Chapter 5

"Salamat." Ngumiti si valentina kay jared nang abutan siya nito ng tubig, nasa kwarto na sila at medyo kumalma na rin siya. Pumasok pa lang sa isip niya na lumayo kay victor ay parang ang gaan na agad nang loob niya.

Ayaw na ayaw niya sa masamang tao lalo na sa hayop.

"Bakit ka nanginginig, valentina kanina?" Natigilan siya sa pag-inom ng biglang magtanong si jared, hindi niya ugali itago ang nakaraan niya at ang bawat dahilan sa bagay-bagay sa buhay niya pero hindi niya maintindihan ang sarili niya ngayon.

Parang pinipigilan siya nito na huwag sabihin kay jared ang kasagutan.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Nilalamig lang." Pagsisinungaling niya, uminom muli siya ng tubig at nag-angat ng tingin kay jared, seryoso itong nakatingin sa kan'ya at binabasa ang mukha niya.

Hindi naman nakagalaw si valentina dahil sa titig sa kan'ya ni jared parang inuutusan siya nito na magsabi ng totoo dahil sa paraan nang titig na meron ang binata. Mabilis siyang sunod-sunod na umiling saka mariin na pumikit.

Piliit niyang pinapasok sa utak na kailangan niya kumalma, kinakabahan siya at hindi niya maintindihan ang nararamdaman dahil sa mga titig sa kan'ya ng binata. Humugot siya nang malalim na hiniga saka muling nagsalita.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong niya, umiling lang si jared sa kan'ya bilang sagot kaya tumungo-tungo muli siya saka nag-isip ng bagong sasabihin sa binata.

"Uhm... Bukas ba? Aalis na kayo?" Tanong niya ulit dito, umiling ito kaya agad nangunot ang noo niya dahil sa sagot ni jared.

Bakit hindi pa sila aalis? Tanong niya sa isip niya, nagtataka siya dahil akala niya ay ang dahilan kung bakit dito na nagpagabi sila jared dahil ginabi na ang mga ito at delikado na pag-uwi.

"Bakit?" Gulong-gulo tanong ni valentina kay jared, tinignan niya si jared sa mata pero hindi pa nagtatagal ay agad din siya nag-iwas dahil sa ibang pakiramdam na nararamdaman sa tuwing nagtatagpo ang mata nilang dalawa.

Tangina... Mura niya sa sariling isip.

"Kasama mo ako kahit saan, valentina..." Sagot nito sa tanong niya, nanindig ang balahibo niya dahil sa narinig, gusto niya kuritin ang sarili dahil para na siyang nababaliw sa tuwing naririnig ang pangalan sa lalaki.

Nababaliw kana, valentina. Tangina! Pagalit niya sa sarili.

"Huh? What did you mean, jared?" Tanong niya, umaktong kalmado na parang wala lang. Kailangan niya ipakita kay jared na walang epekto sa kan'ya ang bawat ginagawa nito at sinasabi ni jared sa kan'ya, kailangan niya maging matatag para sa sarili niya.

Hindi dapat siya magpadala sa kung ano-ano dahil baka magtiwala lang siya at lokohin siya.

"I wanna help you, valentina. I will stay by your side, I'm going to follow you everywhere." Umawang ang bibig niya dahil sa mga sinabi ni jared sa kan'ya, hindi siya makapaniwala dahil sa narinig hindi niya din alam kung paniniwalaan ba niya ang mga sinabi ni jared sa kan'ya dahil baka nagbibiro lang ito sa kan'ya.

No...

"Why?" Nagtataka niyang tanong. "Because you need someone will stay by your side no matter what happened." Ngumiti ng malaki si jared sa kan'ya.

"I don't need anyone, jared..." Sagot ni valentina sa binata na kinawala nang ngiti nito.

"You need someone, valentina..." Paminilit ni jared sa kan'ya umiling siya at akmang iimik na muli siya ngunit agad siyang inunahan ni jared magsalita. "Go on, sleep. What do you want? Aalis na ba ako or babantayan kita?"
Hindi siya nakasagot, inaantok na siya at ngayon niya lang naramdaman bigla ang antok at pagod.

Pinagkatitigan niya ang seryosong mukha ni jared, hindi niya mapigilan ang sariling hindi humanga sa mukha ni jared. Kung titigan talaga ito ay sobrang gwapo talaga, hindi lang masyado mapansin dahil sa suot nitong salamin pero para sa paningin ni valentina ay sobrang gwapong titigan ni jared, dagdag pa ang salamin nito na nagpapakita ng mukhang inosenteng jared.

"Hey, valentina..." Mariin siyang napapikit. Shit. Mura niya sa isip.

Hindi niya na pansin na masyado siyang natutlala parang ngayon nalang ulit siya nakaramdam nang hiya dahil sa mga ginagawa niya.

"Can you... Stay here but, don't sleep with me just... Stay there..." Aniya sabay turo sa maliit na solo chair na nasa gilid lang ng kama niya. Hindi niya alam pero gusto niyang manatili doon si jared para bantayan siya, bigla nalang pumasok sa isip niya ang pinsan na lalaki na si victor.

Gusto niyang bantayan siya ni jared pero ayaw niyang tumabi ito sa kan'ya pagtulog, parang hindi niya kayang magtabi ng lalaki sa tabi niya pakiramdam niya ay may gagawin itong masama sa kan'ya sa oras na makatulog na siya kung papayagan niya itong tumabi sa kan'ya.

Bumuntong hininga si valentina dahil hindi sumagot si jared sa kan'ya akmang babawiin niya ang sinabi nang maglakad na ito patungo sa solo chair at umupo doon nang maayos bago siya nilingon at pinagkatitigan.

"Go on, sleep. I'm here don't worry." Ngumiti ito sa kan'ya habang deretsyong nakatingin sa mata niya, hindi alam ang sasabihin dahil sa ginawa ni jared, hindi niya alam ang dapat maging reaction dahil sa gulat na ginawa nga ni jared ang gusto niya.

I'm here, don't worry...

Parang sirang plakang umuulit iyon sa isipan niya... Kay kelvin niya lang naranasan ang gano'n bagay pero eto ngayon may isang lalaking hindi pa niya gaano kakilala na nagpaparamdam sa kan'ya ng mga gano'n na bagay.

"Valentina, go on. Sleep na mukhang pagod kana." Utos sa kan'ya ni jared, wala nalang siyang nagawa kundi ang tumungo rito at marahan na humiga sa kama bago binalot ang sarili sa kumot.

Tumalikod siya sa gawi ng binata dahil hindi siya komportable na panoodin siya nito habang natutulog.

"Goodnight..." Bulong iyon na siya lang ang nakakarinig, hindi niya kaya sabihin kay jared ang mga salitang iyon, nahihiya siya na hindi niya maintindihan.

Sino bang hindi mahihiya na kung ang bagong kakilala mo pa lang ay inutusan mong manatili sa tabi mo pero hindi mo papahigain sa maayos na higaan.

Sinimulan na ni valentina ang pumikit pero ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin siya makatulog kaya nagpasya siyang lumingon sa gawi ni jared gano'n nalang kabilis nanlaki ang mata niya ng makita ang binata na nakapikit habang nakatuon ang isang siko sa gilid ng solo chair at nakatuon ang ulo sa palad.

Parang bigla siya kinain ng giit dahil sa nakikita.

"Nahihirapan siguro siya matulog..." Sabi niya sa sarili habang titig na titig sa tulog na binata.

Marahan niyang inalis ang pagkakabalot ng kumot sa kan'ya at tumayo sa kama, dalawa ang kumot na meron siya sa kama dahil binabalot niya talaga ang sarili niya doon kapag tutulog siya sa mansion.

Kinuha niya ang isa saka marahan na humakbang papunta kay jared, marahan lang ang bawat galaw niya dahil natatakot siyang baka magising ang binata.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay tinitigan niya ito at pasimpleng ngumiti, hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti dahil sa itsura ni jared habang natutulog.

Marahan lang niyang kinumutan ang binata para hindi ito magising saka marahan na lumakad pabalik sa kama niya at muling humiga muli.

Muli siyang nagkumot saka inayos ang pagkakahiga, hindi siya lumingon sa kabilang bahagi bagkus pinagkatitigan niya ang tulog na jared hanggang sa kainin na rin siya nang antok habang nakatitig sa binata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top