Chapter 4

Kanina pa pagulong-gulong si valentina sa kama niya, hindi siya makatulog dahil hindi na siya sanay sa mansion, kailangan muna niyang mapagod para makaramdam ng antok.

"Bwisit!" Inis niyang sabi at nilingon ang oras, alas-dose na nang madaling araw pero buhay na buhay pa rin ang kaluluwa niya, gusto niyang tumakas pero hindi na niya alam kung saan pa siya susuot, bawat lugar ay may bantay na.

Pagkatapos niyang makausap si jared ay hindi na muli siyang lumabas sa kwarto pero rinig niyang dito muna matutulog sila jared dahil gabi na. Bumuntong hininga siya saka umayos ng higa, tinitigan niya ang kulay asul na kisame.

Hindi niya maintidihan ang sarili niya, pakiramdam niya ay na-gui-guilty siya dahil sa ginawa niyang pagtrato sa binata, hindi naman niya ugali na ma-guilty pagkatapos gawin ang bagay na iyon sa ibang tao pero, pagdating kay jared parang iba.

Nababaliw na ata siya.

"Ah ang hirap makatulog, antok na ang mata ko pero hindi ako kainin ng antok." Yamot niyang sabi sa sarili, sa inis ay tumayo siya saka kinuha ang jacket na binigay ni jared sa kan'ya. Lumakad siya papunta sa pinto ng kwarto niya at lumabas doon.

Hindi na ka-lock iyon dahil alam niyang nasa buong paligid ang bantay na kahit anong gawin niyang pagtakas ay hindi siya makakalabas.

Lumakad siya hanggang sa marating niya ang swimming pool, umupo siya sa gilid noon at nilubog ang paa niya.

Nilingon niya ang suot na relo at napangisi. "Alas-dose na eto ako nasa swimming pool." Mapakla siyang tumawa at saka malalim na bumuntong hininga. Hindi niya magawang matulog na payapa lalo na alam niyang nasa paligid niya ang mga taong sumira sa kan'ya.

Hindi niya kaya matulog sa lugar kung saan puro masasama ang naranasan niya, pakiramdam niya ay masasakal siya bawat oras kung subukin man niya matulog sa mansion nila.

"Kaka-bwisit na talaga, tan—"

"'Yan ka na naman." Mabilis napatayo si valentina sa pagkakaupo dahil may bigla nalang magsalita sa likod niya, muntik pa siyang madulas dahil sa gulat mabuti nawakan ng binata ang braso niya.

Pero mabilis niya inalis ang pagkakahawak ng binata sa braso niya at lumayo dito. "Ba't nandito ka?" Tanong ni valentina, para ng kabute si jared para sa kan'ya bigla-bigla nalang sumusulpot kahit hindi naman hinahanap o kailangan.

"Just... Walking around." Nakangiting sagot ng binata kay valentina, gusto niya tumawa dahil sa sinabi nito pero ayaw niyang ipakita sa binata na natatawa siya sa dahilan nito.

"Walking around? Ginagago mo ba ako? Alas-dose na ho." Sabi niya dito, nginisian lang siya ni jared kumunot naman ang noo niya dahil sa ginawang ngisi ng binata.

"How about you, what are you doing here?" Tanong ng binata sa kan'ya, may bumubulong sa kan'ya na 'wag sagutin ang tanong meron naman nagsasabing sagutin niya ito.

"Pakialam mo ba? Pwede ba 'wag kang umakto na parang concern ka sa'kin, pare-parehas naman kayo." Inis niyang singhal dito, kumunot naman ang noo ni jared dahil sa inakto ni valentina at sa sinabi niya ito pero hindi niya pinahalata ang pagtataka bagkus, ngumiti siya dito bago muling nagsalita.

"Inaalala lang kita, malamig." Malambing niyang sabi, gusto humalakhak ni valentina dahil parang mababaliw na siya na gusto niya maniwala sa inaakto ng binata na, totoo ang pinapakita nito na totoong inaalala siya nito pero ayaw niyang magpaloko dahil takot na siya maloko at magtiwala pa.

"Ano bang sad'ya mo sa akin?" Seryoso niyang tanong sa binata, alam ni valentina may sad'ya sa kan'ya ang binata, hindi ugali ng kan'yang ina na magpakilala sa kan'ya ng isang tao kung wala itong magandang ambag sa kan'ya o maitutulog sa kan'ya.

"What's your problem?" Tanong ni jared sa kan'ya inis siyang tinignan ni valentina. "Pakialam mo sa problema ko? Kapag sinabi ko ba sa'yo mawawala siya?" Pilosopong tanong ni valentina sa binata.

Hindi na alam ni jared kung anong magiging reaction niya dahil sa mga ugaling pinapakita sa kan'ya ni valentina, imbes ata mainis siya ay humahanga siya sa mga ugali nito.

Napaka unique para sa kan'ya ang ugali na ganoon.

Ngumisi ang binata bago nagsalita. "Gusto ko lang malaman, kanina sa lamesa para kang mahinhin pero nung nakita kita sa garden kakaiba ka." Mangha-mangha sabi ng binata sa dalaga pero puno pa rin nang inis at sama nang damdamin ang mukha ni valentina parang hindi niya kaya sa mga pinagsasabi ni jared tungkol sa kan'ya.

"Pwede ba?" Nauubusan na pasensyang saad ng dalaga sa binata at mariin na pumikit, gusto niya nalang manahimik at huwag pansinin ang binata pero hindi niya mapigilan ang sariling hindi magsalita.

"Layuan mo ako, please?"

"Why?" Tanong ni jared sa kan'ya, gulong-gulo siya at hindi niya talaga maintidihan si valentina nakikita niya kasi sa dalaga na parang may problema talaga ito, simula kanina ng makita niya ito at masabay kumain idagdag pa ang matalim na tingin ng ina nito sa bawat galaw ni valentina.

"Hindi ko kailangan nang tulung mo, mas gusto pa mag-isa kaysa hingin ang tulong mo." Seryosong sagot ni valentina sa binata at tinalikuran niya na ito naglakad na siya pabalik sa backdoor kung saan siya lumabas ng matigilan siya nang bumukas iyon at lumabas ang isang lalaki.

Agad nanigas ang pangangatawan niya at hindi na niya alam ang gagawin, makita pa lang ang lalaking nasa harap niya ay takot na takot na siya hindi na ata kakayanin kung makakalapit ito sa kan'ya.

Pilit niyang inaatras ang katawan niyang natatakot na gumalaw, gusto niyang tumakbo palayo dahil takot na takot na siya pero hindi niya magawa dahil ang bigat nang pakiramdam niya parang biglang bumigat ang buong katawan niya at gusto nalang niyang bumagsak sa lupa.

"Valentina..." Mariin niyang naiyukom ang kaniyang dalawang palad nang marinig niya ang boses nito lalo na sa paraan kung paano nito tawagin ang pangalan niya.

Nakakadir, tangina. Sabi niya sa sarili. Kahit hirap na hirap ay pilit niyang inaatras muli ang katawan nang subukan ng lalaking lumapit sa kan'ya.

Malakas itong ngumisi at ngumiti na parang aso.

"Bakit parang takot na takot ka?" Malaking ngiting labing tanong ng lalaking nasa harap niya, gustong-gusto ni valentina para magtago hindi kayang marinig ang bastos na boses nito hindi niya kayang makita ang bastos na lalaking nasa harap niya.

Pero hindi niya magawang tumakas, dahil pinangungunahan siya nang takot na matagal na dapat niyang inalis sa sarili.

Tangina valentina, labanan mo ang takot mo... Pilit niyang pagpapatapanggang sa sarili kahit takot na takot na siya.

Mulimg humakbang ang lalaki sa harap niya sa oras na iyon au hindi na talaga niyang nakayanan gumalaw, nanghihina siya.

Akmang hahawakan siya nito sa kamay ay mabilis niyang inilag ang sarili kadahilan na mawalan siya ng balance para sa sariling katawan halos mahugutan siya nang hininga buti nalang naramdaman niyang may sumalo sa kan'ya.

Marahan siyang nag-angat ng tingin nang makita si jared, ang lalaking sumalo sa kan'ya. Para siyang nakahinga nang maluwag nang makita ang binata na nasa tabi niya.

Ligtas ako... Sabi niya sa sarili at paulit-ulit na huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili niya.

"Who are you?" Tanong ng lalaki sa harap niya pero  hindi ito binigyan pansin
ni jared bagkus itinuon niya ang pansin kay valentina na paulit-ulit humihinga nang malalim, marahan niya itong inalalayan tumayo nang maayos habang hindi pa rin niya na iialis ang kamay niya sa braso ng dalaga.

Naramdaman ni jared na malamig iyon at bahagyang nanginginig mas lalo siyang kinain nang mga tanong niya sa isip.

"I'm Victor, valentina is my cousin." Nilingon ni jared ang atensyon sa binatang nasa harap niya, pilit siyang ngumiti dito at binalik ang paningin kay valentina na mukhang kalmado na.

"Ipasok muna ako, jared..." Ramdam niya ang panginginig sa boses ni valentina habang masama itong nakatingin kay victor na nasa harap nila, tumungo nalang siya dito bilang pagsang-ayon.

"Nanginginig ka, valentina. Kaya mo ba maglakad?" Tanong niya dito, tumungo ito sa kan'ya. Akmang aalisin niya ang pagkakahawak sa braso nito dahil naalala niyang parang hindi komportable ang dalaga na hinahawakan siya ay mas kinain siya nang pagtataka ng humigpit ang hawak sa kan'ya ni valentina.

Wala naman siyang nagawa kundi ang hawakan nalang din ang braso ng dalaga at nagsimulang maglakad, agad nilang nilagpasan ang lalaking nasa harap nila.

"Still... Sexy..." Rinig niyang sabi ng lalaki, akmang lilinggon siya dito para alamin ang ibig sabihin nang sinabi ay mabilis siyang pinigilan ni valentina.

"'Wag." Pigil sa kan'ya ng dalaga. "Why?"

"Basta 'wag, pagod na ako jared pakihatid nalang ako sa kwarto ko... Salamat..." Tumungo nalang siya kay valentina kahit gusto niyang magtanong, gulong-gulo ang isip niya marami siyang gusto itanong marami siyang mga tanong na gustong masagot pero isa lang ang nasisiguro niya.

May mali sa pamilyang meron si valentina...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top