CHAPTER : 7
***
Malakas na tinulak ko ang kanyang dibdib at saka mabilis akong bumaba sa pool na kinauupuan.Malalaki at mabibigat ang hakbang na umalis ako sa bilyaran habang dumadagundong ang tibok ng puso ko.Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking backpack.
He's messing with my nerves.I need to get away from him.Bakit ba niya ginugulo ang sistema ko?Why is he talking nonsense like me forgetting something that has to do with him?Hindi ko maintindihan.Is he doing a prank on me?Sana lang ay hindi dahil hindi nakakatuwa at hindi kami close.Dahil ang alam ko lang ay kapwa kami estudyante ng CTU at hindi ko siya kilala.
Hindi pa nakailang hakbang ay nahablot ni Giann ang aking braso.Binaklas ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak ngunit ayaw niya akong bitawan hanggang sa nasa isang makipot na alley na kami.
"Giann, umalis ka na.Uuwi na rin ako,” may diin kong sabi.
Someone passed by near us kaya bahagya akong lumayo sa kanya. Unfortunately, he won't let go of my arm."I'm not letting you go home alone,Xine.You're tipsy."Diin niya.
Sa sinabi niya ay saka ko lang naramdaman ang init sa magkabilang pisngi at ng lalamunan ko dulot ng alak.Hindi naman ako tinamaan masyado dahil dalawang maliit na bote lang naman ang aking nainom.
Napaismid ako."I'm not.Umuwi ka na", malamig kong sabi."At huwag mo akong tatawaging Xine.Stop pestering me.I don't know what you're talking about."
Hindi siya nagsalita at naningkit ang mata.He poked his tongue on the inside of his right cheek and looked away.Tila pinipigilan niyang may masabi siya sa akin.
"Masyado ng magulo ang isip ko, Giann.Huwag mo ng dagdagan,”dagdag ko pa.
"What happened?"Mahinang tanong niya tsaka humakbang palapit."Why were you drinking? Something's bothering you?May nangyari ba?"
"It's none of your business,” heto at nakikialam na naman siya.“Sabi ko umuwi ka na."
"No.I'm driving you home.Let's go."
Nanlaki ang mga mata ko at binaklit ulit ang aking braso."What?Ayoko!I can go home by myself." Kung nagbibiro man siya, hindi nakakatuwa.The thought of him driving me home made me anxious.
"Huwag ng matigas ang ulo, Xine.Huwag mo akong pag-aalahin." Matigas niyang sabi kaya natahimik ako.Lalo na nang marinig ko na naman ang pangalan ko sa labi niya."Uuwi lang ako kapag nahatid na kita."Seryoso siya sa mga sinabi niya.
"Baliw ka ba, Giann!?Sasayangin mo ang gas mo para lang ihatid ako ng Mandaue?!” I'm flabbergasted.Anong kalokohan ‘to?
"Kahit sa Carcar o Danao pa kita ihatid, Xine.I just want you to be home safe.”
I gasped.Gago?Ang tigas ng ulo ng lalaking 'to.Ano bang nakain nito ngayong araw?Why is he like this?What is this behavior of his?!
He held my wrist as he walked ahead of me.I felt so small behind him, and I feel like he's adjusting his pace just for me to catch up.Sa haba ng binti niya ay ilang hakbang ko na kaya ang isang hakbang niya.
We stopped in front of his Honda Cbr.Sa gilid lang ng bilyaran at hindi pa maayos ang pagkapark niyon. Nanunumbalik sa isip ko ang mga babaeng umangkas sa motor niyang ito.Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib."Ilan na ang umangkas dito sa motor mo?"
Gusto kong kutusan ang sarili lalo na nang masipat ko ang tila pagkakaaliw ni Giann na pilit na ikinubli ng seryoso niyang mukha.Tiningnan niya ako na parang naninimbang tsaka marahang nagkibit balikat."Marami-rami na rin."
At talagang marami pala talaga.
Umamin pa siya.So hindi lang pala iyong dalawa ang nakasakay na dito.One for all all for one pala itong motor niya.Ibang klase.I shook my head in amusement."I see.Kaya pala ibang babae ang umangkas nito kagabi sa Sto. Niño at iba na naman kaninang umaga." I don't like the tone of my voice as I spoke.
Huli na nang marealize ko kung ano ang mga sinabi ko.What the hell, Max?Did you just told him that?Nagmukha kang stalker niyan.
Amusement is lurking in his eyes.Umusbong na naman ang inis ko.Natutuwa siya, ah.
Naglalaro sa magkabilang pisngi ang kaniyang dimples dahil sa tila pinipigilan niyang ngiti.Nakangising inayos niya ang kaniyang buhok na ginulo ng hangin.Hinambalos ko siya ng aking bag.
"Damn, girl."Nailagan niya ang bag ko.He's having fun with me, yeah.Habang ako dito ay sasabog na sa inis,siya naman ay tuwang-tuwa pa."You know, what? You sounded like a girlfriend who's trying to confront his boyfriend. And I'm,”
tinuro niya ang kanyang sarili, "that boyfriend that owes an explanation to his girlfriend."
Sa init ng pisngi ko ay pwede nang magluto ng ham dito.I gritted my teeth and walked passed him.Nahagip niya ang kamay ko kaya parang spring ako na nabalik sa kinaroroonan niya.I glared at him.His face suddenly softened.
Namumungay ang kanyang mga mata.“Nagalit na nga.”
“Ginagalit mo ako!”
“Okay,okay.Calm down now.”Malambing niyang sabi at swabeng umupo sa kaniyang motor.“I’m sorry. May I know kung anong ikinagalit mo?”
I grimaced.“Wala.Uuwi na ako.
Magcocommute ako dahil ayokong may makakita sakin kung sasakay ako dyan sa motor mo.”
His brows furrowed.“Why?Hindi ka ba komportableng sumakay ng motor?”
“Aside sa hindi ako komportable, baka maissue pa tayo”, my cheeks heated “ayokong maissue bilang isa sa mga babae mo.”
Sandaling katahimikan ang namamayani sa gitna namin at binasag lang ng malakas na halakhak ni Giann.Domoble ang init na nararamdaman ko sa aking pisngi at sigurado ay pulang-pula na ang mukha ko.Tinawanan niya ako.I’m totally embarrassed!
“Damn!” He cupped his mouth with his hand as if he's trying to contain his laughter. “Babae?What made you think I had one?Dahil sa mga umangkas ba dito?”Namamanghang tanong niya.
I always thought of him as a cold and distant person, but I guess I was wrong.Nakakaiinis siya ngayon, sa totoo lang.At isa siyang napakalaking sinungaling.
“Paiba-iba talaga ang umangkas dito dahil namamasada ako,” he casually said and pinched my cheek.
Laglag ang panga ko sa narinig.Minuto ang nagdaan bago ako nakabawi.Malakas na tumawa ulit si Giann.
Ano?Namamasada?Pinasadahan ko siya ng tingin mula sa suot niyang canvas shoes pataas hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa mukha niya.Ang lalaking ito?Mamamasada?
Sa itsura niyang ito?His huge motorcycle?Pinagloloko ata ako nito.
“Hindi ka naniniwala?”pilyong tanong niya.“Nagsasabi ako ng totoo.”
“Ulol,” mahinang bulong ko para hindi niya marinig.“Hindi kapanipaniwala ang sinabi mo,” hindi naman talaga.Wala akong nakikitang kasing gwapo ng lalaking ito na namamasada gamit ang isang big bike.
“Totoo nga.I drove people to their destination.Nag-iipon ako for my daily expenses,you know?” paliwanag niya kaya natahimik ako.
Nananatiling gulat ang sistema ko nang iginiya niya ako sa kanyang motor.Inabot niya sa akin ang isang itim na helmet tsaka inayos ang footrest para maapakan ko.“Let’s go?”
Akala ko ay ihahatid na niya ako pauwi ngunit nagulat ako nang tumigil ang motor niya sa isang cafe.Sunod-sunuran ako sa kanya hanggang sa counter habang nakatingin siya sa menu sa ibabaw nito.“Black coffee and a mushroom soup, please.” He even ordered my favorite soup.He glanced at me for a moment and shrugged.
“Nagugutom ka?”, tanong ko sa kanya dahil ano pang rason bakit kami nandito sa cafe? “Sinabi ko naman diba?I can go home myself.Ayan tuloy at nadatnan ka na ng gutom sa kakapilit m—”
“Para sa’yo yan,” he cut me off and held my elbow as he led me towards the vacant table near the glass wall.Ngayon pa lang nag sink-in sa akin na panay ang hawak ni Giann sa braso ko.Nakakarami na siya,ah.
Kitang-kita ko ang mga sasakyang dumaan sa labas.Nang nakaupo ay pinanlalakihan ko siya ng mata.”What the hell, Giann?Anong para sa’kin?Hindi ako gutom!”
“Kailangan mo niyan dahil sa nilaklak mong beer kanina.”
“Konti lang naman yon at sanay na rin ako.”Medyo maanghang at mainit nga ang lalamunan ko pero ayos lang naman.
“Ang tigas talaga ng ulo.Gusto mo bang mangamoy alak ka pag-uwi sa inyo?”
Natahimik ako.Why would he care if I reek of alcohol?Napagastos pa siya.Babayaran ko na lang siya sa soup na binili niya.I took my wallet from the bag.Kumuha ako ng two hundred na allowance ko dapat bukas at iniabot sa kanya.His brows shot up as he looked at it.Mukha siyang nainsulto sa ginawa ko kaya napaiwas ako ng tingin.
“Ano ‘yan?” malamig niyang tanong.
“For the soup.”
His eyes moved in annoyance.“Put it back.”
“But—
“No buts.Put it back.”
Hindi talaga siya paawat kaya binalik ko nalang ang pera sa wallet.Nalukot pa ang mukha niya.
Not so long and the order arrived.Nilagay niya sa harap ko ang isang bowl ng mushroom soup at ang black coffee ay sa kaniya.Sinundan ko ng tingin ang kanyang ginagawa at nararamdaman niya siguro ang tingin ko dahil dumako ang tingin niya sa’kin.
Giann urged me to try the soup, and I did. In fairness, masarap.I glanced at his seat and saw him sipping his coffee in a very laid-back manner.
His phone, which was placed on top of our table, rang.Binaba niya ang iniinom na kape at sinenyasan ako na sasagutin niya ang tawag.
Tumango lang ako.
He put it in a loudspeaker kaya dinig na dinig ko ang nagsasalita sa kabilang linya.“Giann, Iho.Si Ma’am Sanchez mo ito.Pwede mo ba akong ihatid sa Mango Avenue ngayon?”
I stopped eating.Napatingin ako kay Giann.He’s staring at me too before he spoke.
“Good evening po,Ma’am.
Pasensya na po pero may importanteng ginagawa kasi ako ngayon.Hindi muna ako mamamasada.”He said politely, emphasizing the word ‘mamamasada’.I rolled my eyes to the air.
“Ganun ba?Sige, Iho.”
“Pasensya na po talaga, Ma'am.”
The call ends right away.Giann sips in his coffee while maneuvering something on his phone.I couldn't help but speak.
“Bakit mo tinanggihan?Dagdag sa ipon na sana ‘yun,” I casually said, finishing the last spoon of the soup.
Nagkibit-balikat siya.“Iuuwi pa kita, remember?”
Tumikhim ako at umayos sa pagkakaupo.“Kailan ka pala nagsimulang mamasada?”
Pagcha-change topic ko.
Naningkit ang mata niya sa kawalan na tila may inaalala.
“Hmmm…noong second year ako. Kase I have to take side gig for my daily allowance at sa mga gastusin sa boarding house.”
“Side gig?May iba ka pang work?”
Tumango siya.“Any job that would fit and enough for me to not compromise my class schedules.”
Tumango ako ng dahan-dahan, pinoproseso ang kanyang mga sinabi.“I see.”
He's studying at one of the prestigious state universities here in Cebu, where students strive hard to survive, and he's one of those students.
Nakakamangha.Most students who stick to their goal to succeed and have faced countless hardships and challenges in pursuit of their dreams will eventually be successful in the future.Their unwavering dedication will eventually put them in a better place.
Funny.Aside from him being in the same university as me, wala na akong ibang alam sa kaniya.But here I am, casually talking with this man.
“So,” he prompted, "bakit ka nandoon kanina sa bilyaran?”
Akala ko ba ay hindi na siya magtatanong.I don't want to give him an answer dahil malulungkot lang ako kung pag-uusapan namin ang kahihiyan na sinapit ko kanina sa presentation ko.“Sinabi ko na sa’yo, diba?Nagpapahangin lang.”
“Hindi ako naniniwala.”He said firmly.Seryoso niya akong tinitigan.“You looked devastated when I saw you back in there.Something’s wrong.What happened?”
Napayuko ako at pinaikot-ikot ang kutsara sa wala ng laman na bowl.Bakit siya mag-aaksaya ng oras para makinig sa sasabihin ko?Bakit kampanteng-kampante siyang makipag-usap sa akin?Ano ba talagang koneksyon ko sa kaniya at ganito siya?
Ngunit wala naman sigurong mawawala kung magkwento ako sa kaniya.In fact, I want to hear a word from someone.An advice, to be exact.
But then I am the type of person to keep my own dilemmas and struggles to myself.I left it all unsaid, buried deep, until it eventually faded.Kaya mabuting hindi nalang ako magsalita.
“I just feel a little disappointed in myself.That’s all.”
Huli na nang narealize ko na binigkas ko na ang mga salita sa bibig ko.I twitched my lips in annoyance.Nilingon ko si Giann.
His eyes never left mine.Medyo nailang ako kaya ang tanawin sa labas ang pinagdidiskitahan ko.The sun has completely set, which has made the darkness dominate the surroundings.Ang ilaw na nanggagaling sa mga poste, establishments, at mga sasakyan ay kay gandang pagmasdan.
Minutes passed, but I'm still looking outside, appreciating its beauty.
No.
More about appreciating its gloominess. I don't think something is beautiful unless it is entangled with gloominess.
“Tell me more.”
Naibalik ko ang tingin sa kanya.He leaned in and turned his phone off before he slid it in the pocket of his jeans.“Tell me everything that made you disappointed about yourself.”
I did not utter a word.He’s waiting for me to say something but I didn't.Everything he did for me today is beyond my expectations.
Every words he said surprised me.
For fvcking sake, Giann.What are you doing just now?
“Please….say something.”
His voice lowered but enough for me to hear.
I sighed and lowered my gaze.Hindi, Giann.Hindi na ako magsasalita pa.Kung totoo nga na nagkakakilala tayo dati at hindi kita naaalala, siguro ay mabuting hagilapin ko na muna ang mga bagay na nakalimutan ko bago tayo mag-uusap ng ganito.
I don't want to say something anymore.Hangga't hindi ko nalalaman ang tunay na dahilan sa likod ng lahat ng mga kakaibang pinaparamdam mo sa akin ngayon.
***
to be continued....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top