Chapter 31
Natalie
Wala na yatang mas sasarap pa sa mga halik ni Caleb. Hinding hindi ako magsasawa kahit ito pa ang agahan, tanghalian at hapunan ko, araw araw! Isama mo pa ang merienda at midnight snack! Syet, labi pa lang, ulam na! His mouth tasted like wine and I'm slowly getting addicted to it with every swirl of our tongues. He smelled so good, too. Very manly with a small hint of perfume. I smiled against his lips. Sana tumigil ang oras at manatili na lang kami dito sa loob ng kwartong ito habang buhay!
"Why are you smiling, sweetheart?" his lips brushing against mine. His hands curled in the base of my waist and his fingers are slightly grazing the skin of my back.
"May balak ba tayong gawin sa kwarto na 'to, Caleb?" agad na namula ang pisngi ko nang mapagtanto ko ang nasabi ko. Nalasing na yata ako sa labi niya at kung anu ano na ang sinasabi ko! "I-I mean—"
Caleb chuckled and lifted my chin using his thumb and forefinger. "Bakit, sweetie? Gusto mo ba may gawin tayo?"
"H-Ha? H-Hindi naman—"
"Gusto mo ba may mangyari sa'tin ngayong gabi?" his eyes glinting as he spun me around so we are both facing the king sized bed in the middle of the room. "Had I known na gusto mong may mangyari sana kumuha man lang ako ng suite."
My insides clenched at what he was implying. I sagged against him and I felt the fabric of his suit on my bare back. Tila nanghina ang mga tuhod ko at kinulang ako sa hangin kaya bigla akong naliyo. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa balikat ko para alalayan ako habang hinihintay niya ang sagot ko. I gulped. My hand instinctively reached for his hand for comfort, ngunit nalimot kong nasa mga balikat ko nga pala iyon at iba ang nadakma ng kamay ko.
"Ow!" Caleb jumped back and I quickly turned to him.
Batid kong pulang pula ngayon ang mukha ko. "Sorry! Sorry! Juicecolored! Ano ba 'yun?!" Did I just grab his genitals? Oh God! I did not, did I? But, Oh my goodness, he was hard!
"Natzkie?! A little warning would do!" he scolded. His face was the same color as mine. He winced as he turned his back to adjust his crotch, muttering silent curses.
"Sorry na nga eh." I pouted. Hindi ko naman sinasadya na mapisil iyon. Bigla na lang talaga! Umakyat na yata sa mukha ko lahat ng dugo ko.
He looked at me and studied me for a while. Then a small smile formed in his lips. "Oh 'wag ka nang sumimangot d'yan. Come here." he opened his arms for me.
"I promise I won't grab your.. Your thing.. Again." napayukong sambot ko.
Natawa siya ng husto at hinablot ang kamay ko. Hinigit niya akong palapit sa katawan niya at niyakap ako. "Sorry, sweetie, are you disgusted with me now?" masuyong bulong n'ya.
"Hindi kaya." nagsalubong ang kilay ko. "Baka ikaw, na-turn off ka na sakin? Hindi ko talaga sinasadya, Caleb. Masakit ba?"
"Medyo lang." tatawa tawa padin niyang sagot. Naramdaman ko ang daliri niya na naglalaro sa likod ko. He was tracing my spine using his fingers and goosebumps started raising on my nape and arms. "So...?"
"Anong so?" nakanguso ko pa ding tanong.
Natawa siya. "Wala." iginiya nya ako paupo sa kama at kunot noong tinitigan ako. "You look astonishing tonight, Natzkie. But I don't really approve of this kind of dress."
"Ano namang masama?"
"Masyadong revealing!"
Umingos ako. "Eh bakit si Heather, kulang na lang lumuwa ang dibdib niya sa suot niya?"
"Wala akong pakialam sa kanya." dinaluhan niya ako at umupo sa tabi ko. Hinimas niya ang nakahantad kong likod. "You look beautiful, Natzkie. Pero mas maganda ka sa paningin ko kapag balot na balot ka. This," his palm traced the skin from my nape down to the small of my back. "is for my eyes only."
"Ang damot! Ishare mo naman sa iba, kahit konti!" tudyo ko pa.
"Ayoko! Akin ka lang eh. Madamot talaga 'ko pagdating sa'yo."
Pa demure na ngumiti ako at ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Bakit ba sobrang sweet mo ha?"
"Sweet ako? Kiss mo nga ako kung sweet ako." hamon niya habang kumikinang ang kulay tsokolateng mata na nakatitig sa'kin.
"'Yun lang ba?" I was about to bring my lips to his when someone knocked on the door. "Sino 'yun?" kinakabahang tanong ko.
"I don't know." tinanggal ni Caleb ang mga braso ko sa leeg niya na siyang ikinasimangot ko.
My hand gripped his arm and prevented him from getting up. "Hayaan mo na lang kaya?"
"No. Wait here, Natalie."
Tuluyan nang nawala ang ngiti ko at humalukipkip habang patungo si Caleb sa pinto. He peeked on the peep hole and we heard someone talk. "Pare, Heather's looking for you. Papunta na siya dito. Bakit kasi ang tanga mo? You booked this room using your name? You're so dumb, pare!"
"Shit!" he wrenched the door open and ushered RD in. Napatayo na rin ako mula sa kama at lumapit kay Caleb. His friend threw me an apologetic look.
"I'm really sorry for interrupting you guys but your dates are both looking for you." anito na saakin nakaharap pagkatapos ay bumaling siya kay Caleb. "Dude, like I said, papunta na dito si Heather. I saw her talking to the receptionist. You have to get out of here before she sees both of you."
Napahagod si Caleb sa buhok nito. Tinapunan niya ako ng tingin. "I can't, RD."
"Alam kong kanina pa kayo sabik sa isa't isa," ani RD. "but you don't want to make a scandal pare. Nasa party tayo. Engagement party mo!"
I winced at that. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'ya.
"I'm sorry Natalie."
Umiling lang ako kay RD at naupo sa kama. Tapos na ang fairytale ko. Oras na para gumising sa katotohanan. "Sige na, Caleb, bumaba ka na. Susunod na din ako."
Marahas na umiling si Caleb at nilapitan ako. He cupped both my cheeks and looked at me intently. "No, sweetie, I won't leave you here, okay? RD, can't you make an excuse or something?"
"Dude—"
"Please, pare, I'll owe you! I'll give you whatever you want!"
"Hindi na, Caleb!" tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "I'll be fine, sige na puntahan mo na si Heather. Gusto ko na din umuwi at medyo sumama ang pakiramdam ko."
He groaned and hugged me fiercely. "I'm really sorry, sweetie. I hate to do this."
"Okay lang talaga—" naputol ang sasabihin ko nang makarinig kami ng sunod sunod na katok ng pinto. All three of us hurried towards the door and Caleb peeked on the peep hole, again. Nadismaya ako sa reaksyon niya. Alam ko na agad na si Heather iyon.
"Caleb, honey, are you in there?" she said in her irritating high pitched voice. After that, she rattled the door knob. "Caleb, let me in! I know you're in there, the receptionist told me."
Napapikit ng mariin si Caleb at muli akong niyakap. Si RD ay nagaalalang nakamasid lang sa amin.
"I'm really sorry, sweetie. I'll make it up to you, okay?" he grabbed my face and kissed me a little roughly. "I love you so much, sweetie." bulong niya sa tainga ko bago ako pinawalan. He turned towards RD. "Stay here with her, make sure she comes back to the party safe."
"No problem." pabulong na sagot ni RD.
Tumingin muli sakin si Caleb at kita ko kung gaano sya nahihirapang iwan ako. My chest tightened at his pained expression. Kahit ako naman, ayoko siyang umalis. Pero tama si RD, magdudulot ng eskandalo ito kung sakaling mahuli kami ni Heather na magkasama. Siguradong sasabog sa galit ang babae at lalung lalo na ang lolo ni Caleb.
He took my hand and squeezed it. I mouthed the words go and he mouthed the words, i love you, before we heard another bout of knocks and rattling of the knob. He sighed exasperatedly and RD and I moved towards the back of the door. He casted me another longing look and opened the door.
Hindi ko naiwasan ang pagtulo nang luha ko nang tuluyan na siyang makalabas ng pinto. RD squeezed my shoulder as we both remained flat against the wall. I know I'm being childish. Ako naman kasi ang nakaisip nito pero bakit ganun? Ang hirap pala kapag may ka-share ka sa true love mo. Oo, alam ko naman na mahal ako ni Caleb at gingawa lang namin 'to para sa kaligtasan ko at ng pamilya ko. Pero hindi ko pala kaya na may kahati sa kanya.
"Shh." bulong ni RD sa tainga ko. "Baka marinig ka nila. Tahan na."
Noon ko narealize na sisigok sigok na pala ako. Pinahid ko ang mga luha ko at agad na sumilip sa peephole nang sumara ang pinto.
"Bakit ang tagal mo magbukas? What are you doing there ba?" I heard Heather saying as she grabbed Caleb's hands. She's pouting and throwing herself at my boyfriend.
Nanginig ang kalamnan ko. Ganito pala ang feeling pag harap harapan nilalandi ng iba ang boyfriend mo, nanlalaki ang ulo ko at ilang segundo na lang gigibain ko ang pintong 'to at sasabunutan ko ang babaeng ito hanggang anit na lang ang matira sa ulo niya. Ingungudngod ko mukha nito sa sahig hanggang mapuno ng carpet burns ang mukha niya! Malandi! Higad! Sarap buhusan ng muriatic acid!
"I'm tired, Heather, cmon," tatalikod na sana si Caleb nang higitin ito ng babae.
"Okay, give me a kiss first." lalong nagdilim ang paningin ko nang walang anu ano'y sinakop ng babae ang bibig ng nobyo ko.
My hand grabbed the knob but RD was quick on snatching it. He wrapped his arms around me, caging me. "Don't do it, Natalie, please." he whispered from behind me as he tugged me towards the bedroom. "Natalie, stop."
Noon ko namalayan na nanginginig na pala ako. My eyes started to water as RD eased me to the bed. Napaupo ako doon habang sya naman ay yumukod sa sahig, patuloy na hinihimas ang ulo ko na parang bata. I slowly relaxed. "That's right. Take it easy babe." his soothing voice calmed me.
Sunod sunod ang paghinga ko sa bibig dahil sa barado kong ilong. Naglabas ng panyo si RD at itinapat iyon sa ilong ko. "Blow."
Tila masunuring bata na ginawa ko naman ang utos niya.
"Hindi gugustuhin ni Caleb na makita kang ganito, Natalie." he said while wiping snot off my nose. "I'm sorry for what happened. Please, 'wag ka nang umiyak. Sasapakin ako ni Caleb pag nakita ka niyang ganyan."
"Gusto ko nang umuwi." hikbi ko.
"Do you want me to drive you home?"
Sisigok sigok na tumango ako.
"Paano ang date mo?"
"I don't care!" nagsimula nanaman akong humagulgol at agad na naupo si RD sa tabi ko at inalo ako.
"Hush, Natalie." he said. "Ako nang bahala. Ihahatid na kita sa inyo. Tahan na, please?"
I grabbed his tux and cried against his neck. He awkwardly patted my back and continued whispering reassuring words to me. Iyon na ang huli kong naalala sa gabing iyon.
---
Caleb
I slammed RD against his Ford Expedition the next day I saw him. Hindi sinasagot ni Natalie ang mga tawag ko and I was worried sick. Gusto ko na sana siyang puntahan sa bahay ngunit natali naman ako sa isang board meeting.
"Whoa!"
"Where's Natalie? What happened to her? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?" pinitserahan ko si RD at ngali ngali nang sapakin ang mukha nitong nanatiling nakangisi sa akin kahit pa ilang segundo na lang ay sasabog na ang ulo ko sa inis.
"Hey, easy!" aniya. "Drae and the guys are here, baka isipin nila nag e-LQ tayo."
"Tarantado ka!" I hissed as I let go of his collar.
Pailing iling na inayos niya ang sarili habang ako naman ay tinanguan ang mga barkada naming kalalabas lang ng mga kotse nito. "Tara, Caleb! Foodtrip muna tayo, kararating lang ni Scor!" Drae called.
Tinanguan ko lang muli siya bago bumaling kay RD. "Ano na? What happened to my girlfriend? Simula pa kagabi hindi siya sumasagot sa tawag ko. Did something happen when I left her last night? Hindi na rin sya bumalik sa party. Was she able to get home safe?"
Nainis akong lalo nang pagtawanan ako ni RD. "Iba talaga tama mo, pare!"
"Tangina, p're!" napasabunot ang isang kamay ko sa buhok ko. "Hindi mo lang alam!"
"Mahal mo ba?"
"Oo!" I rubbed my face with my hands. "Mahal na mahal ko. Kaya kailangan makaisip na 'ko ng paraan para makawala sa engagement na 'to."
Pailing iling na sumandal si RD sa sasakyan nya at pinagkrus ang mga braso at mga paa. "Your girlfriend's upset. Apparently, nakita niyang naghalikan kayo ni Heather—"
"Shit naman pare! Hindi ko hinalikan 'yon!"
"Relax!" nakangising sambit ni RD. "Alam ko. Alam din ni Natalie 'yon! Pero magkagayunpaman, it upsets her. Ikaw kaya makita siyang hinalikan ng kung sinong lalaki d'yan, papayag ka ba?"
"Of course not!"
"See?" tinapik niya ako sa balikat. "Give her some space. Hayaan mo muna magpahinga ang girlfriend mo, nakatulog 'yon sa hotel kakaiyak. Binantayan ko siya hanggang sa magising siya. And don't worry, I didn't do anything! Ako na rin ang nagtext sa ex niya na masama kunwari ang pakiramdam niya at nauna na s'yang umuwi. Ako rin ang naghatid sa kanya kinaumagahan at kung hindi mo maitatanong, I slept on the couch of that damned hotel room. So, you owe me big time."
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa narinig kong kwento ni RD. Kaya lang ay kailangan ko paring magpaliwanag kay Natalie. I really didn't kiss Heather. Sana nakita niya kung paano ko itinulak ang babaeng iyon at iniwan sa hallway. That woman! Sigurado masama parin ang loob ng girlfriend ko. I wanna be with her right now. Gusto kong ako ang magpagaan ng loob niya.
"Tara na, pre. Kikitain pa natin si Ram!" sigaw ni Liam na kasamang nakatayo ni Drae sa gilid ng parking lot.
"Tara na, Cal." yakag ni RD.
"Gusto kong puntahan si Natalie." deklara ko.
Inirapan ako ng kaibigan ko. "If I were you, palipasin mo muna. Call her or text her instead. Mahirap na, maraming mata." he nodded at one direction and true, I saw Honesto standing just outside their building, eyeing me suspiciously.
I cursed under my breath.
"Sumama ka na sa'min." siniko ako ni RD. "Makakatunog na sila Drae sa pinaguusapan natin, alam mo naman mga 'yan."
Tumango na lang ako at iniwan na siya sa kotse. Dinukot ko ang susi at cellphone ko sa bulsa at dumiretso na din sa kotse ko. Sinalubong ako ni Liam at Drae.
"Ano 'yun ha?" ani Liam.
"'Wag nga kayong tsismoso. Tabi!" sinuksok ko ang susi ng kotse ko.
"Sus, palihim lihim pa! Bakla!" tudyo nito habang tatawa tawang umalis. Si Drae naman ay kinunutan lang ako ng noo at lumulan na rin sa sasakyan niya.
Isinara ko ang pinto ng sasakyan ko saka ko binuhay ang cellphone. "Mga bwisit." bulong ko habang nagtatype ng text kay Natalie. May ilang minuto din ako na nagcompose at narinig kong binubusinahan na 'ko ni Liam bago ko isinend ang mahabang message. Tangina talaga 'to.
"Ano? Nilalaro mo pa 'yang itlog mo?" nakangising pangaasar ni Liam nang tumapat ako sa kanya.
I just flipped him the bird and drove to Ram's house.
---
"Like they say, a shoulder to cry on becomes a dick to ride on."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Liam. How could this moron say that? Palibhasa ang tingin niya sa mga babae, nothing but horny bitches. In a way, naaawa ako sa kanya dahil hanggang ngayon sa edad niyang 'yan, hindi niya alam kung anong pakiramdam ng nagmamahal. And probably, he will never know. Not in this lifetime, I suppose. "'Pag narinig ka ni Ram, bangas ang aabutin mo."
"Well, he's not here."
Umalis na kasi si Ram matapos gumawa ng eksena ang magaling kong pinsan sa harap mismo ni Charlie. Ang babaeng dating kasama nito nu'ng minsang sumabak kami sa isang drag race. Akala ko pa naman sila na ang magkakatuluyan! Ram was so smitten with that Red head. But, apparently, not so. Nagkasakitan ng loob ang dalawa at ngayon, may iba nang boyfriend si Charlie sa katauhan ng bestfriend nito na according sa ungas na si Liam, ang shoulder to cry on na ngayon ay dick to ride on na ng babae.
I winced and glanced at my friends, particularly at RD. Shit! Ito pa naman ang iniyakan ng girlfriend ko kagabi! Putangina wag na s'yang makalapit lapit sa Natalie ko mula ngayon, mahirap na baka masulot pa ni gago! Makakapatay talaga ako ng wala sa oras at hindi bale nang kaibigan ko siya. Natzkie's mine.
Mukhang nakahalata ata si RD na masama ang titig ko sa kanya at bigla siyang namula. Naintindihan niya siguro kung anong iniisip ko.
Fuck you, man! Don't you ever lay your hands on my woman!
Napatikhim bigla si gago. "S-so, what's the plan?"
Sasagutin ko sana siya na ang plano ko ay hugutin ang bituka niya at gamitin 'yon pansakal sa kanya nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was Natalie!
Napansin kong nakatingin din doon ang katabi kong si Scor kaya agad akong napatayo. "Excuse me." nagmamadali akong tumayo at sinagot ang telepono ko. "Sweetheart, where the hell are you? Are you okay?"
"Caleb?"
"What the hell? Libby? Nasa'n si Natalie?"
"Sunduin mo nga 'tong bugak mong girlfriend! Andito kami sa bar ng kaibigan mo. She's drunk!"
"What?!"
"Sino 'yan? Si Caleb ba 'yan?" narinig ko ang boses ng girlfriemd ko sa kabilang linya. "Baby ko! Sunduin mo na 'ko! Miss na kita! Lasing na lasing na 'ko." anito na humahagikgik pa kahit wala namang nakakatawa sa sitwasyon. In fact, nagsisimula na nga akong makaramdam ng iritasyon sa kanya.
"Libby, 'wag mo muna siyang iwan ha? Papunta na 'ko d'yan."
"Okay, okay. Bilisan mo, paaalisin na kami ng bouncer dito eh!"
Shit! "Alright, hang on. Papunta na 'ko. Tell her not to do anything stupid. Parating na kamo ako. Lagot kamo s'ya sa'kin!"
Sunud sunod na oo lang ang isinagot ni Libby at ibinulsa ko na ang cellphone. That woman! Makakatikim talaga ang babaeng iyon sa'kin! Sinipat ko ang relo ko at natagpuan kong alas siete pa lang ng gabi. Alas siete pa lang, lasing na! Lagot talaga siya sa'kin!
Agad na 'kong nagpaalam sa mga kaibigan ko sa kabila ng mga protesta nila. I typed a quick text at RD, telling him to call his employees at huwag paaalisin ang girlfriend ko at ang kaibigan niya. Saka ko mabilis na pinasibad ang kotse ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top