CHAPTER : 1
***
Mainit.
Maaliwalas.
The sun peeked jovially beneath the clouds as tiny birds flew above. The soft hymn of the wind passed by, leaving a trail of chills. Leaves from the huge trees inside the campus danced as the wind roamed within.
Ang ilang dahon ay nahuhulog na tila hindi na masyadong malakas ang kapit sa kinabibilangan nitong sanga. The dry leaves fell off to the ground and were immediately brushed off by the janitor who passed by.
“Gandang bungad sa college naman nito. Terror na prof sa major sub. Ayos.” Si Nack na nakakrus ang mga braso sa dibdib ang bumasag sa katahimikan. “Mapapalaban ako nito, ah.”
Bahagyang humalakhak si Kylene sa tabi.”Third week pa natin ngayon pero ramdam ko na ang simoy ng tres.”
Kasalukuyang nakatambay kami ngayon sa labas ng Graduate School Building. Ang mga kasama ko ay ang mga kagrupo ko sa major sub. Reporting agad next-next week kahit pa nakakalito at hindi pamilyar sa amin ang mga topics.
Tirik na tirik ang araw at mukhang napakasakit ng init kapag tumatama sa balat. It’s almost noon and we only have one class today. Sa Philippine Constitution, ngayong ala una.
Naglunch na kami at ang hinihintay na lang ay ang class mayor para alamin kung saang building at exact classroom kami ngayon tutungo para sa klase namin. Hindi nasusunod ang designated classrooms na nakalagay sa aming COR. Siguro ay dahil sa dami ng estudyante kaya ganito ang sistema. May bagong 7-storey building na under construction sa harap ng Educ building kaya sa tingin ko ay hindi na maging ganito ang routine namin kapag natapos iyon at pwede ng gamitin.
Second meeting namin ngayon ng professor sa subject na ito.Pero di tulad sa prof namin kahapon sa major sub, hindi terror si Sir Ram at magaan ang atmosphere sa tuwing nagkaklase kami.Lagi siyang may baong joke.Tatawa na lang din kami at baka mamaya ay maisipan niyang i-flat uno ang sino mang natuwa sa mga biro niya.
“Ang tagal ni Mayor. Nagugutom na ulit ako.” Rubelyn pouted, rubbing her stomach.
Si Wendy na katabi niya ay binatukan siya.“Ano ba naman 'yang tiyan mo, Rubelyn?"
Sinamaan siya ng tingin nito.
Nagbabangayan pa ang dalawa ng ilang minuto.Kalaunan ay umalis din dahil ayaw talaga paawat ni Rube at ng tiyan niya.Sumama si Kylene sa dalawa at si Nack ay nagpapasabay sa kanila ng Piattos at iced coffee.Lumingon siya sa banda namin.“May ipapasabay kaayo?Snack?Water?"
Hannah and Christine, who's sitting beside me, shook their heads. Si Diane ay minabuting sumama na lang para siya na mismo ang pipili ng gusto niyang kainin. Umiiling nalang din ako dahil ayokong gumastos. Busog pa rin naman ako.Kakatapos lang kaya naming maglunch.
Nagpaalam si Nack Jade na pupuntang comfort room.Lima kaming naiwan dito sa labas ng graduate school building . Yung dalawa naming classmates ay nakaupo medyo malayo. Mukhang mga mailap sila.Hindi ko rin naman masyadong close si Hannah at Christine pero mabait naman sila. They usually initiate the talking even though I felt awkward.Well, it usually takes weeks or months for me to be comfortable around people.
Inayos ko ang iilang hibla ng buhok na tumakas at napunta sa noo ko dahil sa biglang pag-ihip ng hangin.Sa kalayuan ay maraming mga estudyanteng kadalasan ay mga seniors na nagtatawanan at nag uusap.Napapaisip ko. How does it feel to have your own group of friends who can handle your silliness?Does it feel good?
Dahil hindi ko alam. Well, I have one friend. Si Asshey. Same kami ng program na kinuha pero sa evening class siya. Classmate ko siya noong Grade 12 pa lang ako.Sa probinsya.But as of now, siya pa lang ang matatawag kong kaibigan.Kaya lang, hindi ko na siya nakikita ulit dahil parehong busy.
So if we're talking about a huge circle of friends who will invite you to nice places and events or fool around while laughing so loud on side streets, I can't relate of such.Mukhang masaya naman ang magkaroon ng sariling grupo ng kaibigan. Seeing these people enjoying their college lives made me feel better.I was hoping that I could find some people too, with whom I'm comfortable laughing with.
Napalingon ako ng may kumalabit sakin. I frowned when I saw Hannah, handing me a portion of a cake bar. Based on the aroma, I could tell it's a macapuno.Isa sa mga paborito ko.“Gusto mo?” She had this awkward smile.
Pinagmasdan ko ang hawak niyang pagkain at mukhang binigyan niya rin ata si Christine dahil namataan kong may hawak rin itong kapiraso nito.
I was about to refuse pero inunahan niya ako."Don’t think of turning my food down. Huwag mo 'kong ipahiya.” She said softly.
Hindi ako nakaimik. Kumunot ang noo ko. Bakit naman mapapahiya?
Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya sa tuwing may kausap akong bagong kakilala.Hindi mapakali at kabado.I think we're on the same boat.
Napabuntong-hininga na lang ako tsaka tinanggap ang alok niya."Thanks."
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa aking kamay. Binuksan ko ito at ang message agad ng class mayor namin sa group chat ang bumungad sa'kin.
From: Class Mayor Elle
Good afternoon, everyone! Same room pa din last meeting, EN 311.Engineering Building. One- fifteen daw darating si Sir.
“Punta agad tayo doon pagkabalik nina Diane," wika ni Christine na nakatingin rin sa sariling cellphone.
Tumango lang ako. I took a bite of the macapuno cake bar. Marahan kong nginuya iyon at napatango-tango. In fairness, masarap.
Bumalik rin kalaunan yung mga bumili ng pagkain. Ang dami nilang dala at karamihan ay mga chichirya at fatty foods. May soft drinks pa.
Nasa third floor pa ang room na gagamitin namin ngayon at itong mga kasama ko, kakadaan pa lang sa unang palapag ay tumabingi na ang mga mukha kakalingon sa mga engineering students na nakasalubong.
I took another bite of the cake bar.Biglang sumulpot si Mayor sa likuran namin kasama yung iba pa naming classmates. May dala siyang attendance sheets.“Wait lang daw muna tayo sa labas ng room, guys. May inaasikaso pa si Sir sa CAS department.Tara na.”
Dahil nga sa sobrang bagal kong maglakad, naiwan ako dahil nag-uunahan na sila paakyat ng hagdan. Inienjoy ko pa ang macapuno cake na bigay ni Hannah nang biglang may mabigat na mga paang naghahabulan paakyat ng hagdan at aksidenteng nasiko ang kamay ko. I casually watched how the macapuno cake bar that I was holding rolled against the dusty floor. I bit my lip in irritation.
Sinundan ko ng tingin ang sinumang nakabangga sakin pero nakaakyat na ang mga ito. I heaved a deep sigh. Sayang. Ngayon pa lang ulit ako nakatikim ng favorite kong macapuno cake bar, tapos nahulog pa. Gaga mo rin, Maxine. Dapat nilantakan mo na iyon kanina pa. At mas gago iyong nakabangga sakin. Ano? Mga bata lang na naghahabulan dito? College ba talaga yun?
Pinulot ko nalang ang pagkain tsaka binigay sa maliit na pusa na nakita ko sa gilid ng hagdanan. My heart filled with warmth when the cat ate it. Good thing this university let some dogs and cats wander around. Nakakawala sila ng stress sa aming mga estudyante.I felt a presence behind me. Nilingon ko kung sino at agad umarko ang aking kilay.
A man with an intimidating aura welcomes my sight. Nakasabit ang messenger bag sa balikat niya at may hawak na nirolyong malaking papel sa kanang kamay. Sa likod niya ay isang babaeng panay ang kalabit sa kaniya.
Pinagmasdan ko ng maigi ang lalaki. I don't know pero mukha siyang babaero. His facial features says it all. Thick and well groomed brows, well defined jaw, and his straight pointed nose.Makinis ang mukha at namataan ko ang paglabas ng dimples niya sa magkabilang pisngi.His honey tan skin made him more intimidating.
Nahiya ang height kong 5'2 sa tangkad niya.Sino ba 'to?
I flinched when someone shouted from the second floor.“Pre, ano ba! Yung picture ko sinend ni Neilbrent kay Sofia. Gago ka kasi!”
Iyong lalaking nakabangga sakin. Hinihingal itong bumaba tsaka dumiretso sa lalaking kaharap ko at malakas na binatukan ito."Tado ka, dude!Bakit mo kasi ako pinicturan!"
I scoffed.Tinalikuran ko sila at umakyat papuntang third floor dahil malapit nang mag ala una. Baka malate pa ako sa klase ko.
Habang tinatahak ko ang hagdanan papuntang third floor, napapaisip ako. Who could be that guy?Parang may dumi ako sa mukha kung makatitig. I unconsciously touched my face.
“Hoy! Group 5!Library tayo ngayon. Wala munang uuwi because we need to finalize our report.”
Kakatapos lang ng klase namin sa Philippine Constitution at itong si Nack ay agad na pumunta sa harap para tawagin kaming mga kagrupo niya sa reporting. “Let's go!Almost 4 PM na. Sandali lang naman tayo.”
The instructor just left a while ago but we’re still here in the classroom. We still have business to do that's needed to be done as soon as possible. Nakakabanas.Gusto ko ng magpahinga.
“Sa café nalang dyan sa malapit tayo!Para naman gaganahan ako."
“Plaza Independencia nalang, guys. Mas comfortable doon.”
“Hapon na, tey. Lamukin tayo doon.”
“Ayaw mo lamg kasi maiinggit ka sa mga magjojowa doon. Dinamay mo pa lamok.Bulok."
Kanya-kanyang drop sila ng best study spot. Iyong iba eh hindi ko alam kung saan na ang mga tinutukoy nilang lugar.Good thing at napagdesisyonan ng group namin na sa library na lang gawin ang report.Mas convenient naman talaga doon dahil pwede kaming makakuha ng mga references galing sa mga libro doon.
Ang labis na lamig ng library ang agad na bumungad sa akin nang pagbuksan kami ng pintuan nung guard.I blew a loud breath.Isinuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng pantalon ko dahil sensitibo ang mga ito sa lamig.
First time ko pang pumasok dito dahil noong nakaraan ay wala pa akong dalang COR kaya hindi kami nakapasok ng bestfriend kong si Asshey.It was one of the requirements aside from ID para makapasok sa library at kailangan pang pirmahan para mavalidate. And finally, ngayon nakapasok na nga ako dito.
Good thing at long sleeves top ang suot ko pero hindi pa rin talaga paawat ang lamig. God knows kung gaano kabilis manuot ng lamig sa balat ko. I felt goosebumps all over my skin pero hindi ko na binigyan ng pansin.Pinakita namin sa librarian ang kaniya-kaniyang COR tsaka agad na naghahanap ng magandang pwesto kung saan magkakasya kaming walo.
Sa may chillzone sana kami ngunit may mga nakatambay na doon.Ang pwestong iyon ang pinag-aagawan ng karamihan dahil makakapag relax ng mabuti doon sa mga bean bags.
Pati ang mga reading hubs ay occupied na din.
"Gosh!Ang daming students pa rin pala even though almost five na." Manghang sabi ni Diane habang nilibot ng tingin ang buong library.
The entire setting screams coziness.
Napaismid si Reame na nasa tabi ko. "Hindi naman ata nag-aaral yung iba dyan. Nagchichismisan lang."
Hindi mnapigilan na sumipol at magtaas ng kilay si Nack."Wow. Coming from you, teh? Kahapon, aral na aral ka dito, noh?" puno ng sarkasmong ani nito, "Hindi chismis ang baon mo kahapo—"At nabatukan na nga siya nito.
Hindi ko sila pinansin dalawa.
Fortunately, ang grupong nakatambay sa isa sa mga student lounge ay tumayo at umalis na. Agad kaming pumalit sa pwesto ng mga ito at baka maunahan pa sa mga bagong dating. Mukha pa namang hindi maubos-ubos ang mga estudyante dito.
"Swak na swak ang lamig dito sa nag-uumapaw na init ng ulo ko dahil sa major." Hindi ko na mabilang kung pang-ilang reklamo na ito ni Reame ngayong araw. Ugali na siguro niya ang magreklamo sa halos lahat ng bagay.Hinayaan na lang namin siya.
"Bakit ba ako nag Public Administration?" Napahilot si Christine sa kanyang sintido, problemado. "Hindi ko nga maadminister sariling takbo ng buhay ko."
Sinaway sila ni Nack na nagsimula nang magsulat sa yellow pad niya."Tahimik, everybody. Time is running. Kung gusto niyong makauwi agad, galaw-galaw din."
"Ikaw, Max? May draft ka na?" Hannah asked while busy rummaging her bag. Mukhang naoverwhelm rin siya.
As usual, nagkibit balikat nalang ako."Wala pa. Naguguluhan pa ako.Parang mali naman iyong ginawa ko."
I remembered last week.
Tuwang-tuwa ko pa na tinanggap ang napurchase kong customized ID lanyard dahil finally, I'm now a certified student of this prestigious state university.
Pero ngayon parang ayoko na. OA na kung OA pero nakakadrain talaga. Natapat lang sa isang terror professor, nawalan na ng gana. I couldn't help but gaslight myself that this is just a part of being a freshman. I let myself think that I'd treat this year as an adjustment phase.But the more I think of it, the more I get anxious.
Napaangat ako ng tingin sa katapat na lounge nang marinig ang mahihinang hagikhikan ng isang grupo doon.Mukhang mga seniors base sa itsura at suot na customized polo ng iilan sa kanila.
Electrical Engineering Students Society (EESS)
Ah, mga engineering pala.Pero bakit ang ingay ata nila?
My sight landed on one of them.
My brows shot up. Yung lalaki kanina sa hagdanan. He's now smiling cockily while maneuvering something on a laptop.He's wearing a thin framed eyeglasses and whatever he's doing in his laptop has reflected in his eyeglasses.
Mukhang masaya ang usapan nila. There were four boys of them, including him and two pretty petite girls. Yung lalaking nakabangga din sakin ay kasama nila.Namukhaan ko rin yung isang babae na kasama niya kanina doon sa may hagdanan. Maybe his girlfriend,huh?Dikit na dikit sa kaniya,eh.
"Earth to Maxine!"
Mahina akong napamura sa pabulong na sigaw ni Rubelyn sa tainga ko. I glared at her. She just laughed and pointed something on her laptop. "Your topic is this, right?"
Tumango ako tsaka napakamot ng tainga.I shifted on my seat." Seems easy, but it isn't actually. I don't know if ako lang ba pero ang broad ng topic masyado.I mean our program itself, malawak masyado."
"Actually, ako rin " wika ni Diane. "Ilang oras akong nagbabad sa laptop para magets ko ang topic ko pero….."
And they started giving sentiments about our report. About how vague and complicated Miss Betinna. Hanggang sa napunta na sa ibang bagay ang usapan.
Napasulyap ulit ako sa katapat na student lounge. They're still there, busy discussing about something. Ngunit hindi nakatakas ang pasimpleng tawanan at kalokohan.
Yung lalaki ay sa kaniyang laptop pa rin nakatuon ang atensiyon. Pasimple ring sumabay sa kulitan ng mga kasama niya pero mas nakatuon siya sa kung anuman ang ginagawa niya at ngayo'y seryosong-seryoso siya.
Some strands of his wavy raven black hair fall off onto his forehead. His moss green polo shirt compliments his tanned complexion very well.
Klarong-klaro ang kaniyang biceps na nagfeflex sa tuwing gagalaw siya.His moves were swift and precise.
I have remembered what I said a while ago na mukha siyang babaero.Well, he does.For real.Hindi nga siya natinag ngayon sa pasimpleng mga hawak ng babaeng katabi niya. Girlfriend niya ata.
Napalunok ako ng napatingin siya sa gawi ko.Napaayos ako ng upo.He massaged the bridge of his nose, and before he took off his eyeglasses. Ipinatong niya iyon sa ibabaw ng ulo niya tsaka tumingin ulit sa gawi namin. He tilted his head a little to the side.Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagsulat.
"Maxine, kanina mo pa yan tinititigan. Maawa ka naman at baka mamatay yan." hindi ata napigalan ni Nack na umepal na naman.I guessed he saw me eyeing those people. Napairap ako.
Nakita kong nilapitan ng library assistant ang study lounge na iyon.Rube poked my left cheek.She's grinning from ear to ear. "My crush ka dyan, no?Kanina ka pa tingin ng tingin dyan."Pinagalitan ata sila ng assistant dahil natahimik ang mga kasama niya.
My lips twitched.Feeling ko matatanggal na ata ang mata ko kakairap.Crush?Hindi na ako highschooler para magcrush-crush.
"Wala," wala akong panahon para sa ganiyan.Sakit lang yan sa ulo. "Naiingayan lang ako sa grupo nila,"
Sumang-ayon naman si Reame. "Oo nga. Naglalandian lang ata.Walang pinipiling lugar.Lumabas nalang sana ang mga 'yan."
"Reame, kalma. Init ng ulo natin today, ah?"
"Tumahimik ka, Nack, at baka mabita kita dyan."
Kung sa ibang araw ay sila ni Diane ang magbabangayan, ngayon si Reame na naman ang biktima ni Nack Jade.Ewan at gustong-gusto niyang may napipikon siya.
"Aguy, past five na. Baka mahirapan na ako sa byahe nito," Diane suddenly uttered while looking at her wrist watch. "Baka lalakarin ko ang Carmen nito.Jusko, 'wag naman sana."
"Diane, problema mo na 'yan," walang pakeng saad ni Nack at nagpatuloy sa pagsusulat, “at bakit naman kasi dito ka pa nag-enroll kung mero namang CTU campus sa Carmen.Huwag kang magreklamo at baka mapektusan kita."
"Nahiya nga ako sa'yo eh dahil dyan sa kabilang kanto ka lang uuwi," Diane fired back."Umuwi na kase tayo.Ililibre ko naman kayo dyan sa labas."
Sa narinig ay mabilis na hinagilap ni Nack ang mga gamit niya sa mesa."Ay, wala akong sinabi!Wala kang narinig. Tara na. Bukas na natin tapusin report natin."
Rube amusingly shook her head."Nack, mahiya ka naman…."
"Huwag mo akong maNack-Nack.
You're not my mother!"
"Shhh. Silence…." at nasaway na nga ng librarian.Agad napatakip ng bibig si Nack at Diane.I pursed my lips.
We took our belongings off the table tsaka umalis na. Pinagbuksan kami ulit ng guard ng pintuan.At si Nack na dakilang lutang, hinarang ng guard. Paano'y tumunog ang walk-through security sensor dahil bitbit niya pala ang isang libro ng library. Lutang lang.Mabilis niyang sinauli ito sa desk at sumunod sa'min.Hindi napigilan ni Diane na bumulaghit ng tawa.
Nang nasa labas na ako, nahagip ko sa loob ang kabilang lounge kung nasaan ang grupong iyon nakapwesto.They're now serious about something they'll do, pero namataan ko ang pagtigil niya sa ginawa at napatingin sa pintuang kinalalabasan lang namin.
***
to be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top