Chapter 28

Natalie

I watched numbly as Libby wiped a damp cloth on my tear streaked face. Her expression was torn between sympathy and annoyance. I heard her mutter about me being stupid and all that but I could do was lie there and curl my knees to my chest in a fetal position. Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya at inabala ko ang sarili ko sa pagiyak.

"Natalie naman, tama na!" she complained and sat back on the floor beside me. "Halika na bumangon ka na diyan, please?"

"Ayoko, Libby," sabi ko at tinalikuran siya. "Iwan mo na 'ko."

Narinig ko ang mga pagkaluskos tanda ng pagtayo ni Libby ngunit imbes na umalis ay umikot lamang ito upang muli akong makaharap. "Tumigil ka na sa paglulupasay at bumangon ka na dyan, mapupulmonya ka sa kahihiga mo sa semento, umayos ka nga!" hinablot niya ang braso at pilit akong pinabangon mula sa sahig. "Natalie halika na!"

"Ayoko nga!" hiyaw ko. "Ayoko nang bumangon, hayaan mo na 'ko dito! I deserve this, okay?"

She didn't give up on pulling me up. "Akala mo ba may maitutulong yang pagnguyngoy mo dyan? Ikaw na nga 'tong nakipagbreak dun sa tao ikaw pa ang may ganang mag-mope? Hello?"

My face crunched up in remorse. "'Wag mo nang ipaalala please?" I sat up ang buried my face between my knees. Kusang tumulo ang luha at uhog ko sa sahig.

Nakukunsensya ako sa ginawa ko kay Caleb pero wala naman akong pagpipilian. Binigyan ako ng ultimatum ng lolo niya na kung hindi ko lalayuan ang apo niya uraurada ay guguluhin nito ang buhay ng pamilya ko. Ayokong malagay sa alanganin sila mama. Dadaan muna ang kung sinong demonyo sa ibabaw ng bangkay ko bago nila magalaw ang pamilya ko.

Halos isumpa ko si Frederick Yung matapos ang unang pagkikita namin. Paanong mula sa sperm cell ng isang talipandas na katulad niya magmumula ang isang mabuting nilalang na gaya ni Caleb? How could someone as kind hearted as him come from someone as ruthless as his lolo? No wonder parating sinusuway ni Caleb ang mga utos nito. Isa itong diktador na walang habas na maninira ng buhay ng iba para lang masunod ang gusto nito!

Marahas na pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Ayoko man sanang saktan si Caleb, kailangan ko namang gawin. Para sa kaligtasan ng sarili kong pamilya.

"Natalie.." hinimas himas ni Libby ang buhok ko. "Tahan na, please? Ang hirap makita na ganyan ka."

Nagangat ako ng ulo at pabirong inirapan ko siya. "Para namang hindi mo pa 'ko nakitang mag-iiyak before?"

"Loka! Syempre nakita na!" she pouted. "Pero hindi ganito, bes, umiyak ka noon kay Axel pero iba ngayon. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman mo nung nakita kitang nakabaluktot diyan sa sahig."

Niyapos ako ni Libby at hinimas ang likod ko. "Bes mas matindi ang tama mo kay Caleb kesa kay Axel."

Napangiti ako ng may tunog. Syang tunay. Hindi ko naman maiisip na ibigay ang bataan kay Caleb kung hindi ko talaga siya mahal. It was something that I wasn't thinking of giving to Axel. Kay Caleb ko lang talaga naramdaman yung ganitong intensity, yung tipong makita ko pa lang siyang nakangiti, tumitigil na ang pagikot ang mundo ko. Titig palang niya kumakabog na ang dibdib ko. Boses pa lang noya, umaawit na sa saya ang puso ko. I have been inlove before but it was nothing compared to this. At ang sakit, wala ring katumbas!

Oo, nasaktan ako sa mga sinabi sa akin ng lolo niya. Hindi na kailangan pang sabihin ng matandang hukluban na 'yon na wala akong binatbat kumpara kay Heather dahil alam ko na 'yon! Alam ko ring wala akong maipagmamalaki dahil isa lang akong hamak na artist na kung di makakabenta ay walang kakainin ng isang linggo! Oo masakit talaga pag minamaliit ang pagkatao mo. Pero wala nang hihigit sa sakit na naramdaman ko nang kinailangan kong saktan ang damdamin ni Caleb kanina. I saw that unimaginable pain in his eyes, and my heart felt like it was smashed against a concrete wall. Ayokong makitang nasasaktan si Caleb.

Totoong sinabi ng lolo nya ang mga bagay na iyon sakin. Na kesyo pinaglalaruan lang daw ako ni Caleb at ginagawang pampalipas ng oras. Pero hindi ako naniniwala sa kanya. I saw in his grandson's eyes that he loves me. Kung minsan ay hindi na nito kailangan pang sabihin iyon, sadyang nararamdaman ko sa kaibuturan ng puso ko habang nakatitig sya sa mata ko ang pagmamahal na sinasabi niya.

Hindi ako basta basta malilinlang ng lolo niya dahil alam ko ang totoo. Mas naniniwala ako sa mga ipinapakita ni Caleb sa'kin kaysa sa mga mapanirang salita ng matandang 'yon.

Isa pa, sinabi rin naman sakin ng pinsan nyang si Ava kung anong impresyon niya sa intensyon ni Caleb sakin.

"Magkalinawan nga tayong dalawa, habang wala pa ang pinsan ko," seryosong sabi niya sakin. "Babae sa babae, nakamove on ka na ba sa ex mo?"

"A-ano bang klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo na lang! At bilisan mo, baka dumating si Caleb."

"Oo naman!"

"Mahal mo ba ang pinsan ko?" sinalubong nya ang mga mata ko. Nakita ko doon ang determinasyon niyang protektahan si Caleb.

"Oo."

She smiled a little. "Ipangako mo sa'kin, Natalie na di mo sasaktan ang tukmol na 'yon. I may not always like that cousin of mine but I always love him. And woe to anyone who would try to hurt him."

"Alam mong wala akong balak na saktan siya." napayuko ako dahil ang totoo ay balak ko na talagang makipagkalas sa pinsan niya bago matapos ang araw na ito. Binigyan na ako ng babala ng lolo nya at wala akong magagawa kundi sumunod sa gusto nito. "Mahal ko si Caleb. Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganito, hindi ko alam na maiinlove pala ako sa kanya. Sabagay, tanga lang naman ang hindi maiinlove kay Caleb. I love your cousin, Ava, kahit anong mangyari sana maisip mo na kailanman, I will never try to hurt him intentionally."

"Dapat lang, dahil sa oras na saktan mo siya, ako ang makakalaban mo." ngumiti siya ngunit alam kong may babalang nasa likuran niyon. "Hindi mo pa 'ko kilala, I can be a very good friend but trust me, I can be your worst nightmare."

Ngumiti ako pabalik. "Alam ko, sana magtiwala ka sakin, Ava."

Umingos siya. "Mahal na mahal ka ng gagong 'yon! First time nya kaya baka pumalpak siya paminsan minsan pero wag mo sana siyang sukuan." she crossed her arms in front of her. "'Wag mong mabanggit banggit sa kanya 'tong mga sinasabi ko kundi masasabunutan kita!"

Natawa ako. "Bakit naman?"

"Basta!" hinarap niya 'kong muli. "Uulitin ko, mahal ka niya at sana alagaan mo siya."

"Nagsisisi ka ba na nakipagbreak ka? Na tinaboy mo siya?" Libby's question brought me back to the present time. She was still eyeing me with concern.

Umiling ako. "Hindi Libby, mahal ko siya pero kailangan kong gawin ito para sa pamilya ko."

"Hindi ba dapat sinabi mo na lang kay Caleb na pinuntahan ka ng lolo niya? Dapat sinabi mo sa kanya yung pinagsasabi ng amoy lupa na 'yon!"

"Sinabi ko nga.." inagaw ko ang bimpo kay Libby at suminga roon. "Alam mo, Libby, umaasa ako na sana ipaglaban ako ni Caleb. Sabi naman niya babalikan niya 'ko eh. Sana 'wag niya 'kong sukuan, Libs."

Hinawakan ng best friend ko ang kamay ko at pinisil iyon. "Sakaling tuluyan mo nang maging ex si Caleb, ako naman ang tutulong sayo this time para bawiin siya. Operation steal Caleb na ang drama natin!"

Mapait na nginitian ko na lang siya. Sana hindi na umabot.pa sa ganoon ang sitwasyon nila. Caleb, please ipaglaban mo 'ko..

---

"Lolo!"

Ava grabbed my arm and pulled me back but I was determined to talk to my grandfather. Hindi pwede ang ginawa niya! He talked to Natalie and planted rubbish in her head! She's breaking up with me because of the lies lolo told her! This has gone too far, I let him manipulate my life for so long, ngunit kung maiinvolve si Natalie sa mga kalokohan niya ay ibang usapan na iyon!

Come hell and high water, but where Natalie is concern, I will abso-fuckin-lutely lose my shit! Wala akong pakialam kung lolo ko pa siya!

"Caleb, don't do this!" Ava hissed and she pulled me back once again. "'Wag mong kalabanin si lolo! You don't know what you're doing!"

"Ava, let go of my arm!" I snapped at her. Tila natakot naman ito at binitawan ang braso ko. Alam ko ang ginagawa ko at ito ang isang bagay na matagal ko na dapat na ginawa. Finally, I've found a reason to stood up against my grandfather's whim. I'm not going to let him ruin my life. I'm not letting him take Natalie away from me!

I stalked forward to the mansion's door with Ava still flanking me. "Lolo!"

Nasalubong namin ang assistant ng lolo ko na si Honesto. He stood in front of the great stairs defensively. He had a nervous look in his face and I fucking knew he had something to do with my lolo finding out about my relationship with Natalie. I took long strides towards him and grabbed him by the collar. "What the fuck do you know about my lolo's visit with Natalie?" he was looking at me with fear in his eyes but his mouth remained close. "Sumagot ka!"

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo, Sir Caleb." mariing sagot nito na siyang lalong nagpasikdo sa dugo ko. I was about to plant my fist on his face when I heard the familiar sound of a cane tapping on the marble floor.

"Caleb! Let go of Honesto!" came my grand father's booming voice.

I ground my molars as I released my chokehold on his assistant. I glared at the person who raised me as he descended from the stairs. For someone who's almost eighty years old, matikas pa si Frederick Yung. He exuded so much power that his employees cower whenever he's near. Lahat ay takot na makausap o makatitigan man lang siya.

Bata pa ako noong una kong makita kung paano niya patakbuhin ang kumpanya. And I decided back then that I would never be like him.

"Lolo.."

"Anong kaguluhan ba ito Caleb? What are you doing here Ava?"

My bitch of a cousin actually wrung her fingers infront of our lolo. "I-I.." she stammered.

"She's with me!" I quickly answered for her. "Lolo what have you done to Natalie—"

"Don't you dare raise your voice on me like that, Caleb!" dumagundong ang boses nito.

"And why the hell not?!" galit na sagot ko. "Bakit kailangan niyong kausapin ang girlfriend ko behind my back and feed her with your lies?!"

"I didn't lie to her, Caleb. I told her the truth!" naglabasan ang mga litid nito sa leeg at noo. "At sino ang nagbigay ng karapatan sayo na magkaroon ng nobya na hindi kabilang sa alta de sosyedad? I want you to marry Heather and not that poor little—"

"Enough!" I clenched my fist on both sides and I felt Ava grab my shoulders. "I will not let you talk about her like that! Natalie is a decent woman! Hindi man siya kasing yaman ni Heather, disente siya, mabuti siyang tao at hindi mo siya dapat maliitin dahil sa estado niya sa buhay. Besides, si Heather ay magpapakasal na sa iba, why would I marry her?!"

"Don't tell me what to do, boy." Tinitigan ako ng masama ni lolo at nakita kong humigpit ang kamay niya sa kanyang tungkod. "You will marry Heather. Ipinapaayos ko na ang kasal niyo kay Honesto. She's fitting her gown right at this moment and I suggest that you see her after her appointment with your wedding organizer."

I was taken aback. "What the hell are you talking about?"

"Hindi kita pinalaki para maging tanga, Caleb. You heard what I said." tumalikod na ito at nagsimula na muling umakyat sa hagdan. "Tuloy ang kasal ninyo ni Heather sa susunod na buwan. And I suggest that you get rid of your pesky little girlfriend as soon as possible or I will have to get rid of her for you myself."

I was taken aback. Would his grandfather really resort to that? Gaano ba kaimportante ang merging ng pamilya niya at pamilya ni Heather upang kailanganin pa nitong pagbantaan siya ng ganoon?

"You can't be serious."

"Try me, Caleb." sagot nito sa malamig na boses.

"No lolo! Don't do this to me!" I almost pleaded. Wala na 'kong mapagpilian.

"Sumunod ka sa gusto ko Caleb at wala tayong magiging problema. That Natalie girl will be safe as long as you follow my orders." mariing sagot nito.

"I love Natalie!"

Napahinto ito sa kalagitnaan ng hagdan. "Walang lugar ang pagmamahal sa mundo natin, apo. Itigil mo na ang kahibangan na 'to, alam mo kung paano ako magalit."

Tuluyan na niya kaming tinalikuran. Maging si Honesto ay umakyat na sa hagdan at sumunod dito. I was left feeling so much hatred towards the only father I knew. Nirespeto ko siya mula pagkabata, ngunit hindi man lang niya nagawang irespeto ang desisyon ko. Tila sasabog ang ulo ko sa sobrang galit sa kanya at sa sarili ko dahil wala akong magawa para kay Natalie.

"Caleb.." Ava's hands caught my arms and she spun me around. Niyakap ako ng pinsan ko at noon ko napagtanto na lumuluha ako. "I'm so sorry.."

"I can't let this happen, Ava.. Hindi pwede.. Hindi ko kayang layuan si Natalie.."

"I know.."

"He wants me to get rid of her like she's something replaceable. Hindi laruan si Natalie na pwedeng basta palitan na lang! Hindi ganoon kasimple ang pinapagawa nya, I would have to die first before I could let go of her.. I love her, Ava.. I can't lose her.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top