya ng payak sa akin habang ako naman ay pinaningkitan ng mata.
"What are you doing here?" napatayo ako. Kapit ko parin sa isang kamay ko ang bote ng alak at ang keychain naman sa kabila. "I thought I already made it clear that I don't want anything to do with you or your family anymore?"
"Today's your wedding day."
Nagtawa ako ng pagak. "Ano ba sa sinabi kong hindi kong hindi na 'ko papayag na manipulahin mo pang muli ang buhay ko ang hindi malinaw sa'yo?"
Bumuntong hininga si lolo bago muling nagsalita. "Please, Caleb. Your bride's waiting for you—"
I threw the bottle of scotch behind him and it shattered across the cabin's wall. "Enough lolo! I'm tired of your games! And did I hear that right? You're resorting to pleading now? Bakit? Dahil ba hindi umubra ang pagpapakidnap mo sa mga kapatid ni Natalie? Kaya ngayon nagmamakaawa ka na sa'kin?"
"Caleb, it wasn't me who kidnapped the kids! You know I would never do such thing!" sinubukan niyang lumapit sa akin ngunit umatras ako. Kahit galit ako ay hindi ko magawang itulak siya. He was still the man who raised me, afterall. Sa kabila ng pagkamuli ko ay nangibabaw parin sa akin ang respeto ko sa kanya.
Ngunit hindi ibig sabihin noon ay magpapagamit parin ako sa kanya. "I call bullshit! Simula nang mamagitan kayo sa amin ni Natalie, simula nang puntahan niyo siya sa bahay at piliting makipaghiwalay sa'kin, hindi na 'ko nagtataka kung ano pang kaya mong gawin!"
"Maniwala ka sa'kin, apo, please—"
"Enough!" sigaw ko. "Hindi mo na 'ko matatakot, lolo! There's nothing you can take away from me that I haven't lost already. I already lost Natalie. I already lost my everything! Wala na akong pakialam sa kayamanan mo. I only want Natalie! Siya lang! But you took her away from me just like what you did to my dad and my mom." natawa ako sa gulat na ekspresyon ng mukha niya. "Why lolo? Akala mo ba hindi ko alam?"
"Caleb-"
"You took my father away from her that's why she committed suicide! Kasalanan mo! Kasalanan mo kung bakit lumaki akong walang mga magulang!" soon I realized I was sobbing. I wasn't aware how much the tragic story of my parents fucked me up until those words poured out of my mouth.
Matagal ko nang alam ang nangyari sa mga magulang ko. Their lovestory was alot like what Natalie and I had. Hindi nagmula sa isang buena familia ang aking ama. He had nothing but this boat but he was willing to strive hard upang itaguyod kami ni mama. Nang malaman ni lolo ang relasyon ng dalawa ay mahigpit niya iyong tinutulan. Ang sabi ay pinahirapan at tinakot daw ni lolo ang tatay ko upang layuan si mama. Matapos ako maipanganak ay nawala na ang ama ko. Hindi na niya binalikan pang muli si mama hanggang sa magpakamatay ang huli dala ng labis na kalungkutan.
"That's not true!" paulit ulit na umiling si lolo. "You don't know the true story! Sinong nagsabi sa'yo ng kalokohan na 'yan?!"
"Does it matter?! Ang importante alam ko na ang totoo, na sinira mo ang buhay ng nanay ko at ngayon, ang sa akin naman ang balak mong sirain!"
"I told you that's not true!" he looked like he was about to get a stroke. "Nandito ako para ayusin ang buhay mo, apo." nilingon nito ang mga body guard at nagsikilos ang mga ito patungo sa kanya.
"What are you doing?!"
Ang sumunod na namalayan ko ay may ipinaamoy sa aking mabahong bagay at unti unti akong nahilo hanggang sa nawalan ako ng malay.
"I'm sorry, apo."
---
"Ano'ng ginawa niyo?! Sinaktan niyo ba siya? Oh my god! Kakalbuhin ko talaga kayong lahat! Why isn't he waking up?"
"I honestly don't know, parang na-comatose na 'ata si gago."
"Buhusan niyo kaya ng malamig na tubig?"
Napaungol ako nang unti unting bumalik ang malay ko dahil sa maingay na pagtatalo ng mga tao sa paligid ko. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sobrang sakit at kumikirot din ang likod ko sa pagkakaupo sa one seater sofa. Sinapo ko ang ulo ko at unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Mukha ni RD ang unang bumungad sa akin. "Randall? Ano'ng nangyari?"
"Sa wakas naman gising ka na!" nakangising sabi niya. "Akala ko kailangan ka pa namin buhusan ng malamig na tubig, sayang naman ang tux mo."
"What?" gulong tanong ko. I looked down at myself and saw that I was really wearing a tux. "Oh, fuck no!"
No! No! No! Kinidnap ba ako ni lolo para matuloy ang kasal namin ni Heather? Oh, hell no! Sinikap kong tumayo mula sa kinauupuan kong sofa. "No, hindi pwede. Hindi ako pwedeng ikasal kay Heather, okay? Tigilan niyo ako. Please 'wag niyong gawin sa'kin 'to."
"Hoy, pare, easy lang!" hinawakan ako ni RD sa magkabilang braso para pigilan ako sa tangka kong pagtayo.
"Hindi, p're! Akala ko ba kaibigan kita?! What the hell are you doing here? Kasabwat ka ba ni lolo?!" nasapo ko ang noo ko nang biglang umikot ang paningin ko. I had too many scotch kaya lasing parin ako. "Bitawan mo 'ko! Hindi ako magpapakasal kay Heather! You know how much I love Natalie at hindi ako papayag na maikasal kanino man, except her! You hear me? Si Natalie lang ang pakakasalan ko!"
Hindi sumagot si RD bagkus ay ngumisi lang siya sa akin. "What? Ginagago mo ba 'ko, Randall Ferrera?!"
"Hell no!" nagtawa siya. Sinapo pa kamo niya ang tiyan niya. Isa na lang, tutuhurin ko na ang itlog ng hayup na 'to. "Mukhang nananaginip ka pa, bro. Gusto ko sanang patulugin ka pa kaya lang nandito na 'yung paring magkakasal sa'yo—"
"Sinabi ko nang—"
"Relax! Patapusin mo muna ako. Ikakasal ka na kay Natalie."
Natigilan ako. "What. The. Fuck."
Lumapit sa'kin si RD at bumulong, "If I were you, titigilan ko na ang pagmumura. Kanina pa masama ang tingin sa'yo ni father." he spun me and true to his words, the priest was eyeing me disapprovingly. Nilinga ko ang mata ko at nakita ko si Nero at ang lolo ko sa tabi ng pari. My eyes shifted to a space behind them and saw a very lovely woman standing between the priest and Nero. Her hair was neatly pinned on her nape. And she was wearing an equally lovely white dress and holding a bouquet of red roses.
"N-Natalie?"
"Hi, Caleb." mahiyaing ngumiti siya sa'kin.
Nagsimula akong lumapit sa kanya. Tumayo din siya at sinalubong ako ng yakap. "Shi—I mean, Oh god. Akala ko hindi na kita mayayakap ulit, Natzkie. Totoo ba 'to? Tell me I'm not hallucinating!"
She chuckled against my neck. "Hindi ka nananaginip, Caleb. Totoo 'to. Magpapakasal tayo. Kinausap na ako ng lolo mo, payag na siya sa relasyon natin. In fact, siya pa nga ang nagplano nitong kasal natin."
"What?" nilingon ko si lolo na nakasuot ng amerikana at nakangiti ng alanganin sa akin. "W-Why?" naguguluhang tanong ko.
Huminga siya ng malalim at hinawakan sa magkabila niyang kamay ang tungkod niya. "Patawarin mo ako, apo. Patawarin mo ako kung pinangunahan kita sa mga desisyon mo sa buhay. Patawarin mo 'ko kung ipinipilit ko sa'yo ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto. You see, I just don't want you to suffer the same fate as your mom."
My eyes narrowed in confusion. "What do you mean, lolo?"
Tumungo siya bago nagsalita. "I don't know who told you the story but I can assure you that it's not true." tumingin siya sa akin ng diretso. "Matagal kong itinago sa'yo ang katotohanan dahil ayokong sirain ang imahe ng ama mo sa'yo. Hindi maganda ang pakay niya sa iyong mama, Caleb."
Hinawakan ni Natalie ang kamay ko ng mahigpit habang nakapako ang mga mata ko kay lolo.
"Pinerahan niya ang mama mo dahil alam niyang nagiisa kong tagapagmana si Callista. Pinlano niyang gamitin ang mama mo para makuha ang gusto niya, ang kayamanan ng mga Yung." aniya. "Isang araw ay ininporma ako ng mga auditor ng kumpanya na bumili ng yate ang mama mo at nang malaman kong para iyon sa kasintahan niya ay galit na galit ako kay Ricardo. Tinakot ko siya, oo. Sinabi ko na kung wala siyang magandang balak sa anak ko ay layuan niya si Callista. Huli na nang malaman kong buntis pala ang mama mo sa'yo. Sinubukan kong hanapin ang tatay mo at pabalikin para sa'yo at sa mama mo pero huli na. Nagpakalayo na siya dala ang lahat ng perang nahuthot niya kay Callista."
"Caleb, apo. Gusto kong malaman mo na sinubukan ko. I did my best to get him back for you. I don't want you to grow up thinking your father abandoned you and your mom. I swear. I did my best." pinahid niya ang luhang umalpas mula sa mata niya. Maging ako ay pakiramdam ko maiiyak ako. Natalie was already sobbing silently beside me. "Nabigo ako, apo. Nabigo akong mabigyan ka ng magandang buhay at buong pamilya. When your mother demanded that I tell her what really happened, napilitan akong sabihin sa kanya ang lahat. She was so broken hearted. She felt betrayed. Because of that she became really depressed until she decided to.."
"End her life.." pagpapatuloy ko sa sasabihin niya. A tear fell from my eyes.
Lahat pala ng alam ko tungkol sa mga magulang ko ay puro kasinungalingan. Isang dating katulong ang nagsabi sa akin ng kwentong iyon. Parang naging isang malaking joke tuloy ang buhay ko. Gold digger pala ang aking ama. How fucked up is that?
Tumango si lolo at hinawakan niya ang braso. "I'm really sorry if I failed you, apo. I realized I was wrong. Very wrong. Sana mapatawad mo ako. I just really wanted what I thought was the best for you. Buong akala ko ay si Heather iyon. But her father proved me otherwise. Pareho lamang sila ni Ricardo na balak gamitin ang pangalan natin para sa sarili nilang kapakanan. And so I went to Natalie, I talked to her and I realized how very wrong I was. Wala pala akong dapat ipagalala sa'yo, apo. She is a great girl. She is perfect for you, Caleb. And she loves you, ikaw mismo at hindi ang kahit anong karangyaan na nakakabit sa pangalan mo."
Tumingin ako kay Natalie na tahimik paring lumuluha sa tabi ko. I smiled amd she smiled back inspite of her tears. "That I know."
"So, now that everything's settled.." tumingin ito sa lahat ng nasa kwarto. "Ngayon lang naman ito, apo. Maliit na kasalan muna, pagkatapos ay saka na kayo magplano ng enggrande niyong kasal." nakangiting sabi ni lolo. "Makakasiguro kang wala kang maririnig na pagtutol mula sa akin."
Sabay kaming napa-'wait' ni RD.
"Mawalang galang na po. I just have to ask," ani RD. "What happened to Heather?"
"Well," bumuntong hininga si lolo. "She was taken cared off. And her father, I, uh.. Pinakulong namin siya kasama ni Honesto."
"What? Why?"
Nero came forward. "We found out na siya pala ang may pakana sa kidnapping nila Patricia at Patrick at kasabwat ang assistant ng lolo mo."
RD and I gasped. Truth to be told, hindi ko inasahan iyon. Masyado siguro akong nabulag sa galit ko kay lolo kaya wala akong ibang pinagbintangan kundi siya. Nakaramdam tuloy ako ng konsensya. "I'm sorry lolo kung napagbintangan kita."
"I deserve that, apo. Hindi rin naman ako naging mabuting lolo sa'yo."
"Okay, that's not true."
Itinaas nito ang kamay. "Really, Caleb, it's okay." ngumiti siya at niyakap ako. "Sige na, baka naiinip na si father sa dami ng seremonyas natin." bumaling ito sa pari. "Simulan na po natin ang kasal, father—"
"No!"
Napatingin silang lahat sa akin. Bumaba ang mata ko kay Natalie at nanlalaki ang mata niyang nakatitig sa'kin. "Caleb—"
"I can't marry you right now, Natzkie." Bumaling ako sa pari. "I'm sorry for wasting your time father, but there will be no wedding today."
Sari sari ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Mukhang susugurin pa nga ako ng kuya ni Natalie kung hindi ito napigilan ni RD. "Why?" nanginig ang mga labi niya at nagsimula nanamang tumulo ang luha niya. "Dahil ba iniwan kita? I knew it! I knew it! Hindi ko naman sinasadyang saktan ka, Caleb. Natakot kasi ako-"
Inilapat ko ang daliri ko sa labi niya para matigil siya sa kabaliwan niya. "I know, sweetie.."
"Ayaw mo na ba sa'kin?" she sobbed. "I know I'm not the perfect girl. Tingnan mo nga ako, hindi naman ako bagay sa'yo. Pero mahal kasi kita Caleb eh. Mahal na mahal! Sorry kung naduwag ako at natakot akong ipaglaban ka. I just.. I just.." naputol ang sasabihin niya nang tuluyan na siyang mapahagulgol. I gathered her in my arms.
"Natzkie, sweetie, listen to me." I cupped her face and smiled at her. "Walang kahit na ano sa mundong 'to ang makakabawas sa pagmamahal ko sa'yo. You may not be the prettiest and the smartest girl in the world but you are perfect for me. At kahit ilang beses mo akong iwan basta alam ko at nararamdaman kong mahal mo ako, hinding hindi ako bibitaw. Naiintindihan mo? Mahal na mahal kita, Natalie, kahit saktan mo ako ng paulit ulit, ang puso ko para sa'yo lang.."
"Eh bakit ayaw mo 'ko pakasalan?!" nagawa pa niyang ipadyak ang paa niya na siyang ikinatawa ko. "Naman Caleb, ngayon ka pa ba magpapakipot?!"
Tumawa ako at hinalikan ko siya sa labi. "Because you deserve more than a shotgun wedding, sweetie. Gusto kong pakasalan ka sa simbahan mismo. Kapag pareho na tayong handa, kapag natupad mo na lahat ng pangarap mo. Hindi 'yung ganito, ni hindi ka nakasuot ng magandang gown, you are not wearing an enormous diamond in your finger, wala din dito ang parents mo at higit sa lahat, lasing pa 'ko!"
Nagkatawanan kaming lahat sa loob ng kwarto. Niyakap ko si Natalie at masuyong hinalikan siya sa bumbunan. "Let me make this right for you, Natalie. Trust me. Hindi ba sinabi ko naman sa'yo, you are beautiful, sweetie, and you deserve something equally beautiful."
Umismid siya habang nakayakap sa akin. "Basta bilisan mo lang, ha? Kapag ako nainip!"
"Don't worry, Natzkie, aaliwin kita ng pagmamahal ko para hindi ka mainip sa paghihintay. Araw araw kitang pakikiligin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top