CHAPTER : 6

***

The wooden ceiling, the clinking of bottles, the purring of drinks in a glass, the rancid taste of alcohol, the sound of a ball when hit by a cue stick, and the crunchy chips and murmurs from strangers echoed within this hall.



Nilagok ko ang isang bote ng local beer.Napangiwi ako sa lasa niyon.Kahit kailan talaga ay hindi ako masasanay sa lasa ng alak.I took a handful of Piattos and shove it in my mouth.Marahan kong nginuya iyon at seryosong nanonood sa grupo ng mga estudyanteng naglalaro ng billiards.



Pagkatapos naming maglunch kanina ng mga kaklase ay agad na umalis ako dahil wala naman kaming klase sa hapon.Walang laman ang ulo ko habang naglalakad kanina at sa halip na sa may terminal ng jeep sa harap ng Cathedral ako tutungo, dinala ako ng aking mga paa dito sa isang enclosed na bilyaran.


Anim na billiard pool ang nandito sa loob at sa gilid ay may mga tindang pagkain at drinks.Sa harap naman ay ang counter.Pasado alas dos ako napadpad dito at ngayon pagtingin ko sa wall clock ay mag-aalas singko na.Hindi ko man lang namalayan ang oras sa lalim ng  iniisip ko.



I can't push myself to go home at the moment.I felt the need to refresh my mind.Dahil inaamin ko.Hindi ko nagustuhan ang resulta ng naging presentasyon ko kanina.For me who did everything I could to attain a perfect, or at least close to perfect presentation, I'm beyond disappointed in myself.



Tinungga kong muli ang bote at marahang napamura sa sarili.How did I end up like this?Saan na ang galing at talino na ipinagmamalaki ko sa aking sarili?Did it burst like a bubble? Vanished into thin air? Or am I really dumb since the very start?Puta.


"Diri ko mobilib!"

"Yown!Basta inhenyero, tantyado!"

"Nice shot, babe!"



Napatingin ulit ako sa naglalaro ng billiards sa harap ko.Sa anim na pool ay dalawa lang ang occupied.Kaya medyo madilim dahil ang ilaw na nakatuka sa mismong gitna ng bawat okupadong pool lang ang naka-on.



Dito ako ngayon nakaupo sa ibabaw ng isang bakanteng pool.Itinuko ko sa magkabilang gilid ang aking mga palad at hinayaan nakalaylay ang aking mga paa.Mula dito sa kinuupuan ko ay kitang-kita ko ang buong laro ng kaharap kong pool.Some of them took pictures too.



They're betting in a game, and only then have I realized these are also students from CTU, based on their ID lanyards.And to my surprise, they're engineering students.Mechanical.
Napangiwi ako nang maglampungan ang dalawang nandoon sa grupo.Naghiyawan naman ang mga kasama nila at pagkatapos ay pinagpatuloy ang laro.The other pool was busy in their own world,too.



I was about to chug the bottle I was holding again, but stopped when someone grabbed my hand in a soft manner.Ginalaw ko ang aking mata para tingnan kung sino ang pangahas at nang mabulyawan ko ngunit nabitin sa ere ang inis ko nang makilala.



I raised a brow.Na naman?
"Let go," mariing ani ko at hinablot ang braso kong hawak niya.Bakit nandito ang lalaking ito?



"What are you doing here?," agarang tanong niya sa akin.



"Ako dapat ang nagtanong sa'yo n'yan.Anong ginagawa mo dito?," tanong ko sa kaniya pabalik nang hindi siya tinitingnan.Is he a regular here?Bakit nandito siya bigla?



I heard him sighed and block my vision.Hindi ko tuloy namataan kung napasok ba sa pocket yung bolang solid.I glared at him."Seriously, Giann?"



Hindi siya nagsalita.Wala ba siyang klase ngayon?Nanatili ang tingin ko sa kaniya at sinubukang basahin ang kung anong naglalaro sa isip niya ngayon ngunit bigo ako.As I stared at him for a long time, I felt like being drawn in the vastness of the ocean.He swiftly roamed his sight around before his eyes landed on me again.



"Bakit ka nga nandito?”Iritado na siya ngayon.Dumako ang tingin niya sa gilid ko at nagsalubong ang kaniyang kilay “And what's with these three bags of green Piattos and two bottles of beer?"Tinitigan niya ang mga ito na para bang may mabigat na kasalanan ang mga ito sa kaniya."Sisirain mo ba mga organs mo?"




Umirap ako sa hangin.Bakit ba nandito ang lalaking ito? Coincidence lang ba na ngayong nandito ako ay nandito rin siya?I scoffed.As always.Kung nasaan man ako ay milagrong nandoon din siya.
Someone suddenly whistled from behind.Nabaling ang tingin ko doon.



"Ey!Sav! What's up,pre?", yung isang estudyante sa grupong kasalukuyang naglalaro sa katapat na pool.




Bahagyang nilingon ito ni Giann at tinanguan."Pre…", then he looked back at me again.Salubong ang kilay niya at tila hindi siya natutuwa ngayon.Nanatiling masama ang tingin ko sa kaniya.



"Sino yan, pre?", usiso pa ng lalaki."Nililigawan mo?Aba!Finally…"
Napamura ako sa isip lalo na nang humakbang pa si Giann papalapit sa akin.



"She's someone I know," Giann said in monotone."A dear one…"pabulong na iyon na lumabas sa kanyang labi.



Lumakas ang tahip ng dibdib ko.Sinipat ko ang pool na iyon at nakita ang iilang nakatingin sa banda namin.Yung kumausap na lalaki kay Giann ay nanatili pa ring nakamasid sa amin ngunit nabaling rin ang atensyon sa kanilang laro.Agad na nag-iwas ako ng tingin habang nilalaro ang aking mga daliri.




I flinched when Giann suddenly cupped my hand.Mukhang nagulat din siya sa ginawa niya at mabilis na binitawan ang aking kamay.He punched a frail breath."Sorry…."



"Why are you like this to me?"
Deretsahang tanong ko sa kaniya.Hindi ko na napigilan ang aking sarili.



I saw him stilled for a moment ngunit agad ding nakabawi.Tama.Kailangan ko siyang tanungin ng diretso dahil simula noong nakilala ko siya, pakiramdam ko ay may alam siya sa akin kaya sulpot siya ng sulpot.I'm sure of it.Hindi ito coincidence lang. Tila may pinanghahawakan siyang koneksiyon sa'kin kaya siya ganito.O nagdedeliryo lang ba ako.



Pero bakit naman ganito ang trato niya sakin?To me, he's a total stranger.Kapwa ko Technologist at hanggang ngayon ay ganun pa rin ang pagkakakilanlan ko sa kanya.But to him….What did he think about me?Bakit kung makaasta siya ay parang may kung ano kami?



Anong meron? What's with the chivalry?Ang pagpahiram ng hoodie?Yung pamasahe?Him striking up a conversation first most of the time?



"Tinatanong kita, Giann.Bakit ganito ka sakin?Ever since I met you, you act like you have something for me.Care to explain everything?Kasi nagsisimula na akong malito eh."



His keen eyes never left mine.Something's lurking deep within.Hindi siya nagbaba ng tingin at tila hinahamon pa akong magsalita at sabihin kung ano man ang nais kong sabihin.



Napalunok ako.Naalala kong ngayon ko lang ulit natitigan nang ganito kalapit ang buong mukha niya.He had a tiny mole at the tip of his pointed nose.His groomed brow met that, and for a moment, he looked like a rebel archangel.Ang iilang hibla ng maalon niyang buhok ay nahuhulog sa kaniyang noo at isang marahas na pasada lang ng kanyang kamay ay nabalik ang mga ito sa ulo niya.




I gasped when he tried to take another step near me.I hurriedly looked around and calmed down when I realized there were only a few people inside.Pinanlalakihan ko si Giann ng aking mga mata."Huwag mong subukang lumapit pa at baka masuntok kita."
Dahil kong lalapit pa siya ay siguradong makukulong na niya ako sa kaniyang katawan.Gusto ko nalang tuloy bumaba sa pool para maiwasan iyon.




Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko at siguro'y nararamdaman niya na baba nga ako ng pool ay mabilis siyang nagsalita."We're not done talking yet.Stay there."Matigas na sabi niya.



I gulped hard but remained as composed as possible.Bakit niya ako inuutusan?Sino ba siya sa akala niya? "Okay, sige.Sagutin mo yung tanong ko nang makaalis ka na sa harap ko.



“I asked you first what you were doing in here, yet you didn't answer me,” he hissed.



"I was here to calm my nerves a bit, but then a certain person came and is now boiling up my nerves once again." Mariin kong sabi.”
Ngayon, answer me.Bakit ganito ka? Why are you doing this to me?"



"Doing what?"



"This!" I am close to shouting.Kung walang ibang tao ay baka kanina pa ako sumabog."Don't dare lie to me, Giann.Kasi hindi gawain ng isang normal na lalaki itong ginawa mo sa'kin ngayon."
Hindi talaga normal.All he has done to me is beyond normal.At kung bakit ganito ako makareact, yun ang hindi ko alam.



His eyes softened all of a sudden, as if he felt my rising irrationality, and he hurriedly closed our distance.Hindi na ako nakaangal nang tinukod niya sa aking magkabilang gilid ang kaniyang matitigas na braso at ikinulong ako sa gitna.I gasped of the swiftness of his moves.He's now towering over me, and I saw how his jaw clenched and he was gulping really hard.It looks like he's swallowing whatever words he's about to punch.




Nararamdaman ko ang matinding pagpipigil niya.His breathing was ragged as he stared at me.Sa ano, Giann?Anong pinipigilan mo at bakit ganiyan ang tingin mo?Hindi siya galit.I feel it.He's more of annoyed over something.Bakit naman?Bakit siya maiinis?




Hindi ko lubos maisip na kanina lang ay para akong walang buhay na nakatambay dito sa bilyaran.Only then did he come and awaken this strange emotion in me.Kung bakit naman bigla-bigla siyang naparito sa gitna ng inis na nararamdaman ko sa sarili.What a great coincidence,
Giannfranco Guevarra.




And despite the annoyance written all over his face, the softness of his eyes still prevailed. And slowly, he raised one of his hands to touch my face.Sinunda ko ng tingin ang kamay niya.Ilang dangkal na lang ang layo ng kamay niya sa mukha ko ngunit mabilis na ibinaba niya iyon.My forehead creased as my breath hitched.




He gave me a small smile—a painful one.“You're asking me why I'm being this close to you? Seek it yourself.Ayokong sabihin sayo dahil napakasama ko kung pangunahan kita sa mga alaalang nilimot mo."




Ang lakas ng dagundong ng aking dibdib.My heart's beating so fast that it pains me.Anong sinabi niya?Hindi ko siya maintindihan. I was perplexed and puzzled.




"Hindi mo talaga maalala."He said with conviction.Parang natanggap niya na wala talaga.Marahang apatango-tango siya at mariing tinitigan ako sa mata."Allow yourself to remember,Xine.That night.That time.And when you do……," he trailed off, "you'll realize why I'm like this to you.”



***

to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top