CHAPTER : 8
***
Pagkababa ko ng motor ni Giann ay mabilis kong hinubad ang helmet at binigay ito sa kaniya.Hinubad niya rin ang sariling helmet kaya tinaasan ko siya ng kilay.Bakit hindi na lang niya agad pinahururot ang kaniyang bigbike paalis?It’s almost 9 in the evening.
“I intend to send you home as early as possible pero malala ang traffic,” he warmly said.
Inayos ko ang pagkasablay ng aking backpack sa balikat.Napakamot ako ng noo.“Ayos lang.You should go now.”
He looked at me intently. His hooded eyes bore into me.“I will, but you go first.Aalis ako kapag nasa inyo ka na.”
“Ayos nga lang ako.Umalis ka na,” I hissed, “at pakiusap huwag ka ng sulpot ng sulpot sa kung nasaan man ako.”
His eyes narrowed and he looked confused.I heaved a deep sigh.
“Again, tungkol sa sinasabi mong may nakalimutan ako?About what night? Pasensya na. Wala talaga akong maalala.I’m sorry but I don't know your for real.Hindi ako komportable sa mga sinasabi mo.Maybe you have just mistaken me for someone else.”
Napalunok ako.“Kaya sana…huwag mo na akong guluhin tungkol sa bagay na ‘yun.I don’t care about it.Kasi wala talaga, eh.I know nothing.Besides, I would never waste my time about something petty.”
“Petty….” he trailed off, as if he comprehends what I said is full of ridiculousness.Pagak siyang natawa at nag-iwas ng tingin. “Petty, you say?”
"Petty, yeah.." I looked at him in the eyes. "Itong mga ginagawa mo, I don't get it. It's creepy, actually. Knowing that I don't know you but you're here, lapit ng lapit. Ang alam ko lang ay ikaw si Giannfranco Guevarra, isang electrical engineering student ng CTU. Kaya ano man itong extra-extrang pinanggagawa mo, stop it."
Ilang minuto ang nagdaang katahimikan sa pamamagitan namin pagkatapos kong sabihin iyon sa kaniya. The silence stretched that I suddenly fely guilty. I bit my sinner lip. I don't know what got into me that I blurted out such words. Galit ba ako sa kaniya? Hindi naman. I just want him to know his place. Kasi itong ginagawa niya, natatakot ako. Hindi iyong takot na kasanayan....ngunit iba. Takot sa ibang bagay na patutunguhan nito.
The wind passed by around us, it reminded us the chillness of the night. Bahahagyang nagulo ang buhok niya.Tumikhim ako. His jaw clenched as he looked away. He pursed his lips in a way that looked like he's restraining something. Bumaling siya sa akin tsaka siya muling nagsalita sa mababang boses.Umayos siya ng tayo at marahang napatango-tango.
“Right.Nagkamali nga lang siguro ako.Hindi nga siguro ikaw ang babae nang gabing yun.Pasensya na.”
I felt a pang in my chest as he blurted those words but I remained composed.Tumango ako at mabilis na tinalikuran siya.Ilang hakbang lang ay nilingon ko siyang muli nang may makalimutan.“Anyway, salamat sa paghatid.Ingat ka pauwi.” Agad na umalis ako at iniwan siya sa tabi ng daan.
Magkasunod na buntong hininga ang pinakawalan ko.Tama na siguro iyong mga sinabi ko para tantanan na niya ako.Dahil hindi ako sanay sa trato niya sa akin at naninibago ako.I guess what I did was right.
Pero bakit masakit sa dibdib na isiping iniwan ko siya doon pagkatapos niya akong hinatid pauwi?
Humihikab ako habang ginugupit ang kulay lavender na cartolina sa maliliit na parte para gumawa ng origami.Si Feljay na nasa tabi ko ay seryoso rin sa ginagawa pati si Preshia.Busy kami sa maraming bagay dahil sa nalalapit na intramurals.
Ang president namin sa CebuTech PENS na si Ms. Lian ay kaliwa’t kanan ang ginagawa pati na ang ibang officers ng organization.A week from now ay gaganapin na ang event.
Two weeks had passed since my last interaction with Giann.Sa nagdaang dalawang linggo ay hindi ko siya pa ulit nakita sa loob o labas man ng campus.Kahit na may klase rin kami tuwing Martes ng hapon sa Engineering building, ni anino niya ay hindi ko nasilayan.
Did he obey my request?To stop pestering me?May hindi ba ako magandang nasabi sa kanya sa huli naming pag-uusap kaya hindi na siya muling sumulpot?Well if I did, I did it all out of whim.
Kasi ginugulo niya ang isip ko.Ayoko ng ganoon.He’s a nice guy but him being extra nice to me unleashed strange emotion deep in me.Ang emosyon na iyon ay ayokong maramdaman sa lalaking tulad niya.He’s just……I don't know.
At bakit ba naman ako nag-aalala sa nararamdaman ni Giann?I don't care and maybe it's a good thing that I haven't seen his face these past few weeks.Para naman magtuloy-tuloy ang buhay ko sa paraang gusto ko.Walang sumusulpot nalang bigla.
But maybe I was so harsh to him.Masyadong matabil ang dila ko kaya siguro ay naoffend siya doon. I sighed. Wala naman na akong magawa. Tapos na. Sana lang ay hindi na magkrus ulit ang landas naming dalawa.
Nakakainis.Kahit ganito ang iniisip ko, mukhang may ibang pakiramdam ang ibang bahagi ng utak ko. Giann means no harm. Sigaw ng maliit na parte ng aking utak. Marahas na ipinilig ko ang aking ulo. I should concentrate to what I was doing right now. Tama na itong kakaisip ko sa lalaking iyon.
“Guys!Guys! Let's have a break.May C2 at hamburger sa bucket na nasa ilalim ng table.”
Naghiyawan ang mga kasama ko at mabilis na binuksan ang may kalakihan na bucket sa ilalim ng aming mesa.The students from other table eyed our group but our people didn't bat an eye.Kaniya-kaniya silang kuha ng snacks at kumain agad-agad.
Susunod na sana ako sa kanila para makakuha ng akin ngunit nagulat ako nang abutan ako ng snacks ng isa sa kasama namin sa org.“Here, Max.Baka maubusan ka.”
Malugod na tinanggap ko iyon.
“Thanks, Ken.”
Sumaludo lang siya at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.I remembered him as a sophomore under literature program.He is one of the member of the events committee of our organization.
Pasado alas dos na nang hapon.Morning ang schedule ng klase ko ngayong kaya ako nandito.Sakto at pinatawag kaming mga members ng CebuTech PENS para masimulan ang paggawa ng mga decorations para sa booth namin.
Galing sa iba’t-ibang college departments at year level ang mga miyembro ng organization kaya ang iba ay busy at hindi nakakapunta.Especially those who are from higher years.Ayos lang naman kay Pres lalo’t mas priority pa rin ang acads kaysa sa org. Ngunit ginawa naman ng lahat ng miyembro na makakatulong kahit kunti para sa ikabubuti ng organisasyon.
Eksaktong natapos kami around five.Iyong mga origami at ibang designs lang sa booth ang tinapos namin.Sabi ni Pres ay bukas na lang ipagpatuloy ang paggawa ng ibang decorations.Probably ay iyong mga malalaki at mabibigat tulad ng mascots at 3D pillars.
“See you tomorrow, everyone!Siguro mga ala una din tayo magkita-kita dito sa study table and we need to finish everything as soon as possible, okay? Remember, next week na ang Intramurals.” Litanya ni Ms. Lian.
“Copy that, Pres!”
“Sige.That’s all for today.Ingat sa pa-uwi.”She waved her hand at sa saka bahagyang kumpas ng kamay.“At tayong mga from evening class……pumasok na tayo.”
Ang iba kong mga kaorgmates na galing sa evening class ay sabay-sabay na napakamot ng ulo.
“Pagod ang katawan ko pero need ko pumasok sa klase ni Sir Andeya.”
“I think di muna ako papasok sa work bukas.Bugbog sarado ang katawan ko these past few days.Hays….”
Napabuga ng hangin ang isa.“Kapagod buhay college.Tapos wala na rin akong pera.”
Upon hearing these fellow’s sentiments, I realized how exhausting it is to study in college, especially if you're the one who punch for everything.
Nakakapagod isipin na mula sa paggising sa umaga para maghanda sa skwela, sa mga ibang expenses, at sa pagtatrabaho ay mag-isa mo na itinataguyod kahit estudyante ka pa lang.I guess I’m lucky enough I lived with my parents who supported me.
But are they really supporting me?If they did, bakit mabigat sa pakiramdam ang isiping uuwi ako sa amin pagkatapos ng klase?I sighed heavily.Ayos lang ako kay Mama pero pagdating kay Papa, ayoko na lang magsalita.
Umihip ang malamig na hangin.May mga nakasalubong akong mga estudyante na mukhang nabibilang sa evening class.Dumaan kami sa room ED 308, classroom ni Pres Lian, para doon ilagay ang mga natapos na naming mga decorations para hindi masira.
Pagkatapos naming masiguro na maayos ang lagay ng mga gamit at decors, lumabas na kami.
“Ayos na, guys! Makakauwi na talaga tayo,” masiglang ani ni Kuya Kel, ang internal secretary ng org. He's also one of the evening students.
We bid goodbye before we storm off but Kuya Kel suddenly called me.Nagtatakang lumapit ako sa kanya.“Ano yun, Sec.?”
He smiled tightly and handed me an envelope.“I’m sorry but can I ask you a favor? Pwede bang ikaw na ang magbigay kay Pres Lian nito? It's from the SSG office and dapat ibigay kay Pres,” nagkamot siya ng batok “,I have class pa kase at mukhang malalate ako if hihintayin ko pa si Pres.”
I pursed my lips.Tinanggap ko ang papel na binigay niya.Nagsalita siyang muli.
“Hintayin mo lang siya dito saglit.May inayos pa siya sa baba.Ayos lang ba?”
Mabilis akong tumango.“Ayos lang, Sec..Maliit na bagay.”
He smiled.“Thank you so much.I gotta go now.Hindi ako pwedeng malate sa major ko.See you around!”
He bid goodbye at nagmamadaling umalis.I looked at my wristwatch.
Maaga pa naman. I just have to wait for Pres Lian to come back here so I could give this envelope to her.Naglalakad-lakad ako sa harap ng saradong classroom.
Naboboringan ako kaya dumungaw ako sa ibaba.
Kita mula sa kinaroroonan ko ang nakahilerang study tables sa baba.Dahil nga alas singko na, bukas na ang mga dim lights sa paligid ng study area.May mga seryosong nag-aaral at may mga magjowa pa na naglalambingan.I snorted.Kadiri.
Napalingon ako ng may marinig akong tawanan sa katabing room at ang pagbukas ng pintuan doon.Anim na lalaki ang lumabas doon at agad na napaayos ako ng tayo nang masipat si Giann na kasama ng grupong iyon.May mga dala silang nirolyong papel at lapis.
I suddenly became tensed.Gusto kong magtago.Ayokong makita niya ako dahil naguguilty ako sa mga pinagsasabi ko sa kanya twoo weeks ago.Umiwas ako ng tingin sa kanila at tumingin na lang sa ibaba.Pinili kong mainis sa mga nakikitang naglalampungan sa may study table kesa magkita kami ni Giann.
I bit my lower lip.Pero bakit ganun? Sa nagdaang dalawang linggo na hindi ko siya nakita ay pakiramdam ko mas gumwapo siya ngayon.Kahit seryoso at mukhang may galit sa mundo ang mukha niya ay gwapo pa rin siya.Gusto ko tuloy siyang tingnan ulit.Bahagyang kinutusan ko ang sarili.
I heard footsteps coming my way and their loud voices.
Piste.Nakakainis naman.Gusto ko ng umalis sa kinatatayuan ko at bumaba na lang ng building pero hinihintay ko pa si Pres.
Nakakabanas naman.
I heard them walk past me.I pretended to be busy watching outside until I heard them no more.I don't want to look at them dahil kasama nila si Giann.
Ayokong makita siya.
Napabuntong hininga ako nang sa wakas ay hindi ko na sila narinig.I instantly shut my eyes.Oh, God.
I bit my lower lip and started facing back and forth.Kahit ano pang gawin ko upang hindi magkrus ang landas namin ni Giann, alam kong mahirap dahil nasa iisang unibersidad lang kami.Maaaring makasalubong ko siya ngayon o bukas, sa loob o labas man ng campus.I tsked. Masyado ko namang pinoproblema ang bagay na ‘to.
Aba, ewan.Bahala na nga.Napatalak ako at lumingon sa may hagdanan.Nauumay na ako dito.Nasaan na kaya si Pres?
Isang mechanical pencil ang namataan ko sa sahig malapit sa room nina Pres.My mouth formed an ‘o’ as I picked it up ang observed it.Mukhang mamahalin.I never had something like this dahil Faber Castell lang ang afford at ginagamit ko kapag nagdadrawing ako.
Kanino kaya ‘to?Ibubulsa ko ito.
Suddenly, I heard loud voices coming from the stairs.
“Leche ka kasi, Rex, nanghihiram ka pa kasing bwesit ka!”
“Sorry na, pre.Hehehe.Teka, ihing-ihi na ako!Pucha.”
I was holding the mechanical pencil at napatingin sa may hagdanan.Huli na.My breath hitched upon seeing Giann walking my way.Napakamot siya ng ulo na tila naiinis.When his eyes landed on me, I saw nothing but indifference.He’s just casually walking until he stopped in front of me.On the other hand, parang sasabog na ang puso ko sa aking dibdib.One breath away and I feel like losing my consciousness.
Giann poked his tongue on the inside of his cheek before his eyes landed on the pencil I'm holding.His brows furrowed.Naglahad siya ng kamay sakin.“Akin iyang lapis na hawak mo.”
Ilang minuto bago ako nakabawi at tila nabalik sa huwesyo.I looked away and give him the pencil.“Ah.Nahulog ata dito sa sahig.Sa’yo pala ito?”
“Yeah.Hindi mo nakita?My initials were written here.” Supladong ani niya at pinakita ang kabilang parte ng lapis kung saan nakapaskil ang initials niya.Isiniksik ni Giann sa ibabaw ng kaniyang tainga ang lapis. Pinasadahan niya ng kaniyang mga daliri ang kaniyang buhok.
I don't know but he's so cold today.Parang bang hindi kami magkakakilala. Lihim na kinutusan ko ang sarili.This is what I want from him.To stay away from me.Ngunit bakit hindi ako natutuwa.I gulped and opened my mouth to speak.“Ah, ano…”
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dapat dahil bigla niya akong tinalikuran at agad na umalis sa harap ko.I blew a heavy breath.What was that?I felt a pang in my chest but I immediately stood firm. Bakit ganito? Why I felt pain?Nakagat ko ang ibabang labi ko.
Yeah.Galit nga siya.Nagbaba ako ng tingin at pilit pinakalma ang sarili. This is what I want right? Ang layuan niya ako?
Kalaunan ay dumating si Miss Pres kaya ay binigay ko sa kanya ang papel.Nagpasalamat siya at agad ay nagpaalam akong umuwi na.Sobrang bigat ng pakiramdam ko at gusto kong magpahinga.
“Ingat ka sa pag-uwi, Max.” Nginitian ko lang si Pres at kinawayan.
Habang nasa byahe ay naiisip ko pa rin si Giann.Masyado ko ata siyang nasaktan sa mga sinabi ko at hindi niya ako magawang kausapin man lang.Oo nga at gusto kong layuan niya ako pero bakit nanghihina ako ngayon?Parang gusto ko na tuloy bawiin ang mga sinabi ko.Ewan ko ba.
Kinuha ko ang cellphone sa bag at binuksan iyon.Dumerecho ako sa Instagram at inistalk si Giann.
Nagchange pala siya ng profile.Close up pic niya iyon habang may hawak na buko na may straw at may nakapatong na shades sa ulo niya.
Seryosong-seryoso ang mukha niya at sa likod niya ay ang asul na dagat.Sunkissed ang atake niyon.
I scrolled more on his feed.He only had five posts at kadalasan ay mga group photos ng section nila.He’s tall and huge that I can instantly recognize him in those group photos.Gwapo talaga siya kahit pa simple lang ang pananamit niya.Moreno at napakalinis niyang tingnan.
I pouted and put my phone back in my bag.Anong gagawin ko ngayon?Looking back, he's very nice to me but now, I don't know.He’s aloof.Kasalanan ko rin naman kaya sisishin ko na lang sarili ko.
Ngunit ginawa ko lang naman ang sa tingin ko ay tama.I don't want to be involved with him kaya ay pinagsabihan ko siyang layuan ako.Dahil hindi ko alam kung anong mangyari kung sakaling magpatuloy ang maingat na pagtrato niya sa akin.
Pagkauwi ko at nasa gate pa lang ako, namataan ko na si Papa sa loob ng bahay na tila masaya at may kausap.Kumunot ang noo ko.Hindi masiyahing tao ang ama kaya alam ko na kung sino ang kausap niya ngayon sa sala namin na dahilan kung bakit malalaki ang kaniyang ngisi.
My jaw clenched.Ano na naman kaya ang pinag-uusapan nila?Ako na naman ba?Derecho akong pumasok at namataan agad ni Papa ang pagdating ko kaya mas lalong lumapad ang ngisi nito.Gusto ko silang pag-uumpugin ng kausap niya.
“Tamang-tama!Nandito na pala ang aking unica iha!” ani Papa at tumayo sa kinauupuan niya.
Nakakainis ang tuwa sa pagmumukha ni Papa dahil hindi niya magawang matuwa ng ganito sa amin na sariling pamilya niya.
Mabilis na lumingon sa akin ang kumpare ni Papa at ang anak nito na nasa tabi.Gustong umarko ng aking kilay ngunit pinigilan ko.Kahit papano ay may katayuan sa lipunan ang taong nasa harap ko.
“Magandang gabi po, Attorney Rodriguez,” bati ko sa kumpare ni Papa.Ngumiti ito at tinapik sa balikat ang anak sa tabi.
Nananatili akong nakatayo sa harap nila.
“Magandang gabi, iha.It’s Tito Antonio.I told you na, diba?Napakaformal ng ‘Attorney’,” he laughed a bit. He gestured his palm to his son, nakahalukipkip na kaupo sa tabi ng ama.“Ang dati mong kaibigan, ayaw mo bang batiin?” nakangiting saad ni Attorney.
Gusto kong umirap sa hangin ngunit pinigilan ko lang.Oh, God.Anong pagsubok na naman ito. “He missed you so much, iha.Hindi ako magtataka kung kayo—”
“Dad…” his son shifted in his seat.
“What?Totoo ang sinasabi ko, Miro.Matutuwa ako kung kayo nga—
“Pagod po ako.Gusto ko na pong magpahinga.”Sabi ko sa kanila at mabilis na umalis sa sala.Malalaki ang hakbang ko na dumerecho ako sa kwarto ko at tsaka pabagsak na nahiga sa kama.
Kaya ayaw na ayaw ko na nandidito ang dalawang iyon.Palagi akong nabubwisit kapag bumibisita sila.Whenever they're around, the topic will always revolve about me and Attorney Rodriguez’s son, Almiro.Nakakabanas.But what can I do when my father favored them? Kahit na anong sigaw ng kalooban ko, sa panlabas ay sunod-sunuran ako sa ama. Nakakainis na gustuhin kong kumontra sa mga bagay-bagay ngunit hindi ko magawa. A slave of something I loathe, I guess....
***
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top