Chapter 7

Perenteng nakaupo si valentina habang pinapanood si jared maghiwa ng lahog sa lulutuin nitong fried noodles. Hindi niya maiwasan matuwa dahil ngayon nalang ulit siya nakanood ng malapitan na nagluluto sa harap niya, hindi naman kasi siya kumain sa labas laging deliver ang ginagawa niya pati, hindi na rin siya nakokihabilo sa mga tao sa kusina simula nung mag-fifteen years old siya, lagi siyang nasa layasan at lumalayo sa mansion nila.

"You like, spicy one?" Tanong ni jared sa kan'ya, para naman siyang bat sunod-sunod na tumango dahil nagugutom talaga siya at mahilig siya sa ma anghang.

"What abo— Oh hi." Mabilis siyang napalingon sa pinto ng kusina nang bumukas iyon, walang ilang segundo siyang pinalipas at dali-daling tumayo sa pagkakaupo ng makita ang taong bagong pasok sa pinto, agad siyang lumapit sa tabi ni jared pero hindi siya dumikit gaano.

"Good morning..." Mahinahon na bati ng matandang lalaking nasa pinto, mabilis nag-iwas nang tingin si valentina sa matandang lalaki ng titigan siya nito sa mata, mas inilapit niya pa ang sarili sa likod ni jared kaya napalingon sa kan'ya ang binata.

"Why?" Tanong sa kan'ya ni jared, umiling si valentina bilang sagot at hindi pa rin tumutunghay nanatili siyang nakayuko sa likod ni jared. Kabadong kabado siya, hindi niya maintindihan ang naramdaman, nakakaramdam na naman siya ng takot at pagkagalit.

"Good morning, sir. I'm jared, kaibigan po ako ni valentina." Rinig niyang pakilala ni jared sa sarili, kumunot naman ang noo niya at nagtaas ng kilay dahil sa narinig.

"Kailan ko pa siya naging kaibigan." Bulong niyang tanong sa sarili.

"Valentina..." Napatunghay siya ng marinig niya ang pangalan niya, nakaramdam siya ng pandidiri sa paraan ng pagtingin sa kan'ya ng matanda diring-diri siya sa boses nito na tumatawag sa pangalan niya.

Mukhang napansin ng matandang lalaki na walang balak magsalita si valentina kaya muli itong nagsalita habang hindi inaalis ang paningin sa katawan ni valentina, diring-diri na si valentina sa paraan ng pagtingin sa kan'ya ng kaniyang tito, gusto niya sundutin ang dalawang mata nito dahil sa paraan ng pagtingin sa katawan niya.

"I'm Vico, tito ako ni valentina..." Pakilala ng matandang lalaki kay jared, pinanood naman ni valentina ang mukha ni jared na ngumiti pero nahahalata niya sa mukha ng binata ang pagkagulo. "Hindi ko alam na... May bagong kaibigan pala si valentina... Maliban kay kelvin." Dagdag ng tito niya, gusto na umalis ni valentina at magpalit ng damit ayaw niya talaga ang paraan nang pagtingin na meron ang tito niya ang hayop na tito niya.

"Kelvin?" Tanong ni jared, agad siya nagulat nang lumipat ang paningin ni jared sa kan'ya habang nakataas ang isang kilay.

Problema nito? Tanong niya sa sarili. "Kaibigan ko, since highschool." Sagot niya, tinunguan naman siya ni jared at muling ibinalik ang paningin sa tito niya.

Mas isiniksik ni valentina ang sarili sa likod ni jared, hindi naman siya maliit sadyang malaking tao lang si jared kaya hindi siya makita masyado sa likod nito, sunod-sunod siyang huminga ng malalim ng mapansin niyang nahihirapan na naman siyang nguminga, paulit-ulit niyang pinisil ang magkabilang kamay.

Nanlalambot na ang dalawang binti niya dahil naririnig pa rin niya ang boses ng tito niya pakiramdam niya ay matutumba siya at mawawalan ng balanse.

Wala siyang choice kundi ihawak ang magkabilang kamay sa bewang ni jared, nagulat naman si jared dahil sa ginawa niya pero hindi na ito nagreklamo at hinayaan nalang si valentina sa likod niya.

Mabilis na nagtago ang ang labing-apat na taon na gulang na si valentina sa loob ng cabinet. Takot na takot siya at nanginginig na rin ang katawan niya sa kakaiyak.

"Valentina. I thought gusto mo tulungan kita? Tutulungan kita basta sundin mo ang gusto ko." Rinig niyang sabi ng tito niya na si vico na nasa labas ng kwarto niya, ini-lock niya ang pinto gano'n din ang cabinet kung sakali man na mabuksan ng tito niya ang pinto.

Takot na takot siya at hindi alam kung paano hihingi ng tulung, pumunta siya sa tito niya para magsumbong dahil sa ginawa ng pinsan niyang si victor sa kan'ya na anak ng tito vico niya ngunit hindi niya akalain gawa ng anak nito ay may balak din pa lang masama ito sa kan'ya.

Nakatakip ang isang palad sa bibig at pigil na pigil ang paghagulgol ng batang valentina.

"Come on, valentina. Kahit magsumbong ka walang maniniwala sa'yo, mas mahalaga sa pamilyang ito ang pangalan na meron tayo, mas gugustohin pa nilang masira ka kaysa tulungan ka makuha ang hustisiya na gusto mong makuha." Mas lumakas ang pag-iyak niya this time hindi na niya napigilan hindi gumawa ng ingay.

Dahil tama ang tito niya, nagawa niya na magsumbong sa mama niya pero hindi siya pinansin nito dahil busy sa hospital habang ang papa niya na mismong abogado ay hindi siya pinaniwalaan at pinagbintangan pa siyang naninira.

Kailan pa naging paninira ang paghingi ng hustisiya? Tanong niya sa sariling isip habang patuloy sa pag-iyak.

"Valentina." Mabilis siyang napalingon kay jared na nasa tabi niya, kanina pa pala silang nakaupo dito sa dinning area para kumain hindi niya inakala na mababalikan niya ang nakaraan na alala.

Hinawakan niya ang pisngi niya at hindi na siya nagulat ng mapansin basa iyon, mabilis nalang niya iyon pinunasan saka inilipat ang paningin sa pagkain na nasa hapag.

"Hey... What's wrong? Simula nung umalis iyong tito mo natulala ka nalang diyan tapos ngayon umiiyak ka." Saad ni jared, umiling nalang siya at sinimulan kumain ng niluto ni jared para sa kan'ya.

Ayaw na niya isipin ang bagay na iyon, gusto nalang niya ibaon sa lupa iyon pero paano niya ma-ibabaon sa lupa kung gano'n nasa paligid pa rin niya ang mga taong nagpapaalala sa kan'ya ng mga gano'n na alala.

"Kapag ba natapos ka kumain, saan ka?" Tanong ni jared kaya tumigil muna siya sa pagsubo ng pagkain at uminom ng inumin bago nagsalita. "Baka sa kwarto lang, garden." Simple niyang sagot, unless makakalabas siya sa mansion na 'to.

"Why?" Takang tanong ni jared sa kan'ya, malakas naman siyang ngumisi saka pekeng tumawa.

"Wala eh, bilanggo ako." Seryoso niyang sagot, hindi na niya hinintay ang reaction ni jared at nagpatuloy nalang sa pagkain, hindi niya maitatangi na masarap talaga magluto ang binata parang kaya niya ubusin lahat ng niluto nito sa sobrang sarap.

"Hmm... Your mother said to me, papabayagan ka niya umalis basta kasama ako and also pinagpaalam kita, saan mo gusto pumunta?" Tanong sa kan'ya ni jared saka ngumiti, natigilan naman siya sa pagkain dahil sa sinabi ng binata.

Anak ng— bakit gusto ni mommy na kasama ko si jared? Gano'n nalang ba kalako ang tiwala nila sa lalaking 'to?

"Hmm... Kung pwede samahan mo ako sa apartment ko para makapagpalit ako, ikaw na bahala kung saan mo ako gusto igala." Sabi niya at nagpatuloy sa pagsubo, gusto tuloy ni valentina mainis sa sarili never niya hinayaan ang isang taong magdesisyon kung saan siya pupunta pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hinayaan niya si jared.

"Sige, eat well. Pagkatapos mo papaalam kita, aalis tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top