Chapter 18

Kanina pa pauli-uli si Valentina sa labas ng apartment nila, gabi na pero hindi pa rin bumabalik si Jared, simula ng umalis ito dahil sa pagtatalo nila, aminado naman siyang kasalanan niya dahil nasaktan niya talaga si Jared, kitang-kita niya sa mata nito kanina nasaktan niya ito dahilan kung bakit siya natigilan magsalita kanina.

Alam niya naman sa sarili na kaligtasan lang ang gusto ni Jared para sa kan'ya, pero anong magagawa niya kung gano'n buhay na ang kinasanayan niya? Madalas pa ay ayaw niya na mabuhay pa.

Anong kailangan niyang gawin kung gano'n?

"Jared." Tawag agad niya nang makita niya itong bumaba sa sasakyan, tinignan siya nito saka naglakad palapit sa kaniya.

Tinignan siya nito mula taas hanggang pababa. Doon niya lang naalala na naka t-shirt at shorts siya.

"Bakit ka nandito? Baka mahamugan ka." Gusto niya mapanganga dahil sa sinabi nito, akala niya galit ito sa kaniya, akala niya aawayin o sisigawan siya nito pero, hindi niya akalain na mag-aalala pa ito sa kaniya.

Nahihiya man siya pero nagawa pa rin niyang sumagot. "Hinihintay kita."

"Ah... Sige pasok na tayo." Agaran siyang nilagpasan nito kaya dali-dali siya nataranta. Agad niya itong sinundan at pinigilan sa pagpasok.

"Sorry..." For the first time in her life. Ngayon lang siya nag-sorry sa lalaki, ngayon niya lang nagawa ang bagay na iyon.

"It's okay, tama ka. Sino ba naman ako, 'di ba? May gusto lang naman ako sa iyo, habang ikaw hindi ko alam... Gusto kong maintindihan ano ba tayo, Valentina? Ano ba ako sa 'yo? Do you feel the same rin ba? Or I'm just expecting too much?"

Hindi siya nakaimik, nagulat siya. Nakatikod pa rin si Jared sa kaniya, unti-unti nitong inalis ang pagkakahawak niya sa braso nito at nagpatuloy na pumasok.

"Nasaktan ko ba siya?" Tanong niya sa sarili. Nag-stay muna siya sa labas ng halos sampong minuto saka siya nagpasya pumasok na.

Laking gulat niya nang makapasok siya nang makita niyang nag-aayos ng gamit si Jared.

Bigla siya kinabahan, ngayon niya lang naramdaman ang kabang nararamdaman niya. Hindi siya makagalaw at pinapanood lang si Jared.

"Jared... Saan ka pupunta?" Tanong niya at hindi pa rin gumagalaw sa kinakatayuan, tumigil naman si Jared sa ginagawa bago siya tinitigan.

Ngumiti sa kaniya, nang lingunin ni Valentina ang mata ni Jared halata niyang umiyak ito, pula pa iyon at namamaga.

"I'm leaving." Simpleng sagot nito pero, halos gumuho ang mundo niya. Hindi niya alam ba't naging ganito ang nararamdaman niya ngayon, dati-dati naman ay wala siyang pakialam kung iwan siya ni Jared, wala siyang pakialam kung mapagod si Jared sa kaniya.

"B-Bakit?" Hindi niya napigilan ang sariling hindi kautal, sobrang bigat ng pakiramdam niya, para bang gusto niya umiyak.

"Uhm... I realized... Hindi ka sanay sa ganito, sanay ka na ikaw lang, sanay ka na mag-isa ka... Gusto man kita samahan but, ikaw na mismo nagbibigay ng dahilan para bumitaw ako that's why I'm leaving, I'm letting you go, hindi na ako mangingialam sa buhay mo, basta alagaan mo sarili mo ha? Huwag puro instant noodles and alak, eat healthy food too, ask your friend to cook for you..." Muling ngumiti si Jared sa kaniya at bumalik sa ginagawa.

Mas lalong hindi nakagalaw si Valentina at natameme, hindi niya maisip na gigising siya na wala si Jared sa tabi niya, ilang buwan na rin sila nagsasama nasanay na rin siya kay Jared.

Hindi niya maisip na wala ng Jared na inaalagaan siya, iniintindi.

Bumalik lang ulit sa wisyo si Valentina nang makita niyang hila-hila na ni Jared ang maleta nito.

Sinundan niya lang ito nang tingin hanggang tumigil ito sa harap niya, titig na titig lang siya sa mukha nito. Suot nito ang salamin kaya ang gwapo nito tignan.

"Jared..." Tawag niya, alam niya sa sarili niyang gusto na niya umiyak pero hindi niya magawa, ayaw niyang umiyak, dahil hindi siya iyon.

"I'm leaving, take care of yourself, Valentina, don't forget to drink your milk, don't forget to take your vitamins, eat your food every morning, lunch, snacks, and dinner, don't hurt yourself again... Promise me... Don't hurt yourself again, I'm sorry. I'm leaving, It's hurt... Valentina, I love you but, this is one-sided love..."

Umiiyak si Jared bago siya binigyan ng halik sa noo. Napaawang ng bibig ni Valentina.

Sa muling pagkakataon...

Gusto niyang magmakaawa na huwag siya iwan, gusto niyang magmakaawa kay Jared. Noon, pagod na pagod na siya magmakaawa sa mga tao sawang-sawa na siya magmakaawa pero, dahil kay Jared... Gusto niya muling magmakaawa.

Tuluyan na lumabas si Jared ng apartment, dali-dali naman siyang lumabas para habulin ito pero huli na ang lahat, nakasakay na ito sa sasakyan.

Doon niya na hindi napigilan ang sariling hindi maiyak.

"Bakit? Bakit ka naman ganito? Kung kailan sanay na ako nandiyan ka lagi, kung kailan handa na ako magtiwala sa 'yo... Handa na akong... Maging maayos... Ba't mo ako iiwan?" Umiiyak niyang sabi sa sarili habang tinitignan ang sasakyan palayo, unti-unti siyang napaupo sa harap ng apartment niya habang tanaw-tanaw pa rin ang sasakyan na unting-unti na nawawala.

Iyak lang siya nang iyak, hindi niya na kaya pa itago ang nararandaman, pagod na siyang lokohin ang sarili niya, pagod na siyang pagtabuyan ang mga taong handang tulungan siya.

Kung kailan nagiging masaya na siya kasama si Jared saka pa siya iniwan nito. Hindi rin naman niya masisi si Jared dahil siya mismo na ang may kasalanan.

Siya na rin naman ang gumagawa ng dahilan ba't siya iniiwan. Hindi niya lang talaga kayang tanggapin na iniwan na siya ni Jared. Si Jared nandyan lagi sa kaniya, Jared na iniintindi siya, si Jared na pinapahalagahan siya.

Si Jared na pinarandam sa kaniya iyong mga hindi niya naramdaman sa sariling pamilya niya, si Jared na sobrang habang ng pasensya sa kaniya.

Dahan-dahan siya nag-angat nang tingin, malabo na ang mata niya dahil sa kakaiyak.

Pilit niya inaaninag ang limawanag na palapit nang palapit sa kaniya, dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo at inalis ang luha sa mata niya.

"Jared..." Tawag niya nang bumaba ito sa sasakyan at tatakbong lumapit sa kaniya.

"Why are you crying?" Tanong nito sa kaniya, gusto niyang sisihin ang sarili dahil kung maaga pa lang ay nilinaw na niya kay Jared ang nararamdaman niya ay hindi ito mag-iisip na one-sided love lang ang nagaganap sa pagitan nila.

Hindi siya nagsalita bagkus mabilis siyang yumakap dito, naramdaman niyang nagulat si Jared sa ginawa niya pero kahulihan ay niyakap din siya nito.

"What's wrong?"

"Sorry... Huwag kana umalis, dito ka nalang... Makikinig na ako, hindi na ako magsisigarilyo, hindi na ako maglalasing, hindi ko na sasaktan sarili ko, kakain na ako ng gulay, iinom na ako ng maraming tubig, hindi ko na itatapon vitamins ko, dito ka nalang... Jared, mahal kita please... Huwag mo ako iiwan, dito ka nalang..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top