Chapter 3

Caleb

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at hinarap ang babae. "What are you saying? Why did you do that? Are you some kind of a private investigator my lolo hired?"

She just shook her brown head and grinned at me like a shitless idiot.

"Or is it Heather?!" I demanded.

"No, just me.."

"What?!" tinangka kong lumapit at hawakan s’ya but she immediately jumped back. "Hindi ako nakikipagbiruan dito, Ana or Diane, or whoever you are! Bakit mo nirecord ang mga sinabi ko?! Para saan ‘yan?"

"Hawak na kita ngayon sa leeg." she laughed like a maniac.

What the—? "This is not a good joke, okay?!" I shouted at her but she doesn’t seem to be moved, or affected even. "Let me guess, you’re gonna use that to blackmail me!"

"About time, Caleb! Akala ko talagang shopol ka eh." humalakhak sya.

"A-anong shopol?"

"Bobo, tanga, stupid, dumb?" I wanted to wipe that stupid ass grin off her face.

Naningkit ang mga mata ko. This woman! "Give me that!" I reached for the piece of technology in her hand but she moved it away before I even touched it and put it inside her bra again. Shit!

"Ano ko bale? Bakit ko ibibigay to sa’yo?" she folded her arms in front of her. "Ito lang ang paraan para mabawi ko ang boyfriend ko."

"Boyfriend mo?!"

"Oo, si Axel!"

"Ano namang pakialam ko sa Axel na ‘yon? Ano’ng kinalaman ko sa gulo n’yo?!"

Naging isang linya ang mga labi n’ya at tila ba nais niya akong kalmutin sa mukha sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Ikaw lang naman ang kumag na nagset up sa boyfriend ko at sa Heather na ‘yon! He broke up with me you know?" her eyes burned with intense dislike.

"I-I.." naguguluhan ako. Boyfriend nya ‘yung lalaking ‘yon?!

"Oh ngayon, wala kang masabi?! Ganyan tayo, eh! Gagawa ng kalokohan, ‘pag nagkahulihan, tahimik! Kala mo kung sinong santo!" she said, sneering.

"And who are you to speak to me like that?!" naiinis na sagot ko. Ayos ‘to, ah? Kung makapagsalita, akala mo kung sino! Kala mo kung sinong perpekto na walang nagawang kalokohan sa buhay n’ya ni minsan!

Does she even know me?!

"Ako lang naman ‘yung nawalan dito! And all thanks to you!" she jabbed her finger at me which took my blood to its boiling point. Nobody ever had the guts to degrade me or even talk to me this way.

"Look, I don’t care what you’ve lost! It’s not my fault your boyfriend chose another girl over you!"

Hindi sya nakaimik sa sinabi ko. She stood there staring at me while her sultry lips quivered. It looks like she's gonna cry. Again.

Argh! This is so not fair! Bakit ba ginagawang sandata ng mga babae ang pagiyak iyak na ‘yan para mapasunod kaming mga lalaki? Dammit! Bigla tuloy akong nakaramdam ng konsensya. Cmon, Caleb! Hindi ka dapat makonsensya, ‘yang babaeng yan ang dapat makonsensya for deceiving you! Don’t be such a pussy and give in to her whim!

"H’wag mo kong iyakan dyan ha?" nagiwas ako ng tingin.

"S-sinong nagsabing iiyak ako?" I heard her sniff.

Oh. So, now she's trying to be play tough? Nice try. Naguguluhan na ‘ko ngayon at hindi ko alam kung maaawa ba ko o matatawa sa babaeng ‘to. She’s a fucking weirdo! "Alam mo mabuti pa, umalis ka na! Hindi mo ako madadala sa pananakot mo!"

"Hindi ako aalis hangga’t ‘di ko nakukuha ang gusto ko!" parang bata na napapadyak pa sya sa sahig. Uhg! I really can’t believe this!

"What do you want?!" i tossed my hair, exasperated. "Money? Magkano ba ang kailangan mo? One million? Two?"

She rolled her eyes at me. "Hindi lang basta pera ang kailangan ko, Caleb Damien Yung."

"Then what is it?"

"I want my boyfriend back. Kailangan mo kong tulungan na mabawi sya sa Heather na yun."

"What?!" siryoso ba ‘tong babaeng ‘to? She wants her boyfriend back and that would mean, ako naman ang magkakaproblema kay Heather. "No!""

"Okay," she smiled sweetly. Kala mo malditang bata na gumawa ng kagaguhan pero hindi mo mapagalitan dahil sobrang cute nya. "Madali naman akong kausap eh, I’ll just have to take this recorder to your lolo. And presto!" she looked at me with a wicked glint on her eyes. "Mawawalan ka ng mana."

"You can’t do that." I said grimly.

"Dare me."

"You will do no such thing woman." nagtitimpi na sagot ko.

"Double dare me." she matched my scowl with a devilish smile.

I pursed my lips and started towards her, i shoved her to the door. "Get out of my property. Get out!"

"This hotel is yours?" tila nagtataka pa na tanong nya.

"Yes! And I have every fucking right to kick your ass out of here, so go!" I shoved her again towards the door, though not too hard. She's still a woman and I am not the kind of guy na pumapatol sa babae.

Nasa labas na sya at may sasabihin pa ata nang isara ko ang pinto sa mukha nya.

God damn it! That woman! I locked the door and paced impatiently around the room. Fuck! Fuck! What am I gonna do?! Naisabunot ko ang dalawa kong kamay sa aking buhok.

I reached for my phone and dialled RD's number. Kailangan ko ng mapagsasabihan ng kalokohang ito na kinasangkutan ko. Kailangan ko ng tutulong sakin. Hindi pwedeng malaman ni lolo kung ano man ang ginagawa ko. He would spite me. And worst, he would disown me. Lahat ng meron ako mawawala! And lastly, kailangan ko ng mapagbubuntunan ko ng inis ko sa babaing yon! This is all RD's fucking fault!

"Cal?"

"You asshole!"

"Whoa! Whoa! Kalma! Ano nanaman ba’ng nagawa ko?" tatawa tawang sagot nito.

"Yung babae! That woman in the bar! It was a set up! It was a freakin trap! Pahamak ka!" i shouted at him.

"Teka, what do you mean?" he asked. "Can you please calm down first before talking? Hindi kita maintindihan e." I heard some shuffling sound and the banging of a door in the other line. Malamang pumasok s’ya sa opisina n’ya sa bar.

I took a deep breath before starting to talk again. Sinabi ko sa kanya ang ginawang kalokohan ng babaeng ‘yun, na ni hindi ko alam kung Ana ba talaga o Diane ang pangalan. The more I listen to my every word, mas lalo akong kinakabahan sa p’wedeng mangyare, paano kung dumiretso yung babaeng ‘yon sa bahay ni lolo? Nalintikan na!

"Oh, crap." was RD's response. 

“’Oh crap’ doesn’t even begin to cover it, you bastard!”

"So, what are you planning to do now?"

"I don’t know, man! I’m friggin goin apeshit right now." muli kong hinagod ng kamay ang buhok ko. I started pacing again. "I’m so fucked."

Matagal bago sumagot si RD sa kabilang linya. Mukhang nahulog din s’ya sa malalim na pagiisip. "Bakit hindi mo na lang bayaran, p’re?" he suggested.

"Gago ka rin e ‘no? ‘Di ka ba nakikinig? I told you she wants to have her boyfriend back and she wants me to help her do it!" i shouted, frustrated at my friend’s stupidity. "She doesn’t want the freakin’ money!"

"Right." he sighed. "It’s your fault anyway, kung hindi mo pinairal ‘yang kalibugan mo! Bakit inuwi mo pa sa bahay mo?"

"E basagin ko kaya ‘yang mukha mo? Ikaw ang may kasalanan! Nilasing lasing mo!" naiiritang sabi ko. "And I would never bring an unknown woman in my house. We’re here at the hotel."

Tumawa si RD sa kabilang linya. "Ain’t the hotel kinda like your home already?" he teased.

I scowled at my phone. "Sige, asarin mo pa ‘ko. Why don’t you just be a good friend and help me out in this shit? Kasalanan mo naman kasi ‘to. If you didn’t encourage her to drink hindi—“ I cut myself short. Walang magagawa ang pagsigaw sigaw ko dito, pinananakitan lang ako ng lalamunan. My forehead creased. "Eh kung patahimikin ko na lang kaya? Permanently?"

"Gago! Ano? Pumapatay ka na ng tao ngayon?"

"I can hire someone to do it."

"Will you please listen to what you’re saying, Caleb Yung? That’s ridiculous!"

Hindi mapakaling nagpalakad lakad akong muli sa loob ng hotel room. Nagpapanic na ‘ko, I just hope na hindi dumiretso ang babaeng ‘yun kay lolo. But come to think of it, kung ibubuko n’ya ‘ko kay lolo, she won’t be able to snag her boyfriend back. She's just trying to scare me. Huh! Akala nya ha? Napatawa ako.

"Why are you laughing, dude?" confused na tanong ni RD sa kabilang linya.

"Coz I’m pretty much sure she won’t tell on me." I grinned. "Now, I’ll just have to think of a plan on how to get that freakin recorder from her!"

***

Natalie

Napanganga ako nang isarado ni Caleb ang pintuan sa mukha ko. Hindi lang basta isinara kundi ibinalibag pa! Grabe! Napaka walang modo naman ng lalaking ‘yun! Sayang ang kagwapuhan n’ya kung ganyan kasama ang ugali nya! Come to think of it, kasalanan ko naman kung bakit nagalit siya. Maybe I deserve to have that door slammed to my face. Hmm.

Nagkibit balikat ako at tumalikod na. I marched off the hotel—correction, not just a hotel but Caleb’s hotel. Ugh! Ang yabang niya! Medyo nahihilo pa ‘ko sa dami ng nainom ko kaya pasuray suray ang lakad ko. From now on, hindi na talaga ko iinom! I swear! Kung hindi lang naman talaga dahil sa kagustuhan kong bawiin si Axel, hindi ko gagawin to eh!

Makailang beses akong natapilok. Anak ng tipaklong, asa’n na ba ‘yung elevator? My God, sobrang laki naman kase nitong hotel ng mayabang na si Caleb. Ang daming pasikot sikot! Tinanggal ko ang sapatos ko at patuloy na naglakad, buti na lang fully carpeted ang sahig. Ang yaman talaga ni Caleb, ‘yung tipong carpet na gamit nila ay p’wede nang tulugan!

Sa kakalibot ko ay may nakasalubong akong Room Attendant.

"Hi!" bati ko dun sa babae.

Ngumiti s’ya sa’kin at bumati. "Good evening po ma'am."

"Uhh.. Alam mo ba kung saan ‘yung elevator dito?"

"Diretsuhin mo lang po itong hallway na ‘to, tapos kakaliwa po kayo, sa dulo ‘yung elevator." ngiting ngiti parin na sabi n’ya sakin.

Nailang naman ako sa ginagawang pagtitig at pag ngiti nung babae na parang may alam s’ya tungkol sa’kin. Kaya naman nagpasalamat at nagpaalam na ‘ko sa kanya agad.

"Ma’am, girlfriend po ba kayo ni Sir Caleb?"

“H-ha?” Ako? Girlfriend nu’ng mayabang na yun? Oo, gwapo sya pero hindi ko siya type. Excuse me, mataas ang standards ko!

Ngumiti ng pagkalapad lapad ‘yung babae. "Ang swerte n’yo po, ngayon ko lang nakita nagdala ng babae dito si Sir Caleb."

Eh, baka bakla? Natawa ‘ko sa sarili kong isipin.

"May nakakatawa po ba?" tanong nu’ng babae.

Iwinasiwas ko ang kamay ko sa tapat ng aking mukha. "Wala, wala! Sige, mauna na ‘ko." nagmamadaling naglakad na ‘ko patungo sa elevator at mamaya kung ano pa’ng masabi ko, mapurnada pa lalo ang tagumpay ko kay Caleb.

Nang nasa elevator na ‘ko ay noon ako nakaramdam ng hapo. Sinipat ko ang wrist watch ko at natagpuan kong alas dos na ng madaling araw. Napabuga ako ng hininga. Isa lang ang nais ng katawan ko ngayon, isang mahabang tulog. Siguro naman ngayon, magiging panatag na ang pagtulog ko kahit paano? Dahil bagamat ganu’n na lang ang ginawang pagtaboy ni Caleb sa’kin, alam kong nagtagumpay ako. Alam kong magagamit ko s’ya sa gagawin kong pagbawi sa nagiisang lalaking minahal ko, si Axel.

At dahil dun, kahit pa mahilo hilo ako habang naglalakad sa lobby ng hotel at pinagtitinginan dahil wala akong suot na mga sapatos ay nakangiti ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top