Chapter 27


Caleb

"Ayoko nga!!"

I impatiently followed Ava to the kitchen. I really don't wanna beg but if it's the only thing that I can do so she'd come with me in Natalie's condo, then so be it! Desperado na 'ko ngayon. Sinipat ko ang relo ko, it's already past lunchtime, sinabi ko pa naman sa girlfriend ko na maaga ako pupunta. Damn it!

"Sige na naman, Ava! Hindi naman mahirap 'yung ipapagawa ko. Pupunta ka lang dun, ipapakilala lang kita sa kanya."

"Bakit mo pa 'ko kailangan ipakilala sa kanya? It's not like I'm interested on meeting her." she flipped her hair and turned my back on me. Kumuha sya tubig mula sa ref.

"Don't be such a bitch." I grumbled behind her.

Humarap siya sakin, the water sloshed everywhere. "Bah, bah, ikaw 'tong humihingi ng pabor sakin, ikaw pa may ganang tumawag sakin na bitch?"

"You are a bitch, Ava, kailan mo matatanggap 'yon?" naupo ako sa isang stool sa kitchen island. "Gusto ni Natalie makilala si lolo, alam mo namang imposible pa 'yon sa ngayon. But I can't disappoint her—"

"And you figured that if I stand in for lolo, mawawala na sa isip niya na gusto niyang makilala ang pamilya mo? Right, you're a fucking genius, Caleb." nakairap na sagot niya at pansamantalang ibinaba ang baso sa countertop.

I sighed. "Pansamantala lang naman, Ava," I propped my elbows in front of her. "I'm planning on talking to lolo, hindi pa lang sa ngayon, mainit ang ulo niya gawa ng bagong tinatayong hotel sa Davao."

"Seryoso ka ba talaga sa babaeng 'yan?"

I look frustratedly at her. Does she really have to ask? "Yes! Hell yes!"

Nasapo ko ang noo ko. I don't know exactly when I started falling for Natalie. Basta nadiskubre ko na lang 'yon nung araw na sumulpot siya sa bahay matapos ng byahe namin mula sa zambales. That was when I realized I couldn't live without that woman. As sappy as it seems, I'm so fucking inlove with her!

Hindi ko naman alam na sobra pa lang nakakastress ang umibig, lalo na kung naiplano na ng lolo mo ang buong buhay mo. He wanted me to marry an heiress. And my Natalie, admit it or not, is very far from that.

"Alam mo naman sigurong hindi papayag si lolo hindi ba? I was actually surprised na hindi pa siya pumapagitna sa ngayon? I wonder what's up?" I shifted my eyes at her and she was busy picking on her manicured nails.

"I told you, he's busy." sagot ko na lang kahit pa ang totoo ay nagaalala din ako sa reaksyon ng abuelo namin. "Can you please do this for me, Ava?"

"Bakit ba bigla na lang pumasok 'to sa isip mo?" she sat on a stool in front of me.

Ikinuwento ko sa kanya ang naging date namin sa luneta. Kung paanong imbitahan si Natalie ng kapatid ni Axel sa tahanan ng mga ito. I saw how close they are and I feel jealous. I want Natalie to be close to my relatives, too, but that is far from happening right now. Specially because all my relatives are elitists, I'm not sure how they would treat her. I'm only counting on Ava right now, but this woman's a gigantic pain in the ass.

"What's in it for me?" biglang sabi niya.

Good, now she's bargaining. "What do you want?"

'Ni hindi man lang sya kumurap. "All expense paid trip to hongkong—"

"Done!" iyon lang pala. Kung gusto niya ipatapon ko pa siya doon at hindi na makabalik pa ng Pinas. Tutal, bwisit naman siya sa buhay ko.

"Hindi pa 'ko tapos, Caleb. All expense paid, including shopping spree." she said smirking.

Napapikit ako ng mariin. Jusko pong mahabagin, magpasalamat ang babaeng ito at mahal ko si Natalie, kundi ay sasakalin ko na talaga siya! "Fine. All expense paid, but you're gonna be playing nice to her. Understood?"

"Sus, yun lang pala!" hinampas niya ako sa braso at inangilan ko naman siya. "You know how good I am at charades. Ang galing galing ko kayang magpanggap!" she winked at me.

Napailing ako. Kung hindi ko lang naaalala kung paanong sinabi ni Natalie sa akin na gusto niyang makilala ang pamilya ko ay hindi ko naman ihaharap sa Ava sa kanya. Mamaya ay kung ano pang sabihin ng babaeng ito sa girlfriend ko. But I've got no choice.

"Ano pang inuupo upo riyan? Let's go. Excited na 'ko mag-Hongkong!" aniya sabay kindat sa'kin. I groaned.

---

Nang dumating kami sa condo ni Natalie ay inaabangan na niya kami sa ibaba. I texted her that Ava's tagging along with us and I lied that my bitch of a cousin wanted to meet her. Ang sabi niya ay sa ibaba na lang kami tumambay gawa ng hindi pa niya nalilinis ang kalat mula sa pagpipinta niya.

"Seems like your girlfriend isn't a good house keeper."

I glared at my cousin who's seated on my right. "She's busy with a lot of projects. Marami siyang ginagawang paintings."

"So?"

"Pwede ba Ava? I told you to be nice to her." mariin na sabi ko. "Let's go, she's already waiting."

"Is that her?" turo niya kay Natalie na nakatayo at kausap ang guard ng condo nila. She was wearing a signature shirt and some cut off jeans. She looks really hot! "She's pretty huh? In a scruffy way."

Ngali ngaling batukan ko na ang pinsan ko. Kung minsan ay sobra siya kung manlait. Ang sarap putulan ng dila.

"Ava, please." I closed my eyes shut, I'm starting to lose my patience with her.

"Alright, alright! Cmon, let's get this over with." bigla na lang syang bumaba ng sasakyan.

I was left there muttering curses under my breath. Sumunod na rin ako sa kaniya. Inunahan ko siya and I greeted my girlfriend with a kiss on her lips, pero umiwas siya at sa pisngi niya dumapo ang labi ko. Napakunot noo ako. "What's wrong, sweetheart?"

Maang na tumingala siya sakin at ngumiti. Ngiting hindi umabot sa mga mata niya. "Huh? Nothing!"

"Are you sure?" hinapit ko siya sa bewang. God, the feel of her body against mine! Hindi ko maiwasang maalala ang naganap sa pagitan namin kahapon.

"Y-yeah.."

Noon biglang tumikhim si Ava. I fought the urge to slam her head across the marble finish of the floor. Why the hell am I related to her?

"Siya ba Caleb?" bulong ni Natalie sa tabi ko. I felt her cold hands wrapped around my arm, I could almost feel her anxiousness. Sino ba naman kasing hindi matatakot sa presensya ni Ava? She's trouble in the making.

"Natalie," I smiled at her reassuringly. "This is my cousin, Ava. The one I was telling you about, remember her?"

"Oo naman!"

"Ano namang kinukwento nitong pinsan ko sa'yo?" palihim na pinaningkitan niya ako ng mata.

"All good things, kaya nga kita gustong makilala." my girl seemed to relax finally. Gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi niya, at pansamantala kong nakalimutan ang pagaalala ko sa kanya kanina. I remembered how much she wanted too meet this cousin of mine. Kung alam lang niya ang tunay na ugali nito ay agad niya itong iiwasan.

But knowing Natalie, she had a way with people. I smiled at the way she was able to get past my defenses. I wasn't able to intimidate her with my cold demeanor, instead she was able to worm her way through my heart and thaw the ice that's been surrounding it for the longest time. Akala ko noon ay hindi na 'ko mabibigyan ng pagkakataon na maranasan ang magmahal. I thought I would be endlessly bound to my duty to my family, and to my grand father.

Hindi nagtagal ay nagkapalagayang loob din ang dalawa. Hindi na rin naman ako nagtaka, hindi ko lang inakala na ganoon kabilis na makukuha ni Natalie ang loob ni Ava.

That or my cousin was just a gifted actress. Sana naman hindi. I really want both of them to get along. Kahit man lang si Ava ay maging kakampi ko sa laban ko na ito. Kahit man lang may isang tao sa pamilya ko na sumuporta sa pagmamahal ko kay Natalie.

"Hindi ko mabuksan, oh my god, ano ba 'to?"

"Akin na, subukan ko." kinuha ni Natalie mula sa mga kamay ni Ava ang isang de lata. "Ay, ang tigas nga."

Napangisi ako sa kanilang dalawa. Kung bakit naman kasi hindi pa nila ipaubaya sa'kin ang pagbubukas niyon? Nagmamagaling pa kase. They were watching movies in the lobby at naisipan na rin nilang mag snack doon. Malapit si Natalie sa mga bantay ng condo kaya pinapayagan kaming tumambay dito.

"Okay, sweetie, gimme that, ako na."

Ngunit bago pa niya maiabot sa akin ay napigtal na niya ang bahaging magsisilbing pambukas ng de lata.

"Hala, ano ba 'yan!" napangiwing sabi ni Natalie. "Kukuha na nga lang ako ng abre lata, teka,"

Masuyong hinawakan ko ang kamay niya at hinila siyang paupo muli sa sofa. "I'll go get it, I don't want you to miss the climax of the movie."

"Akala ko kung anong climax na pinagsasabi mo dyan!" kantyaw ni Ava na pumapapak ng sitsirya at tinapunan kami ng malokong tingin.

Palihim akong natawa nang makita kong pinamulahan ng pisngi si Natzkie. Nagawa pa niyang magiwas ng tingin sakin. "Sige na, Natzkie, ako na lang ang aakyat, magkwentuhan na lang kayo ni Ava."

"Yeah, hayaan mo 'yan si Caleb, let's just enjoy the movie, Natzkie." she beamed up at her.

She just nodded meekly and went back to her seat. I ambled towards the stairs and made my way up to her condo unit. Nagtuloy ako sa loob sa tulong ng susing inabot niya sa akin bago ako umalis.

I went to her kitchen straightaway. I opened her wall cabinets searching for the can opener. Saan kaya nilagay ng babaeng iyon ang abre lata? Binuksan ko ang mga drawer na naglalaman ng mga kubyertos, hinawi ko ang dose dosenang pares ng kutsara't tinidor bago ko nakita ang hinahanap ko. "Gotcha."

I was heading for the door when something caught my eye. A black pen looking thing lying on the floor besides some other clutters. Dinampot ko iyon at ineksamin. The thing looked so familiar.

Right. It was the recorder Natalie showed me that night she blackmailed me. Ito yung recorder na naglalaman ng pagko-confess ko ukol sa pinlano kong pag set up kay Heather at Axel upang di matuloy ang kasal namin. Ito 'yung kaisaisang bagay na pinanghahawakan ni Natalie upang mapasunod niya ako sa mga gusto niya.

I wanted to get rid of it. Hindi na kailangan pang panghawakan iyon ni Natalie para mapasunod ako. I'm at her beck and call. Whatever she wants me to do, gagawin ko. 'Wag lang ang tulungan siyang bawiin ang ex nya dahil wala na akong balak na isauli pa siya rito. Natalie's mine now.

Nasa akto akong ibubulsa ang recorder nang bumukas ang pinto.

"Caleb? Anong ginagawa mo? Is that..?"

I pivoted and saw her staring at me with accusing eyes. Awtomatikong napahakbang ako patungo sa kanya ngunit kusa rin siyang umatras. I saw sadness in her eyes but most of all betrayal.

"Natalie, it's not what you think!"

"Not what I think?" She snatched the recorder from my hand and glared at me. I winced at the way her eyes incriminated me, it lanced me right at the middle of my chest. Mali siya ng inaakala!

"Natalie—"

"Don't come near me, Caleb!" she screamed with her eyes closed and hands curled in her chest. "Aanhin mo 'to? Bakit mo 'to hawak?"

"I was thinking of getting rid of it—" natigilan ako nang mapagtanto ko ang sinabi ko. "Shit! Natalie!"

Marahas na napailing siya. Sobrang disappointment ang nakita ko sa mukha niya. "Paano mo nagawa 'to? Kaya ka ba nakikipaglapit sakin para lang makuha mo 'to? Pinaglalaruan mo 'ko?"

"What?" gulong tanong ko. "I did not! Ano bang sinasabi mo?!"

She run her fingers through her hair a little roughly. Saglit siyang napatalikod at nang humarap syang muli ay may galit na sa mga mata niya. "Tama nga ang lolo mo! Pinapasakay mo lang ako! Inuuto mo lang ako para makuha mo ang gusto mo!"

Her words struck me like a spear. Pilit kong ibinuka ang bibig ko upang magsalita ngunit sa huli ay isinasara ko din. I don't understand what she's accusing me of. And my lolo? He talked to her? "Paano kayo nagkausap ni lolo?" nang sa wakas ay matagpuan ko ang dila ko ay umiiyak na si Natalie sa harap ko.

"Hindi na importante pa 'yon, Caleb." she stalked forward and threw the recorder at me. "Oh ayan, sa'yo na! Wala nang makakaalam ng ginawa mong pag sira sa sarili mong engagement! Sana hiningi mo na lang 'yan sa'kin nung araw na nakipaghalikan ako sa'yo at alam mo nang ayoko nang makipagbalikan sa ex ko! Ibibigay ko naman eh! Pati nga virginity ko muntik ko nang ibigay eh diba? Hindi mo na 'ko kailangang paikutin! Hindi mo na kailangang paglaruan ang damdamin ko!"

"Natalie!" protesta ko. "Mali ka, Natzkie, ano bang sinasabi mo?! I don't get it! Pwede bang maayos nating pagusapan 'to? What did my lolo tell you?" I tried to reach for her but she angrily slapped me.

"Ginamit mo pa ang pinsan mo!" sinimulan nya akong bayuhin sa dibdib. "Bakit ang sama mo?! Ang sama sama mo!" I caught her arms and she started to sob histerically until she was sprawling on the floor.

"Sweetie, don't do this!" niyakap ko sya ng mahigpit at paulit ulit na hinalikan ang ulo nya. "Stop crying, let's talk. Don't be like this.. Please!"

"Ang tanga tanga ko! Ang tanga tanga ko! Tama ang lolo mo, hindi ka naman papatol sa katulad ko! Sa huli si Heather parin ang pakakasalan mo kase kayo ang bagay!"

Nagitla ako sa sinabi niya. Saan ba niya napupulot ang pinagsasabi niyang ito? "Hindi totoo 'yan, Natalie, cmon, you know me better than that!" I pulled her closer to me and hugged her as she went thrashing like a mad woman. "Whatever my lolo told you, hindi 'yon totoo! I love you, Natalie! Please maniwala ka sakin!"

"Tama na!" she shoved me away. "Tama na ang kasinungalingan mo! Isaksak mo sa baga mo 'yang recorder at umalis ka na sa pamamahay ko! I don't want you in my life! You.. You! Manloloko ka!"

Pilit niya akong tinulak palayo sa kanya palabas ng pinto ng condo. "Natalie, calm down, please! Let me explain sweetie, 'wag ganito!"

"Damn you! Sinayang mo ang nararamdaman ko para sa'yo! Akala ko matino ka, pero hindi! Katulad ka din nila! All you cared about is yourself, you even have the guts to tell me you love me? Pakyu! Sinungaling ka!" she slapped me again and again. "Lumayas ka! Ayoko nang makita ang pagmumuka mo! Get out of my house! Get out of my house! Get out of my life!"

My jaw went slack at her words. I can take the physical pain. Mas mabuti pa sigurong sampalin niya 'ko ng paulit ulit! Ngunit ang marinig sa kanya na sinungaling ako at pinlano ko na saktan siya? I couldn't take that. I love her at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na saktan sya.

"Alam ko nasasabi mo lang 'yan dahil galit ka." I said silently as I stood in front of her door. "Pero alam kong mawawala din 'yan, babalik ako pag malamig na ang ulo mo."

"Wala ka nang babalikan." and she slammed the fucking door on my face.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top