CHAPTER : 10

*****

"Girls, ang tagal nyo!"


Hindi namin pinansin si Nak na nasa labas ng womens room. Ulit. The never ending episode of him staying outside, waiting for us to finish our girl things. It's already the time of the week. The commencement of university intramurals. Day one ngayon at dinig ko mula rito ang ingay sa labas. The beating of drums and loud noises. Ang lakas rin ng music galling sa sound system, parang may fiesta.



Pagkatapos mag-ayos sa sarili, lumabas na kami. "Akala ko nilamon na kayo ng inidoro" sarkastikong ani Nak na nakahilig sa dingding ng hallway. Sumimangot siya at parang hirap na hirap dahil sa mga bag namin na bitbit niya."Maawa kayo sa bodyguard niyo, oh."



"Ingay mo, gago", si Reame na naiinis na naman at kinuha yung bag niya mula kay Nak Jade.. Ganyan yan siya lagi. Hindi siya si Reame kung hindi mainit ang ulo niya.



Palabas kami ng comfort room ng Automotive building ay mas lumakas ang ingay. A pop rock music banged from the man made stage. Maraming nakahilerang tent sa buong ground. Mula sa harap ng gymnasium hanggang sa likod, sa Technology building, at sa harap ng admin building. Different stalls from different organizations, departments, and colleges of CTU. Iba-iba rin ang paninda at mga pakulo. May nagvivideoke, kasalan, blind date, free-portrait ,pagkain, at open-mic. Ang ingay pero kitang kita ko sa mukha ng mga estudyante ang kasiyahan. Napapangiti ako.



Reame dragged us to the booth that sell make ups and skincare products. Narinig ko na naman ang pagmamaktol ng magaling na Nak Jade. Nagkakasagutan pa ang dalawa. Kesyo daw puro paganda lang ang inaatupag ni Reame. Pero sa huli, tuwang-tuwa naman siyang nagpapalagay ng free face cream at bumili pa ng sunscreen. At tumawad pa. Si Hannah at Christine ay naaaliw sa katabing booth na nagtitinda ng kawaii stickers at plushies. Si Azalea ay panay tulak kay Diane at hagikhik tuwing may dumadaang "gwapo". Si Rubelyn at Wendy ay umalis. My eyes darted everywhere, amazed by the event.



" Max!"



Lumingon ako sa tumawag sakin. Nagulat ako ng makita si Asshey, She looked amazing in her sleeveless top and tiger printed fitted skirt. "Gala tayo! Maraming tinda doon sa may Engineering building!" Ayan na naman siya. Hindi naman ata tinda ang titingnan ng babaeng ito doon. Tuwing nagkikita kami ay puro engineering bukambibig niya.




Gusto kong umiling pero kumapit siya sa braso ko. Ayokong pumunta sa building na yun pero mukhang kondisyon na kondisyon si Asshey. Panay kaway rin siya sa mga kakilalang nakakasalubong. Asshy and her sociable self. I sighed in defeat. Hindi ko naman siguro siya makikita doon, hindi ba? Kung busy siya ay baka wala siya sa mga booth. Sana lang ay hindi ko siya makita. Ewan. Hindi ako mapakali. I looked at Diane who's busy laughing with Aza. "Diane, sasamahan ko lang itong kaibigan ko. Si  Asshey nga pala,same program natin pero evening sched" pagpapakilala ko sa kaibigan.




Diane gleefully waved her hand to Asshey and smiled." I'm Diane. Nice to meet you!" She faced me."Alright. Check the group chat lang, we'll tell you saan mo kami hanapin, okay?"




Asshey waved her hand,too." Nice to meet you, too! Ill just borrow Max a bit." Hinatak na niya ako sa kung saan. Kumaway ako kay Diane tsaka tuluyang nagpatianod kay Asshey.




Nang makalayo ay nagsalita siya. "You know what? Kain muna tayo?"




Napakamot ako ng batok. Pagtingin ko sa sariling wristwatch ay pasado alas dos na ng hapon."Pwede rin,medyo gutom na rin ako."




Tumigil kami sa harap ng booth na naggtitinda ng foods na nasa labas ng tennis court. The EATrepreneur Hauz. Yun ang nabasa ko sa tarpaulin na nasa taas ng kanilang booth. Iba ibang pagkain ang tinda nila. May corndog, pizza, hotdog buns, at burger. May mga budget meal din at iilang flavors ng iced drinks.




Grabe ang energy ng nagtitinda. Sumayaw-sayaw at may pa-yell pa para dumagsa ang mga studyanteng bibili. Hotdog bun at cucumber lemonade ang binili namin ni Asshey. Patingin-tingin kami sa mga paninda ng katabing booth habang kumakain. Nawili siya sa mga nakadisplay na flower boquet sa kabilang booth. She then started lamenting about having a man giving her such boquet of flowers, surprising her. I scoffed. Hanggang sa naubos namin ang pagkain ay ganun pa rin ang bukambibig niya.




"Actually, sis, may nakatalking stage akong engineering. 2nd year at pogi!Sana magbigay sya ng flowers sakin.." she looks so hopeless, clasping her hand like asking for a miracle to happen. Hindi na ako nagulat.




"Talaga? Kumusta naman....?" Humina ang boses ko nang mamataan kung sino ang nasa kabilang booth. Umiigting ang braso habang dala ang malaking box na naglalaman ng maraming gamit. Giann in his midnight blue oraganization polo shirt, paired with a ragged jeans and white canvas shoes.





Kahit na maraming nagdagsaan sa booth nila ay hindi pa rin siya nawala sa paningin ko dahil sa tangkad niya, ang dali lang niyang makita. He pushed his hair backwards with his calloused hand but some strands fell back again on his forehead. I pursed my lips at handa nang hatakin si Asshey paalis doon nang bigla siyang ngmisi at lumapit sa booth na iyon, habang nakakapit sa braso ko.




Napamura ako ng wala sa oras ng natigil kami sa harap ng booth. Gusto kong iwan si Asshey doon ngunit hindi ko nagawa dahil sa malanding ngiti niya sa kaharap. Sinundan sa kung saan nakatuon ang mga mata niya at halos umirap ako. Sikretong nakipaglandian ba naman sa isa sa mga kasama ni Giann sa booth ang magaling na Asshey.




Dumako ang tingin ko sa kinaroroonan ni Giann. I looked away when I realized his eyes already fixed on me.Ako ba? Hindi ko na lang pinanansin baka ay ibang tao ang tiningnan niya. Pero nang dumako ulit sa kaniya ang mata ko, hindi ako nagkakamali. Sa akin nakatuon ang madilim niyang mga mata!Ganiyan ba dapat tumingin ng tao, Giann?Gusto ko na lang hablutin si Asshey paalis ngunit hindi ko nagawa dahil lumabas yung lalaking kalandian niya sa booth nila at nilapitan ang kaibigan ko na nakangising aso.Ang babaeng ito talaga.



"Hey...napadaan ka? Tuloy ang date mamaya?"


Tumango ang malanding Asshey at inayos ang tikwas ng kaniyang buhok sa gilid ng tainga, nanlalambing ang mga matang tumingin sa lalaki."Yeah. Six thirty later, ha?"



I pursed my lips nang pinakilala ni Asshey sakin ang lalaki."Si Franz, yung kinwento ko sayo kanina." Ah, ito yung katalking stage a nabanggit niya? Mukha namang matino ang lalaki.



I smiled awkwardky. "Hello..." Nag iwas ako ng tingin at tumingin-tingin na lang sa mga tinda ng booth. Kunwaring intersado pero gusto ko lang makaaiwas dahil naglampungan na ang dalawa sa tabi ko. I heard some whistles and teases from their booth na nasisiguro kong para kay Asshey at sa lalaki. Tumingala ako sa itaas na parte ng booth. Electra Voyage - The Sphere of Electrical Engineers. Isang sulyap ko sa loob at agad na nag-iwas ng tingin dahil nagtama na naman ang paningin namin. I cleared my throat.




Aaminin ko, naguguilty ako sa pag-iwas sa kaniya,  kung may nasabi man ako sa kaniyang hindi maganda noong nakaraan. But can he blame me, though?Hindi ko naman alam kung ano talaga ang intensyon niya, sa pakikipaglapit niya sa akin. Bago sa akin ang mga ginawa niya at ayoko sa ganoon. Ewan...Siguro ay natatakot ako.Natatakot na baka.....nope, that's not what I mean.



"Hi, welcome to Electra Voyage.May pagames kami at may prize." Nag-angat ako ng tingin sa lalaking lumapit. Gwapo rin at pareho sila ng polong suot ni Giann. He wore eyeglasses, too."Gusto mong itry? The prize is our very own handmade electronic music box."Pinakita niya sa akin ang premyong tinutukoy. Hindi ko maiwasang mamahanga.




People in the engineering field are just another level of breed. Their invention speaks louder about the wide range of their brain and knowledge. Maganda ang music box pero alam kong mahirap ang games nila base sa nakikita kong mga equipments at rubriks. Napabaling ulit ako kay Giann na tumayo at nakadikit ang cellphone sa tainga, may katawagan yata. He left the booth, probably answering the call in a less noise area.



I returned my gaze to the man and shook my head." Sorry, hindi ako marunong sa games,eh. Maganda sana ang premyo."

Tumawa lang yung lalaki." Oh, it's fine. You can check out our merch,too," iminuwestra niya ang kamay sa nakahilerang mga tinda nila.May mga puzzles, stickers, rubiks cube at mga math-themed quizlets. "I'm Jaylord, by the way..." Nagulat ako sa pagpapakilala ng lalaki. He smiled."Pili ka na..."




Tumango ako at sinubukang mamili sa paninda nila. Some students flocked in their booth, especially girls, namimili rin ng mga merch. Maingay ang loob ng kanilang booth dahil sa katuwaan ng mga ksama nila.



"Required ba na magpakilala sa customer?"



Sabay kaming napatingin kay Giann na nakataas ang kilay at papalapit sa amin. He slid his phone at the back pocket of his jeans. "Ready na for pick up ang mga customized lanyards, sabi ng may-ari ng shop. Kunin mo na ngayon, Jaylord."



Agad na umalma ang kaharap ko."Pero,dude, ako ang magbabantay ngayon dito."



"Si Kyla na dyan. Iyong mga lanyards at pins atupagin mo."Medyo suplado pa. Galit ba siya? Sa kausap niya sa tawag?Mukhang kanina pa siya iritado.He eyed me for a moment before turning away. Pumasok siya sa booth at pinagdidiskitahan ang mga laman ng malalaking box. Mukhang mainit ang ulo niya, ah.



Umalis din iyong lalaki para gawin ang utos. Nakatalikod si Giann sa akin kaya ay nabasa ko ang nakasulat sa likod ng polo shirt niya.



G.S. Guevarra - Electrical Engineering Students Society CTU Chapter - President



Hindi ko na napigilang mamangha.Nilingon niya muli ako. I cleared my throat and hurriedly pointed out the small size cat figurine. May suot na hard hat ang pusa at may bitbit na bulb kaya ang cute tingnan.
"Uh...magkano 'to?" Wala naman akong palong bumili talaga pero awkward na awkward ako dito. Nawala kasi bigla si Asshey at iyong lalaki niya.



Sinundan niya ng tingin ang tinuro ko tsaka lumingon sa ibang kasama niya sa booth, tila naghihintay na may magcater sa akin.Iyon din ang gusto ko, na iba ang mag asikaso sa akin. But everyone seem busy with their own things. He stood up languidly and left whatever he was doing. He tucked his pencil behind his ear and went to me.




Nakakalula ang tangkad ni Giann. Kung hindi ko siya titingalain ay kalebel lang ng kaniyang dibdib ang aking paningin. His tanned skin make him appear more manly. He looked very dominant and move with preciseness. And even when I think about it, I can't really recall meeting him somewhere. Wala akong maalalang nakita ko na ang mukhang ito. Kaya ay naiinis ako sa tuwing naiisip ang pagpaparamdam niya na magkakakilala kami kasi kahit saang parte ng utak ko ay hindi siya nakarehistro. Ngunit ngayong natitigan ko siya ng husto, biglang naging pamilyar siya sa akin. I just don't know why. It irritates me and made me confused. Kinuha niya ang figurine at pinakita sa akin." Seventy five ito, may free keychain na rin."



I nodded, without looking at him."Dalawa niyan"



Some girls called him and others shamelessly expressed their feelings towards him. His people inside the booth even tease him but he just shrugged and did not pay any attention. Ang cold lang.
Naging mapanuri ang mga mata niya sa akin at nang magsalita ay parang wala lang."Sa’yo ba itong dalawa? O may pagbibigyan ka?"




Ano?Paano naman niya naisip  iyon? I shook my head. Poker face pa rin ang presidente ninyo. Mukhang wala talaga siya sa mood. Pero nang may kumausap na mga kakilala at kasama niya, hindi naman. Sa tuwing bumaling siya sa akin, mukha tuloy akong may kasalanan sa kaniya. Pursing my lips, tinanggap ko ang binili ko. I dont know but I feel like he's only aloof towards me. Could it be because of our last interaction? Nakagat ko ang aking labi. Posible. Looking back, I realized how harsh my words were. Gusto kong kutusan ang sarili.


"Mainit ata ang ulo mo..."



His eyes quickly darted on me.Mabuti na lang at wala nang bumibili. Umangat ang kaliwang kilay at bahagyang napanguso.Mukhang nagulat siya sa biglang panghihimasok ko.Yeah, right. Ako itong atat na atat na lumayo siya pero heto ako at parang wala lang nanakikipag-usap na naman sa kaniya. I was about to speak but he did first." How did you say so?"



“Master, asan daw yung gunting?” tanong ng kung sino mula sa likod niya.



“Wala sa’kin. Hanapin mo d’yan,” he spat, tila napipikon.



"You look irritated," i said with conviction. Why am I so bothered with his aloofness, that, I dont know. Basta ay naninibago ako sa pakikitungo niya. Hindi ko alam saan nanggagaling ang inis ko sa isiping itritado siya. At ako pa talaga ang nabother? Ginusto ko 'to eh.



"Hindi naman. Bakit ako maiirita?"




"Was it because of me?"deretsahan at wala sa sarili kong banggit ngunit huli na nang marealize ko. I cursed to myself silently. Kita kong bahagya siyang nagulat doon pero seryoso lang niya akong tiningnan. Gusto ko tuloy na umalis na lang sa harap niya pero parang may nag udyok sa akin na manatili. He looked away and poke his tongue on the side of his cheek. Sa itsura niya, mukhang nagpipigil.




Ng ano, Giann? Naiinis ka nga sa akin? I somewhat understand.Ngayong nandito naman na ako sa harap niya, might as well tell him. " Well, feel ko....I mean, about what I told you the past weeks....I'm sorry. Medyo malupit ang mga salita ko. I realized I shouldn't have told you such foul words. "



Humalukipkip at bahagyang tinagilid ang kaniyang ulo."Hmm…Hindi nga naman tayo magkakilala. At ganito talaga ako sa mga hindi ko kilala." He casually said, emphasizing the word 'hindi ko kilala'.




I looked away. Talaga ba?Bakit parang halong sarcasm naman ata ang pagkabanggit niya.Bigla akong napakunot noo sa grupo ng mga babaeng bahagyang nagtutulakan malapit sa akin. "Dalia, sige na...tanungin mo na..." They all cheered for the one girl.Iyong Dalia. Bahagya nila itong tinulak hanggang sa nasa harap na ni Giann. I shook my head.


I stepped back. Saktong namataan ko ang papalapit na si Asshey mula sa kung saan. Tinalikuran ko ang tiliang nagaganap at nilapitan si Asshey. Unintentionally, my hawk eyes instantly flew back to the apple of their eyes. Sana hindi ko na lang ginawa dahil sa tiim ng titig niya sa akin at ang bahagyang pagtagis ng bagang.




to be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top