Chapter 30

Natalie

Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko patungkol sa relasyon namin ni Caleb. Mahal ko siya. Hindi ko pa 'yon nagagawang sabihin sa kanya pero alam kong nararamdaman niya. At alam kong gaya ko, hindi na rin siya papayag na mapaghiwalay pa kami ng kung sino.

"I don't think so, Natzkie."

Umismid ako. "Wala ka nang magagawa! Kailangan nating gawin 'to, may iba ka bang naisip na paraan?"

"Wala, but—"

"Wala ng but but, Caleb! It's the only way, ya know?"

Sumimangot siya at nagkagatla ang noo niya. "I know, it's just that.. Something about your scheme doesn't sit well with me."

"Like I told you, we have no choice. Ayokong makalapit lapit ang lolo mo sa pamilya ko." I crossed my arms in front of my chest and looked at him stubbornly.

Caleb still looked skeptical. "I completely understand you, baby, but isn't there another way?"

"Wala na nga akong ibang maisip!"

Isinuhestyon ko kase na magpanggap kaming naghiwalay na para sa katahimikan ng lahat. Wala pang permanenteng solusyon kung paano matitigil ang lolo nya sa pagmamanipula sa buhay niya but at least this buys us time to come up with a lasting solution.

"Are you sure about this, Natalie? Kaya mo ba?" bakas ang pangamba sa mukha nya ngunit determinado na 'ko.

"Wala 'kong di kakayanin para sayo, Caleb, alam mo 'yan."

He stared at me for a few seconds more then he licked his lower lip. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ang sweet mo naman, pakiss nga ako?" tumango pa siya na tila batang nangungulit ng piso tapos ay inginuso ang mapupulang labi.

Napakaloko nito. "Heh! Makita tayo ni mama!"

Naipakilala ko na siya kanina sa nanay ko nang datnan kami nito na nagyayakapan sa may sala. Nasigawan pa nga ako dahil hindi ko man lang daw nagawang magbihis at naka duster akong butas butas sa harap ng bisita. Ipinakilala ko din si kuya Nero sa kanya and it turns out Caleb already knew my brother for he is working for one of his friends.

Magiliw ang naging pagtanggap ng nanay at step brother ko sa kanya. Madaling nakuha ni Caleb ang loob ng mga ito at kung hindi ko lang siya kinurot sa tagiliran marahil ay nakapagbiro na ito sa kanila ukol sa kasal na sinasabi niya.

Ni hindi pa nga ayos ang problema namin sa lolo niya, chura nitong lalaking 'to!

Caleb was carressing my face and was lowering his head for a kiss when my phone rang. Nakangising iniwasan ko ang halik nya at dinampot ang cellphone sa ibabaw ng lamesita. Ganoon na lang ang pagkabigla ko nang mabasa ang pangalan ng tumatawag.

"Who is it?" kunot noong tanong ni Caleb.

"It's Axel."

He swore under his breath and threw his head on the backrest of the sofa. Tinitigan ko siyang maigi habang hawak hawak parin ang phone na patuloy sa pag ring. He arched a brow at me. "Sagutin mo na, baka may importanteng sasabihin ang ex mo." pinagdiinan talaga nito ang salitang ex.

"Caleb.."

"Seriously, Natzkie, it's okay." his eyes diverted to the window.

"Magseselos ka eh." nakangusong sabi ko.

He forced a smile at me. "You're right, magseselos ako." tumingin ito sa phone na tumigil lang saglit sa pagring ngunit after a few seconds, tumunog na ulit. "Actually, nagseselos na 'ko ngayon pa lang. But that might be important. Sige na, sagutin mo na't baka uminom ng racumin 'yang payatot mong ex."

Napangiti na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. "I'll make it quick." I promise then pressed the answer button. I didn't feel the need to get up from my seat and find a more private place. I just thought that whatever Axel's got to say, Caleb has to hear it too. Ayokong magsuspetsa ang boyfriend ko. "Hello?"

"Nana?"

"Axel." I acknowledged. "Sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ang pagtawag sakin ng Nana. Anong kailangan mo?"

"I'm sorry, did I catch you in such a bad time? Mukhang mainit ang ulo mo." pabiro pang sabi nito sa kabilang linya.

Napairap ako. I looked at Caleb and he was smiling at me. Damn, I need to kiss him right now! "Uhh, Axel, can you make it quick? May gagawin kase ako." hahalikan ko lang 'tong pogi kong boyfriend. Napahagikgik ako sa loob loob ko.

"Hmm. Okay. Gusto lang sana kita iinvite sa isang event sa office, wala kase akong kadate."

"Ka date?" I repeated. Caleb's brows furrowed. "You do realize that I am your ex, right? Matagal nang tapos ang relasyon natin. Baka lang nakalimutan mo?"

"Natalie naman.." he said. "Just give me a chance para makabawi sayo. Please?"

"Bakit nga pala ako ang niyayaya mo?"

"Balita ko kase.."

"Balita mo ano?"

"You and Caleb broke up?"

My breath hitched. Bakit tila ang bilis naman yatang kumalat ng balita? Noon eh wala namang nakakaalam na kami ni Caleb tapos ngayon, alam ng lahat na nagbreak kami? What the hell? "Paano mo nalaman?"

"It doesn't matter, Nana,"

"Of course it matters!" di napigilang napataas ang boses ko. Hindi nakasagot si Axel sa kabilang linya. "I'm sorry Axel, I didn't mean to—"

"It's okay, Bumawi ka na lang sa'kin, at samahan mo 'ko sa event. That's on saturday. Formal wear. 6pm. I'll pick you up. See you, Nana!"

Napanganga ako at tinitigan ang cellphone. Ano nangyari?

"Anong date pinagsasasabi ng mokong na 'yon?" maasim ang mukhang untag sakin ni Caleb.

"He wants me to be his date in an event. Sa office daw nila?"

"Damn." he muttered.

"Why?" nagpapanic na tanong ko.

He looked at me apologetically. "It's a celebration of the merger. Our company and Heather's dad's company. On saturday in our hotel."

"Oh." tanging naisagot ko.

"Yeah. Oh." ani Caleb. "I'm gonna be there, too. With.. Heather."

Napatungo ako. Ka-date ni Caleb sa event si Heather. Kung sasama ako kay Axel, paniguradong makikita ko ang dalawa dun. Kakayanin ko ba?

"Nagseselos ka ba, Natzkie?"

"Oo." agad na sagot ko.

"I'm sorry." he sighed. Ngunit hindi parin ako tumitingin sa kaniya. "Look, if you feel bad about this, hindi na lang ako aattend. I'll make an excuse. Just don't be like this, sweetie. Ayokong magisip ka ng masama sakin."

Nagaangat ako ng paningin at nguniti ako sa kanya. "Sasama ako kay Axel, tatanggapin ko ang imbitasyon niya."

"What? No!"

"No! No!" alo ko sa kanya. "I have to be there, Caleb. Para mabantayan kita. And para mabantayan mo rin ako. If we both show up with different dates, iisipin ng lolo mo na break na talaga tayo and that will get him off our backs!"

Saglit na nagisip si Caleb. "Pero magseselos ako pag nakita ko kayong magkasama ni Axel at alam ko ganun ka rin. I don't want you to get jealous. Baka awayin mo pa 'ko."

Niyakap ko ang boyfriend ko. "Okay lang, you can always reassure me na ako lang ang mahal mo para di ako magselos."

He smiled against my head. "Can we start now?" he tilted my chin up.

"Hell yeah." bulong ko bago bumaba ang labi nya sakin.

---

I nervously wrung my fingers as the elevator ascended to the hotel's function room. Nakangiti si Axel habang nakaakbay sakin at nakatingin sa repleksyon namin sa salamin ng elevator.

"I missed you, Nana."

I squirmed under his touch. "Please, Axel, pinagbigyan ko lang ang imbitasyon mo pero hindi ibig sabihin nito magkakabalikan na tayo." dumistansya ako ng kaunti sa kaniya at ineksamin ang repleksyon ko sa salamin. I was wearing a black sequined gown, courtesy of my ever reliable best friend. Konserbatibo iyon kung ang pagbabasehan ay ang halos close neck na yari nito at ang mahahabang manggas. Ngunit pag tumalikod ako ay hantad ang buong likod ko.

Which is why I'm nearing hypothermia now.

Takte, ba't ba kasi pumayag ako na ito ang suotin ko? Kulang na lang manginig ang ngipin ko sa sobrang lamig sa loob ng hotel nila Caleb.

"I'm sorry.." usal ni Axel. "I was just trying to win you back."

Nilingon ko siya at inalayan ng maliit na ngiti. "Let's just be friends, Axel. Kung anuman ang meron tayo noon. Tapos na 'yon. Hindi na natin maibabalik pa. I'm sorry."

"It's okay. Alam ko naman 'yun." he sighed. "Nagbabakasakali lang naman ako."

Tumango na lang ako bilang sagot. Ayokong sumagi sa isip niya na dahil kay Caleb kaya ayoko nang makipagbalikan. Ayokong may makaalam na hindi kami totoong naghiwalay.

Nang marating namin ang function room ay halos malula ako sa ganda ng lugar. The place was swarmed by handsome and beautiful people. Pakiramdam ko tuloy ay OP ako. Parang hindi ako nababagay sa ganitong lugar. Hindi ako nababagay sa ganitong mundo.

Napailing ako. Erase! Erase! I shouldn't be thinking like this! If I wanna be a part of Caleb's life, dapat makasanayan ko ang ganito. This is his life.

"Let's go, Natalie." ang paghawak ni Axel sa bandang likuran ko ang nagpabalik sa akin sa ulirat. Hindi ko napansin na napatigil pala ako sa entrance ng lugar. Niyakag niya ako patungo sa table na designated para sa kanya.

Habang naglalakad ay inilibot ko ang mata ko in search of Caleb. Nang matagpuan ko siya ay agad na nagtama ang mga mata namin. Halos malaglag ang panga ko nang hagurin ko siya ng tingin. He was wearing a black tuxedo and he looks so handsome! Jusko! Ang panty ko, nalaglag yata!!

He smiled as he took on my appearance. Sinadya kong magpaganda ngayon, para sakin ka lang titingin bugok ka! I hope my message was conveyed at the way my eyes squinted at him. Tumango siya at bahagyang kinagat ang labi upang ipaalam sakin kung gaano nya naappreciate ang ayos ko. Natawa naman ako dahil bigla siyang niyugyog ng kausap niya. Si CTK pala!

Nagkatawanan ang dalawa at pasimpleng lumingon si RD sa direksyon ko. Lumapad ang ngiti nya ngunit agad siyang sinuway ni Caleb. They both looked around and made sure no one sees them. Pagkatapos ay muli akong nilingon ni RD at pasimpleng ngumiti, tumango at bahagyang inangat ang kopita ng alak na hawak niya.

Lihim na napangiti naman ako. Mukha namang aprub ako sa kaibigan ni Caleb.

"Nana, anong gusto mo? Dadalhan na lang ba kita ng pagkain o sasama ka sa buffet?"

"Sasama ko." mahinang sagot ko kay Axel at tumayo na mula sa silya.

Muling naglandas ang mata ko patungo kay Boyfie. Ang pogi talaga niya! Napahagikgik ako sa loob loob ko.

Gusto ko sanang ienjoy ang event ngunit agad kong nakita ang lolo ni Caleb at sumama na ang timpla ko. Hindi niya ako napansin gawa ng sobrang daming bisita at marami itong kahuntahang matatanda rin gaya nito. I wonder kung lahat ng mga kaibigan niya ay matapobreng tulad niya. I scowled.

Maya maya ay inanunsyo na ng matanda ang engagement ni Caleb at Heather. Pinilit kong 'wag makinig at nagpatay malisya na lang ako hanggang sa tapikin ako sa kamay ni Axel. I realized I was torturing the steak on my plate. Ang sarap ng pagkain pero nawalan na 'ko ng gana. In fairness naman kay Heather, kung magpalit siya ng fiancé parang nagpapalit lang ng panty. Imagine? Nu'ng isang araw lang ay si Axel daw ang fiancé niya, ngayon si Caleb na.

Sabagay, ano nga ulit ang sinabi nila about publicity? Good or bad publicity is still publicity. Ganyan naman talaga ang moves ng mga taga-showbusiness na katulad niya. Nuknukan ng papansin! Lalo tuloy akong nanggigil sa pagkain ko.

"Ayos ka lang ba, Natalie?"

"Ha?" pinilit kong ngumiti. "Oo naman. Ano ka ba? Ba't naman ako hindi magiging maayos?" I speared a piece of meat and stuffed it in my mouth. "Hmm. Sarap nito ha?"

"Hinay hinay lang baka mabulunan ka nyan?"

Nagnakaw ako ng tingin kay Caleb. He was looking at me like he wanted to apologize. I smiled reassuringly at him. Ayokong pagsisihan niya na pinayagan niya 'kong pumunta dito. Nakakainis lang naman kase dahil sadyang napakaharot ng Heather na 'yan! Kung makapulupot kay Caleb, ganon na lang!

Pero sa totoo lang, naaawa rin naman ako sa kanya. Biruin mo, sa ganda niyang 'yan. Kailangan pa nyang ipagpilitan ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya? She's almost perfect, and yet nobody seems to want her. Maging si Axel ayaw din sa kanya. Patunay lang na hindi dahil maganda ka, makukuha mo ang lahat.

Naputol ang isipin ko nang may lalaking biglang lumapit sakin.

"Excuse me? Ms. Natalie?"

Napalingon ako sa kanan ko at nabungaran ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

"I hope you still remember me? I'm Dorian Jimenez?" pakilala nito sa sarili.

"Of course!" napatayo ako mula sa silya ko. "Nice seeing you again, Mr. Jimenez. Have a seat po."

"Salamat." anito na naupo sa kanan ko. Naupo narin ako at ipinakilala si Mr. Jimenez at si Axel. Nagkamayan ang dalawang lalaki. "Mabuti na lang nakita kita dito. I've been meaning to talk to you. I believe my agents have been in your place? They brought some pictures of your masterpieces."

"Ay opo, nagpunta po sila noong nagdaang araw. Nung una ayaw ko pa nga po sanang maniwala na mga kasamahan niyo sila." sagot ko. Medyo bangenge pa kasi ako ng mga panahon na 'yon dahil kabebreak lang namin ni Caleb. "So, kamusta po? Ano pong balita?"

"Uhh, how do I put this?" ngumiti siya sakin at humugot ng malalim na hininga. "Magkakaroon kasi ako ng exhibit this coming month. And uhh, I would like to propose sana na maging bahagi ka ng exhibit na ito."

"Talaga po?" my eyes bulged out of their sockets.

Natawa ang lalaki. "Yes. You will be one of our featured artists alongside my uncle, Mariano Diaz."

Napatanga ako sa kanya. "Is this for real?"

"I'm afraid it is." He chuckled at my expression.

"Oh my god! Sure! It would be my pleasure!"

"Great! I'll have my agents arrange a meeting with you, Ms. Natalie."

Halos hindi ako makahinga sa magkahalong kaba at excitement ng mga sumunod na sandali. I just realized that Axel was clapping my back and he too was smiling broadly at me. Nakakaoverwhelm yung feeling! Hindi ko akalain na dadating pa ang pagkakataon na ito!

"I'm so proud of you, Nana!" ani Axel nang magpaalam na si Dorian.

Napatango lang ako at sinapo ng magkabilang kamay ko ang bibig ko. Hindi talaga 'ko makapaniwala! Sobra sobra na 'to sa hiniling ko! Agad na hinanap ng mata ko ang boyfriend ko at hindi naman ako nabigo. He was also looking at me so proudly. He even winked at me and gave me a thumbs up sign. As if on cue ay biglang tumulo ang luha ko.

"Oh my god.." sambit ko. Thank you lord! Thank you po talaga! Ibang klaseng blessing 'to at hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa nangyari.

"Natalie, umiiyak ka?" tarantang inabutan ako ni Axel ng panyo at hinimas ang likod ko bilang pag-alo. "Shh. Shh.. Don't cry. Alam ko nakakaoverwhelm 'yung pakiramdam, Natalie, congratulations."

Sunod sunod ang tango ko habang pinapahid ang luha ko. Thank god for water proof make up!

Nang mahimasmasan ay lumingon akong muli sa direksyon ni Caleb. Wala na ito doon. Inisip ko tuloy na baka niyaya ito ni Heather so kung saan pero namataan ko ang babaeng nakikipagusap sa mga kaibigan nito. Where's Caleb?

Panay ang lingon ko hanggang sa may maramdaman akong kumakalabit sa likod ko. Paglingon ko ay si RD ang naroon. "Hi, Natzkie."

"RD!" napasinghap ako. Hindi ko akalain na kakausapin niya ko.

He bent down in level of my ears and thank god Axel went to the men's room. "I'm here to relay a message." he said. "Caleb says he'll meet you at room 7021." he pressed a key into my palm and immediately left.

Sakto namang bumalik si Axel sa mesa at agad naman akong nagpaalam na ako naman ang gagamit ng powder room. Tumayo ako at nang makarating sa exit ay lumingon lingon muna ako bago ako tuluyang lumabas sa lugar.

Hindi magiging mahirap hanapin ang kwartong sinabi sakin ni RD dahil dalawang palapag lang iyon mula sa function hall. I immediately took the elevator and pressed for the seventh floor. Nang marating ko ang kwarto ay kabadong isinuksok ko ang susi sa pinto at pinihit pabukas ang seradura. The door opened and a hand quickly pulled me inside.

My breath was knocked out of me as I slammed into his rock hard body. "Damn! It's so hard to just watch you in a distance when all I could think of the moment you stepped into the room was to hug you and kiss you. What have you done to me, woman?"

"Ang OA mo, Caleb." humahagikgik na sabi ko at sinuklian ko din sya ng mahigpit na yakap. "I missed you."

"I missed you, too, sweetie." bulong niya sakin. "Pasensya na hindi na 'ko makatiis." inangat niya ang mukha ko at agad na inilapat ang labi niya sa labi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top