Chapter 29
Natalie
Sinikap kong magpatuloy na mabuhay na tila ba walang nangyari. Na parang walang Caleb na dumaan sa buhay ko, pero ang hirap pala! Minuminuto siya ang laman ng isip ko. Bawat bagay na makita ko o gawin ko, bawat lugar na puntahan ko, parang ipinapaalala sa'kin ang mga pinagsamahan namin. Para bang tinutudyo ako ng tadhana.
Biruin mo, minsan mapapadpad ako sa isang convenience store, bigla na lang ako makakarinig ng babaeng sumisigaw ng, "Caleb! Caleb!" syempre napapalingon ako dahil akala ko andun din siya, 'yun pala kapangalan niya yung anak ng babae.
T'wing nasa banyo ako, sya naaalala ko. Kase naman yung bugok na 'yun! Puro references sa tae ang laman ng isip.
Minsan nga akala ko narinig ko ang boses nIya na tinatawag ako. Jusko, nabe-Bella Swan na ata ako!
Natatakot ako na baka mabaliw ako sa withdrawal ko kay Caleb kaya naman imbes na magmukmok sa condo ko magisa, umuwi muna 'ko sa bahay nila mama. Baka sakaling pansamatala, makalimutan ko siya dito. Aaliwin ko na lang ang sarili ko sa kambal.
Besides, namiss ko din naman si mama.
"Natalie, 'wag mo muna itapon 'yang tubig at magagamit pa 'yan pambanlaw mamaya! Susmaryosep ka, nagaaksaya ka! Ganyan ka ba sa bahay mo? Siguro mahal ang binabayaran mo sa tubig? Oh 'wag mo pagsamahin 'yang de color at puti!"
Pabirong inirapan ko si mama. Eto talaga ang namiss ko sa kaniya. "Hindi ko kaya pagsasamahin, tinetesting ko lang ang reaksyon mo," nakangising sabi ko. "Namiss ko pagbubunganga mo, ma."
"Nako, eh sino ba kasing nagsabi sa'yong bumukod ka?" aniya habang pinipilipit ang isang dilaw na blouse. "Dumito ka na lang at tigilan mo na pageermitanya mo sa condo mo."
Naisip ko rin naman na bumalik na lang dito sa poder ni mama at tiyo Dennis, kaya lang nakahiyaan ko na rin. Hindi naman kalakihan ang bahay nila at walang pupwestuhan ang mga gamit ko dito. At kagaya nga ng sabi ko noon, para bang kalabisan na 'ko sa pamilya nila.
"Ako na nga ang magbabanlaw nyan at kusutan mo 'tong mga puti, masakit na ang kamay ko."
Bonding namin ni mama ang maglaba simula pa maliit ako. Dito namin napaguusapan ang mga bagay bagay, katulad ng mga tsismis sa kapitbahay, mga bayarin sa bahay at eskwela, mga ganyan ganyan. Kaya nga hindi ko narin napigilan magtanong sa kanya maya maya.
"Mama.."
"Oh baket?"
"Papaano ka nakamove on kay papa?"
Biglang natigilan ang nanay ko at napatitig sa mga binabanlawang damit. Saglit na naisip kong baka ayaw na niyang pagusapan ang nangyari sa kanila ng kano kong ama. Kaya naman hindi na 'ko nangulit.
Ganoon na lang ang gulat ko nang sumagot siya. "Alam mo kasi, anak, kung tunay mong minahal ang isang tao, hindi ka naman makakamove on sa kanya eh. Ang tunay na pagmamahal hindi namamatay."
"Akala ko ba first love ang hindi namamatay?" I grinned at her.
"Kuu, ikaw nagpapaniwala ka sa ganyan! Sa'kin ka maniwala dahil ako, naranasan ko na 'yan!"
I giggled. "True love mo ba si papa?"
"Oo." mahinang sabi niya habang nakatitig sa mga labahin. Naaalala siguro niya ang ama ko.
"Eh di ibig sabihin di ka pa naka move on kay papa?"
Misteryosang ngiti ang isinagot ng nanay ko sa'kin saka niya ipinagpatuloy ang pagbabanlaw ng dekolor na damit.
"Hala! Isusumbong kita kay tiyo Dennis!" natatawang tudyo ko. Hindi ko alam kung saan galing ang pagalsang naramdaman ko sa dibdib ko. I'm not exactly sure if I was happy to know that my mother still hadn't move on from my dad. Kahit pa matagal ng deads ang isang 'yon.
"Alam mo, anak, minsan mapipilitan ka na lang sanayin ang sarili mong mabuhay nang wala ang taong mahal mo sa tabi mo. Sa huli, kailangan mong tanggapin na hindi talaga pwede.."
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni mama. Paano 'yun? Paano ko matatanggap na hindi talaga kami pwede ni Caleb? Paano ko sasanayin ang sarili ko na wala siya? Paano ko sasanayin ang sarili ko sa sakit na nararamdaman ko sa gitna ng dibdib ko?
Imposible ata 'yon!
Araw araw mong mararamdaman ang sakit. Araw araw kailangan mong kumbinsihin ang sarili mo na kaya mo, kahit parang binibiyak ang dibdib mo sa dalawa. Araw araw kang mangungulila sa isang parte ng sarili mo na isinama niya nang mawala siya. How can I possibly deal with that? Incompleteness and emptiness are two impossible things to live with.
My eyes stung and I felt tears threatening to burst. Gigil na kinusot ko ang T-shirt na nasa kamay ko.
"Paano mo natiis yung sakit, ma?" tanong ko sa kabila ng bikig sa lalamunan ko.
"Sa umpisa lang naman 'yan, anak," aniya sa malamyos na tinig. Hindi ko magawang tingnan si mama. Nahihiya ako sa mga luhang pumapatak sa mata ko. "Darating ang panahon, you will be able to live with the pain. You'll get used to it. Ganoon talaga eh, minsan kung sino pang true love mo, siya pang hindi pwede sayo.."
"Ang hirap naman n'on.." sambit ko. "Akala ko'yung true love mo ang makakatuluyan mo."
Ngumiti ng may tunog si mama. "Minsan hindi, 'nak. Minsan ang nakakatuluyan natin, 'yung taong nakilala natin sa tamang pagkakataon. Ano nga ulit 'yun? At the right place at the right time? Ganyan ganyan.." saka siya humagikgik na parang bata.
Pilit na ngumiti na lang ako. "Eh di ibig sabihin pala, pinagtyagaan nyo lang ang tiyo Dennis?"
"Hindi sa ganon, ano ka ba?" maagap na sagot niya. "Mahal na mahal ko ang tiyo Dennis mo."
"Pero si papa ang true love mo?"
"Oo."
"Olabs nu'n, ma!"
Nagtawa siya. "Sino ba kaseng nagsabi sayo na hindi malabo ang pagibig? Kung di malabo 'yan, di sana lahat tayo nakuha ang happy ending na gusto natin?"
Napaismid ako sa sinabi niya. Tama naman. Hindi nga naman lahat nakukuha ang happy ending na gusto nila. Hindi naman kaya 'to, fairytale! Hindi ako si Cinderella o si Snow White. Ambisyosang froglet lang na umaaasang makakatuluyan niya ang prince charming niya!
Sana lang, makatagpo ako ng magiging tiyo Dennis ng buhay ko, sakaling hindi ko man makatuluyan ang true love ko.
Shit! Di ko ata kaya na hindi si Caleb my loves ang makatuluyan ko! Ayoko ng iba! Naexperience ko na ang best, ba't pa 'ko magsesettle for less? Pa-choosy pa 'ko no? Pero ganyan talaga, ayoko ng second rate! Si Caleb lang gusto ko maka chuk chak chenes! Ayaw ko ng iba!
Eh, gaga ka pala! Try mo kaya ipaglaban 'yung tao? Baka sakaling kayo talaga ang magkatuluyan sa huli?
Pero paano naman sila mama kung ipaglalaban ko si Caleb? Kung pwede lang ba na maging makasarili ako, why not? Kaya lang madadamay sila mama. Hindi kaya ng kunsensya ko ang ganon.
"Natalie!"
"Oh, kuya Nero nandyan ka pa pala? Akala ko pinapatawag ka ng amo mo?" nilingon ko ang anak ni Tiyo Dennis na si Nero. Matangkad siya na sobrang itim na itim ang buhok. Itim na itim na nga, sobra pa? Ang redundant ko. Ang pogi din niya, mana kay tiyo Dennis tapos ang bait bait pa.
"Paalis na sana 'ko, kaso may naghahanap sayo kaya tinawag na muna kita."
"Sino daw?" napatayo ako at nagpunas ng kamay sa daster na hiniram ko muna kay mama para di mabasa ang damit na suot ko.
"Si Chin chun su."
Nanlaki ang mata ko. "Sinong chin chun su?"
Natawa si Kuya Nero sa reaksyon ko. "Sikreto, walang clue. Basta intsik. Alam mo na 'yon!" aniya sabay kindat sakin.
Kagago naman nito ni Kuya. Nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay biglang kumabog ang dibdib ko. Instik daw? Dalawa lang ang kilala kong intsik na pwedeng maghanap sa kin.
Si Caleb at ang lolo niya.
Si Ava naman kase ay hindi masyadong intsikin ang mukha.
So, sino kaya?
Dali dali akong pumasok sa back door at muntik pang madulas sa basahan sa pinto.
"Aba'y magingat ka nga! Dyaskeng bata 'to!" narinig kong sigaw ni mama.
"Hayaan mo na, 'nay. Gwapo kase kaya nagmamadali 'yun!" sabi naman ni kuya Nero.
Oh, shit!
Lalo tuloy tumulin ang takbo ko papunta sa front door. Ramdam ng puso ko kung sinong naghihintay sa akin doon kahit hindi pa siya nakikita ng mga mata ko. Para bang may homing device ito na nagaalarm kapag nariyan na ang may ari sa kanya.
Tila tumigil ang pag inog ng mundo nang makita ko siyang nakatayo sa may pinto. He was wearing a blue polo shirt and maong pants, his hair is slightly disheveled and his eyes have dark shadows under it. My heart squeezed at the mere sight of him. Hindi lang pala ako ang nahihirapan. Halata sa itsura niya na masakit din para sa kanya ang malayo sakin!
Nangatal ang labi ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Kasabay niyon ay ang kusang paghakbang ng mga paa ko patungo sa kan'ya. He extended his arms towards me and I felt the urge to run and be wrapped against his body. Niyakap ko sya ng mahigpit at napaiyak sa leeg niya.
"God!" he whispered fiercely into my ear. "Yakap mo lang pala ang katapat ng sakit, Natzkie. Isang yakap mo lang, nawala na lahat."
My arms that seemed to have a mind of its own clung to him like there's no more tomorrow. Wala akong ninais kundi ang masamyo ang amoy niya na tila tranquilizer na nagpakalma sa utak ko. Humagulgol ako at nabasa ng luha ko ang leeg nya. But Caleb doesn't seem to mind, he just hugged me and brought me closer to him.
"I missed you, sweetie. I missed you so much!" paulit ulit na bulong niya sakin.
Matapos ang ilang minutong magkayap kami ay naghiwalay rin kami sa wakas. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay ko na para bang anumang sandali ay mawawala ako sa harapan niya.
"It seemed like forever, baby." he said. His eyes boring into mine.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kan'ya. "Paano mo nalaman 'tong bahay namin?"
Ngumisi siya sakin at hinila nanaman ako palapit sa kanya. "It's easy to ask for directions, sweetie." he answered. "True love ain't that hard to find afterall."
Putek, tumu-true love din si mokong!
"B-break na tayo, Caleb. W-wala nang dahilan para puntahan mo pa 'ko.." napayuko ako. Ayoko na siyang titigan! Di ko na keri! Baka mangunyapit nanaman ako sa pambihirang biceps niya! Masisira nanaman ang pinaghirapan kong drama nun break-up namin.
"Natzkie, wala akong matandaan na nakipagbreak ka sakin." lumapit siya sakin at kinailangan kong umatras bago pa 'ko bumigay sa kanya. Pero di siya nagpatalo. He brought his right hand to my face and gently wiped the tears from it. "Breaking up while you're spitting mad is always a bad idea. People always regret that. Gusto mo ba 'yun?"
Dinadaan nanaman niya 'ko sa pa-charming! Buset much 'tong lalaking 'to!
"Buo na ang desisyon ko, Caleb. Ayoko na." pilit kong pinatigas ang boses ko. Kahit pa sa loob loob ko'y tunaw na tunaw na 'ko sa titig niya.
"Is that so?" he took another step closer and I have to step back. He's too near. "Parang hindi naman ganon ang ipinakita mo kanina. You hugged me like you missed me so damn much. Naramdaman ko 'yon, Natalie. Your heart called for me. You can't deny that."
Napalunok ako. Putakte naman kase! May payakap yakap pa 'kong nalalaman! Kabobo ko talaga kung minsan! Ugh!!
"I kinda like this look, Natzkie," bigla na lang na sabi niya. "You look so domesticated."
"Ha? Ano 'ko, hayop?!" i looked pointedly at him. Mga stratehiya talaga ng lalaking 'to! Kung hindi ako idadaan sa pagpapacharming, ididistract naman niya 'ko.
Tumawa syia. "That's not what I meant, sweetie." hinapit nya 'ko sa bewang. Tumitig siya ng husto sa mga mata ko at pakiramdam ko, hinihipnotize niya 'ko. "You look very wifely."
Bigla ang pagragasa ng dugo sa pisngi ko. I looked away from him.
"Ang sarap mong pakasalan.." bulong niya.
"Heh! Tumigil ka nga!" sawata ko. Nagpumiglas ako upang makawala sa mga bisig niya.
"Bati na ba tayo, Natzkie?"
"Hindi!"
"Why not?" paawa ang itsura ni Caleb. Imbis na mainis ay gusto ko pang pisilin ang pisngi niya. Wala talaga akong panalo sa lalaking ito! Ang depensa ko ay kusang nalulusaw sa mga titig ng hudas na 'to! It's so unfair!
"Caleb, tama na—"
"No." mariing sagot niya. Hinawakan nya 'ko sa magkabilang braso at niyakap. "Hindi ako papayag na makipagbreak ka sakin, Natalie. Tandaan mo 'to, simula nang minahal kita, akin ka na. At hindi ako papayag na mawala ka pa sakin! It may sound clingy and obsessive but it's true. Idinedeklara kong akin ka na, at sayo na 'ko.."
Napasigok ako sa pinipigil kong luha. "'Wag ka magbitaw ng salitang di mo kayang panindigan, Caleb! Masasaktan lang ako!"
"Sinong nagsabing di ko paninindigan, Natalie?" hinalikan ng ng paulit ulit ang noo ko saka ako tinitigan. "I only have two things, Natalie, my words and my balls, if I don't have them, I'm not a man. At sinisiguro ko sayong isang daan at isang porsyentong lalaki ako."
Ano ba naman 'yan? Bakit napunta sa usapang itlog 'to?
"Kaya please? Stop trying to break up with me." tuluyan na niya 'kong niyakap ulit. "Nakakaulol na eh. Hindi mo 'ko basta basta mapapasuko sa mga salita mo. You'll just end up hurting us both."
Naiyak na 'ko sa bisig niya. "Kainis ka naman eh! Alam mo bang pinagpractisan ko maiigi 'yung sasabihin ko? Sinayang mo lang effort ko! Ang tigas tigas ng ulo mo!" sinubukan ko syang bayuhin sa dibdib but he easily caught my hands.
"Oo nga, ang tigas tigas na!"
Natatawang hinampas ko siya sa balikat. "Tumigil ka dyan, bruho ka! Baka marinig ka ni mama, pakukuluan niya kung ano man ang matigas sa'yo nang lumambot 'yan!"
"Kaw naman, biro lang!" ngingisi ngising sagot niya. "Nasan ba si mama pakilala mo na 'ko."
"At bakit? Mamamanhikan ka na ba?"
"Kailangan ba mamamanhikan para makilala ang mama mo? Kung ganon magbihis ka at bibilhan na kita ng singsing!"
"Tumigil ka nga sa mga biro mo!" salubong ang kilay na sabi ko. Paasa moves nanaman 'tong bugok na 'to!
"Seryoso 'ko.."
Minsan ang sarap na lang talagang maniwala sa mga pangako niya. Ang sarap sarap umasa na may happy ending ako, kasama si Caleb na true love ko. Kaya lang ang hirap naman na sa bandang huli, durugin na lang ng kung sino ang happy ending mo. Mas masakit kapag hawak mo na yung tagumpay, tapos biglang aagawin pa sayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top