CHAPTER : 3

***

Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko dahil sa antok.It's almost 2 a.m. when I slept because I have an assignment to finish that needs to be submitted today.
Agad na isinuot ko ang napiling printed tee sa aparaor at pinaresan ng mom's jeans tsaka white rubber shoes.




Parang wala akong kaluluwa habang sinabit ko sa balikat ko ang aking shoulder bag.Alas nuebe ang klase ko ngayon at nang maalalang next week na ang report namin sa major subject namin kay Ma'am Bettina,nanghihina ako.Damn.



When I went downstairs, I instantly saw my mother doing the dishes.I heaved a deep sigh.Hindi nakatakas sa akin ang kanyang pamamayat at ang pagod na alam kong kinikimkim lang niya.Pain dawned on me.If only I can do something.




Nagpaalam ako sa kaniya na tutungo na ako sa campus bago pa man magising ang magaling kong ama.She just nodded in response kaya agad na umalis ako ng bahay.I couldn't stand there for long.



Hindi ko alam kung ano na naman ang mangyari.The reason I went off so early was so that I wouldn't have to face my offensive father.It's a routine.Ayokong umagang-umaga ay sirain niya ang araw ko sa mga salitang lalabas sa bibig niya.Ayoko ring marinig ang mga pasaring niya kay Mama.



Good thing my younger brother isn't here.Hindi ko na talaga alam kung ano pang gagawin ko kung nandito ang kapatid ko at masaksihan niya mga bagay-bagay.But at my brother's age, it's impossible he didn't know already.


I still couldn't grasp how our family ended this way.Ewan ko nga kung ang nararanasang kasaganahan at saya sa mga nakaraang taon ay panaginip ko lang ba o totoong nangyayari talaga.Because right now, pain is what I solely felt.
I'm still in a daze, wondering if there's something I can do to restore our family's former state.




Hinihikab ako habang nakikinig sa discussion ng professor sa harap.
Dapat talaga ay hindi ko na hahayaang nakatambak ang mga assignments at activities ko at saka na gagawin kung malapit na ang due date.Mukha na tuloy akong panda ngayon.Dagdag pa iyong mga sinabi ng lalaking iyon sa akin noong nakaraan kaya hindi agad ako nakatulog.



I still wonder why I'm always thinking about the words he said that day.Damn it.I shouldn't be fazed by his mere words.



Well, siguro ay kailangan kong iclarify kung ano ba talaga ang ibig niyang sabihin.I have to ask him para kumalma na ako dahil pakiramdam ko talaga ay may ibig sabihin ang mga iyon.How could it not be when I saw how his eyes flickered with such unfamiliar emotions that time?



Sana nga lang ay matagpuan ko siya mamaya sa Engineering building.I want him to clear things out.



Pagkatapos ng klase at habang nakatambay kami sa may hallway, nagulantang kami sa biglang pagtili ni Nack Jade.Tanghaling-tanghali ay umeksena na naman siya.



"Paawat ka naman minsan, oi!Naneto!" nakabusangot na suway ni Diane sa kasama naming tila nakalaklak ng sandamakmak na energy drink.




Mahina siyang tinulak ni Nack sa tabi ito'y agad na pumagitna.
"Good news!" pinagsiklop nito ang mga kamay at saka mariing pumikit.
"Kami na ni Lee Dong Wook!"




Sabay-sabay kaming bumuntong hininga.


"Alat mo," Reame uttered.

"Ayan na naman siya," napaismid nalang si Hannah.


"Churva lang.Eto na nga ang balita.Matutupad na ang pangarap nating Intrams!" He even clapped gleefully.


"Alam namin," Diane countered.
"Akala mo ikaw lang mayFacebook?"


"Ay!Grabe naman.Suplada mo, ah!"



I pursed my lips.Nakita ko nga sa post ng SSG sa kanilang page  sa Facebook.A one-week lively event is to be held on the grounds of the Cebu Technological University Main Campus.


Nack snapped his fingers."Oh, huwag muna maexcite.May
reporting pa tayo kay Ma'am Bettina next Monday.Alalahanin niyo."


"Tumahimik ka nga.Nenerbyos na kami dito, oh," Hannah replied weakly.


"Tsaka sa Phil Consti.Next week na rin deadline.Grabe, kahangak."



Right.Sa katapusan ng buwan pa ang petsa ng Intramurals.We still have some important matters to do in our chosen field.I just hope that the event will be jovial and lively enough to heal every student of this university.Dahil kami nga na mga freshmen ay stress na, paano pa kaya iyong mga nasa higher years.Sana kahit man lang sa isang linggong event na gaganapin ay makapag relax ang mga estudyante.



My phone vibrated from the pocket of my jeans.Kinuha ko iyon tsaka tiningnan at nagulat sa chat na nanggaling sa group chat ng CebuTech SPEN, ang nag-iisang organization na sinalihan ko dito sa university.



I decided to join at least one organization para naman may mga makikilala akong ibang estudyante galing sa ibang department at sa higher years.Marahan kong minasahe ang aking batok.At naisipan ko pa talagang sumali sa lagay na 'to, huh?




CebuTech SPEN (Society of Poets, Essayist, & Novelists)

Ms. Lian:

Attention, committees and members!
We'll be having a short meeting later, at 5:30 PM, in room ED301, Academic Building.Please be there.



Ibinalik ko agad ang cellphone sa loob ng aking bag.Ngayon ko na makikilala ang mga ka-orgmates ko.Kinabahan ako.Marami naman kaming mga bagong miyembro ng organization kaya sana lang ay maka adjust agad ako.



Pagkatapos ng klase ay agad na tinahak ko ang daan papuntang Engineering building.Katabi lang ito ng building ng Science and Technology at sa harap nito ay ang tennis court na may mataas na fencing.



Napatigil ako sa paglalakad.
Paano?Anong sasabihin ko sa kaniya?Hahanapin ko siya doon at alam ko namang madali ko lang siyang mahanap dahil kilala naman siya dito.Pero paano?Hindi ko alam kung anong year na siya.Hindi kaya magtaka ang mga kaklase niya kung bakit hinanap ko siya?Puta.



Bakit ko nga ba siya hahanapin?
Dahil lang sa katanungan ko?I scoffed.How petty.Kababawan.




Bumalik nalang ako sa Academic building para dumiretso sa room kung saan gaganapin ang meeting ng SPEN.Sana lang ay mababait ang mga ka-orgmates ko at sana ay matapos agad ang meeting para makauwi ako ng maaga para makapagpahinga.But will I really get to rest when I go home?




Papaakyat ako ng hangdan ay nakasalubong ko si Giann.I instantly stopped midway.My grip on my shoulder bag tightened.May dala siyang nirolyong papel at may lapis na nakasipit sa kaniyang tainga.He's very laid-back in his black shirt and faded jeans.



Napatingin siya sa gawi ko kaya agad na nagpatuloy ako sa paglalakad at nauna sa kaniya.Nakasunod siya sa akin sa hagdanan at hindi ko alam kung saan siya pupunta.



Ano na, Max?Hindi ba't hinahanap mo siya kanina para makausap?
Nasa likuran mo na yung tao.Hindi ka na naman ngayon sigurado kung kakausapin mo ba o hindi?


"Tapos na ang klase mo?"


Here comes again his low baritone voice.He caught my pace, and he's now walking beside me.Sa haba ba naman ng mga binti niya."Are you going somewhere ?"



Nilingon ko ang paligid.Wala na masyadong mga estudyante dahil alas singko na ng hapon.Sa ganitong oras ay mga evening students nalang ang nandito.I stoped walking and face him."Ako ba'ng kausap mo?"



His brows shot up.Sinipat niya ang paligid."Kung hindi ikaw, sino?"


Namangha ako.Sira pala ito,e. "May meeting kami sa organization namin.Sa third floor.Ikaw?"


He scratched the side of his temple."Sa third floor din.May assessment kaming mga third year sa isa sa mga room doon," he casually said.



So, third year na pala siya.
Napatango-tango ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad.Tahimik lang siya sa tabi ko hanggang sa makarating ako sa harap ng room 301.Pinihit ko ang doorknob ng pintuan ngunit napatigil nang magsalita siya.


"Head home immediately when the meeting is done.Maraming masasamang damo ngayon sa labas ng campus."


The entire meeting, my mind wasn't in the right place.Pinaglaruan ko ang ballpen na hawak ko.Bakit?He doesn't know me, and I don't know him either, yet he's talking to me like we're some kind of friend.Kung makabilin akala mo naman ano.I scoffed.Tatlong taon na siya dito sa CTU kaya normal lang talaga sa kanyang makipag-usap sa kahit na sino.


Alas siete na natapos ang "short" meeting dahil marami ang mga bilin ni President Lian.She told us about the upcoming Intramurals and what we should do on that event.Bawat organizations ay magtayo ng booths at magdisplay ng kung ano-ano bilang representation ng organization.
Maging busy daw kami next week para sa paghahanda.

"And next month, we will be having an election for new officers of our organization!"
Hiyawan ang agad na bumalot sa buong room.


Kita sa labas ng bintana ng classroom ang dilim sa labas.
Sumabay ako sa ibang kaorgmates ko pababa ng building.Some of them had already talked to me and become comfortable with me, like Presha,Girlie, and Feljay.I found out that we took the same program, and they're already in their second year.


"So, how's Public Administration?
First year ka pa, diba?So how is it?" Presha asked.


Feljay snapped his fingers."I knew it!Keri lang ba, dzai?First sem pa."


Hilaw na ngiti lang ang iginawad ko."Ayos lang naman."


Girlie interfered."Girls, stop bothering Max.Max, makakaadjust ka rin kalaunan.It'll be fine.Sukol kay way gasugo!"


Napapangiti ako.They're strong-willed.


No.I'll try to be fine.If they strive hard because no one ordered them, I'm not them.I strive hard because I was told to.And I shall strive harder to not disappoint.



Hindi ako makapaniwalang sobrang liwanag ng hallway kahit gabi na.Tahimik ang paligid.Ang simoy ng hangin ay agad nanunuot sa aking balat.


"Ingat kayo, guys!"


"See you next week! Don't forget the materials!"

We bid goodbye upon reaching the gate and went our separate ways.


Nanatili ako sa labas ng campus, sa tabi ng gate.Sa unahan ay ang jeepney stop kaya nilakad ko ito.May dadaan pa naman siguro ditong mga jeep sa Palma Street na papuntang Mandaue ng ganitong oras kaya hindi ko na kailangan pang pumunta ng terminal.


Palingon-lingon ako sa paligid.May mga estudyante pa ring papasok ng campus dahil sa panggabing klase.
Siguro kung malapit lang ang amin, pipiliin kung sa evening class mag enroll.Gusto ko ang katahimikan sa gabi at ang panggabing hangin.The chilly nights will never fail to de-stress me.I will trade what I have just to experience a long night with no pain and just serenity.


"Miss?Motor?"


Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na nakasuot ng helmet.He's wearing a black hoodie and rugged pants.Kumunot ang noo ko."Saan ba ang inyo, Miss?Hatid na kita.
Singkwenta lang singil ko."



I looked around.Mabilis akong
umiling at kinawayan siya bilang pagtanggi."Mag-jejeep po ako, Manong."



Magaspang itong tumawa at itinabi sa gilid ng daan ang marumi niyang motor.I ridiculously eyed him.
"Naku!Mukhang punuan na ang mga jeep ng ganitong oras.Angkas ka nalang sakin.Mura lang singil ko."



Ewan ko ba at biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko.Umiling ulit ako.Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking ito?



Unti-unti akong umatras para bumalik sa may gate dahil may guard doon.Damn!Ano ba kasing naiisip ko at bakit lumayo pa doon.I should've stayed near the gate.


Domoble ang kaba ko nang bumaba ang lalaki sa motor niya at naglakad palapit sakin.Amoy pawis pa."Halika na, Miss.Gabi na baka mahirapan ka pa niyan pauwi." Lumambing ang boses nito na nagdala ng takot sa buong sistema ko.Shit!



Gusto kong sumigaw pero ewan ko at hindi ko magawa.Pinilit kong kumalma.As long as I get to be near in the gates, I'll be fine.I sighed heavily and kept on stepping backwards."Manong, ayoko sabi—,"


"Pilitin mo pa ulit siya and I'll drag your shitty ass this instant to the nearest police station."


Napasinghap ako sa boses na pamilyar na pamilyar sa akin at alam ko kung kanino galing.Mariin akong napapikit at nakagat ko ang aking labi.I turned my head to look back at Giann who's standing near me.



"May problema ba tayo, Boss?"He menacingly eyed the creep.His jaw's clenching so hard."What are you still looking at?"



Mabilis na pinaharurot ng lalaki ang motor niya paalis.Natakot ata.Sa tangkad ba naman ni Giann.
Nakahinga ako ng maluwag at agad dumapo ang kamay ko sa aking dibdib.Fuck that creep!



Nanatili ako sa kinatatayuan ko ng ilang minuto habang nilalaro ang aking mga daliri.Nasa malayo ang tanaw ko.Hindi pa na proseso ng utak ko ang nangyari.
Pinakikiramdaman ko rin si Giann na nasa likuran ko.



I heard him sigh and took another step near me.Napalunok ako.
"I told you, didn't I?Maraming mga masasamang damo sa labas ng campus."



Hinarap ko siya.His hands were in his pocket while he's looking at me intently.I couldn't stand with his keen eyes.Ginulo ng hangin ang kaniyang buhok at agad naman niya itong inayos.



His jaw clenched and instantly looked away."Mabuti nalang at nakita kita dito.I don't know what would happen if I did not follow you here."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top