CHAPTER : 4

---

"Max!"



Tumigil ako sa pagkusot ng nilalabhan ko dahil sa kung sinong biglang tumawag sa'kin.I sighed when I saw Clark, our neighbor.Nasa labas siya ng gate namin habang nakaangkas sa kaniyang bisikleta at ngumunguya ng bubblegum.Siguro ay galing na naman ito sa pakikipagpustahan ng ML.



He's grinning from ear to ear."Magsisimba kayo mamaya?Sama ako!"




Simula noong lumipat kami dito ay ganiyan na siya.Nalaman niyang kada Linggo kaming nagsisimba ni Mama kaya sumabay na rin siya.Sa kabilang bloke lang sila nakatira.Siya lang din ang naging malapit sakin dito.



I nodded in response and continue what I'm doing."Sige.Sasabihin ko kay Mama.Pero sa Basilica kami magsisimba mamaya."



"Aba!Mabuti nga.Ipagdadasal ko kurso ko!" he gleefully clasped his hands.



Second year na dapat itong si Clark pero nagshift siya ng kurso at hindi na tinapos ang first semester sa pagma-marine.Lumipat siya ng criminology dahil sabi niya ay mas bagay raw sa kaniya ang humawak ng kalibre ng baril kaysa sumampa sa barko.Kaya ngayon, nagtitiis siya sa pinakakinaiinisan niyang buzzcut na gupit para lang mairaos ang kurso niya.



"Anong oras kayo magsimba?"

"Alas kwatro mamayang hapon."



Napatango-tango siya tsaka hinawakan ang manibela ng bisikleta niya."Sige, uwi muna ako.Nagugutom na ako, e."



I rolled my eyes and turned on the faucet."Puro ka kasi ML.Gutom talaga mapapala mo dyan."




"Sorry po Mama." He made a face and stuck his tounge out."Oy,bilisan mo dyan.Ililibre kita.Nanalo ako, e."




Hindi ko siya pinansin.Laging ganiyan kapag nanalo sa liga o ML.Ililibre niya ako ng pagkain kahit pa ayaw ko.




"Bilisan mo dyan,Max!Baka magbago pa isip ko," panggagago niya tsaka kinawayan ako at umalis.



Sinundan ko siya ng tingin.Siraulong lalaki.Nagpatuloy ako sa aking ginagawa dahil mataas na ang sikat ng araw.



Sobrang bigat ng katawan ko kahapon kaya hindi ako nakakapaglaba.
Ngayon ay isang laundry basket ang nilalabhan ko pati na ang ibang damit ni Mama.Nakakapaglaba na rin siya kahapon ng ibang damit niya at ng mga damit ng magaling kong ama.

Speaking of ......


"Maxine!Anong ulam?!"



Napabuga ako ng hangin dahil sa lakas ng boses ni Papa.Tanghali na at mukhang kakagising pa lang niya.Si Mama ay may trabaho at kanina pa umalis kaya ako ang naiwan dito.
Paborito talaga ako ng kamalasan.
Dear Heavens know how much I wish na sana may klase kami kahit Linggo para naman di ko makita si Papa.



Dumiretso ako sa kusina at naabutang nakapwesto na si Papa sa hapagkainan at may binabasang lumang newspaper.Magulo ang kaniyang buhok at gusot ang damit.I shook my head.Binuksan ko ang ref at kinuha ang left-over na ulam kagabi.Ininit ko ito pagkatapos ay hinain para makakain na si Papa.




Agad na nilantakan ni Papa ang pagkain habang nilinis ko ang mga gamit sa sink.
"Pagkatapos mong maglaba, hugasan mo ang mga pinggan at maglinis ka ng bahay.Aalis ako at mamayang hapon pa ako uuwi."He harshly demanded.




Kahit pa naiinis ay tumango nalang ako.Mabuti nga yun para makapagrelax ako ng kunti dito sa bahay mag-isa."Magsisimba rin kami ni Mama mamaya."
May report pa rin akong pag-aaralan para bukas.Nasapo ko ang aking noo.




He snorted as he chew the food."Pakealam ko?Magsimba kayo kahit araw-araw pa!Para naman kaawaan tayo," at malakas na humalakhak siya.



I gritted my teeth, but I remained clammed up.I always remember what my mother told me.Na wala kong ibang gawin kundi hayaan lang si Papa sa gusto nito.Kinuyom ko nalang ang aking palad.




Gustong-gusto kong sabihin kay Mama na pagsabihan si Papa sa kalupitan nito.I hope I could tell her to stop pampering my father.Oo nga at hindi nanakit ng pisikal si Papa ngunit hihintayin pa bang umabot sa ganoon?




Pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.Hanggang sa utak ko lang talaga ang mga gusto kong sabihin dahil alam kong hindi makikinig sa akin si Mama.Napatiim bagang nalang ako.Well, If that's what my mother wants, then so be it.




Umalis rin si Papa pagkatapos na kumain.Hula ko ay makikipag-inuman na naman sa kabilang eskinita.



Binalikan ko ang mga nilalabhan ko sa labas para tapusin ang mga ito.Nangangalay na rin ang aking mga braso at gusto ko munang matulog pagkatapos.Ilang linggo na rin akong kulang sa pahinga.




Isang mabigat at makapal na grey hoodie ang nahugot ko sa laundry basket.Ilang sandaling nangunot ang noo ko sa kakaisip kung kanino iyon.
Sinipat ko itong mabuti at nang mapagtanto ay natampal ko nalang ang aking noo.Unti-unti ay naaalala ko kung kanino at paano 'to napunta sa'kin.




"I don't know what would happen if I did not follow you here."



It's almost a whisper that I couldn't barely hear.Nanatili ang mata ko sa kalsada at hindi pinansin ang nasa tabi ko kahit pa ang lakas ng tahip ng aking dibdib.Bakit siya nandito?




Dumaan ang panggabing hangin at pilit kong isinuksok ang aking mga kamay sa bulsa ng pantalon ko.Makapal naman ang tela ng suot kong tshirt pero nanunuot pa rin talaga ang lamig kahit anong gawin ko.




I prayed so hard for a jeepney to arrive so I could go home now.I couldn't stand near him.I don't know.
Medyo naibsan na ang takot ko kanina dahil sa lalaking nakamotor at kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may kasama ako ngayon dito sa labas.But I don't even know what I'm going to do now that it's only the two of us here outside the university.Teka.Saan na ba ang mga jeep?




I heard him sigh and slightly shift in his stance."Nilalamig ka."




Binalingan ko siya at hilaw na nginitian.His phoenix eyes caught mine but I remained composed.
Ngayong nasa malapit siya ay napagtanto kong pamilyar na pamilyar siya sa'kin.The way he looked at me too, para bang kilala niya ako.Hindi ko alam kung bakit.Nagulat ako nang inabot niya sakin ang kaniyang gray hoodie na nakasablay sa balikat niya. "Take this."



Tiningnan ko saglit yun.I instantly shook my head."Ayos lang nam-," nang biglang hinagis niya sakin ang hoodie at sa kaba ko na baka bumagsak iyon sa lupa ay agad ko iyong sinalo.I glared at him.




"You need it," he said with conviction as he looked away.He leisurely slipped his hands down to the pocket of his faded jeans.




"Ahm..."I looked at the hoodie that was holding."Isasauli ko agad 'to sa'yo....," napatigil ako at nilingon siyang muli.




There's now a hint of smugness on his face."You can just DM me kung kailan mo gustong ibalik sa'kin."




Seriously?His brows shot up when he saw me looking at him in oddity."What? It's easier that way.You can give me your socials so you can contact me whenever you want to give my hoodie back," litanya pa niya.




Dahan-dahang napatango ako.
Right.Alangan namang libutin ko buong campus sa paghahanap sa kaniya para lang ibalik ito.I took my phone out from the bag.He also maneuvered something on his.I sighed and asked him."Anong socials mo? I'll follow you."




Giann eyed me for a moment before he let out a soft chuckle.Funny.He looked steely that I did not expect a single softness from him.Umiling siya at marahang iwinagayway ang cellphone niya sa ere."No.It should be the other way around.I'll follow you first."




Napanguso ako.Alright.I showed him my phone to let him know my socials.Amusement is written all over his face upon looking at the screen of my phone.



"Maxine Alcarza......"He casually drawled my name as his eyes were still fixed on the screen.



I cleared my throat and snatched my phone back.Kumunot ang noo niya sa biglang pagbawi ko sa cellphone ko."It's Max.Just Max."



I don't know why, but the way he uttered my name was quite odd, like an unfamiliar emotion entangled in it.Ewan ko ba.



"Okay.Max.Just Max," he nodded. "Actually,mas active ako sa IG.Facebook was for academic purposes only,"kibit-balikat na sabi niya.



Tumango lang ako.I didn't ask, though.Suddenly, a notification from IG and Facebook swooped into the screen of my phone.



francosavo_gvrra started following you.

Giannfranco Savron Loremas Guevarra sent you a friend request.




Ang bilis naman.I instantly followed him back and accepted his friend request.Saktong pag-angat ko ng tingin ay may dumaang jeep na pa-Mandaue kaya agad kong pinara.Pumarada ito malapit sa kinatatayuan namin at thank God at hindi pa siksikan ang loob nito.




Binlingan ko si Giann tsaka tinuro ang jeep."I'll go now.Isasauli ko agad 'tong jacket pagkatapos kong labhan.Thank you nga pala."
Agad na tinalikuran ko siya tsaka sumampa ng jeep at naupo sa pinakadulo.



"SM! Wireless!Tipolo!Hi-way!
Mercado!Oh, anim pa ang kulang!" sigaw ng dispatcher.




"Ikaw, Sir?Kasya pa lima!" rinig kong tanong ng dispatcher kay Giann na nanahimik lang sa kung saan siya nakatayo.Bumaba si kuyang dispatcher jat tumayo malapit kay Giann dahil naghihintay pa ang jeep ng ibang pasahero.





I pressed my lips together.Giann politely shook his head.His phoenix eyes still bore into me, even though I'm already inside the jeep.Dahil nga at nasa dulo ako kaya alam kong nakikita niya ako.Mukhang nag-uusap ang dalawa ngunit hindi ko marinig kung ano.I looked away.May dalawa pang pasaherong sumakay bago umandar ang jeep paalis.





Nagulat ako ng biglang kalabitin ako ni Kuyang dispatcher na sumabit lang sa bukana ng jeep."Boyfriend mo yun, Miss?"
Nilakasan niya ang boses dahil sa ingay ng mga sasakyan.



Nabigla ako sa biglaang tanong nito at sa klase ng tanong niya.I gave him a puzzled look."Yung lalaki, Miss," giit niya dahil mukhang halata ang kalituhan sa mukha ko.




Si Giann ba ang tinutukoy nito?Mabilis na umiling ako.Dumako ang kaniyang mata sa malaking hoodie na dala ko.Gusto kong ihambalos sa pagmumukha niya ang hoodie dahil sa nakakairita niyang ngisi.Nag-iwas nalang ako ng tingin at baka masira pa ang utak ko at maisipan kong mag-123 dito.Nakakairita.




"Huwag ka na humugot ng pamasahe sa bulsa,Miss.Binigyan na ko ng boyfriend mo...."




Laglag ang panga ko sa sinabi nito.Anong problema nito?Wait, what?.Magtatanong sana ako pero biglang tumunog ang cellphone ko.A message from IG welcomes my sight.




franncosavo_gvrra •

-
Don't worry about the fare.Just go home safe.
-



Napabuga ako ng hangin sa nabasa.
Did he just do what?I was eager to type a reply, but then I didn't have the energy to do so.Ramdam ko ang pagod ng katawan ko dahil sa araw na 'to.Pero bakit sa kabila niyon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan?
He doesn't have to do that.



Dahil sa lamig ng hangin ay hindi ko na napigilang isuot ang jacket ni Giann.Agad nanuot sa'kin ang panlalaking pabango na kumakapit dito.Mahigpit ang kapit ko sa aking bag at mariing pumikit.



I bit my lower lip upon recalling.
Mabuti nalang at hindi nakita ni Mama ito dahil siguradong kwestyunin niya kung kanino galing dahil siguradong hindi ito sa kapatid ko.Nilublob ko ang hoodie sa tubig para malabhan.




Pawis na pawis ako.Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok at ang sleeveless kong damit.Mataas na ang sikat ng araw pero dapat kong tapusin lahat ito.



May sumipol sa labas ng gate at ang mukha na naman ni Clark ang tumambad sa'kin.May dala na siyang plastic bag."Kanina pa yan, ah.Tulungan kaya kita."




I rolled my eyes.Hinayaan ko siyang pumasok ng gate.Sinabihan ko siya na maghintay sa pahingahan sa ilalim ng puno ng niyog sa bakuran dahil may mesa doon.Ngunit makulit siya at iniwan ang plastic bag doon at pumunta sa'kin para pagmasdan ang paglalaba ko.Maybe I'll just leave what I'm doing for a moment to entertain this brute.



"Tulungan na kita dyan,Miss.." Clark offered cockily.Para namang marunong maglaba ang isang ito.



"Doon ka muna."I shoo him off but the brute even squatted near me.


"Lagi mo nalang akong pinapaalis, babae ka.You're hurting me!"He pointed his finger to himself in a dramatic way.Kung sasang-ayon ang panahon,masasapak ko ito.



Itinaas ko sa ere ang hoodie ni Giann na kasalukuyan kong kinukusot para tingnan kung may dumi ba sa ibang parte ngunit maling galaw ata dahil agad iyong pinuna ng asungot.



"Uy!ALLSAINTS!" he exclaimed. Pinasadahan niya ito ng tingin.
"Mahal 'yan!Teka.Kanino 'yan?"
Natampal ko ang sariling noo.
Napakamot ako ng ulo tsaka binalingan ang kaibigan.Tanga ako kung sasabihin kong sa akin ito.Sa laki ba naman ng hoodie.



Clark eyed me like a hawk.His forehead creased in confusion.
"Teka.Huwag mong sabihin sa boyfriend mo yan?May boyfriend ka na?"



Nalukot ang mukha ko."Pinagsasabi mo?"

"Manliligaw, kung ganun?"

"Hindi nga," giit ko."Pinahiram lang sakin ng kakilala kahapon dahil sumama ang pakiramdam ko."Lies,Max.Lies.



"Talaga ba?Hindi jowa?Kinabahan ako doon, ah," napakamot siya ng batok.Ang kulit naman ng isang 'to.Tsaka....


"Bakit ka naman kinabahan?" my temple creased.


Napatigil siya."Wala."Unti-untinh hilaw na bumungisngis siya tsaka itinuro kung nasaan ang plastic niyang dala."Tingnan ko lang yun, ah?Baka kinain na ng pusa."



Nalukot ang mukha ko.Parang gago.Kumaripas siya ng takbo doon dahil may pusa nga na umambang pumatong sa mesa."Mamaya mo na tapusin yan!Inunahan na tayo ng pusa sa foods!" sigaw niya.



Kaya ayaw kong napapadalas si Clark dito dahil wala akong matapos-tapos na gawaing bahay.Laging nambubwisit.Siguro'y wala ang kapatid niya kaya ako ang ginagago niya ngayon.Itinabi ko muna ang natitirang mga labahan tsaka pinatay ang gripo.




Despite of me having tons of chores, my mind wandered on to something-or to someone-rather.My eyes landed on the hoodie.



Okay, he's a gent.He's somewhat grim and a heartbreaker on looks but he's actually nice.Akala ko noong una suplado siya ngunit hindi naman pala.Nagkamali ako.



But that won't change a thing.I won't deny that I'm quite taken aback by his generosity towards me last night.Or maybe I just felt that weird emotion because someone had me feel that way.



But whatever it is, if I did feel something for him,then too bad.Acknowledging such petty feelings is the very last thing on my mind. I'll just let it slide. Because I've lived enough with the complexities of life, and I don't want to complicate things more than they already are.



to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top