Chapter 1
Natalie
"Miss, saan ka nga papunta?"
I shot a dirty look at the cab driver through the rearview mirror. Pambihira! Kanina ko pa sinabi sa kan’ya na ihatid ako sa Remix bar. Bingengot ba ‘to?
"Manong, sinabi ko na ho sa inyo, sa Remix bar, sa Makati ho ‘yun! Ano ho bang parte ng Remix bar ang hindi nyo maintindihan nang maeksplika ko ho? Eh kung hindi nyo naman pala alam yung lugar, sana sinabi n’o ho kanina pa, para nakahanap ako ng ibang taxi." kandairap ako. Mas lalo ko pang ikinainis ang nakita kong malisyosong tingin nya sakin mula sa salamin.
Uhg! Kung hindi ka ba naman kase sira, Natalie! Bakit ka nagsuot ng pagkaikli ikling damit na ‘yan? Alam mo naman na hindi mo forte ang pagpapasexy!
But, I need to do this. Hindi magtatagumpay ang misyon ko kung hindi ako mageeffort. Ngayong gabi ko lang naman gagawin ito, pag nakuha ko na ang gusto ko, balik nanaman ako sa pagiging Manang Natalie ko.
I sighed.
Oo, manang talaga ‘ko kung pumorma. Not in the sense na puro saya ang suot. Pero conservative ako, ika nga nila, dalagang pilipina! Ni hindi ko nga magawang magsuot ng masikip na jeans eh. Not that I do not have the body, because I do! I swear, I do! Kaya nga hindi magkamayaw itong matandang hukluban na driver na ‘to sa kasisilip sa legs ko. Napairap nanaman ako at ipinatong ko ang maliit na purse ko na hiniram ko pa sa bestfriend kong si Libby. Halos wala rin namang natakpan sa legs ko pero maigi na ‘to, kesa wala.
Anyway, back to the topic. May katawan naman talaga ‘ko, hindi ko lang ugali na ipangalandakan ‘yun. Mas komportable akong magsuot ng baggy jeans. Lalo na’t sa propesyon ko, hindi mo naman kailangan na maging maganda o sexy. Basta maganda ang gawa mo, okay na. Kiber kung mukha akong mabaho at marungis. Diba ganun naman kadalasan ang mga artists? Mga eccentric?
Nabanggit ko narin lang naman, oo, isa kong artist. To be exact, pintor ako.
Hindi nga lang ako bigtime. SA NGAYON. Dahil naniniwala akong balang araw, sisikat din ako. Hindi pa nga lang sa ngayon.
Napailing ako at nagconcentrate na lang sa pagtingin sa daan na tinatahak ng taxi na sinakyan ko.
So, now maybe you’re asking kung anong misyon ko? Na artist naman pala ko, pero bakit ako nakaayos na parang bayarang babae? Mamaya malalaman nyo pag nakarating tayo sa Bar na sinasabi ko. I crossed my fingers and prayed that I would see him there. Kundi, malamang extended ang Natalie, bimbo version.
Maya maya ay natanawan ko na ang bar na pupuntahan ko. Inihinto ni manong driver ang taxi sa halos tapat nito, nagbayad lang ako at agad nang bumaba. Hindi pa ko nakakalayo ay narinig kong sinipulan ako ng bastos na mama.
Aba’t—! Nakakapikon na talaga!
Hindi ako sanay na binabastos ako. Mas sanay ako na ilag ang mga lalaki sa’kin, o mga lalaki lang ba? Fine! Pati mga babae. Dahil may pagka wirdo nga ako. Iniiwasan nila ako, kung hindi naman ay umaakto sila na parang hindi ako nakikita o nageexist sa mundong ibabaw.
First time kong mapansin. Pero kung ang ibig sabihin ng mapansin ay mabastos at pag nasahan ng hukluban na ito ay di bale na! Mas mamatamisin ko pang maging invisible na lang habang buhay!
Nakakita ako ng malaking bato sa gilid ng daan at kaagad na dinampot yun. Pagkatapos ay binalikan ko ang bastos na taxi driver at inamba rito ang hawak ko. "Ang tanda nyo na ho, nagagawa nyo pang mambastos!" nakita kong dali dali na inistart nitong muli ang taxi. "Maghanap ho kayo ng ibang babastusin nyo!" pahabol ko habang papalayo ito.
Bwisit na ‘yon! Hinagis ko ang bato sa kung saan saka ko inayos ang bahagyang nagulong buhok.
Ugh! Nakakaasar talaga!
Nagmartsa na ako papasok ng bar. Nakakainis kase mukhang mga susyal talaga yung mga tao sa loob. Naiilang ako. Pakiramdam ko, ibang iba ako sa kanila. Pakiramdam ko, they can all see right through me at nakikita nilang hindi ako nababagay sa mundo nila.
I shook my head in disgust. Ano ka ba naman Natalie? Hindi ‘to oras para magisip ka ng ganyan, focus, okay? Isa lang ang pakay mo sa lugar na ‘to. Si Caleb Damien Yung. Wala ka nang ibang iisipin kundi sya lang. Okay? Focus!
And so I paved my way through the bar.
Agad na hinanap ng mata ko ang taong pakay ko. Kung hindi lang super reliable ang nagchuchu sakin ng whereabouts ng Caleb na ‘yun, hindi ako maglalakas loob na dito s’ya hanapin. Pero dahil nga tiwala ako sa aking asset, heto na ‘ko.
Sa sobrang daming tao dito ay hindi ko talaga sya mahahanap. Pumikit ako nang mariin at pilit na inalala sa isip ko ang hitsura nya. He has this brown unruly hair, brown expressive eyes, eyebrows that seem to be always in one line, proud nose, and thin luscious lips. Hmmmm. He was goodlooking alright. Pero halos lahat naman yata ng tao sa lugar na ito ay masasabi kong good looking. I tsked as I try to commit his face to my memory.
Hindi ko alam kung sadyang nagpapatawa ang tadhana pero nang sandaling magmulat ako ng mata ay ang mukha n’ya ang una kong nakita. He was sitting alone in one corner, a bottle of alcohol in one hand and a shot glass in another. I gulped. Anak ng pusit, mas gwapo pala s’ya sa personal? Nakaramdam ako ng pangangatog ng binti nang makita ko sya. Oo, mas gwapo s’ya sa personal pero hindi lang ‘yun. He looks more intimidating in person. Not because he looked masungit, pero every inch of him is oozing with sex appeal and well, screaming RICH. Kinabahan ako. Kaya ko ba talaga? Magagawa ko ba?
Huminga ko ng malalim. Hindi ito ang oras para kabahan ako. Hindi pwedeng ngayon pa ko magback out dahil kaunti lang ang oras na meron ako.
Agad akong naglalakad papalapit sa kanya. Sakto namang napalingon sya sa direksyon ko and seeing that I was looking at him, his eyebrows raised in unison. Bigla lalo akong kinabahan.
Oh shit! Oh shit! Di ‘ko kaya!
Imbis na dumiretso sa kan’ya ay umiba ako nang direksyon. Papunta sa pinakadulo ng bar.
I gripped the edges of it and sat on the stool immediately. Natalie naman! Umayos ka! Naduwag ka naman agad? Para san pa't nageffort kang magdamit ng ganyan kung magiinarte ka? Get a grip, please?
Kinawayan ko yung bartender. Oorder na muna ako ng alak, sabi kase nila, pag nakainom ka, nawawala yung inhibitions mo, nagiging mas makapal ang mukha mo at nagiging malakas ang loob mo.
Okay, I need this right now.
Actually, hindi ko naman first time na uminom. Nakatikim na din ako ng beer pero konti lang, kapag trip lang ng bestfriend kong si Libby. ‘Yun ay pag sawa na sya sa pakikipagsusyalan sa mundo ng modeling. Bumabalik s’ya sa’kin para ipaalala sa sarili nya kung sino talaga sya. Anyway, ako nandito para isipin ang best friend kong model, nandito ako para sa isang misyon na magpapabalik sa normal kong buhay.
I tried to compose myself as the bartender came towards me. Kailangan kong umakto na parang matagal na akong dumadayo sa ganitong lugar kahit pa sa loob loob ko ay ilang na ilang ako.
"Drinks, my lady?" nakangiting bati sa’kin ng matipunong bartender.
Oh la la! Ang pogi naman n’ya! Kamuntikan pang mahulog ang panga ko nang sipatin ko ang simpatico niyang mukha. May hawig s’ya dun sa bida sa pelikulang The Vow at Magic Mike. Shucks! Kasing sexy din kaya ng kay Channing Tatum ang puwet n’ya?
Namula ang pisngi ko sa sarili kong isipin. At sa lahat talaga ng parte ng katawan ay ang puwitan ni Channing Tatum ang naisip mo? Magtigil ka nga! Akala ko ba Maria Clara ang peg mo?
"Miss?" untag ni Channing Tatum kalokalike.
"Ah eh—" hala? Ano nga ba’ng dapat ko iorder? Hindi naman ako na briefing ni Libby sa mga inoorder ng mga susyal na tao dito at parang ‘di naman uso ang beer ditey? Napalingon ako sa mga babeng nakaupo ‘di kalayuan sa’kin. Tamang tama naman na may alak siyang hawak.
"Uhh.. ‘Yun! Gusto ko ‘yun ininom nila, bigyan mo ko nu’n!" turo ko dun sa hawak ng babae.
Muling ngumiti si Channing Tatum kalokalike na parang imbis na mawirduhan ay natuwa pa sa kanya. "It’s a tequila, miss. Are you that’s what you want? You might wanna go a bit slow. You seem like you’re new here, ngayon lang kita nakita."
Hindi ko alam kung dapat na ba akong kiligin sa pagiging sweet niya o baliwalain ko lang dahil sabi nga ni Libby; ang mga taong naglalagi sa bar ay sadyang malalantod at mahilig makipagflirt. Kaya nginitian ko na lang s’ya at tumango ako. Hmmmm.. Ganoon pala ang itsura ng tequila! Narinig ko na yung alak na ‘yun, hindi ko pa nga lang nasubukan dahil nga pang beer lang ako.
Maya maya ay sinerve na sakin ni CTK (Channing Tatum Kalokalike) ‘yung tequila. He again flashed me a ‘makalaglag panty smile’ saka nagmamadaling umalis na. Napakibit balikat na lang ako at binalingan ang inumin ko.
Teka bakit ganun? May asin pa sa paligid ng baso tapos may slice ng malaking calamansi, I mean, lime? Tama diba? Lime ang tawag dito? Ew. Pinahid ko ang daliri ko sa paligid ng baso para matanggal ‘yung asin. Ano ba ‘yan? Ganito ba talaga iserve ‘tong drink na ‘to? Ang weird. Alam kong dekorasyon ang lime pero ‘yung asin? Hindi ako informed na may gano’ng pautot, ha?
I brought the glass to my lips and took a tentative sip on it.
Muntikan ko nang maibuga ang laman ng bibig ko. Grabe! Ang sama ng lasa! Sobrang tapang!
Napansin kong papalapit sa’kin si CTK kaya inayos kong muli ang sarili ko. He has this concerned look on his face. "Are you okay, Miss?" sa lahat ba ng babaeng costumer, ganito s’ya ka attentive? O sa’kin lang?
Wow, feelingera! Ganda mo, ha?
"Ampanget pala ng lasa." reklamo ko at iniusog pabalik sa kanya ang baso ng tequila.
Natawa naman s’ya sa reaksyon ko. "I knew it was your first time! Pardon me for being inconsiderate.”
"Hindi ko first time, ‘no! Nakatry na ‘ko ng beer!"
Tumawa ulit sya sa pagkakataong ito ay isang malutong na halakhak na. "Then you should have just ordered a beer, available naman ‘yun dito."
"No,” mabilis na pagtutol ko. “I need something stronger."
"Oh? Let me guess? Broken hearted?" he smirked when he saw me pout. Tumango siya at tumalikod saglit bago inilapit nya sakin ang isang panibagong alak. "Here, it’s called a lemon drop, kung ayaw mo ng beer. You still need something a bit tamer than a tequila."
Napangiti na ‘ko. Ang bait nya talaga, crush ko na yata siya. "Thank you ha?"
"Anytime." he smiled yet again.
Paalis na sya nu’n tawagin ko ulit ang atensyon n’ya. "Kuya, kamukha mo si Channing Tatum!" I said, winking and giving him a thumbs up sign which I don’t even know what was for.
With that, he laughed out loud revealing a set of extra white teeth and a dimple on his right cheek. "You’re funny. Enjoy your drink."
Napangiti ako sa sarili ko. Huwaw! First time ko na makipagusap ng ganu’n sa isang lalaki, maliban sa best friend/boyfriend ko na si Axel—Ooops, let me correct myself, exboyfriend!
I sighed, nakipagbreak s’ya sakin dahil sa isang babaeng nagngangalang, Heather. Kung makafirst name basis naman ako, kala mo close, ‘no? Pero hindi. Hindi ko pa nakikita sa personal ang babaeng ‘yun pero marami na ‘kong alam tungkol sa kan’ya. Alam kong isa s’yang international supermodel, tagapagmana ng isang prominenteng pamilya at ex fiancée ni Caleb Damien Yung.
Naikuyom ko ang kamao ko sa paligid ng baso ng alak. Kung hindi dahil sa kagagawan ng Caleb na ‘yan, hindi makikilala ng Axel ko ang Heather na ‘yun! Kung hindi dahil sa kan’ya, hindi magkakainlove-an ang dalawa at higit sa lahat, hindi ako iiwan ni Axel.
Huminga ko ng malalim.
Napagalaman ko na sinet up ni Caleb ang dalawa para hindi n’ya mapakasalan si Heather. Nakakagigil! Gusto n’yang lusutan ang sarili n’yang problema at the expense of others?! Anong klaseng lalaki siya? Ngayon palang, kahit hindi ko pa siya personal na kilala ay kinamumuhian ko na siya!
At sa dinami dami naman ng lalaki ay bakit ang jowa ko pa ang napagdiskitahan niya? Bakit ako pa ang napili niyang agawan ng boyfriend, samantalang marami naming iba diyan na maganda at madaling mapapalitan ang jowa nila. Bakit ako na bukod sa hindi na nga kagandahan, wirdo pa, at hirap na hirap makahanap ng jojowain?
God, he’s so cruel! Dahil sa ginawa ng Caleb na ‘yun, nawala ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Pero dahil ako si Natalie Gifford, na kailanman ay hindi magpapatalo at magpapagoyo, babawiin ko ang akin.
Ginamit n’ya ‘ko para makalusot sa kasal nya, pwes, gagamitin ko naman s’ya para mabawi ang dapat na saakin. Infairness, ang lakas maka telenovela ng drama ko, ha? Dinampot ko ang baso ng alak at inisang lagok iyon…
A few minutes later..
Nakailang shots na ako ng lemon drop. In fairness, ang sarap nito, parang hindi alak! Unti unti na akong nalalasing at unti unti ko narin nararamdaman na lumalakas ang loob ko.
Imagine? Kanina sampung upuan ang pagitan namin ni Caleb, ngayon, five na lang! Lima na lang! Oh yesssh!
Muli kong tinapunan ng tingin si Caleb Damien Yung. Wow.. Bakit parang papogi ng papogi ang dating n’ya sa’kin? He was still quietly sitting there and sipping his drink. I watched as he slowly brought the shot glass to his lips. I swallowed. Is it just me or naisip ko na sana ako na lang yung shot glass? Para sana dumampi din sa’kin ang labi n’ya?
Ano kayang lasa ng bibig n’ya? Siguro mas masarap dahil sa alak? O mas masarap yung alak dahil nasa bibig n’ya?
Oh my gosh, kamusta naman yung kalandian ko diba? Kailan pa ko naging ganito? Samantalang dati ni hindi nakapagisip ng ganun kay Axel! May kasama bang aphrodisiac ang alak na ibinigay sa’kin nu’ng gwapong bartender?
Or maybe it’s just Caleb and his hot as hell way of drinking alcohol? He’s so sexy.. and hot.. and.. Naipilig ko ang ulo ko. He looks like he’s the kind of guy who’s up for a good time. Tamang tama pala ang get up ko. Kailangan gamitin ko na ang karisma na sinasabi ni Libby na taglay ko para maakit si Caleb. At ‘pag nakuha ko na ang atensyon niya, saka ko siya paaaminin ng kasalanan n’ya at presto!
Magagamit ko na ‘yun na pang blackmail sa kan’ya!
Am I brilliant or what?
Shit! Tingin ko may tama na ako.
Dinukot ko ang mini recorder na binili ko kahapon. Sobrang mahal pala nito! Waley na nga ‘kong datung ginastos ko pa para makabili nito. Di bale na, para naman to sa pinakamamahal kong si Axel! Mientras mamulubi ako, basta andyan sya sa tabi ko. Masaya ‘ko. Ika nga nila, love will keep us alive!
In-on ko na ang aparato at isinuksok sa loob ng damit ko. Sa may bandang dibdib. Maliit naman kase s’ya at parang MP3 player lang kaya ‘di mapapansin unless titigan ng kung sino ang boobs ko. Na ngayon ay sadyang nagmumura sa laki dahil sa push up bra na ipinasuot ni Libby sa’kin. Dammit! Dinukot kong muli ang aparato at isinaayos iyong maigi para hindi mahalata. Napansin kong nakatitig ang isang lalaki sa ginagawa ko kaya inangilan ko siya. Bastos na ‘yon!
Pagkatapos kong masiguro na hindi na mahahalata ang recorder ay dinampot ko ang pang—nevermind.! Hindi ko na matandaan kung pang ilang baso ko na iyon ng lemon drop at inisang lagok ko iyon. Pagkatapos ay tumayo na ako at lumapit sa kinauupuan ni Caleb.
Hindi ko alam kung ano bang tamang approach ng isang babae sa ganitong sitwasyon so I settled with, "Hi."
Agad naman niya akong nilingon. Ay por Dyos por santo! Kamuntik pa akong mapaantanda! He had the most captivating eyes I have ever seen.. I don’t even know how to describe them without sounding like a poetic loon. Basta ang napuna ko lang nang mga panahon na iyon, ay kung paano bumaon sa pagkatao ko ang titig n’ya, at kung bakit sa di maipaliwanag na dahilan ay parang may nagspasparkle na parang ginto dito. Wow..
"Yes?" untag n’ya saakin.
"H—Ha?" parang namamalikmata na napakurap kurap ako. Ako lang ba o sadyang may mapangakit na tono ang boses nya? It actually made the hair behind my neck stood on its ends. "A—Ah eh.." shit! I really couldn’t find the right words to say! Natameme ako sa kagandahang lalaki niya!
Nainip marahil s’ya sa pagtayo ko doon na parang tanga kaya muli na s’yang nagbaling ng paningin.
Palpak! Ugh! Inutil ka, Natalie! Naroon na ang pagkakataon, pinalampas mo pa! Inis na pagalit ko sa sarili ko. Pero hindi ako susuko! Ako pa? Kahit anong mangyare, hindi susuko si Natalie Gifford!
Atubiling naupo ako sa tabi n’ya. Tamang tama naman na nakamasid saamin sa di kalayuan si Channing Tatum kalokalike. He had this amused look on his face while watching us. I caught his eye and ordered another shot of Lemon drop. I don’t know if it’s a good idea, but what the heck! I need some liquid courage right freakin’ now!
"Uhh.. Hello?" i tried getting his attention again. Pero sadya yatang na turn off na sa’kin si Caleb kaya hindi na n’ya ‘ko muling nilingon. Nanatili lang s’yang nakatingin sa malayo at pinapaikot ang baso n’ya ng alak.
Ano ba naman ‘to? Suplado sa personal?
Inilapag ni CTK yung alak sa harap ko. Dinampot ko iyon at inistraight. Napansin kong medyo nagiging light headed na ang pakiramdam ko at bawat pilig ko ng ulo ay parang may humahalukay sa tiyan ko. Napaparami na ‘ko ng inom pero kulang parin ang naipon kong lakas ng loob. Umorder ako ng isa pang round kay CTK, saka ko binalingan si Caleb. "Hi! Ako nga pala si Diane!" magiliw na sabi ko. Syempre naman hindi ko binigay ang tunay kong pangalan. Ano ako, sira?
Naghintay ako ng reaksyon sa kan’ya pero wala. Tss. Sungit talaga!
"Mag isa ka lang ba?" No reaction pa din. Teka? Baka hindi s’ya nakakaintindi ng tagalog? Eninglish ko nga, "Are you alone?"
Wala pa din. ‘Yung totoo? Bingi ba siya o pipi?
Wait, baka chinese lang naiintindihan n’ya? He’s half Chinese, according to my research, afterall. So again I tried, "Ni hao ma!" O Japanese kaya? "Arigatou!" Ooops, thank you ata ibig sabihin nu’n? Mali. Mali.
Sinubukan ko na magbisaya at mag ilokano pero sadyang di n’ya parin ako pinapansin. Inagmumukha ko nang tanga ang sarili ko at nawawalan na talaga ‘ko ng pagasa! Uminom akong muli ng alak, baka matulungan akong magisip nito.
Nawala na sa isip ko na baka wala naman na ‘kong pera pambayad sa mga nainom ko. Sige lang kase sa pagserve ng alak itong bartender na ‘to na kamuka ni.. Ni.. Sino nga ba ‘yun?
Ah, nevermind!
Tumingin ako ulit kay Caleb, parang di na s’ya mapakali sa kinauupuan n’ya. Ano ba’ng gagawin ko para lang mapansin mo ‘ko? Kailangan kong makuha ang impormasyon sa’yo! Kailangan kita para tulungan akong mabawi si Axel ko!
"Ano ba?! Pansinin mo naman ako!" i cried helplessly. "Sige na, kung gusto mo rape-in mo na ‘ko! Ibibigay ko sa’yo ang katawan ko, just please, pansinin mo ako!"
Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang ‘yon pero huli na para bawiin ko pa. Besides, mukhang naging effective naman dahil agad s’yang napatingin sa’kin.
His brown eyes pierced me and I couldn’t hel but sigh dreamily. Definitely, hindi ko babawiin ang sinabi ko. Kung ganito ba naman kagwapo eh di sige, magpaparape na ‘ko! Choosy pa ba? "Rape me, rape me please?" i looked up at him at ibinuka ang mga braso ko na parang piniprisinta ang sarili ko. "I wanna make love with you tonight!"
"What the heck are you saying?" he looked at me with disgust.
I gulped audibly. Uh-oh.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top