CHAPTER : 2
***
"Sorry talaga, dam. May emergency lang talaga kaya hindi kita masasamahang maglunch.Sorry talaga."
Kakatapos lang ng klase namin sa Art Appreciation at saktong tanghalian na. Asshey and I agreed last night through chat that we'd have lunch together today, sa may kainan sa harap lang ng university.
Pero mukhang hindi ata matutuloy dahil may inaasikaso pa siya.Tinawagan lang niya ako para ipaalam na hindi siya makakapunta dahil may importanteng gagawin siya.
"Sorry talaga, dam," she sounded guilty.
Napabuntong hininga ako.She shouldn't be.Hawak-hawak ko ang strap ng aking shoulder bag habang papalabas ng gate.Natigil lang ako dahil maraming estudyante ang papalabas din at nauna sakin."Ayos lang, dam.Unahin mo muna kung ano man ang ginagawa mo.May ibang araw pa naman."
She still said sorry.Naguguilty daw siya dahil siya pa ang nag-iinsist pero hindi naman natuloy.Babawi lang daw siya sa susunod at magstress eating daw kami sa Carbon.Duda ako.Mukhang bulsa ko ang mastress kung ganon.Napanguso ako. Mukhang kakain ako ngayong mag-isa.
Dahil nga at buong akala ko'y kasabay kong maglunch si Asshey, hindi na ako sumama kina Rubelyn nang mag-aya sila.
"Hindi ka talaga sasama, Max?"
Umiling ako. "Yung kaibigan ko, sabay daw kami ngayon maglunch.Pasensya na."
"Bakit, Max Alcarza?Hindi mo ba kami kaibigan at ayaw mong sumama samin?Ganyan ka pala?"pagdadrama ni Nack Jade at may pahawak-hawak pa sa dibdib niya na akala mo'y nasasaktan.I gave him a deadpan look.
"Hindi ka na naman ata nakainom ng gamot mo, Nack,"walang buhay na sabi ni Christine na tila pagod na sa kadramahan ng katabi niya.
I pouted."Di'ba sabi niyo magmemeryenda kayo mamaya after class natin?Mamaya, sasama na ako sa inyo.Promise."
"Naku, huwag na.Nakakainis ka na!"Bwelta ulit ni Nack.
"Nack, I think you should take your meds…"Rube said.
Natikom ko nalang ang aking bibig.Natutuwa akong magaan silang kasama at nagawa na nila agad na magbibiruan.Siguro naman hindi magiging mahirap ang buhay kolehiyo ko.
Kanina pa sila umalis at hindi ko alam kung saang karinderya sila pumunta.Napabuntonghininga ako.
Wala akong choice.Kakain akong mag-isa sa labas.
Isang order ng giniling na baboy at Mountain Dew ang inorder ko sa counter.Nanunubig ang bagang ko sa iba pang ulam na nakadisplay sa estante ng karenderya pero dahil in tight budget ako, nilubayan ko ang mga iyon.Dumiretso ako sa loob, dala-dala ang plato at soft drink para maghanap ng bakanteng upuan.
Pinagpapawisan ako pagkaupo ko sa napili kong pwesto sa may sulok dahil sa init ng panahon.Punuan na ang mga karinderya na nasa harap ng campus kaya dito ako napunta sa kabilang eskinita.Dahil pasado alas dose na kaya naabutan ko ang dami ng customers.
Marami ding estudyante dito at kapwa ko Technologist na kumakain.I can't help but get anxious. May mga kasabay silang kumain habang mag-isa lang ako dito sa gilid.Well, I don't mind being alone but it's just that I have this feeling na hindi ako mapalagay lalo na at mag-isa ako sa isang public place na wala akong mukhang nakikilala.Ewan ko ba.
Nilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.Kukunin ko nalang kung sakaling may uupo man. I know na dadami pa ang customer dito mamaya kaya mabuting bilisan ko nalang kumain para makaalis na.Ang ingay pa ng paligid.
"Excuse me,"
Natigil sa ere ang kutsarang isusubo ko sana dahil sa baritonong boses na nanggagaling sa likuran ko.Binaba ko ang kutsara sa aking plato at nilingon kung sino yun.
Good thing at hindi ako nabulunan nang makilala kung sino ang naka tayo sa aking likuran na may dalang plato at soft drinks.Napakurap-kurap ako at hindi nakaimik.
Tinuro nito ang bakanteng upuan na nasa harap ko."Pwedeng makiupo?Punuan na kasi ang ibang mesa."
Sinipat ko ang kabuoan ng karinderya. Punuan na nga talaga. Dito nalang sa may sulok ang may bakante pa.Namataan ko pa nga iyong iba na hindi na tumuloy dahil wala ng pwesto.Wala akong nagawa kundi ang tumango.Alangan namang
pagbawalan ko siya.Anong karapatan ko, kung ganun?
I couldn't help but glance at him. Wala na siyang suot na eyeglass ngayon. Pinasadahan ko ng tingin ang suot niyang white t-shirt at faded jeans.Naamoy ko rin ang kaniyang panlalaking pabango na hindi masakit sa ilong.Marahan niyang pinalandas ang kaniyang mga daliri sa maalon niyang buhok at ang iilang hibla nito ay nagmamatigas talaga at nahulog muli sa noo niya.His keen and delicate eyes stayed on me for a moment ."I hope you wouldn't mind."
I really won't. Help yourself, man.
He immediately sat in the chair in front of me.Four seater ang mesa namin at ngayon ay may magkaibigang naupo na sa bakanteng pwesto sa tabi ko at sa harap nito.
Kaya ay sa upuang nasa harap ko naupo ang lalaki.Agad nanuot sa ilong ko ang aroma ng ulam na binili niya.Wala ba ang mga kasama niya?Galing pa ba siyang campus?
Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.Dinamihan ko ang bawat subo ko para makaalis na ako sa harap ng lalaking 'to.Ang dami pa naman ng kanin niya.Siguro'y pang-umagahan at pananghalian ko na.
Mabilis na natapos kumain ang magkaibigang katabi namin.They went off immediately, leaving me here with this man who's casually eating like there's no one infront of him.
Nakakahiya.While I was eating my food ridiculously, siya naman ay kalmadong ninanamnam ang sariling pagkain.
Biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa mesa.Ibinaba niya ang kaniyang tinidor at kutsara.He leaned back on the monoblack chair he was sitting in bago sinagot ang tawag.He's very laid back.Nakatingin siya sa kaniyang kanan habang nakikipag-usap sa katawagan.
Mula sa pwesto ko ay klarong-klaro ko ang hulma ng kaniyang ilong at ang kaniyang panga na paminsan-minsan ay gumagalaw.May kataasan rin ang mga pilikmata niya.Hindi ko napigilang paglandasin ang mga mata ko kaniyang mukha hanggang sa leeg niya.
My vision instantly caught his necklace without a pendant that's hanging on his neck,and when my eyes landed on the ID he's wearing,my eyes narrowed promptly.
Giannfranco Savron L. Guevarra
BSEE
Nice name and program.Kahapon ko pa nalamang Electrical engineering student siya ngunit nakakamangha pa rin.Matalino ba ang lalaking 'to?Ay malamang, oo.Ano ba namang klaseng tanong yan, Maxine.Anong year na kaya ito?Hindi ko lubusang marinig ang usapan nila dahil nilulunod ang boses niya sa dami ng tao dito sa karinderya.
"Sige.Kukunin ko mamaya.Ihahatid ko pa si Trina sa SRP."
Yun lang ang narinig ko.Ibinaba niya rin ang cellphone hudyat na tapos na ang tawag.Saglit na dumapo ang tingin niya sakin kaya mabilis na napatingin ako sa plato ko.He continued to eat while I was here, feeling nervous dahil may ilang estudyanteng tinawag siya at kinakamusta.
"Sav, my man!Kumusta?"
"How's engineering life, erp?"
"Boss G, laro mamaya!"
Agad na nagtaas ng kamay ang kaharap ko at nakangising umiling sa nag-aya."Pass, Boss!Marami akong gagawin!"
"Ayon!Iba talaga kapag engineering!"
Siguro'y mga kakilala niya.I bet he's quite popular in his department.I think not only in his department but everywhere.Hindi ko maiwasang hindi mapakali.Ayos lang naman ako kanina pero ngayon ay hindi na ako makatingin sa banda niya.I could even feel him staring at me. Puta.Kapag ako natapos dito, iiwan na kita.
"Ang tagal mong kumain.Mauunahan na kitang matapos nyan."
Natigil ako sa pagnguya at tinignan siya.The sides of his lips rose up.Alam kong ako ang kausap niya dahil kami lang namang dalawa dito sa mesa.Hindi ako makapagsalita dahil puno ng pagkain ang bibig ko.Bakit ba siya nakikialam d'yan?Anong problema niya sa'kin?
When I look at his plate, wala ng laman iyon habang yung akin ay madami-rami pa.I'm a slow but heavy eater, man.Kaya kong kumain ng marami pero matagal nga lang matapos.Napepressure naman ako sa sinabi niya pero hinahayan ko nalang siya.
Busog na busog ako nang maubos ko ang laman ng aking plato at tanging soft drinks nalang ang natitira.Napahagod ako ng aking tiyan.I could feel my bloated tummy dahil bahagyang nanikip ang jeans ko.
Ngunit bakit itong lalaking nasa harapan ko, kanina pa tapos pero hindi pa rin umalis?Nakarus ang kaniyang braso sa harap ng dibdib at nakapikit kaniyang mga mata.I thought may ihahatid pa siya?Nabanggit niya kanina sa tawag.
Agad na hinagilap ko ang ang aking bag tsaka iniwan siya doon sa mesa at umalis ng karinderya.Kanina pa ako kating-kati na makakaalis doon.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko.Ilang minuto nalang magaala-una na.May klase pa kami ngayon sa IT Era.There's a message in our class group chat that came from our class mayor.
Ella Marie:
We'll have our class in room CME 503. Please don't be late.
Ang bilis naman ng oras.Kakatapos ko pa nga lang kumain.Nang mapadaan ako sa tabi ng nakaparadang sasakyan sa gilid ng daan, hindi ko napigilang manalamin sa tinted window nito.
I can't properly see through it, but I think my light- tanned skin reddened due to the heat of the sun.I also have thick eyebrows brows that arched naturally.Hindi gaanong kataasan ang ilong ko ngunit nababagay lang sa liit at hugis ng aking mukha.
I realized my lips got a little bit chapped.Hinalungkat ko sa bag ang aking lipbalm tsaka pinasadahan ang labi ko ng ilang beses.Naiinis rin ako sa maalon kung buhok na hanggang beywang ang haba.I made it into a high ponytail.My baby hairs have now shown.
Hindi ko rin maiwasang hindi mapansin ang pagpayat ng katawan ko.My collarbones are now visible, and I couldn't help but feel down.How did I end up like this?
"There you are!"
I flinched when, again, I heard the familiar deep baritone voice beside me.Ilang beses na ba akong muntik atakehin sa gulat ngayong araw.Nagsalubong ang kilay na binalingan ko ito.Bakit ba panay ang sulpot ng lalaking 'to?
"Nakalimutan mo ata," Itinaas niya ang kanang kamay niyang bitbit ang pamilyar na Aquaflask.
No,it's not just familiar.Dahil akin naman talaga iyon.Napakamot ako ng batok.How come I didn't realized na naiwan ko ito doon sa karinderya. Patay ako kay Mama kung nagkataong nawala ko itong bigay niya.Kinuha ko ito sa kamay niya."Salamat."
Saktong namataan ko sina Rubelyn at iba ko pang kaklase na papasok na ng gate ng university."I think I should go now, Gian."
Tinalikuran ko na siya para sundan ang mga kaklase ko.Huli na ng narealize ko.
"Wait!"Pigil niya sakin.Mariin akong napapikit."How'd you know my name?Did you—"
Nakagat ko ang labi ko.Tanga ba siya?I rolled my eyes."Nakita ko sa ID mo.Okay?Alis na a—,"
He grabbed my hand to stop me from leaving.Nanlaki ang mata ko sa gulat at mabilis na nilingon siya.Ngunit mas nagulat ako sa emosyong nakita kong dumaan sa mga mata niya.Ano—"Did you….perhaps remember me?"
My forehead creased."Ano?"
Mariin siyang pumikit na mas ikinakunot ng noo ko."Sorry.Akala ko…."
Dahan-dahan na binitawan niya ang braso ko.What did he mean by that?
"Oh, Max.Pawis na pawis ka."Iyon ang napansin agad ni Hannah nang makalapit ako sa kanila.
"Y-Yeah.Ang init, eh." Pinasadahan ko ng panyo ang noo at leeg ko.
"Nanlalagkit nga ako dito.Retouch muna tayo, sa CR ng Admin building,"sabi ni Diane.
Sumang-ayon kami.Pawis na pawis ang likod ko.I need to change my shirt.Nilingon ko ulit kung saan ko siya iniwan ngunit wala na siya doon.I swallowed hard in no time.
"Ano?Matagal pa ba kayo dyan?Nilalamok na yung tao dito,oh."
"Bawal magreklamo ang walang kiffy."Sambit ni Rubelyn at inirapan si Nack Jade na nasa labas at nakatingin lang sa amin sa may pintuan ng women's room.
"Ganon?Narinig ko 'yun.Aabangan ko kayo sa gate,"pagbabanta pa nito.
Hindi namin pinansin si Nack na nag-iinarte na naman.At nang may pumasok na dalawang babae, umalis na talaga siya sa kinatatayuan niya.
Kaniya-kaniya kaming ayos ng mga sarili namin sa harap ng salamin.I already changed my shirt into a champagne fitted top.Naglagay rin ako ng kunting lipstick sa labi tsaka ko muling tinali sa high ponytail ang aking buhok.
Kakalabas lang ni Hannah sa isa sa mga cubicle at nagsuklay lang siya ng kaniyang buhok.Ganon din si Christine.
While looking myself in the mirror, my mind went straight to something.What did he mean by those words?Hindi ko siya maintindihan kaya ko siya iniwan doon.I sighed heavily.
"Oh, pak!Ganda ko talaga,"pagpupuri ni Reame sa kaniyang sarili sa harap ng salamin.
"Ayan na naman siya sa laro niyang ganda-gandahan,"barumbadong sabi ni Nack Jade na ngayo'y nasa may pintuan na naman.Pinakyuhan lang siya ni Reame at inirapan.
Minutes later, we finally left the women's room and headed to the building where our class was scheduled.
Nang nasa hallway na kami, nakasalubong ko ulit siya.Napalunok ako.May kasama siyang middle aged na lalaki at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.I think instructor iyon.He's is very attentive to what the older man is saying.When his keen eyes accidentally caught mine, I immediately look away.
Saktong ala una pagdating namin.Hinahangos kaming lahat pagkaapak sa ikalimang palapag ng Academic building.Malutong na mura ang agad na lumabas sa bibig ni Diane na hinahangos na humilig sa may hagdanan. "Puta!K..Kapag ako nagkapera, ako mismo magpapalagay ng elevator dito.Bwisit!"
"D...Duda ako d'yan.Sa parcel naman napupunta pera mo,"hirit ni Nack na hinahangos rin.
Diane flicked her fingers. "Nadale mo."
Our class lasted for three hours.Pero ang utak ko ay tumatakbo sa ibang bagay.Hindi mawala sa sistema ko ang tingin niya sakin noong nakasalubong ko siya.There's something about the way he look at me.Hindi ko alam.I can't really tell.I immediately toss my thoughts away at nakinig nalang sa buong discussion ng klase hanggang sa matapos ito.
Ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang kaniyang nangungusap na mga mata. Especially those things he just said that made me wonder.
Mabilis kong tinakwil ang kaguluhan sa isip ko.Hindi ko alam ang ibig sabihin niya.I don't care about him, and he better not mess with my senses again.
Dahil nasabi ko na iyon.I don't like him.Because men that are built like him…. are not just for me.
***to be continued........
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top