CHAPTER : 9

***

“Sige, Shey. Kukunin ko mamaya. Anong oras ka pupuntang campus?Around 2? Sige.Thank you.”



Agad na ibinaba ko ang tawag pagkatapos makapagpasalamat sa kaibigan.Humingi ako ng pabor kay Asshey kagabi na magpapaprint ako ng assignments ko kay Sir Mediana.I need to submit everything later at 4pm. It’s a consolidated papers about city ordinances.




I'm currently here at the cafe just few meters away from the university. Hinihintay ko ang pagdating ng pinsan ko dahil gusto niya akong makausap. She's already in her second year program and we haven't met since the school year started.
Nagtatampo raw siya at hindi ko siya kinita man lang kahit isang beses mula noong pasukan.




While sipping in my favorite red velvet smoothie, what happened last night suddenly punched in my mind. I grimaced in irritation. Hindi ko naiwasan at napairap ako sa hangin sa inis.




“Maxine Leigh, bumaba ka ngayon din!”



I heard my father's footsteps and his consecutive knocks on my door. Tila pinipigilan lang niya ang pagsabog sa galit dahil nasa baba ang mga paborito niyang bisita. “Bumaba ka, sinasabi ko sayo. Bastos kang babae ka at nagawa mo na talikuran lang ng ganuon si Kumpare!”




Nanatili akong nakahiga sa kama ko.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.Pagod ba, sakit, lungkot, poot….. ewan ko.Hindi ako sigurado sa ano man ang nararamdaman ko ngayon at nanatili lang akong nakatihaya habang patuloy na tinatawag ni Papa ang pangalan ko.





At the very moment, I just wanted to disappear. This is not the first time that I begged the Heavens to let me hide away from the cruelty. I'm aching for peace but it seems like I can't attain it, even for once. Everything is too much for me. University, personal dilemmas, rumbling emotions, the rage. I don't know how to pick myself up from the depth of sorrows.





I don't know how it happened but I just found myself sitting in one of the couch, adjacent to where Attorney Rodriguez and his son had seated. Si Papa ay sa kabilang pang-isahang sofa naupo.I remained stoic. Gusto kong malaman nila na hindi ko gusto ang presenya nila dito sa bahay namin. Malas at hindi pa umuwi si Mama galing trabaho, para may rason akong umalis sa harapan ng mga ito.





Mukhang naramdaman ng anak ni Attorney ang kawalang gana ko at nagsalita ito.“Dad, I think Max's tired. Babalik na lang tayo sa susunod na araw.”Pigil na pigil ako na hindi sila masagot. Babalik sa susunod na araw? Mas mabuti pang huwag na para matahimik ako dito.




Mahinang natawa si Attorney Rodriguez sa sinabi ng anak. He gave his son a meaningful look.I gritted my teeth. Nagbaba lang ng tingin si Miro.Naningkit ang mata ko at nang dumako ang tingin niya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay. Kahit kailan talaga ay nagawa nilang mag-ama na painitin ang ulo ko. I am not this grumpy towards them way back when I was younger. I don't know what happened that I started to lose my respect on them. Siguro ay dahil kaibigan sila ni Papa at siya ang taong pinakaayaw ko kaya inaayawan ko na rin ang taong malapit sa kaniya.



Narinig ko ang mahinang tawa ni Papa sa sinabi ni Attorney kaya mas lalong nanguyom ang aking kamao.
“Yang’ si Max kasi ay grabe kung mag-aral. Tama nga ako na kayang-kaya lang niya ang kursong kinuha. Gusto ko ring mag-abogada siya para pareho sila ni Miro.”



I want to cover my ears.Ayokong marinig ang mga pinagsasabi nila.I want to interfere their conversation but I know that will only lead to complication. Knowing my father, he'll do everything to never put me at ease if I'll do something unpleasant for him, especially in front of his favorite people.Ayoko ng gulo.



Nag-uusap sila ng kung ano-ano habang ako ay tahimik lang sa gilid. Inis na inis na ako pero hindi ko masabi. Nasaan na ba si Mama at bakit ang tagal niya? At bakit ang tahimik ni Miro? Mukhang uwing-uwi na rin siya pero talak ng talak pa rin ang mga magulang namin.



“Dad, we should head out now. Baka may gagawin pa si Max na schoolworks,” mukhang hindi na siguro nasikmura nito ang pagkabusangot ko.I want to drag their butts out. Lihim akong napabuga ng hangin at pilit na pinakalma ang sarili.


Ngiti-ngiting tumayo si Attorney Rodriguez at humarap kay Papa, hudyat ng kanilang nalalaapit na pag-alis. “Mukhang pagod nga ang anak mo, kumpare. Aalis na kami at dadalaw na lang ulit sa susunod na araw.” He tapped my father's shoulder. “Sana nga at lalapit itong si Max sa anak ko para himingi ng tulong kung nahihirapan siya sa program niya. O pwede ring si Miro na lang ang pupunta dito.Gusto kong magkakasundo sila.”


My brows furrowed and looked at his son. Agad nag-iwas lang ito ng tingin at sa halip at humarap sa ama ko. “Aalis na po kami, Tito. Dapat na magpahinga na si Max dahil galing pa siya sa campus. Babalik na lang po kami dito,” he politely said.
Tiningnan muna ako ni Papa tsaka nangingiting humarap sa dalawa. He patted Miro’s shoulder. “Napakabuting bata.” Tumingin si Papa kay Attorney. “Bumisita kayo ulit dito at ipaghahanda kayo ni Max. Masarap magluto itong anak ko.”



I really tried my best not to roll my eyes.They went outside and my father escorted them until the gate. Matalim ang mata na sinenyasan ako ni Papa na lumapit sa kanila.Labag man sa loob pero sinunod ko.Walang pakundangan ang bibig ni Papa at baka sa harap ng mga bisita niya ay sisinghalan niya ako. Iyon ang pinakaayaw kong mangyari.



“Tutulak na kami, Pare. Siguro sa susunod na linggo ay dadalaw ulit kami. Marami pa kasi akong gagawin sa opisina,” nakipagkamay siya kay Papa at tinapik ang balikat.



Ang laki ng ngiti ng magaling kong ama.q“Aasahan ko ang pagdalas ng pagbisita niyo dito."



Nagmano ako kay Attorney bago sila umalis. Their black SUV was parked on the main street. Sinamahan siya ni Papa palabas ng gate namin. I frowned when Miro stayed in front of me.He looked at me apologetically.Walang salitang lumabas sa labi niya pero ramdam ko na may gusto siya sabihin. Ano naman? Gusto ko ng magpahinga pero bakit nasa harap ko pa ito?



Bumuntong hininga lang si Miro.He tried to held my hand but I immediately step back.I raised my brow. I don't know but there's something in him that I can't figure out.Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto nilang mag-ama at bakit dikit na dikit sila sa pamilya namin kahit pa mayaman sila.Matagal na magkumpare sila Papa at Attorney.




“Just…. forget whatever you heard from them,” he whispered but enough for me to hear it.Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kaniyang buhok.He looked a bit frustrated but  still composed.“Nevermind. Aalis na kami.”




Tinalikuran niya ako at mabilis na lumabas ng gate.Lito ako habang pinagmasdan ang pag-alis niya.What did he mean by that?Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki. Bumalik na si Papa sa loob ng bahay ngunit nanatili ako sa labas.


I grimaced as I remember it.Marahas na kinagat ko ang straw ng ininom ko.Hindi ko alam kung ano man ang iniisip ni Miro. Hindi ko maintindihan at mas lalong ayaw kong intindihin. Bahala sila sa buhay nila basta ay huwag lang akong pakealaman.Napabuntong-hininga ako at napasulyap sa relong pambisig.Nasaan na ba ang pinsan ko?Dadating pa ba yun?



Minutes had passed and my cousin came. She wore a fitted top and moms jeans. Her honey tea dyed hair in soft curls complimented her fair skin. She's all smiles as she approach me. “Pinsan ko!”




I tried to toss away the thought about last night and smiled to my cousin. Tumayo ako sa pagkakaupo pero sinalubong agad niya na ako sa pagpingot ng aking tainga.Sinamaan ko siya ng tingin. “Aray. Tatti...”




“Para yan sa walang paramdam sakin. Nakalimutan mo atang may pinsan ka dito sa CTU?” Pinanlakihan niya ako ng mata.




I snorted. “Pasensya na.Busy lang sa acads."

Pinaningkitan niya ako ng mata. Tattiana is the daughter of my mother's younger sister. Mula pagkabata ay lagi kaming magkasama at nagkahiwalay lang noong pumunta sila ng Manila. I don't know but my cousin didn't like the ambiance of Manila. Kaya ay bumalik at dito sa Cebu nagkolehiyo. Noth1ing beats the Queen City of the South, huh?Oh baka may ibang dahilan kaya nanatili dito?




“Huwag ka ng magtampo dyan. Di bagay sa’yo,” tsaka iminwestra ang upuan katapat ng akin,“Order ka. Libre ko.”
Inirapan ko lang ang ngisi ng bruha. Basta libre talaga.





We're chitchatting for almost thirty minutes in the cafe. Rinding-rindi na nga ako sa mga chika niya pero hinayaan ko na lang. Medyo kailangan ko rin ng kasama ngayon at mabuti na lang at nandito siya. I wonder if my klase pa ba siya.




“So, nakahanap ka ng jowa dito?” She suddenly asked, grinning from ear to ear.Ano?Nagtataka ko siyang tiningnan. Napakarandom ng tanong ng babaeng ito.“Pinagsasabi mo?” Todo tawid nga ako nitong program ko tapos may oras pa akong lumandi?



Nakangising tinuro niya ang mukha ko. She looked like she's about to find out something interesting.“Giann Sav, the electrical engineering student?”
Muntik ko nang mabuga ang ininom na smoothie. She laughed at me.Ano?How did she know about Giann? Tangina, anong alam nito?Iniisip niyang may namamagitan sa amin ng lalaking yun? Wow.She smirked upon seeing my reaction.“Nakita kitang umangkas sa Cbr niya last time…”




“Huwag kang issue,” I casually said even though my insides are hurling for some unknown reason. Kumuha ako ng tissue para punasan ang labi ko.“Kakilala lang.” I sipped on my smoothie again.Bulok ng rason ko pero yun na yun. Hindi ko pa siya nakita ulit sa campus. Busy siguro sa nalalapit na Intrams. Okay na yun, para tahimik ang buhay ko.However, a part of me is telling me something....the opposite.




“Kakilala lang,” she mocked me, making a face.Tinuro niya ang mukha ko. “Ako pa utuin mo. Engineering pala…Naks, pogi ng nabingwit mo, sis.”




“Bingwitin ko bunganga mo. Ikaw, nabingwit mo pero di ka mahal,” I fired back, para manahimik siya.
I don't want her to interrogate me about Giann.Nakita niya pala kami ni Giann sa cafe noong galing akong Tambayan? Mabuti at hindi ito nagsumbong kay Mama. Well, sa Mabolo siya nagstay ngayon at hindi pa sila nagkikita ni Mama.




She looked at me ridiculously, para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya galing sakin. Parang offend na offend siya. “Maxine Leigh Alcarza, ha…,” nanggigil na kinuyom niya ang kamao sa harap ko at pinanlakihan ako ng mata,“Nahihirapan na ako ditong kumalma…”


I confidently shot my brow at her, nanghahamon. Ayan, gaguhin ako tapos kulang na lang umusok ang pagkatao kapag niresbakan ko. Nagchika na lang siya ng ibang bagay kahit pa walang kwenta. Iba talaga kapag pino-point out na hindi minahal, kung ano-ano na lang sinasabi.Kalaunan ay nag-paalam siyang umalis na dahil pinapatawag ang mga officers ng kanilang department.



Bumalik ako sa campus para kunin kay Asshey ang mga papers na pinaprint ko na kailangan kong ipasa ngayong alas kwatro.My phone beeped for a message. Tinignan ko yun.



Asshey:

Nasa tennis court ako. Nagwiwindow shopping hihihi




Nagsalubong ang kilay ko. Window shopping?Ibinulsa ko ang cellphone at tinungo ang tennis court.With a smoothie in my hand, I stopped in my track when I saw Giann inside the tennis court. He's playing tennis with that girl who always came around with him. His friends watched him play and they all teased him.





Sa harap lang ng Engineering building ang tennis court.He's wearing a complete uniform while playing tennis.Parang galing sa klase pa lang sila. I squinted my eyes. Pawisin na nga pero ang presko pa ring tingnan. He pushed his hair back with his huge hand before hitting the tennis ball with the rocket. He's very laid back as he received all attacks. I don't know if he enjoyed the game because he looked so serious and calm. On the other hand, mukhang tuwang-tuwa naman ang babaeng kalaro niya.





May kumaway sa akin sa kabilang side ng court. Si Asshey na abot tainga ang ngisi at tsaka pinagalaw ang mata para ituro ang masayang grupo ng mga kaibigan ni Giann. Walang ibang tao. Ah, ito ang window shopping niya? Mukhang masaya siya.I shook my head. Napakalandi ng isang ‘to. Nilapitan ko siya ngunit tinampal niya ang braso ko. I looked at her in disbelief especially when she giggled.“Max! Ang pogi ng isa dyan!”





Kinuha ko sa kaniya ang printed assignments ko.Walang interes na binalingan ko ulit ang grupong iyon. Ang hilig sa engineering nitong babaeng ‘to. Si Giann ay lumapit sa mga kagrupo niya at naupo sa bakanteng upuan habang pinupunasan ng panyo ang pawis. One of his guy friends gave him a bottle of water.




Biglang nagawi ang tingin niya sa kabilang side ng court, kung nasaan kami ni Asshey. Seryoso ang mukha na nakatingin sa banda namin pero biglang lumapit iyong babaeng kalaro niya at naharangan niya si Giann, nakikipag-usap. I cleared my throat and looked away.Kinausap ko na lang si Asshey na mukhang asong ulol na kakatingin sa mga engineering students. Tangina naman.






to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top