Chapter 21
Natalie
Hindi ko alam na sa loob ng ilang taon na inilagi ko sa mundong ibabaw, may ikikilig pa pala ako simula nung nagsabi saakin si Caleb na gusto niya ako.
Nandito kami ngayon sa isang fine dining restaurant. Idinate niya ako. Ano nga ba namang nakakakilig doon? Sinalubong lang naman ako ng lahat ng waiter at binigyan nila ako ng tag iisang bulaklak, tapos nung makarating ako sa table na pinareserve ni Caleb, nandun siya, looking so dashing in his blue button down and with a bouquet of pink roses in his hand.
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa pisngi. Tapos sa lips.
God!! Nakatingin lahat ng mga tao sa restaurant saamin. PDA much!
Caleb was perfect. I couldn't imagine him being like this. Akala ko puro pagsusungit at pamumwisit lang ang alam niya. I didn't take him for a hearts and flowers guy. Maybe because I really didn't think much of him in a romantic way. I looked at him as a means of getting Axel back. Heck, I saw him as an enemy! Isang malaking buwisit sa buhay ko. Ang dahilan kung bakit ang dating maayos kong buhay, hindi na kaseng ayos ngayon.
But I realized, I was happier this way. Happier na mas magulo nga ang buhay ko dahil sa pagkakainvolve ko kay Caleb. Magulo pero mas makulay.
"Why are you smiling like that?"
"Smiling like what?" ni hindi ko nga napansin na nakangiti pala ako. Ano ba? Ganito ba talaga ang feeling? Lakas maka-PBB teens!
"Smiling like a moron?"
Natawa ako. I already got used to Caleb's way with words. Minsan kahit hindi naman niya kase intensyon, nagiging offensive 'yung tunog. Pero ayos lang! Siya yan eh. Kahit pa siguro may almoranas ang lalaking 'to, tanggap ko parin siya at perpekto parin siya sa paningin ko.
"May iniisip lang ako." sagot ko.
"Ano nanamang iniisip mo? Ako nanaman? Nasa harap mo na nga ako, iniisip mo pa 'ko!"
"Sira!"
"My, Natzkie, ganyan ka ba ka-patay na patay sakin!"
Akma ko siyang babatuhin ng kutsara. "Baliw! Akala ko, Chinoy ka? Di ko alam na Fil-Am ka pala?"
"Anong Fil-Am sinasabi mo d'yan?" kunot noong tanong n'ya.
"Half FEELingero, Half AMbisyoso!" sabi ko na nakaingos.
Halos mag-disappear ang mga mata niya sa kakatawa. Lalo kasing lumiliit ang singkit niyang mata! Ang cuuute!! How adorbs! Mas nakakainlove siya pag ganyang nakatawa siya.
Jusko, Natalie! Pinagsasasabi mo dyan? Kilabutan ka nga! Inlove inlove ka pang nalalaman!
"Are you done eating, Natalie? Bilisan mo kase may pupuntahan pa tayo." he glanced at his wrist watch.
"Now na?"
"Oo sana, kaya dalian mo na kumain."
Inirapan ko siya. "Grabe naman, baka mabilaukan naman ako sa gusto mong mangyare!"
"Kaya mo 'yan!" nakangising saad niya.
"Saang lupalop ng daigdig ba tayo pupunta?" tanong ko matapos uminom ng iced tea. Hindi ko malunok lunok ang mga kinain ko. Ang dami naman kasi! Pakiramdam ko tuloy, bochog na bochog ako! Parang gagambang kumain ng sampung langaw!
"Basta!" he winked at me.
Napanguso na lang ako. Pag ganyan na pakindat kindat sIya, wa na 'ko ma-say. Go with the flow na lang. I wish I could say that I wasn't completely under Caleb's spell. That I wasn't charmed. But I am. Hulog na hulog na 'ko sa kan''ya, wish ko lang hindi ako lumagapak at mabasag ang ulo ko sa sahig.
Wish ko lang, hindi ako masaktan.
---
Kung inaaakala niyo na hulog na hulog na 'ko sa hudyong si Caleb, nagkakamali kayo. Kase nagkamali din ako. Hulog na hulog na hulog pala! Laglag ang panga ko nang pumasok kami sa isang gallery. Nagtataka pa nga ako noong una kung anong ginagawa namin doon.
Napalunok ako dahil pamilyar sakin ang lugar na iyon! Nakita ko na 'yon sa TV!
At nang makita ko ang mga paintings at mga sculptures na nasa loob. Halos maluha ako. Nakadisplay sa gallery na iyon ang gawa ng sikat na pintor at iskultor na si Mariano Diaz! Ang idol ko!
May ilang segundo at na natulala ako sa pintuan ng malawak na gallery. Caleb had to hold my hand and remind me to breathe. Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko sa sobrang pagkabigla. Hindi ako makapaniwala na dadalhin ako ni Caleb sa ganito ka prestihiyosong lugar! Ang buong pagaakala ko, sa panaginip lang ako makakarating dito! This is the closest i'll ever be to a paradise.
"Magsalita ka naman, Natalie, you're scaring me sweetheart." bulong niya sa tainga ko.
"I-I can't believe it.."
Caleb chuckled as he gently nudged me to take a step inside. Once na naihakbang ko na ang paa ko ay wala na iyong tigil. Hindi ako magkamayaw sa pag inspeksyon ng mga obra na nasa loob. Oh my god! Fan girling mode talaga ako!
I was closely eyeing a certain painting of a beautiful scenery when I felt Caleb's hands on my waist. "Hindi talaga ako nagkamali na dalhin ka dito, Natzkie. The expression of your face alone right now is priceless. Kung gusto mo, araw araw tayong tatambay dito just so I could see that look everyday."
Napatingin ako sa kanya. Titig na titig sya sa mukha ko. Whatever was in there was all his fault! Kagagawan niya kung bakit ako masayang masaya ngayon at kung di lang ako marami pang balak gawin sa buhay ay baka sabihin kong pwede na 'kong mamatay! Yumakap ako kay Caleb. Nakatuntong na 'ko sa gallery ng idol ko.. I have in my arms this beautiful person who adores me. What more can I ask for?
"Okay ka lang ba, Natzkie?"
Tumango ako. Natatakot akong magsalita dahil baka pumiyok ako!
"Are you sure? Coz shit's about to get serious."
Napatingala ako't napamaang sa kanya. Noon ko namataan ang dalawang lalaki. Ang isa ay middle aged at ang isa ay halatang may edad na gawa ng maraming uban sa buhok nito. Both of them were smiling at us.
"I want you to meet, Mr. Dorian Jimenez, the owner of this gallery and Mr. Mariano-"
"Diaz." I uttered.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko ng mga panahon na iyon. Masayang masaya ako. Hindi lang iyong tipo na mapapatumbling ka, kundi 'yung saya na parang lumulutang ka. Parang nakarating ka sa ikapitong langit! Caleb really is an angel for doing this for me. Napakarami ko nang utang sa kan'ya. Pero sa lahat ng iyon, ito lang yata ang hindi matutumbasan ng kahit gaano karaming pera sa mundo. He is right, this is priceless.
Napagalaman ko na si Dorian Jimenez na siyang may-ari ng gallery, isang art fanatic, at pamangkin ni Mariano Diaz ay kaibigan ng kaibigan ni Caleb na si Zeve.
Kaya pala nung isang araw ay tinatanong ako ni Caleb kung sino ang paborito kong pintor. Kung sino ang idol ko. Naikwento ko sa kan'ya na gustong gusto kong makilala si Mariano, and that it would be a dream come true. Hindi ko naman akalain na tutuparin ni Caleb ang pangarap kong iyon.
At hindi lang iyon..
"Mr. Yung here, mentioned that your works were really superb, Ms. Gifford." ani Dorian.
"Naku!" napahawi ako sa bangs ko at pasimpleng tumingin kay Caleb na kausap naman si Mariano sa harap ng isa sa pinakasikat nitong painting. "Walang wala po ako sa level ni Sir Mariano."
Natawa si Dorian. "I would like to see them, Natalie."
Natigagal ako. "Talaga po?"
"Yes, and if I liked them, pwede bang idisplay ko rin sila dito sa gallery ko?"
---
Nakaalis na kami sa gallery at patungo na kami sa kotse ni Caleb nang bigla ko siyang dambahin sa likod at paghahalikan sa pisngi. "Sh-it!! This is the best date ever!!"
Tawa ng tawa si Caleb nang makababa ako sa likuran niya at harapin niya 'ko. He gazed lovingly at me and whispered, "Tell me to kiss you, Natzkie."
And so I did.
Mabilis na bumaba ang labi ni Caleb sa akin at agad ko iyong tinanggap. I kissed him with all the gratefulness I feel inside. I will forever remember this day and the way he made me feel. Habang buhay kong ihihingi ng salamat ito sa kanya. This was beyond imagination! Pangarap ng lahat ng artist na makasalamuha at makadaupang palad ang mga idolo nila. And Caleb just made that happen!
Hindi ko alam pero hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko para sa lalaking ito!
"Bakit mo 'ko dinala dito, Caleb, please tell me." I asked breathlessly when we stopped kissing.
"Because I wanted to see you happy." he smiled down at me. "Because I saw what you're hiding in your condo and I realized, how under rated you are. How you deserve so much more and," hinawakan nya ang magkabila kong pisngi. "I wanted the world to see how beautiful and how gifted and talented my girlfriend is."
I swooned. My heart is melting at every word he uttered. Ang sarap sarap pakinggan!
Gifted at talented daw ang girlfriend niya. 'Wag na 'yung beautiful kase matagal ko nang alam iyon. Pero gifted at talented—whut? Ano daw niya 'ko? Girlfriend?!
"Hoy!!" mukhang nagulat si Caleb sa biglaang pagsigaw ko. "Anong girlfriend ha? Sinagot na ba kita? Nanligaw ka ba?!"
Caleb rolled his eyes. "You like me. I like you. That makes you my girlfriend."
"I doesn't work that way!" mariing protesta ko.
"It does for me!" pinandilatan niya ako.
Luko luko ang lalaking ito. Kung maka-claim naman na girlfriend niya 'ko ganon na lang? Ni hindi man lang nagsabi sa'kin! Di man lang nagpaalam. At oo! Nagpoprotesta ako! Bakit ba? Eh choosy ako!
"Listen, Natalie." he guided me towards his car. Napasandal ako doon at itinukod naman niya ang mga braso niya sa magkabilang gilid niyon, trapping me. "I admit I am not a huge fan of this kind of set up. I don't do relationships Natalie. I date but I don't like being exclusive with someone."
Napakagat labi ako at nakinig na lang sa mga sasabihin niya.
"But when it comes to you," huminga niya ng malalim. "When it comes to you, I want everything understood. Gusto ko malinaw ang stand natin at claim sa isa't isa. I can't just let you loose. Hindi pwedeng hindi exclusive. Baka makuha ka pa ng iba kaya babakuran na kita."
Oh my god.
Hindi ko gusto ang mga lalaking possessive, pero kung gusto akong posasan ni Caleb at ikabit sa bewang niya..sige na nga!
"Ano? Payag ka nang maging girlfriend ko?" tanong niya.
Bubuka pa lang ang bibig ko para sumagot ay sumingit agad siya. "Pero sinasabi ko sayo, wala ka talagang choice. You'll be my girl whether you like it or not."
Siya naman talaga ang mapilit. Ganda ko talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top