Chapter 9

Tahimik sila valentina sa sasakyan, papunta sila sa isang bookstore sa bayan maaga pa rin naman kaya hindi nila kailangan magmadali papunta sa bar.

Nang makasakay sila sa sasakyan ramdam niya na malalim ang iniisip ni jared, hindi ito umimik pagkatapos niya sabihin ang lahat ng iyon pero inakala niyang lalayuan at titigil na si jared at babalik na ito sa mansion para hindi gawin ang inutos sa kan'ya.

Nagulat siya sa ginawa ni jared, dahil ng lumabas ito sa apartment niya at sumunod sa kan'ya ay niyakap siya nito ng mahigpit, at sa unang pagkakataon hindi niya napigilan ang sarili na hindi yumakap pabalik kay jared. Pakiramdam niya kanina nang yakapin siya ni jared ay binibigyan siya nito ng lakas at tatag ng loob.

Sumipol siya habang nakatingin sa labas.

"Gusto kong tumalon sa bangin." Pagkanta niya sa sariling mga salita. Narinig niya ang malalim na pagbuntong hininga ni jared kaya napalingon siya rito, tutok pa rin ang paningin ni jared sa kalsada kaya nagkibit-balikat nalang ulit siya saka muling kumanta.

"Gusto ko na mamatay para tapos na ang hinagpis..." Pagkanta niya at natawa nalang sa sarili.

Buntong na hininga na naman ang narinig niya kay jared kaya kunot noo niya itong nilingon. "May problema ba?" Hindi niya maiwasan mainis, para bang big deal kay jared ang lumalabas sa bibig niya.

Mabilis itinabi ni jared ang sasakyan sa gilid ng kalsada tuluyan na nainis si valentina. "Ano bang problema mo?!" Inis niyang sigaw dito.

"Ikaw..." Hinarap siya nito parang bigla siyang nagsisi na sinigawan niya ito, kitang kita niya ang lungkot sa mata nito akala niya nung umalis sila sa apartment ay hindi na ito malungkot.

"Parang gusto mo na talaga mamatay, lagi mo iniimik mamatay, mamatay... Pagod kana ba talaga? Wala na ba talagang paraan para iwasan mo ang mga ganan bagay?" Malungkot na tanong ni jared sa kan'ya, nag-iwas naman siya nang tingin dito at sumandal sa bintana ng sasakyan.

Ayaw niya sagutin ang binata dahil nakikita niya talaga ang lungkot sa mata nito, anong magagawa niya kung gusto niya na talaga mamatay hinihintay na nga lang niya, anong magagawa niya kung pagod na talaga siya.

"I know kakakilala lang natin pero, hindi ko maiwasan malungkot para sa'yo..." Sabi ni jared sa kan'ya kadahilanan napalingon siya muli sa binata.

Peke siyang tumawa ng malakas. "Tangina, 'wag ka malungkot para sa akin, gan'yan din ako noon! Awang-awa ako sa sarili ko pero eto ako ngayon, atat na mamatay!" Inis na sigaw ni valentina, hindi na niya napigilan sumabog.

Ayaw na ayaw niyang may nalulungkot dahil sa kan'ya, ayaw na ayaw niya iniisip siya ng iba gusto niya, problema niya ay problema lang niya.

"Valentina..." Mariin pumikit si valentina at sunod-sunod na nagmura, ramdam na ramdam niya ang lungkot sa boses ni jared kaya mas naiinis siya.

"Tangina, jared." Mura niya at marahas na huminga nang malalim. "'Wag kang umaktong may pakialam ka talaga sa akin, 'wag mo ako kaawan, tangina!" Sigaw niyang sabi. Ayaw niya sigawan ang binata at ayaw niyang magmura sa harap nito pero kung ganto lagi ang ipapakita sa kan'ya ni jared mas gugustohin niya na araw-araw niyang ipapamukha sa binata na wala siyang pakialam sa lahat ng bagay.

Para tumigil na ito at layuan siya.

"Valentina, please... Calm down, okay? No need na sumigaw." Pagpapakalma sa kan'ya ni jared, masama niya itong tinignan dahil mas naiinis lang siya, pakiramdam niya kasi ay binabalewala lang ni jared lahat ng masasamang salitang sinasabi niya.

"Pwede ba?" Huminga siya nang malalim at umiwas nang tingin. "'Wag ka na magpanggap, alam kong sinunod mo lang ang gusto ng mama mo na bantayan ako, tama ba?" Tanong niya, hindi naman agad sumagot si jared kaya napangisi siya.

"Kaya tigilan mo ako, 'wag ka umarte na parang may pakialam ka kapag sinabi sa'yo ng mama mo na iwan ako, gagawin mo rin, 'di ba? Kasi naka-depende ka pa rin sa kan'ya." Sabi niya sa binata at bumuntong hininga.

"Valentina, bakit ba pinagtutulakan mo ako?" Tanong ni jared sa kan'ya, hindi niya talaga maintindihan si jared, para bang wala lang talaga sa binata ang mga sinasabi niya at binabalewala lang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Naiinis siya lalo dahil pinapakita pa rin sa kan'ya ni jared na may pakialam talaga ito sa kan'ya pero ayaw niyang maniwala dahil baka kapag naniwala siya at magtiwala na saka siya lokohin.

"Jared, ano bang gusto mo mangyari?" Mahinahon niyang tanong, ayaw niyang magpadala sa inis dahil nasisigurado niya na maya-maya lang ay baka sumabog na siya sa galit kapag napuno siya.

"Nothing, valentina. Hayaan mo akong tulungan kita." Sagot nito sa kan'ya.

Tulong? Tangina naman. Mura niya sa isip, hindi niya na kailangan nang tulong ngayon dati kailangan niya noon pero ngayon hindi na ang gusto nalang mangyari ni valentina sa sarili niya ay mamatay, para tapos ang paghihirap.

"Hindi ko kailangan nang tulong mo." Malamig niyang sabi sa binata, narinig niyang bumuntong hininga si jared at halatang nauubusan na nang pasensya pero dahil sa kan'ya hindi magawang magalit ni jared, kailangan niya lang maging kalmado.

"Alam ko but, let me help you okay? I want to help you, para makita mo ang dahilan kung bakit ka nararapat pa manatiling malakas at buhay, valentina." Deklara sa kan'ya ni jared, palihim siyang umirap dahil sa narinig.

"Tangina, wala nga akong makitang purpose. Kaya tumigil ka." Kalmado at malamig ang pagkakasabi niya kay jared, hindi naman umimik si jared kaya isinandal nalang ni valentina ang ulo sa bintana at doon itinuon ang paningin.

Maya-maya lang habang wala pa rin umiimik sa kanila ay nagsimula na naman umandar ang sasakyan. Hindi man lang niya namalayan na nasa bookstore na sila kung saan may bibilhin si jared.

"Stay here." Sabi ni jared sa kan'ya, tumungo nalang siya at hindi pa rin iniimikan ang binata, narinig na naman niya ang pagbuntong hininga nito bago lumabas ng sasakyan.

Sinundan naman niya ito nang tingin hanggang sa makapasok sa isang bookstore.

Dumeretsyo siya nang tingin at mabilis kumunot ang noo niya dahil sa naaninag.

Kitang-kita niya kung paano sigawan ng isang babae ang isang babaeng nasa harapan nito, napapansin niya ang panginginig ng kamao ng babaeng sinisigawan kaya hindi niya napigilan ang sarili at daling-dali lumabas sa sasakyan.

Halos dalawang buwan din ang lumipas simula ng mag-usap sila ni alexis, masaya si christina dahil simula ng araw na 'yun ay hindi na siya madalas dalawin ng madilim niyang nakaraan, hindi na rin siya madalaa umiyak tuwing gabi.

Alam niya sa sarili na lagi lang nasa tabi niya si alexis at hindi siya iiwan ng binata kaya ng dahil 'dun ay gumaan ang pakiramdam niya.

Madalas na din siya ngumiti hindi gaya ng dati.

Natigilan siya sa ginagawa ng marinig niyang may nag-doorbelle sa pinto, kaya mabilis siyang tumakbo 'dun para pagbuksan 'yun.

"Alexis at... Kuya..." Ganu'n nalang ang gulat niya nang makita niya si alexis kasama ng kuya niya.

Naguguluhan siya dahil hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kuya niya para mag-punta sa mansion ng kaibigan niya. Wala si celestine ang kapatid niya dahil may check-up sa Ob-gyne sinamahan ng isa sa mga tauhan nila danice.

"Nakita ko siya sa gate kanina nag-wawala, ayaw siya papasukin ng guard sinabi niyang kapatid mo siya kaya pinapasok ko." Si alexis ang bumasag sa katahimikan, tumungo siya dito saka ngumiti at binalik ang tingin sa kuya niya.

"Francheska, asan si danice?" Tanong ng kuya niya sa kanya, agad binalot muli ng katahimikan sa kanila habang siya ay kinakain ng kaguluhan sa isip niya.

Hindi niya talaga maintidihan ang kinikilos ng kuya niya at sa nakikita niya sa mga mata nito ay mukhang masaya siya na malungkot, hindi niya maipaliwanag sa sarili.

"Nasa taas..." Mahinahon na sagot ni christina sa kapatid, agad siya nito nilagpasan saka mabilis na tumakbo sa hagdan ng mansion.

Ganu'n nalang din ang bilis niya maglakad para mahabol ang kapatid. Narinig niya naman ang yapak ni alexis hudyat na sumusunod ito sa kanya.

"Christina..." Tawag sa'
kanya ni alexis ng mapahinto siya sa paglalakad.

Nilingon niya ito saka ngumiti. "Okay lang ako." Nakangiti niyang sabi dito ng mapansin niya agad ang pag-aalala sa mukha ng binata.

Gumanti lang ng ngiti sa kanya si alexis at hinawakan ang kamay niya bagi sila hawak kamay na nag-patuloy sa paglalakad pataas.

Mas naguluhan si christina ng makitang bukas ang kwarto ng kaibigan, nagtataka siya kung bakit alam ng kuya niya ang kwarto ng kaibigan niya, eh sa pagkakaalam niya ay hindi nagkakasundo ang kapatid at kaibigan niya.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni alexis saka marahan napayuko ng marinig niya ang sigaw ng kuya niya bigla niya naalala ang mga sigaw ng magulang niya sa'kanya pag-galit ang mga ito sa kanya.

Huminga siya ng malalim para mapakalma ang sarili, natrauma na siya sa mga sigaw kaya sa tuwing may naririnig siyang sigaw ng tao ay natatakot siya bigla, pakiramdam niya ay sasaktan siya ng mga ito kahit hindi naman siya ang sinisigawan.

Hindi na siya nagulat ng pumulupot sa bewang niya ang braso ni alexis, alam talaga ng binata na ang yakap niya ang isa sa nagpapakalma sa kanya.

"Gusto mo ba talaga sundan ang kuya mo?" Tanong sa kanya nito, tungo lang ang sagot na ibinigay niya.

Bumitaw si alexis sa pagkakayakap sa kanya saka muli hinawakan ang kamay niya, nag-patuloy sila sa paglalakad at ng marating nila ang pinto ng kwarto ni danice ay wala ng sigawan kundi iyak na ang naririnig niya, iyak ng kaibigan niya.

Ganu'n nalang ang gulat sa mukha ni christina ng makita niyang nakayakap ng mahigpit ang kuya niya sa kaibigan niyang umiiyak at pinapatahan ito.

"Kuya..." Mahina ang boses niyang tawag sa kapatid kadahilanan ng pagharap nito sa gawi niya.

Pero mabilis sila napalingon sa kaibigan ng mag-salita ito.

"Oo, ikaw ang ama happy ha?, 'di ba ayaw mo naman sa anak ko, kasi 'di mo'ko mahal." Umiiyak na sabi ni danice, tila nag-loading ang utak ni christina sa narinig.

Si kuya ang ama ng bata... Kaya ba ayaw sa'kin sabihin ni danice kung sino ang ama ng dinadala niya dahil ang kapatid ko pala, pero paano? Kung ganu'n para silang aso't pusa. Naguguluhan na sabi ni christina sa isip saka palipat-lipat ng tingin sa kuya niya saka sa kaibigan.

"Christina, I think kailangan nila mag-usap." Bulong sa kanya ni alexis na nagpabalik sa kanya sa wisyo, tumungo naman siya kaya inalalayan siya ng binata na makalabas ng kwarto hanggang sa makababa.

"Uhm... Gusto mo ba ulit sumama sa'kin? Bibili tayo ng jolly hotdog tapos daan tayong bookstore kung gusto mo, christina 'wag kang gan'yan ayoko na malungkot ka." Pag-aano sa kanya ni alexis ng makarating sila sa labas ng mansion sa harap ng sasakyan ng binata.

Hindi naman siya malungkot sadyang naguguluhan lang ang utak niya.

Hindi niya alam kung ano namamagitan sa kaibigan at kuya niya.

"Sige sama ako."

***

Perente lang siyang nakaupo sa loob ng sasakyan, nasa tapat sila ng isang bookstore at nag-paiwan sadya siya sasakyan ng makita niyang maraming tao sa labas.

"Tagal naman ni alexis, naiihi na ako..." Sabi niya, totoong naiihi na siya at hindi niya alam kung paano niya pipigilan kaya nang hindi na talaga siya makapaghintay ay kinuha niya ang malaking jacket na binili niya at sinuot 'yun bago lumabas ng sasakyan.

Mabilis siya naglakad sa isang restroom nakita niya sa tabi lang din ng bookstore.

Pagkatapos umihi ay dali-dali siyang naglakad pabalik sa sasakyan pero hindi pa siya tuluyan nakakabalik ng may masagi siyang babae.

"The hell?!" Sigaw ng babae kaya na patiad siya dahil sa sigaw.

"S-Sorry..." Utal niyang sabi naramdaman naman niya ang kamay niyang bigla nanginig dahil sa takot mula sa sigaw na narinig sa babae.

"Stupid!, ang taba-taba kasi! Hindi marunong tumingin sa dinadaanan!" Sigaw muli ng babae sa kanya dahilan hindi niya napigilan ang sarili mapayuko at mariin pumikit ang mata!

"Ang pangit-pangit mo! Ang taba-taba mo!" Sigaw sa kanya ng mga kaklase.

"Bulag kaba?!" Sigaw muli sa kanya ng babae mariin niyang tinakpan ang tenga dahil natatakot na siya sa naririnig niya, ang mga tuhod niya ay pakiramdam niya ay gigibay na.

"Ang tanga-tanga mo! Hindi mo'ko nakita, ang taba-taba mo tapos bulag ka pa!"

"Bakit ba ang tanga mong bata ka ha?! Ang taba mo na nga tanga kapa!" Sigaw sa kanya ng ina wala siyang nagawa kundi umiyak.

"S-Sorry... S-Sorry... m-mama..." Hirap niyang bulong na sabi.

Hindi niya na napigilan ang sariling umiyak napansin niya na din na maraming nanonood sa kanya.

"Magsi-alis kayo mga chismosa!" Sigaw ni valentina, kita naman niya ang gulat sa mga taong nasa paligid nila pero wala siyang pakialam, maski ang babaeng inaapi ay nakitaan niya ng gulat sa mukha.

Inilipat niya ang paningin sa babaeng nang-aapi.

"At ikaw na babae ka, anong karapatan mong husgahan itong babaeng 'to?" Kumuha ng sigarilyo si valentina at agad sinindihan iyon.

Kailangan niya kumalma kaya siya kumuha ng sigarilyo kasi kung hindi siya kakalma sasabog siya sa inis at galit.

Bumuga muna siya ng usok bago nagsalita.

"Tao 'to hindi hayop, nasasaktan 'yan. Nag-sorry na siya bakit kailangan mo pa siya sabihan ng masasakit na salita ha." Kalmado ang boses niya pero mariin iyon.

Inilipat niya ang paningin sa babaeng nasa gilid niya, akmang iimik ito ay umalis na agad ang babaeng umaapi sa kan'ya, ngumisi nalang si valentina nang makita kung paano inis na naglalakad ang babae.

"Salamat." Tumungo siya.

"Walang anuman pero, 'wag mo hayaan ang tao husgahan ka, sino ka ba?" Tanong niya sa babaeng nasa harap niya.

"Christina." Pakilala nito.
Ngumiti si valentina at itinapon ang sigarilyo, hindi pa naman ubos iyon pero hindi niya na kailangan iyon dahil kumalma na siya.

"Nice meeting you, christina," aniya sa babaeng nasa harap niya.

"'Wag ka magtiwala kung kanino-kanino lang ha, nakikita kong mabait ka." Paalala ni valentina sa babae.

"Wala naman ako masyado kaibigan, at hindi ako basta-basta nagtitiwala." Sagot nito sa kan'ya, napatungo naman siga.

"Basta 'wag ka basta magtiwala mahirap na, magulang nga natin kaya tayo lokohin, ibang tao pa kaya." Gusto niyang matawa sa sarili pati sarili karanasan idinadamay niya sa iba.

"Oh siya babalik na ako sa pwesto ko, baka hanapin na ako ng lalaking 'yun." Paalam niya sa babae tumungo ito sa kan'ya at ngumiti

"Ikaw... Ano'ng pangalan mo?" Tanong nito sa kan'ya.

"Ano'ng gusto mo? Full name ba?" Biro niya at tumawa.

"Ikaw, kung anong gusto mo." Mahinahon na sabi sa kan'ya ng babae.

"Ikaw muna, anong full name mo?" Tanong niya.

"Christina Francheska Vergara."

"Oh isa kang Vergara..." Vergara... Sabi niya sa isip, vergara ang kalaban ng pamilya niya.

"Ikaw..." Tanong nito muli, hindi niya alam pero komportable siya makipag-usap sa dalaga.

"Ako... Maria..." Pinutol niya ang sasabihin. Dahil baka kilala siya nito at ituring siyang kalaban.

"Maria Valentina Angela Atienza." Pakilala niya bago tinalikuran si christina at bumalik na sa sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top