Chapter 25
Natalie
"A-Axel.." atubiling sabi ko nang hawakan niya ang braso ko at higitin ako sa gilid ng hanay ng mga restrooms. Tumingin ako sa direksyon ng inuupuan namin ni Caleb, masyado iyong malayo mula dito at hindi ko siya tanaw. "Ano bang kailangan mo?"
"Don't worry, sandali lang ito, Nana," seryosong sabi niya. "I just wanna tell you something."
"Ano 'yun?"
He sighed deeply and ran his hands through his hair. He looked a little disheveled today. Hindi ba dapat blooming siya kase malapit na siyang ikasal? Ganon naman ang mga taong inlove, diba? Unless..
"Nana, about my engagement with Heather.." he started. Pigil ang hininga na hinintay ko ang sasabihin niya. "I don't know if I should tell you this now.."
Napahigop ako ng hangin. Syet. Di ko pala kayang pigilan ng ganun katagal ang hininga ko. Baka magkulay asul na 'ko, hindi parin sinasabi ni Axel ang dapat niyang sabihin! Masyado naman kaseng pa-suspense! Kinunutan ko siya ng noo. "Pwede pakisabi mo na? Naghihintay kase ang boyfriend ko eh!"
Tila ba nalungkot ng husto si Axel. "Papaano mo ba nakilala si Caleb?"
"Does it matter?" maaskad na tanong ko sa kanya. Eh nakakainis eh! Bakit ba ganoon ang mga lalaki? Bakit kung kailan nakakamove on ka na, saka sila magkakaroon ng interes sa lovelife na binubuo mo matapos ka nilang iwang luhaan?
"I want to know, Nana."
"Pwede bang tigilan mo na 'ko sa pagtawag mo sa'kin ng Nana? Call me Natalie. Hindi na tayo close." nakaingos na sabi ko.
"Nana naman.."
"What?" singhal ko. "Tapos na tayo, diba Axel? Nakipagbreak ka sa'kin dahil kamo, nainlove ka sa naka-one night stand mo! Ngayon, para saan pa 'to? Why are you trying to talk to me now? Para ba imbitahan ako sa kasal niyo? Coz I'm telling you, wala akong balak sumipot sa kasal ng ex ko!"
Hinawakan ni Axel ang magkabila kong balikat. "Hindi gano'n 'yun, Natalie!"
"Then what? Ano pang dapat nating pagusapan?!" pumiksi ako sa pagkakahawak nya. Feeling close 'tong gagong 'to! "Bitawan mo 'ko!"
"Our engagement is a hoax." aniya.
Napatanga ako ng mga oras na iyon. Anong ibig nyang sabihing hoax? Ano bang ibig sabihin ng hoax? Peke ang engagement? Bakit?
"Even our relationship is a hoax. A charade." aniya. "Lahat ng nakita mo ay palabas lang lahat."
"What does that mean? We saw you two—"
"Everything was orchestrated by Heather, Nana. She knew everything, lahat ng kilos niyo ni Caleb ay alam niya." Bumuga siya ng hangin at binitawan ako. "I'm not supposed to tell you this, Natalie. Pero hindi ko matiis na makitang magkasama kayo ni Caleb. I don't know how the two of you ended up together pero ang masasabi ko lang Natalie, babawiin na kita sa kanya. Hindi ko na kaya."
"A-Axel.." napaatras ako. "Hindi kita maintindihan."
Napayuko siya. "I don't know how to put this, Nana.." aniya. "Alam mo naman na ex-fiancee ni Caleb si Heather hindi ba?"
"Oo, alam ko."
"Plano lahat 'to ni Heather.. Kinuntsaba niya ako nung panahon na nakulong kami sa cabin sa palawan. She knew all about Caleb's plan on setting us up. I don't know how, pero alam niyang ayaw siya pakasalan ni Caleb."
Kumunot ang noo ko. Anong—?
"What's her plan?"
"Naisip niya na kung palalabasin naming nagkagustuhan kami," bumuntong hininga siya ulit at napailing ng sunod sunod. "She thought Caleb was the kind of guy who's into challenges. Ang akala niya magseselos si Caleb pag nakita nitong may iba nang nagmamay ari sa kan'ya. Clearly, that didn't happen." hinawakan ako muli ni Axel sa balikat at bahagyang niyugyog. "Pero walang kaso iyon sa kanya.."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Tuloy parin ang kasal nilang dalawa."
Napatutop ako sa bibig ko. Ibig sabihin, engaged parin si Caleb kay Heather? Kaya ba hindi niya sinauli ang engagement ring? Hindi parin malaya si Caleb.. Eh di parang kabit niya 'ko ngayon, ganon ba?
Parang hindi ata ako makahinga.
"Natalie!" untag ni Axel. He took my hand off my mouth so I could breathe. Tigagal akong napatingin sa kaniya.
"Please, Nana, hiwalayan mo na si Caleb." pagmamakaawa niya. "Masasaktan ka lang sa bandang huli dahil si Heather parin ang pakakasalan niya. Wala siyang magagawa, Natalie. Mawawalan siya ng mana pag hindi niya pinakasalan si Heather."
Naipikit ko ng mariin ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na isang malaking joke lang pala ang lahat! Bakit ngayon ko pa nalaman 'to? Bakit ngayon lang?
"B-bakit pumayag ka, Axel? Bakit pumayag ka sa gusto ni Heather?"
"She offered me a position in their company. Sabi niya siya daw ang bahala sakin. Natalie, alam mo naman na marami akong pangarap. Para sa'ting dalawa!"
Napatda ako sa sinabi niya. Hindi ko napigilan at nasampal ko sya. "Pangarap para sating dalawa, Axel?!" galit na tanong ko. "O pangarap mo lang?! Nakipagbreak ka sa'kin para lang sa posisyon sa isang kumpanya?!"
"I thought you would wait for me, Nana.. I thought you love me—"
"Wala kang karapatan na gamitin ang salitang pagmamahal sa usapan na 'to, Axel!" hinampas ko siya sa dibdib. "Anong akala mo sa'kin? Pagkatapos mo 'kong iwan at ipagpalit sa babaeng naka one night stand mo kamo, hihintayin kita? Ano 'ko aso na babalikan mo matapos mong iwan maghapon at ineexpect mong kakawag ang buntot ko?!"
"Natalie—"
"Shit ka, Axel!" sigaw ko. Inis na inis ako sa kan'ya. Sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi ko alam na kaya akong gawan ng ganito ni Axel. Mas maatim ko pa sana kung talagang nahulog ang loob nya kay Heather kaya siya nakipaghiwalay sa'kin. Pero 'yung malaman na pinagpalit niya ang relasyon namin para sa pera? Sabihin pang pangarap niya 'yon! Eh di sana sinabi na lang niya sa'kin! Hindi yung ganito!
Grabe, kumukulo ng husto ang dugo ko! Gusto ko siyang ingudngod sa mapanghing inodoro sa loob ng CR!
"Para sa future natin ang ginawa ko, Natalie!"
"Wag mo 'kong idamay sa future na 'yan, Axel! Wala na tayong future! Simula ng makipagbreak ka sakin para kay Heather, wala ka ng karapatan magkaron ng future na kasama ako! Fuck you! Fuck you very much!"
Napaupo ako sa sobrang sama ng loob. Humagulgol ako sa mga palad ko at kahit gustuhin ko pang murahin ng husto si Axel ay nawalan na 'ko ng lakas para gawin iyon.
Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko? Shit! Lahat ng paghabol habol ko kay Caleb noon para lang tulungan ako na mabawi ang hudas na 'to! Para lang sa wala?!
"Natalie, please, kausapin mo naman ako ng maayos. Please intindihin mo 'ko!"
Intindihin?! Ayos din talaga ang lalaking 'to! Bakit ko siya iintindihin? Ako ba inintindi niya nung nakikipagbreak siya sakin? Alam ba niya kung gaano naging kasakit para sa'kin ang ginawa niya?
Naramdaman kong hinawakan ako ulit ni Axel sa balikat pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong sumubsob sa mga kamay ko. "Bitawan mo 'ko!" singhal ko sa kan'ya nang pilit niya akong itinatayo.
"Step away from my girlfriend, Axel."
Napaangat ang mukha ko at nakita ko si Caleb na papalapit sa'kin. He gently guided me to my feet and took me in his arms. "Are you okay, sweetheart? Sinaktan ka ba niya?"
Hindi ako kumibo. Alangan namang sabihin ko na hindi ako sinaktan ni Axel samantalang ang sakit sakit ng dibdib ko ngayon? He betrayed me. Pakiramdam ko ay niloko niya ako. At ang panloloko na 'yon ay higit pang masakit sa inakala kong panloloko niya. Times two ang ginawa niyang panloloko sakin! Taragis!
Caleb glared at Axel. "Leave my girlfriend alone, Axel. Go back to Heather."
"Let me and Nana talk!" ani Axel na hindi natitinag sa kinatatayuan niya.
"Does she look like she wants to talk to you?" sagot naman ni Caleb. Patuloy ang paghagod niya sa likuran ko. "You are engaged with Heather, Axel, ano pang kailangan mo kay Natalie?"
"I am not—"
"Umalis ka na, Axel!" sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong malaman ni Caleb na hindi naman talaga engaged ang dalawa. "Ayaw na kitang makausap, please, umalis ka na!"
"Nana—"
"You heard her."
Matalim ang titig na ipinukol ni Axel kay Caleb. "Pinagbigyan na kita noon, Axel." he was talking about the incident in the coffee shop with Libby. "Hindi kita pinatulan no'n, kahit binastos mo ang presensya ko. But that doesn't mean I'm not going to punch you now."
Yumakap ako ng husto kay Caleb. Natakot akong bigla nga niyang suntukin si Axel. Sa laki ng braso at kamao niya, baka mamatay si Axel sa isang suntok lang. Ayoko ng gulo. Baka makulong pa ang boyfriend ko. "Caleb, wag mo na siyang patulan."
"Baby, hindi ko siya sasapakin kung aalis na siya. I don't want him near you, sweetheart." bulong ni Caleb sakin.
"Please, Axel, umalis ka na." ulit ko. Nagmamakaawa ang tingin na ipinukol ko sa kaniya. I may really hate him right now, but I don't want him hurt. Or worse, dead.
"I want her back, Caleb." buong tapang na saad ni Axel na syang nagpaasim sa mukha ni Caleb. His face contourted with so much anger and animosity.
"I am one second from punching your sorry ass face, Axel. Please save us the trip to the precint. Go. Away." mariing sabi ni Caleb.
Hinawakan ko ang braso nya at pinisil iyon. "Don't do anything rash, maawa ka." bumaling akong muli kay Axel. "Sinabi ko nang umalis ka na! Ayoko nang makita pa kahit kailan ang mukha mo. Utang na loob, umalis ka na!"
Napatiim bagang si Axel. Tumitig siya sakin ng ilang segundo bago sinabing, "It's not over, Nana, babawiin kita sa kaniya. Alam mong gagawin ko 'yan."
Nakasubsob lamang ako sa dibdib ni Caleb nang umalis si Axel. He was gently patting my head and whispering words to me like, it's going to be alright and he's won't be leaving me. Nang sa wakas ay mahimasmasan ako ay hinawakan ko ang kamay ni Caleb. I looked up at him and smiled uneasily. Nagaalala ang tinging ibinigay niya sakin. Humigpit din ng husto ang hawak nya sa kamay ko as if mawawala akong bigla.
Naglalakad na kami pabalik sa sasakyan niya. Pareho naming alam na nasira na ang date namin at mas makakabuti na umuwi na lang kami at magpahinga.
We were already beside his R8 when he pulled me into a bone crushing hug. Hindi ko napigilan ang luhang umalpas sa mga mata ko.
"Iniiyakan mo nanaman siya. He doesn't deserve it, Natalie. Why shed buckets of tears for that asshole, kung pwede namang pasayahin na lang kita?"
"Caleb.. Hindi—"
"Hindi ko mapigilang magselos dahil iniiyakan mo siya ng ganyan." bulong niya sa tainga ko. "Kailan mo ba 'ko mamahalin ng ganyan?"
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan ang tinutungo ng usapan namin.
"Natalie.. Promise me something.." bulong niya.
"A-Ano 'yun?"
"Alam ko, wala akong karapatan na hilingin 'to sayo, but I'm your boyfriend.. At kahit papaano, may karapatan ako sayo.. Tama ba?"
"Yes.." I exhaled the word.
"Promise me whatever Axel do, hindi ka sasama sa kanIya." aniya. "Promise me you'll always be mine, Natalie. Sakin ka na lang, please? Sakin ka lang. Kasi hindi ko kaya Natalie eh. Hindi ko kaya na mawala ka pa sa akin."
"C-Caleb.. I-I.."
Halos mabingi kaming dalawa sa lakas ng tibok ng puso namin. I felt warm all over. Tears were already brimming in my eyes, threatening to spill. Umangat ang mga kamay ko at ipinulupot ko ang mga braso ko sa katawan niya. He felt so good against me. Like I'm ever gonna let this man go? No freaking way! Tama si Libby, nasa akin na ang lalaking gagawin ang lahat mapaligaya lang ako. Hindi ko na siya pakakawalan pa!
"Sayo lang ako, Caleb. Basta ipapangako mong magiging akin ka lang din." I sheepishly said to him.
"You already have my heart, Natalie. I'm all yours." he said. "At kahit anong gawin ng patpatin mong exboyfriend, just be reminded that I will steal your heart all over again. I think I love you, Natzkie."
My breath got caught in my throat after hearing. OMG! Emergerd!! Totoo ba 'yun? Napapikit ako ng mariin at hinabol ang hininga ko. Hindi ko na kaya 'to. Jusko! Sobra sobra pa 'to sa hiniling ko! He fucking thinks he love me! What could be more awesome than that?!
"I-I love—"
"Don't Natalie." inilapat ni Caleb ang daliri nya sa labi ko bago ko pa matapos ang sasabihin ko. He smiled to me so sweetly. "Sabihin mo 'yan sakin pag sigurado ka na, okay? Baka umasa kase ako ng husto."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top