Chapter 19

Natalie

Makailang beses akong napalunok bago ako nagkaron ng lakas ng loob para pindutin ang door bell ni Caleb. Jusko, Natalie! Si Caleb lang 'yan! Bakit ba uber ang kaba mo? Hindi si Obama 'yan, hindi rin si Pnoy! Relax ka lang! Nakipagpalitan ka na nga halos ng saliva sa kanya, kung kabahan ka, para kang nasa isang graded recitation!

I bit my lower lip. Iyon na nga ang problema! Naghalikan kami. Hindi ko magawang itatak sa isip ko na wala lang ang halik na 'yon kase nga para sa’kin, may meaning! Tagos sa laman, hanggang lalamunan!

Kaya lang, miss na miss ko na siya. 

Oo, sobrang namimiss ko ang sometimes masungit, sometimes alaskador na si Caleb. Umaabot pa sa punto na hindi na 'ko makatulog sa gabi kakaisip ko sa kanya ang sa mga labi niyang mapanghalina.

Matagal bago bumukas ang pinto. Kase naman ke aga aga ko nanamang nambulahaw. Malamang tulog pa 'yon! O baka naman wala sya sa bahay? Baka may night out sya kagabi. O baka may kasama siyang babae? 

Shit! Bakit di ko naisip yon? Papaano nga kung may kasama pala si Caleb tapos istorbo ako ngayon dito? Papaano kung yung babae niya ang magbukas ng pinto? Isang half naked na babae? Paano ako magrereact?

Goodness gracious, Natalie! You're over thinking! Malay mo naman kung nasa banyo lang siya?

Noon biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang halatang kagigising lang na si Caleb. He was wearing a white shirt and green striped pajamas. Trumiple ang bilis ng tibok ng puso ko. Jusme. Ganito ba ang mga elite na utaw? Kahit kagigising lang, mukha nang yummy? Ang unfair non! Kase ako, siguradong mukhang tungaw pagkagising sa umaga, tipong may muta muta at kung minsan may tulo laway pa.

Pero si Caleb, heto at ke aga aga, itsurang greek god na. Kahit di pa nakapagtooth brush at hilamos, pwede nang ipanglaban agad sa Mr. Pogi!

Tila hindi rin makapaniwala si Caleb na nasa harapan niya ako ngayon. Kumurap kurap siya at kinusot ang mata niya.

Good! Dahil at least hindi nya napansin ang paghagod ko ng tingin sa kabuuan niya. Nangangati pa nga ang kamay ko para haplusin ang dibdib niya. Syet, ang macho kase!

Ang tagal bago natauhan ni Caleb. Napanguso ako. "Bakit para ka namang nakakita ng multo?" Akala siguro niya namatay na 'ko dahil nga ang tagal kong hindi nagparamdam. Ang totoo niyan, hindi ko na lang kase napigilan ang pagkamiss ko sa kanya. Kinokonsensya pa 'ko ng hitad na Libby na 'yon. Matapos daw ng lahat ng ginawa para saakin ni Caleb, ganon na lang daw ang igaganti ko. Anong klase daw ba 'ko?

Sadyang napaka user ko daw ba talaga at hindi man lang marunong tumanaw ng utang na loob.

"W-what are you doing here?"

’Ta mo 'tong lalaking 'to? Parang ayaw na talaga akong makita! Sabi ko na hindi tama 'to eh!

But I won't back down. I have to ease my conscience, even just a bit!

"Babawi lang ako sa pagiging MIA ko," dinakma ko ang malaki niyang..kamay. "Tara!"

Ako na ang nagsara ng pinto dahil hanggang ngayon tila hindi pa nakakarecover si Caleb sa shock niya. Para lang siyang robot na sumusunod sa sasabihin ko.

"Where are we going?" he asked, finally.

Nilingon ko siya at nginitian. Sa wakas naman at natauhan na siya. Nananaginip pa ata ang lalaking ito! "Dyan lang sa baba, I'll treat you breakfast. Masarap naman siguro yung pagkain doon, ano?"

He looked at me horrified. "What?! I can't go down there looking like this!"

"What's wrong?" pinasadahan ko siya ng tingin. "You look okay to me." Okay is actually an understatement. He looked perfect even in his PJs.

"I look like shit, Natalie!" reklamo nya. Oh, there goes the Caleb I know. Reklamador ng bayan. Numero unong napakasungit. Namiss ko talaga ang kumag na 'to. Sa sobrang pagkamiss ko, gusto ko s’yang yakapin ng mahigpit, pisilin ang magkabila niyang pisngi at halikan siya!

Now, that ain't a good idea. Mauulit nanaman be ang elevator scene namin? I scrunched my nose.

"What?" sikmat ni Caleb. "Do I smell? Jesus, you didn't even let me brush my teeth first!"

Napailing ako napangisi. Nasa elevator na kami nu’n. "Ano ka ba? Brushing your teeth before breakfast is like washing your ass before taking a shit. Kaya okay lang 'yan, wala namang hahalik sa’yo dun!"

Sukat ay bumunghalit ng tawa si loko. Grabe nakakamesmerize talaga siya pag ganon. Saka in all fairness, hindi naman siya bad breath kahit di pa siya nakakapagtoothbrush. Pwede pa nga yata akong tumira sa loob ng bibig niya eh. Momolestyahin ko ‘yung tongue niya.

Por dios por santo, Natalie! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!

"Namiss ko ang pagiging siraulo mo." he said. Maluha luha pa ang mga mata niya sa katatawa.

Napamaang ako nang marinig ko 'yon. Teka lang, nanlalambot ang tuhod ko ha? Namiss niya ko? Totoo ba 'yon? Oh my gulay! Pwede bang magtumbling sa loob ng elevator?! Hindi ko keri yung kilig ko!

"Ako ba, namiss mo, Natzkie?" bulong niya maya maya.

Nang tingnan ko siya ay nakatutok ang mga mata niya sa mga numero sa kanang panig ng elevator. Hindi ako agad nakakibo. Baka kase masabi kong miss na miss ko siya, tapos akalain niyang patay na patay ako sa kanya.

Bakit, hindi ba?

Hindi kaya!Crush nga lang siya!

Go ahead and try to sound more convincing.

Kung bakit naman kase kinokontra ako ng sarili kong isipan! Napalunok ako habang minamasdan parin si Caleb. Talagang tutok na tutok sya sa punyetang pindutan sa harap nya. Bakit ba ayaw n’yang tumingin saakin?!

"Tinatanong kita, Natzkie. Namiss mo din ba 'ko?"

Teka lang, pwede bang huminga muna? 

"Oo, namiss kita." kagat labing sabi ko. Pinipigilan ko kasing mapatili sa kalandian ko.

Hindi parin siya tumingin sakin. Talagang mas nagagandahan ata siya sa pindutan ng elevator. Pagsisipain ko kaya 'yan? Ngumisi ang damuhong si Caleb. Yung ngising tuwang tuwa talaga. Ngising kinikilig.

Nagulat pa nga ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. He interlaced our fingers and held my hand tight. Shit. Nasa ganitong level na ba talaga kami? May pa-holding hands holding hands na talaga. Ang harot lang! Iba naman kase yung ginawa ko kanina, hinablot ko lang yung kamay niya tapos binitawan ko rin naman agad!

Iba ngayon, holding hands na talaga!At kinikilig ako!

Ang laki at ang tigas..ng kamay ni Caleb. Ang warm pa. Ang sarap hawakan! Hindi siya malambot at hindi rin magaspang at makalyo. Tamang tama lang. Iyon bang gugustuhin mong humaplos sa bawat parte ng katawan mo.

Hoy, Natalie! Tumigil ka! Ang utak mo, nagiging berde na!

Maiiwasan ko ba naman 'yon? Eto naman kasing katabi ko, sa sobrang pogi at macho, ang sarap lapain! Sino ba naman hindi magkakadirty thoughts diba? 

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang hinihintay namin na bumukas yung elevator. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Ang daming magagandang nangyayari samin pag nasa elevator kami. Bakit kaya hindi na lang Elevator Love Story ang title nito?

Dito ang first kiss namin, first holding hands. Dito na din dapat kami gumawa ng first baby namin! Kilegs!!

"Nakangiti ka." puna ni Caleb.

"Masaya 'ko e, bakit ba?" sikmat ko. Istorbo sa pagdedaydream naman 'to!

Tumawa naman siya. Tapos tumingin sya sakin habang naglalakad kami palabas ng condominium. Kay lapad lapad ng ngiti niya, pati ako nahahawa. "Masaya din ako."

---

Nagpumilit si Caleb na magpunta sa isang convenience store sa baba rin ng condominium na tinitirhan niya. Bumili siya ng toothbrush at sinamahan ko naman syang bumalik sa loob ng condo para makigamit ng CR.

Paglabas niya, all smiles nanaman siya sakin.

"Fresh breath na 'ko, pwede na kitang halikan."

Agad na umasim ang mukha ko. "Pwede ba, Caleb Damien Yung, 'wag mo nang mabanggit ang punyetang halik na iyan!" inis na humalukipkip ako. Nagmartsa na ako palabas ng condo papunta sa restaurant.

Napagusapan kase namin kanina habang bumibili siya ng toothbrush ang tungkol sa halik na 'yon. Ako ang nagopen ng topic. Sabi ko, kalimutan na lang namin 'yon gawa nga ng naiilang ako. Hindi siya sang ayon. He said, that kiss was bound to happen and nothing can ever make him forget that. Cause that was our first kiss. Memorable daw iyon.

Gigil na gigil ako sa kanya at nagbantang lalayasan siya pag hindi sya nagtigil ng kakatudyo sakin.

Bigla na lang tumawa ang gago at nang umalis ako, he hugged my waist from behind and kissed my head. Ang sweet, takte. Kinikilig pa nga ako. Kung umakto kase si gago, kala mo magjowa na kami. Samantalang hindi pa nga tapos ang misyon namin na bawiin ang boyfriend ko.

Ang nakakaloka pa nito, hindi ko alam kung gusto ko parin bang bawiin si Axel.

Binulungan niya ako na wag na akong magtampo at sisikapin nyang wag na akong asarin tungkol sa kissing scene namin. At bilang deads na deads sa tukmol na 'to—Sige na, aaminin ko na. Nauulol ako sa sobrang kilig sa lalaking ito—umamo naman agad ako. Easy to get!

"Napaka dakilang pikon mo, Natzkie." inakbayan niya 'ko palabas ng condo.

"Mapangasar ka e, subukan mong wag akong inisin baka hindi ako mapikon." mataray na sagot ko.

Tumawa siya lang siya.

Napapangiti ako habang tinititigan ko si Caleb. Ang saya saya niya. Halata iyon sa ningning ng mata niya. And knowing na ako ang dahilan sa likod ng kasiyahan na iyon, parang hindi ako makahinga. Parang hindi kasi totoo.

"Kanina ka pa titig na titig sakin."

Papanong hindi, e ang sexy mo kaya kahit naka pajama ka?

"Parang ang saya mo kase," sabi ko na lang.

Ngumisi siyang muli. "Because I missed you, Natzkie. And now you're here." inabot niya ang kamay ko. "Thank you for making me happy."

Umingos ako. Too good to be true talaga. Pero kung nagiilusyon man ako, lulubus lubusin ko na! Once in a lifetime ata ito! Oo, ordinaryong babae lang ako pero napansin ako ng isang Caleb Damien Yung. At hindi lang 'yon! Gusto niya pa ako! 

"Ang pogi mo, tae ka!" napahagikgik na sabi ko. 

He threw his head back and laughed. Napantastikuhan ako.

"Hey, alam mo bang muntik ko nang tawagan ang kaibigan kong may private investigation company?" biglang sabi niya kapagkuwan.

"Ha? Bakit?"

"Because I don't know where you live, Natzkie." aniya sa seryosong tinig. "I terribly missed you, at parang wala ka talagang balak na magpakita o magparamdam man lang sa’kin. I feel so damn helpless! So I decided, to just pay you a visit. Gustong gusto na kitang makita, at hindi ko gusto ang ginawa mong pagpapamiss."

Napayuko ako at pilit na itinatago ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na kaya 'to! Papatayin ako sa kilig ni Caleb!!

"Show me where you live, Natzkie. Para alam ko kung saan kita hahanapin tuwing namimiss kita."

May say pa ba ako?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top